Chapter 34 - His Inside Writer Self

1807 Words
Vince’s Point of View -August 9, 2024- Napatayo ako sa aking pagkakahiga nang magising ako sa masamang panaginip na aking naranasan. Akala ko talaga mamamatay na ako nung pagkakataon na yun. Habol habol ako ngayon sa aking hininga dahil sobrang natakot ako nung pagkakataon na nahuhulog na ako sa kawalan. Sobrang natakot talaga ako kaya habol hininga talaga ako. Tumingin ako kina Elle. Nakatingin sila sa akin na may pag aalala sa kanilang mga mata. Medyo hindi ko nakuha kung bakit ganun ang tingin nila sa akin, pero nung ginalaw ko ang aking katawan. Gumapang ang sakit sa buong katawan ko. “Aray,” wika ko at kaagad ko namang nakita si Elle na tumayo papunta sa akin. “Huwag ka munang gumalaw,” bulong niya sa akin at inalalayan niya ang aking likod at muli akong inihiga. At dahil siya ang aking napaniginipan ay sobrang nailang ako nang magkaharap ang aming mga mukha. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganun ang aking nararamdaman. Sobrang naiilang ako pag nakikita ko ang kaniyang mga mata. Matapos ang nangyari sa panaginip ko. Iniwas ako ang aking paningin sa kaniya dahil sobrang nahihiya ako tumingin sa kaniya. Feeling ko... Namumula ang aking mukha at ayaw kong tumingin sa kaniya dahil ba mahalata niya. Ano ba ang aking sinasabi? Matagal niya nang nahahalata siguro. Sa inaakto kong ganito? Sino pa ba ang aking niloloko? “Salamat,” bulong ko matapos niya akong maihiga sa kama. Hindi ako kumportable. Nung magkadikit ang aming balat. Sobrang hindi ako naging kumportable roon. Ahm gusto ko, pero hindi ako kumportable sa pakiramdam na nararamdaman ko ngayon. Humiga, at iniiwas ko ang aking paningin sa kanila dahil nag iinit ang aking pisngi at ayaw kong makita niya iyon dahil sobra sobra na ang kahihiyan na aking nararamdaman. Ayaw ko ng palalain. “Isang araw kang hindi gumising?” wika niya at nanlaki naman ang aking mata. “Ahh,” ayun lang ang aking nasabi. Walang kagana gana sa aking boses. Pero okay lang siguro sa kaniya yon. “Gusto mo ba mapag isa?” tanong niya sa akin at ramdam ko yung lungkot sa kaniyang boses. Nakaramdam naman ako nang pagkalungkot, dahil parang naguilt trip niya ako in a way. Pero ako lang ang nag iisip nun kasi gusto kong guiltyhin ang aking sarili. “Sige lang,” wika ko at pinagsisihan ko bigla ang aking sinabi sa kaniya. Narinig ko naman na tumayo na siya at rinig ko ang papalayo na yabag ng kaniyang mga pa. Mukhang isinama niya na rin ang bata. Nang marinig ko ang pag sara ng pinto, ay kaagad akong napalingon doon. At nakita ko na wala na talaga sila. Nakahinga naman ako ng maluwag at nakakagalaw na rin ako ng maayos. Ayaw ko naman na isipin niya ang aking inaakto ngayon ay nagkakahulugan ng ibang kahulugan. Maraming paraan para ihandle ko ang sitwasyon na iyon. Hinding hindi talaga ako makapaniwala. Maniwala man kayo sa hindi, ay talagang pinagsisisihan ko yung sinabi ko na gusto kong mapag isa. Tanga tanga mo talaga Vince. Gustong gusto mo na nga ang nangyayari. Bakit ipagtatabuyan mo pa? Hindi ako mapakali sa aking sariling ginawa. Gusto kong bawiin ang aking mga sinabi sa kaniya sabihin ko na misunderstanding lang lahat yon. Kaso magmumukha na akong tanga nun. Siguro ay kailangan ko nnga muna talaga ng space para ako ay makapag isip isip. Hindi naman talaga kasi pwede na magiging ganito na lang ako. Magulo ang isipan. Ahh! Masakit na nga katawan ko sumasakit pa ang aking ulo. Bigla kong naigalaw ang aking katawan at kaagad naman akong napaaray. Ahh hindi ko inakala na ganito pala magiging kalala ang consequence ko sa pag absorb ng elements na iyon at since nag hiwa hiwalay ang bawat particles ng aking katawan na para ba talagang isang buhangin. Sobrang nagulat din ako run. Hindi ko inakala pero I hope na wag na sanang umabot sa ganung scenario, kung saan hindi ko na talaga kayang maigalaw ang aking katawang dahil sa napakalaki ang halaga na dapat kong mabayaran sa pagposssess sa kapangyarihan na iyon. Kailangan ko makahanap ng posisyon sa aking pagkakahiga kung saan hanggang mamaya ay kumportable na ako. Dahil ayaw ko naman na galaw ako ng galaw mamaya dahil sobrang sakit na nga ng nararamdaman ko dadagdagan ko pa. Ahh this is the worst day of my life. Kung alam ko lang talaga na kaya yun gawin ng aking gagawin... Kinuha ko ang isang papel. Kung saan ko naisulat ang isang plot kung saan gusto niya, ang tungkol sa mga dragon kaya binuksan ko ito at sinimulan kong basahin. Kulot, kulot na ang papel. Kasalanan naman ito nung infected na iyon. Ahh, basta kailangan ko magpalipas ng oras ngayon. Gusto ko malimutan yung nangyari kanina. ‘This is a story revolving around a boy named Atlas, who doesn’t know the purpose of his life. In this world where dragons are treated as a sport by the ancient civilization of Ezekians from Ormr the land of the dragons.’ Ay wow, english, gusto kong matawa dahil ganito ko sinimulan ang aking plot point. Natatandaan ko nung kinekwento niya sa akin na mahilig siya sa fantasies. Yung mga pelikula na pinanood niya, at kinwento sa akin. Sobrang fan daw siya ng mga wizards and mystical creatures. Kaya napag desisyunan ko na gumawa ng sarili ko. Mahirap dahil sobrang cliche nung plot para sa akin pero, ano pa ba ang aking magagawa. Ako na lang yata siguro ang gagawa ng mga akda sa mundong ito para sa taong nagugustuhan ko. ‘The story begins when Atlas was beaten by some bullies in their town and was thrown deep in the forest. In such a young age he was orphaned and his family was killed during their raids on a dragon cave. He has no resentments towards the dragon as he blames the humans for disturbing their homes. Sadly, his parents are one of those people who are against of capturing the dragons and he believed that their raid mates were the ones who killed his parents. That day they are about to raid a cave of an endangered dragon species and they tagged along to prevent them from capturing or killing them. He succumbed in agony, but there are good hearted people that helped him along the way of recovery from his parents’ death. Abusive people preyed on him, taking advantage of his current situation. By the time he regained his consciousness, he was greeted by an injured dragon besides him. It was weakened and one of its feet has been stabbed by a spear and has bruises all over its body. Atlas had never seen this kind of dragon before; he was very knowledgeable about them because his parents are studying about them. But this one, this one is a rare sight, a dragon that is never seen before. Over time he befriended this dragon and named him Cronos. A dragon deity of time itself. After befriending him, he soon asked Cronos if they would participate in a dragon battle royale. Cronos did not hesitate to accept his offer and if they win it. Atlas will change the ways of the country. He burdened himself with his parents’ will and will carry these on until the ends of the world. Carrying these burdens with Cronos, the day of the battle will soon finally come.’ Ano ba naman yan. Gusto ko tumawa ng pagkalakas lakas ngayon dahil diyan. Sino ba naman ang magsisimula ng plot, sa “The Story Begins”, geez. Siyempre ako. Iningles ko na rin ang plot ko para masanay ako. Mas gusto niya raw bumasa ng mga nobela na nakalathala sa wikang ingles. Ayaw ko na lang talaga isipin kung ano ang magiging reaksyon niya sa mga magiging akda ko. Nawa, magustuhan niya. Huwag lang tawanan. Itinuloy ko ang aking pagbasa. ‘The day finally came, its forthwith made the contestant tremble with excitement, fear, and hope. They have their own reasons on participating on these matches. For the first round they have to participate on a team battle where the participants will be grouped by twos. Each of the team must win at least one battle out of their 3 chances. Atlas and Cronos were partnered with a bad tempered man, Troy and Thor. They lost their 1st and 2nd battle because they lack teamwork. On their 3rd and final battle, Atlas somehow convinced the man to work with him and fulfill their ambitions. Upon barely passing the first round, Cronos and Atlas is yet to face another challenge. A strategic battle where they will capture the most baby dragons scattered in the stadium with a twist that shocked the participants. Atlas and Cronos managed to enter the top 20 contenders for the last round. The day of the final round soon came, Atlas and Cronos readies themselves for the upcoming battle. The battle royale where everyone is the enemy; the battle is set into an isolated island where wild dragons inhabit the areas. The one who will be the last standing in a span of 7 days will be the new king of Ormr. The battle was fierce and Atlas and Cronos are yet to face stronger enemies. They first encountered, Troy and Thor where they decided to aid each other for the first five days and will battle on the 7th day. They faced fierce enemies and soon they encountered a prophet named Isaac, which lives on the island for over decades. He told him that Cronos is the legendary dragon of time which he didn’t know and soon a storm will come to devastate this island. The 5th day of the tournament soon finally came and the two allies will soon be fighting each other. They separate their way and continue the path they chose to follow. Soon a fierce battle with Andre and his Fire Dragon, Ignis. The battle shook the entire island and in the brink of Atlas and Cronos’ defeat, the dragon awakened his ability and they won the battle. On the last day of the tournament where there are only 5 participants left. They soon agreed to meet in one place and before the battle start, Dauðr the void dragon appeared attempting to kill Cronos his nemesis.’ Hindi ko na itatanggi may nakita ako mga namispell o talagang wrong grammar lang talaga. Tournament, tapos mga dragon, tapos may tamer... isang pelikula na napanood ko kaso pambata yun e. Ginawa ko lang reference yon. Iniayos ko ang papel at tutul- *BOOM!* Bago ko pa man maitutok ang aking mga mata sa papel ay nakarinig ako ng pagsabog at ramdam ko pa ang pag dagundong sa lupa. PUSA! ARAY! Naigalaw ko ang aking katawang. Gusto kong tumayo pero para na rin akong lumpo sa sitwasyon ko ngayon. Depotcha! Anong nangyayari? -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD