Chapter 7.2 - Pagdududa

1763 Words
Vince's Point of View "Grace dito tayo dumaan," itinuro ko sa kaniya ang isang korner nang makakita ako ng mga taong naglalakad na wala sa sarili. Instinct muna ang aking pagkakatiwalaan ngayon at iiwas muna kami dahil hindi pa namin alam o naiintindihan ang mga pangyayari. Nagpatuloy kami sa paglakad at nakakita kami ng isang elevator. Pinuntahan namin iyon at umaasang gumagana pa ito.  "Kuya ikaw na hindi ako maalam diyan," bumitaw ako sa kaniya at ginamit ang isa kong kamay para isandal sa pader at hindi ako matumba. Pinuntahan ko ang mga button at pinindot ang button na may number three. Naghintay ako ng ilang sandali at kumunot ang aking noo ng wala man lang nangyari. Pinindot ko ito ulit at wala pa ring nangyayari kaya tinadtad kong pindutin ang button hanggang sa sumuko na ako. "Ano ba naman yan!" "Kuya maghagdan nalang tayo," lumapit sa akin si Grace at binigyan ko ito ng isang nagmamakaawang tingin dahil mahihirapan siya sa akin. Tiningnan niya ako pabalik at nakita ko ang tapang ng isang babae doon. Wala na akong magagawa kundi sumunod nalang sa kaniya. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa hagdanan ay nakarinig nanaman ako ng putok ng baril. Hindi ko alam kung ano dapat ang aking maramdaman sa sitwasyon na ito, kung kakabahan ba o matutuwa ako. Narinig ko naman ang mga yabag ng pagtakbo sa aming likuran at hindi ko na ito inintindi dahil alam kong sa bintana tatalon ang mga ito. Sumilip ako sa bintana at nakita ang madilim na kalangitan, bandang ala-siyete na siguro ng gabi. Buti nalang at buhay ang mga ilaw sa hospital at hindi pa napuputulan ng kuryente. Kung hindi ay mahihirapan kami lakbayin ang magulong hospital na ito.  "3rd floor lang naman tayo diba?" pag-aagaw ni Grace sa aking atensyon at tumango naman ako sa kaniya. Nagsimula kaming humakbang pababa sa hagdanan at nakakita pa ng mga bangkay na nakahandusay. Ako na ang naglakas loob na tabigin ito para mailayo sa amin. Mga ilang sandali pa ay nakarating din kami sa ikalawang palapag ng hospital at maraming tao na wala sa sarili ang naroon kaya pinigilan ko si Grace na gumawa pa ng hakbang at gumawa ng ingay.  "Zombies," bulong ni Grace sa akin. "Ha?" "Yung nasa pelikula kuya parang sila yun," may punto siya. Naramdaman ko naman ang panginginig ng kamay niya dahil sa takot. Naalala ko ang mga kinikilos nila kanina na naattract sila sa ingay. Dinampot ko ang nakita kong kutsara sa sahig at ibinato ito sa sulok na hindi namin dadaanan. Sinigurado kong gagawa ito ng ingay na siyang kukuha sa kanilang atensyon. Agad na nilingon ng mga ito ang pinanggalingan ng ingay at agad naman kaming nagtago ni Grace sa llkod ng dinaanan naming hagdanan para hindi nila kami mapansin. Hinintay ko munang kumalma ang paligid bago ko sinenyasan si Grace na dapat na kaming kumilos. Agad-agad niya naman akong inalalayan at kahit paika-ika ako ay sinigurado ko na hindi ko mahahadlangan ang aking kapatid sa bilis ng kaniyang kilos. Nilingon ko ang mga tao... este zombies na nagkakagulo sa kutsara.  Halos tumilapon ako ng biglang huminto si Grace sa kaniyang paglakad.  "Bakit?" nakita ko si Grace na lumuluha at nakatulala sa kaniyang tinitingnan. Tiningnan ko ito at tuluyan akong natumba sa aking nakita. "Pa-papa?" yan lang ang tanging salita na aking nasambit nang makita ko si papa na isa na ring zombie. Paika-ika rin ito sa kaniyang paglakad at nangingisay ang kaniyang katawan. "A- anak... Pr-pRotEktah-anN..." Napatakip ako sa aking bibig at tuluyan nang lumuha nang marinig ko sa kaniya ang mga salitang iyon. PAPA! Hanggang sa mga huling sandali niya ay kami pa rin ang kaniyang inintindi. Poprotektahan ko si Grace kahit anong mangyari. Pangako ko po sa inyo yan ni mama.  Tiningnan ko uli si Grace na may parehong reaksyon katulad ko at sa gulat ko ay tumakbo ito papalapit kay papa. Sinubukan ko siyang abutin ngunit masyado pa akong mahina para abutan siya. Nabigla ang walang malay na zombified kong papa at hinawakan niya si Grace at akma niya itong kakagatin. Dun lamang ako nanumbalik sa aking sarili na hindi na si papa ang aming kaharap ngayon. Nakakita ako ng isang dextrose stand at dali-dali akong gumapang doon para makatayo. Agad akong tumakbo papunta kay Grace at inihampas ang dextrose stand kay papa. Gumawa ito ng isang napakalakas na ingay at narinig ko ang mga yabag papunta sa amin.  "GRACE! TUMAKBO KA NA!" niyugyog ko ang aking kapatid na wala sa sarili. Napakurap naman ito at muling tiningnan ang walang malay na katawan ni papa. "BILISAN MO NA! ILIGTAS MO NA LANG ANG IYONG SARILI!" taranta na ako at hindi ko na alam ang aking gagawin.  "Paano ka kuya?" humikbi nanaman ito. Wala ng silbi ang kuya mo at ito na lang ang magagawa ko. "Susunod ako sa iyo, mauuna ka lang," pagsisinungaling ko sa kaniya. "Dito ka dumaan at ako na bahala sa kanila," tinuro ko ang daan patungo sa 1st floor na kaniyang tutunguhin. "Sa labas na tayo magkikita." "Promise?" "Promise." Itinulak ko siya papunta sa dapat niyang papuntahan at pumunta naman ako sa kabilang banda.  "HOY! DITO KAYO MGA KUMAG!" sumigaw ako galing sa kalalim-laliman ng aking tiyan para masigurado na lahat sila ay mapunta sa akin ang atensyon. Nang makita ko na sila na papunta sa akin ay itinayo ko ang natumbang dextrose stand at ginawa ko itong gabay sa hallway ng hospital. Nakita ko naman ang isang bukas na kwarto at dali-dali akong pumasok dito at agad na isinara ang pinto. Narinig ko ang kalampag nila sa pinto at gamit ang natitira kong lakas ay pinigilan ko ito para hindi nila mabuksan ang pinto. Hanggang sa unti-unti na akong nanghina at nawawalan na rin ako ng pag-asa para mabuhay. Umupo nalang ako sa isang sulok at hinintay ang pagbukas ng pinto at ang pagdagsa ng mga zombie sa kwartong ito para lapain ako.  "HOYYYYYYYYYY! DITO!"  Grace? Tumigil ang kalampag ng pinto at narinig ko papalayo na ang mga yabag sa akin. Dali-dali akong gumapang sa pintuan para habulin sila. Sa kasamaang palad ay na-stuck ang pintuan at hindi ko ito mabuksan. ....... -July 19, 2024- "GRACE!" napatayo ako at napansin ko na nasa kama ako kung saan ako inalagaan ni Elle. Isang masamang panaginip. "Grace..." bulong ko sa aking sarili. Napahilamos ako sa aking mukha dahil kinakain nanaman ako ng aking konsensiya. Binangungot nanaman ako ng aking kahinaan... nang aking kawalang kwenta.  Mama, Papa, at Grace... dahil sa inyo kaya ako ay nagpapatuloy na mabuhay. Para sa inyo, lalaban ako at hahanapin ko ang katotohanan sa likod ng mga kaguluhan na ito. Umupo ako sa aking kama at isinandal ang aking likod sa pader. Inilibot ko naman ang aking paningin sa buong kwarto at napansin ko naman ang isang digital clock na gumagana pa. Alas kwatro y medya na ng madaling araw at nasagot naman nun kung bakit hindi na ako inaantok. Buong araw pala akong bagsak. Nasagot nanaman nito ang isa sa mga katanungan ko tungkol sa pagiging Variant ko.  Isa akong Variant, mga indibidwal na infected din ng virus pero sa hindi naming malaman na dahilan ay hindi kami naging walang malay na halimaw. Sa halip ay nagkaroon kami ng mga inhuman abilities at tinawag namin ito ng doctor na "mutation". At kami ay may higit pa sa sampung beses na mas mabilis ang recovery speed kesa sa normal na tao. Siguro ay nakadepende ito sa lalim ng aming natamong sugat ang tagal ng paggaling, dahil dati naman ay mas mabilis ang  paghilom ng aking mga sugat.  Umalis naman ako sa aking pagkakaupo at tumayo upang makaalis sa aking kama. Nagunat-unat ako para tingnan kung may masakit pa sa aking katawan. Wala naman na akong naramdaman na sakit kaya sinubukan kong magpush-ups. Nang makuntento na ako sa dami ng nagawa kong push-ups ay agad akong tumayo tsaka lumabas sa kwarto. Binaybay ko ang daan patungo sa sala. "Maayos naman po ako," agad akong napatigil sa aking paglalakad at agad nagtago. Instinct. Napagdesisyunan kong sumilip kung sino man ang nagsasalita sa labas ng bintana. Si Xandra?! May hawak itong cellphone at nakadikit ito sa kaniyang mga tenga at kinakausap kung sinuman ang tao na nasa kabilang linya. Agad din akong nagtago ng nakita ko siya na palingon sa aking direksyon na para bang naramdaman niya ang aking presensya.  Oo nga pala, tumalas din ang aming mga pakiramdam. Isa nga rin pala siyang Variant katulad ko. Narinig ko ang mga yabag ng kaniyang mga paa na papalapit sa akin, at sa bawat yabag nito ay lalo akong nagpapanic.  Hindi ko na marinig ang mga yabag ng kaniyang paa. Nakahinga naman ako ng maluwag at napagdesisyunan kong sumilip muli. "YODEP*TA!" napasigaw ako sa gulat ng nakita ko ang mukha ni Xandra na nakatingin sa bintana na tila inaabangan ang muli kong pagsilip. "Did I shock you, Vince-kun?" nagpeace sign ito tsaka bumelat sa akin na para bang isa siyang cute anime character. "He-he, gomen," sa tingin ko ay humihingi siya ng paumanhin. *A/N- "The word ごめん (gomen) essentially means "forgive" or "pardon".* "Anong ginagawa mo riyan sa labas? Hindi ko inaakala na maaga ka ring gumising," hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong sa kaniya. Kailangan ko ang buong katotohanan. "Hmmmm," inilagay niya ang kaniyang hintuturo sa baba na para bang nag-iisip pa ito ng dahilan. Ganun ba kahirap sabihin ang totoo? "Kinakausap ko lang ang sarili ko Vince-kun," halata namang may hawak kang cellphone Xandra. Bakit ka nagsinungaling? "Eh... ano kasi." napakamot ako sa aking leeg. "Akala ko may kinakausap ka tapos nung nakita kitang palingon nanghina yung tuhod ko he-he," napilitan na akong magsinungaling. "Hindi pa siguro ako magaling," wala na akong iba pang pagpipilian at kung gusto ko malaman ang katotohanan sa likod ng kaniyang pagkatao. Kailangan ko rin na magpanggap. "Are you going to the dining room?" tumango ako bilang pagsang ayon sa kaniyang tanong. Sumenyas siya na hintayin ko siya at tumakbo ito sa malapit na pintuan.  "Nakita mo ba si Elle?"  "Elle-chan? Nani ka mondaide mo?" napakamot ako sa pagjajapanese niya sa akin. *A/N - Nani ka mondaide mo is the japanese translation for something wrong.* "Ha?" "Gomen, Is something wrong? "Ahhh, wala naman. Wala kasi siya sa kwarto nung paggising ko. Nagbabaka sakali lang kung nakita mo siya," binigyan niya ako ng isang innocent-confused look at may pakurap-kurap pa ng mata. Nginitian ko na lang siya para sabihing "nevermind" at mukhang nakuha niya naman ang ibig sabihin nun. Tumayo siya ng tuwid. To be continued.... Raging Minds
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD