Chapter 8 - Sinners and Variants

2970 Words
"Wanna have a chat with me?" pagmumungkahi niya sa akin. Tumango naman ako. "Hindi ko inakalang Variant ka pala Xandra-chan," pagsisimula ko sa aming pag-uusap habang naglalakad kami papunta sa dining room. "Silly me, gusto ko sana isekreto sa inyo ang tungkol sa pagiging weird ko he-he. But I thought that hiding the truth will complicate things in your group," paliwanag niya. "Tsaka your life is in danger although kayo pa ng doktor ang nagligtas sa akin..." tumigil ito sa paglalakad at napalingon naman ako sa kaniya. "Arigatōgozaimashita," nag bow siya sa aking harapan.  "Hindi mo na kailangan pang mag bow," umayos kaagad siya ng tayo at pinagpag ang kaniyang jeans. "Tsaka huwag mong tatawagin ang sarili mong weird dahil sa may mutation ka, hindi naman natin ito ginusto tsaka nagagamit pa natin ito para mailigtas ang ating mga kaibigan," bigla naman siyang tumungo. Nice Vince! Gaano ka ka-insensitive? "Sorry!" agad akong humingi ng paumanhin. "Don't mind me he-he," malungkot pa rin ang kaniyang mga mata. "Tsaka this is not my group, this is OUR group," napa english ako ng di-oras para maiparating ko sa kaniya ng maayos ang aking mensahe. "Huwag mo ilabas ang iyong sarili sa grupong ito, at kahit san banda mo tingnan... parte ka na ng grupong ito," napangiti siya sa aking mga sinabi at gumanti rin ako ng ngiti as genuinely as I can. "Vince-kun," tumingin ako sa kaniyang maluha-luhang mga mata. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin at ibinaon ang kaniyang mukha sa aking dibdib tsaka siya umiyak. "Thank you very much Vince-kun!" nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak.  "Anong nangyayari, bakit ang ingay nyo?" biglang lumabas si Dan at Allen sa kanilang kwartong tinuluyan. "Hindi ito kagaya ng iniisip niyo..." nagsimula na akong mag panic ng sinamaan ako ng tingin ni Dan. "Anong ginawa mo? Bakit pinaiyak mo si Xandra?" singit ni Allen. "Wala akong ginagawa," pagpapaliwanag ko. "Nag-usap lang kami, yon na yon at wala ng iba pang nangyari," pagdedepensa ko pa sa aking sarili. Binigyan nila ako ng mapanuring tingin. Binigyan ko naman sila ng kinakabahang ngiti.  "Don't worry guys, I was touched with his words," pagtatanggol niya sa akin. Umayos uli siya ng tayo. "Let's go?" inaya niya kami at agad namang natuon ang atensyon ni Allen kay Xandra at tumakbo ito papunta sa kaniyang tabi. Napaatras naman ako dahil hinawakan ni Dan ang aking damit. "May pagka playboy ka rin pala," pang-uuyam niya sa akin. Sasabihin ko ba sa kaniya?  "Mali iniisip mo! Malay ko bang ganun siya kumilos," pagdedepensa ko. Hindi ko na muna siguro sasabihin sa kaniya. Wala muna akong pagsasabihan sa mga nakita at narinig ko kanina at ang paghihinala ko kay Xandra, hanggang sa malaman ko na ang buong katotohanan. "Nakita mo si Elle? Kanina ko pa kasi siya hinahanap," pagbabago ko sa usapan. "Wala siya sa kwarto namin nung paggising ko kanina baka nagpapahangin lang sa labas. Just let her be," may dinukot siya sa kaniyang bulsa at inilabas ang dalawang piraso ng bubble gum. Ibinato niya sa akin ang isa at nasalo ko naman ito. "You're a shocker ha," pagtutukoy niya sa mga nasaksihan kahapon. "Sasabihin din naman namin sa inyo naunahan nga lang ng kalaban." "Marami ka pa bang tinatago sa amin?" ramdam ko ang pamumuo ng kaniyang pagdududa sa akin. Bilis naman ng karma. "Ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat," nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa dining room. "Siya nga pala, kamusta ang doctor?" "Nung iniwan ko siya kanina ay mahimbing naman ang kaniyang tulog," nakita namin sina Allen at Xandra na naghahanap ng makakain sa kusina. "Sa tingin ko ay magiging maayos naman ang kaniyang kalagayan dahil ganiyan kayo," nakahinga naman ako ng maluwag nang malaman ko ang kalagayan ng doktor.  "Guys let's eat! Nakahanap kami ng biscuits and sachets of coffee," naglakad kami ni Dan papunta sa lamesa at kumuha ng tig isang upuan. Para kami nasa isang meeting dahil magkakaharap kami ngayong tatlo nila Allen at Dan habang pinagtitimpla naman kami ni Xandra. Kinuha ni Dan ang pack ng biscuit at binilang ang laman nito.  "18," natapos na niyang bilangin ang laman. "So bale tigtatatlo tayo rito para sa ating almusal." "Heres your coffee mina-san," isa-isang nilapag ni Xandra ang mga baso sa lamesa. Tinitigan lamang ni Allen ang baso at nagpatuloy lang siya sa pagtitig dito. Lumulutang pa ata ang isipan. Inabot naman sa akin ni Dan ang bahagi ko sa nakuha nila Xandra na biscuit. Inabot ko ito at tiningnan ang tatak na "Gretel" sa balot nito at mocha flavor ang palaman. Sakto sa kapeng 3 in 1 na iinumin namin ngayon. Binuksan ko ito at kumuha ng isang piraso saka idinutdot ko sa kape tsaka kumagat. Napapikit naman ako sa sarap ng pakiramdam na inihatid sa akin ng sitwasyon namin ngayon. Para bang walang kaguluhan na nangyari. Sana ganito nalang palagi. "Xandra-chan," pag-puputol ni Dan sa katahimikan. Tiningnan naman namin si Dan na kay Xandra ang tingin. "Pansin ko lang, diba sabi mo na lumaki ka sa Japan. Ang fluent mo magtagalog and you know how to use words like "raw" and "daw". Ang galing lang," mangha niyang paglalahad. "Well its been four years since the outbreak and only these two accompanied me," turo niya kay Allen at nakita ko namang napayukom ang kamay niya na nasa ilalim ng mesa.  "Nung makilala ka namin ganiyan ka narin kagaling magtagalog," nagsalita rin ang nakatulalang si Allen. "Well my okaa-san (Mom) is an english teacher in Japan and she took her free time to teach me Philippine culture and language," ninamnam niya ang matatamis na alaala. "Okaa-san was too eager for me to learn tagalog and when it's just the two of us she prohibited me speaking other languages except tagalog. Kaya maayos akong nakakapagsalita ng tagalog." "Sana lahat," malungkot namang singit ni Allen. "Would you mind sharing your story Allen?" pagkukuha ni Dan sa atensyon ng lalaki tsaka humigop sa kaniyang baso. "Well my mom died when she gave birth to me," malungkot niyang pagkakasabi. Bumagsak ang mga balikat ng dalawang babae. "S-sorry," agad namang humingi ng paumanhin si Dan pati si Xandra ay napayuko. "No, no, no it's okay. Matagal naman nang nangyari yun," nagbigay siya ng isang pilit na ngiti. Hindi na nagsalita si Dan, nagsisi siguro sa kaniyang kadaldalan. "Well my family tortured me both mentally and physically. Itinuturing nila akong malas sa bahay hanggang sa isang araw ay nababad ako sa computer shop at uuwi lang sa bahay para kumupit ng pera. Computer shop ang nagsilbing pangalawang tahanan ko and one day this man took me in. Simula nun ay namuhay ako sa kaniyang apartment na puro computers. Hindi na rin ako umuwi sa bahay and as expected hindi na sila nag-abala pang hanapin ako. This man taught me all things that I know now, kagaya ng paginfiltrate sa mga security systems. This man is an infamous hacker na ininfiltrate ang BioTech Research Center dahil sa demand ng isang client. Kaya narito ako ngayon buhay na buhay kasi maaga pa lang napredict na ni master na mangyayari ito," paglalahad niya sa kaniyang buhay. BioTech? Ito yung pinanggalingan ni doktor ah?  "Ano-ano ang inyong nalaman nung ininfiltrare niyo ang BioTech?" kailangan ko malaman ang lahat. Wala namang nababanggit ang doktor tungkol sa pinagmulan ng virus. Kailangan ko ang buong katotohanan. "All I know is that BioTech developed the virus and our client was called Makarov," nanlaki ang aking mga mata at nagulat naman si Xandra sa kaniyang mga narinig. "Ano ang nalalaman mo sa kaniya?!" hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapasigaw. Lumapit ako kay Allen at hinawakan ang kwelyo ng kaniyang suot. Agad naman akong hinila ni Dan palayo at nanatiling kalma si Allen.  Galit lang ang aking nararamdaman ngayon dahil sila ng kaniyang master ang puno't dulo ng pagkasira ng maraming buhay. Ang pagkamatay ng aking pamilya... "Pinatay nila si master..." "Traydor ka sa lipunan!" "Nang nalaman ni master ang mga nilalaman na impormasyon ng nakuha niya ay agad kaming nagtago sa Zambales. Ayaw niyang ibigay ang mga impormasyong ito kahit sa akin na pinagkakatiwalaan niyang kasama. Alam niyang hindi matutumbasan ng pera ang maidudulot ng mga nalalaman niya kaya sinunog niya ang apartment na tinutuluyan namin at tanging isang flash drive lang na naglalaman ng katotohanan ang iniabot niya sa akin," inilabas niya ang isang itim na pen drive. "So alam mo na ang nilalaman niyan?" singit ni Dan. "Hindi pa, may passcode ang flash drive na ito na pumipigil sa akin para mabuksan ito. Kahit gaano pa ako kagaling mag infiltrate at kahit anong virus pa ang ipasok ko, walang nangyayari. Iniabot niya sa akin ito nang mahanap kami ng tauhan ni Makarov at nakatakas ako dahil isinuko niya na ang kaniyang sarili. Nagtago lang ako ng nagtago iniiwasan na makabangga ang mga tauhan ni Makarov hanggang sa isang araw ay nabalitaan kong natagpuan ang walang buhay na katawan ni master sa tabing ilog ng pasig." Kahit papaano ay napakalma naman ako sa eksplanasyon niya. "Alam kong sinabi ni master ang karamihan sa nalalaman niya para madivert ang atensyon ni Makarov sa akin, pero sa ngayon ang alam ko ay dapat niyo akong pagkatiwalaan at ang bagay na ito ang solusyon sa problema ng mundo ngayon." May hindi sinasabi sa akin ang doktor. Hindi ko na alam sino pagkakatiwalaan ko ngayon. "Tayong apat lang muna ang makakaalam nito ha," utos ko sa kanila at tumango naman sila.  "Lalabas lang ako para magpahangin."   Elle's POV Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata.  "Anong nangyari?" dahan-dahan kong itinayo ang aking sarili at inilibot ang aking paningin. Agad naman nagsitayuan ang aking balahibo nang nakita ko na katabi ko ang bangkay ni... Mori? Ah nevermind. Hawak-hawak ko pa rin si Luna at dinampot ko naman ang isa pang kulay kahel na dagger ni Vince. Sinuri ko ang dagger para malaman kung may pangalan din ang patalim na ito. "Sol" Woah, a tragic couple. Luna is the girl who will lead you to your demise and Sol was knowned as the saviour. I've read it somewhere and as far as I can remember this story belongs to the Australian mythology. Kung saan ginamit lang ni Luna si Sol para mabuhay ang kaniyang mga magulang. Hindi ko na natatandaan ang buong kwento at nacurious naman ako if Vince knew the story behind this two godly being, or isa lang siya sa mga taong naniniwala na napakaromantic ng kwento ng dalawang ito.  Nakakatawa lang isipin, that people want to romanticize things at ipagsawalang bahala na lang ang mapait na katotohanan. I remember the days when people are struggling inside these walls, and the good for nothing authorities did nothing except romanticizing people who are lucky enough to keep going with their everyday lives; those who aren't lucky enough to get their everyday needs are labeled as "reklamador" or "tamad". For pete's sake! Every individual board different boats in life! This shitty authorities are just finding a way to escape their responsibilities and to claim all the money for themselves. Pinagdikit ko ang dalawang patalim at pinagmasdan ang ganda ng kanilang kulay. Ang itim na na hawakan ni Luna, at ang buhay na buhay na kulay kahel ni Sol. Napakagandang tingnan at may malalim na kahulugan din ito sa buhay ni Vince. Utang mo sa'kin to. he-he-he. Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at iniikot ko ang aking paningin sa buong paligid para alamin kung may mga infected ba sa malapit. Nang masigurado kong ligtas na ang paligid, tsaka ko ng sinimulan maglakad pabalik sa mansyon na aming ginawang pansamantalang tirahan.  Napansin kaya nilang nawawala ako? Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakahilata sa tabi ng halimaw na iyon. At lalong-lalo na hindi ko pa rin maipaliwanag hanggang ngayon, kung ano yung nakita ko? Para bang nasa buhay ako ng ibang tao. Weird. Nakita ko si Vince sa labas ng bahay nakaupo sa may gilid ng balkonahe at halatang may gumagambala sa kaniyang isipan. Sadya ko namang binagalan ang aking paglalakad para patuloy ko pa siyang mapagmasdan. Nakatulala lang ito sa lupa at tila'y may ginuguhit ito gamit ang kaniyang mga daliri. Nakaramdam ako ng kaunting tuwa sa aking nakikita dahil nasasaksihan ko ang isang side niya na hindi niya ipinapakita sa harap namin. Dumeretso ako papunta sa kaniya. "Hi?" tawag ko sa kaniya para makuha ang kaniyang atensyon. Nagulat naman ito sa aking presensya at agad itinigil ang kaniyang ginagawa. "Saan ka galing?" tanong niya. "We can discuss about this inside, it's pretty important and I need the doctor with us," nagseryoso ako at tumayo siya. Pumasok kami sa loob at tinipon niya ang lahat sa iisang lugar. Tumayo ako nang makapwesto na sila at natuon sa akin ang kanilang atensyon. "I had a very weird dream," panimula ko. "Earlier I took a walk and stumbled upon the corpse of this mutated infected that chased us," kinuha ko ang dalawang patalim ni Vince na si Sol at Luna sa aking likod, at nakuha ko naman ang atensyon ni Vince. Ibinato ko ito sa kaniya at kaniya naman itong nasalo. "Somehow I accidentally touched its body and for a weird reason I passed out. I saw a dream or should I call it a vision? I believe that his past memories flashed before me and how he turned into an infected," ngayon ay nakatutok na sa akin ang kanilang mga atensyon. "Doc, Vince... care to explain about what happened earlier," tumayo si Doc. "Sorry guys kung tinago namin sa inyo ang tungkol sa bagay na ito," humingi siya ng paumanhin sa amin. "We are infected with the virus," napaatras kaming lahat at nanlaki naman ang mata ng iba. "Huwag kayo matakot... sa hindi ko malamang dahilan ay hindi kami naging walang malay na mga halimaw na kadalasan niyong nakikita at nung pinag aralan ko ito I saw that walang pinagkaiba ang pag-manifest nito sa katawan namin. Ito pa ang nakakagulat, nakaabot din sa utak namin ang virus and it's also infected kaya wala na akong iba pang maisip na dahilan kung bakit ganito pa rin kami na nakakapagisip ng ayos," paliwanag niya. "Nakakagulat din na nagkaroon kami ng kakaibang kakayahan, hindi tulad ng mga pangkaraniwang tao. Tinawag namin itong mutation, at variants naman ang tawag namin sa aming mga sarili na may mutation," tumingin siya kina Vince at Xandra. "As of me, I call my mutation elasticity and as you can see I can stretch every part of my body," matapos niyang maipaliwanag ang supernatural phenomena na aming nasaksihan, ay kaniya namang ininat ang pisngi hanggang sa humaba ito ng humaba. Kahit nakita ko na ito ay hindi ko pa ring mapigilan na mapanganga. "But, every mutation ay may kaakibat na weakness. Katulad ko mas  mabilis akong mapagod dahil mas malakas kumain ng enerhiya at every time I stretched ay napakavulnerable ko sa attacks which is syempre I trained to cover up my weaknesses. Also thing are not simple at the start dahil ang hirap gumalaw when every part of my body stretched every time and also requires some training. Hindi tulad ng mga napapanood niyo sa movies na agad natutunan ang powers ng bida at meron pa akong weaknesses na hindi ko na babanggitin sa inyo," napatakip sa bibig niya si Xandra. "You're like luffy!" ramdam ko ang excitement sa boses ni Xandra. "You should learn your moves from that guy, I think you can make him your reference when you train." "I call my mutation mimic, nakita niyo naman kanina na nagagawa ko ang mga nagagawa ni Doc," naglabas ito ng isang kapsula at kaniya itong ininom. Ginawa niya rin ang ginawa ng doktor na pag-inat sa pisngi kanina.  "If I take that same capsule can I obtain the same power," tanong ni Allen.  "No," maikling tugon nito.  "Sa kaso ko naman yung mutation ko ay kayang imanifest ang foreign objects sa katawan ko like the cells of other variants and sometimes yung mga kinakain ko, at ang laman ng kapsula na yun ay ang dugo ng doktor," paliwanag nito at nandiri naman kaming mga babae. "May time limit ito at depende ito sa amount na na-intake ko at every time na nagwewear-off ito ay nanghihina ang aking katawan dahil hindi pa sanay ang aking katawan," tumingin ito kay Xandra. "Kung mapagkakatiwalaan ka namin ay hindi ka naman magrereklamo na magbigay ng iyong dugo," YUCK! Vince, are you seriously asking that to a girl? "NO WAY!" tumanggi si Xandra at niyakap pa ang sarili nito. Naningkit naman ang mata ni Vince at kinurot ko ito kaya napaupo na lang siya. It's Xandra's turn, tumayo ito at nahihiya pa rin dahil sa sinabi nitong mokong.  "Mine was called strong legs, as you can see that my legs have extraordinary strengths and this can cause exhaustion to me too and my other body part can't take the strength of my legs. I can go very fast and kick very hard. Also... jump very high... this is also the first time I've shown this ability to othe-," agad itong umupo at tinakpan ang mukhang. Nagpahid ito ng mga mata "Sa tagal nating magkakasama, bakit ngayon mo lang pinakita sa amin ang abilidad mo Xandra?" tanong ni Allen na naluluha ang mga mata. Kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot at galit. "You could save Fred back then! But why?" sa pagkakataong ito ay umiyak na siya.  "S-sorry," tangi lamang nabanggit ni Xandra at niyakap ito ni Dan. Napahikbi rin ito. "Back then I was too concious and maybe you'll see me as a monster, but when I saw this two fighting for their lives and knowing that I am not alone lit the fire in my heart that maybe this time I could protect those who are dear to me," dagdag pa niya. To be continued...                                       -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD