Chapter 35 - Mysterious Man

1773 Words
Elle’s Point of View -Earlier that moment before the explosion- Lumabas kami sa bahay dahil yun yung gusto ni Vince kaya wala naman na kaming magagawa. Nagulat na lang din ako bakit ganun yung inakto niya nung gumising siya. It’s like that he is avoiding my gaze as I look at him. It’s very strange. Galit ba siya sa akin? Dahil ba yun sa pinalala ko lang ang sitwasyon? SIguro nga ay kasalanan ko nga ang lahat. Karga karga ko si Cass sa aking mga kamay. Nararamdaman ko ang panginginig niya. Natatakot ba siya or what? Well, she has the right to be... Ngayon ngayon niya lang narealize ang mga nangyari sa kaniya. Gusto ko hawakan ang noo niya at alamin kung ano ang kaniyang pinagdadaanan, pero natatakot ako. Hindi ko alam paano magreact ang mga taong katulad ni Cass. Yung mga may isip pa, sa pagpasok ko sa kanilang memorya. So far, I only infiltrated the minds of the dead, and saw many tragic memories inside their heads. Kahit ganito na ako katanda... natatakot pa rin ako sa kalupitan ng mundo. Parang may nagsasabi sa kaloob looban ko na gusto ko siyang isalba. Umayaw man siya o sa hindi, isasama ko siya kahit saan ako magpunta ay hindi ako papayag na hindi ko siya sa kasama. Ito na lang ang paraan na aking naiisip para masigurado ko sa aking sarili na hindi niya na mararanasan ang mga napagdaanan niya kagabi. Sinilip ko siya at sobrang himbing naman ng kaniyang pagtulog. Natuwa naman ako at hinayaan na humiga sa aking balikat. Ang cute niya grabe. Pero, kung nakita ko siya kagabi, parang hindi sa isang bata ang mga tingin na iyon. Ramdam ko ang galit at poot. Para bang gusto niyang maghigante sa mga nagkasala sa kaniya. Kung hindi lang talaga nagsungit kanina si Vince, ayos na ang aking araw. Niregla yata ang loko... Pinigilan ko naman na matawa sa sarili kong iniisip. Dahil sa natutulog siya ngayon at ayaw ko naman ang cute na batang ito, baka mamaya ay biglang umiyak. Edi konsensya ko pa. Nagpatuloy lang ako sa paglaka- *BOOM!* Third Person’s Point of View -Same Time- Tumilapon si Elle at ang kaniyang karga karga na bata na ang ngalan ay Cassandra. Naramdaman nalang nila ang sakit at mabilis namang nakapag isip si Elle para protektahan ang bata sa kanilang pagbagsak. Iniyakap niya ang kaniyang mga kamay kay Cass para maiwasan niyang masaktan ang bata. Nagising si Cassandra, dahil sa mga nangyari dahil sa nagpagulong gulong sila sa lupa. “Ouch,” wika niya gamit ang kaniyang maliit na boses at iminulat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niya ang desperadong mukha ni Elle, na iniiwasan na siya ay masaktan sa mga nangyayari. “Okay ka lang?” tanong ni Elle kay Cassandra. Ramdam nila ang mga pagdabog ng lupa. Para bang lumilindol nang mahina. Ngunit kaagad din itong tumigil... Alam ni Elle, na may ilan pang pagsabog na nangyari sa may kalayuan at hindi siya sigurado sa mga nangyayari. Nagulat lang din sila, basta ang alam niya lang ay protektahan ang batang pinoprotektahan niya. “O- opo,” magalang na wika ni Cassandra. “Buti naman,” bulong niya at mabilis naman siyang lumingon, at nakita niya ang apoy na lumiliyab sa kahot na nagsisilbing pader sa komunidad. Nakita niya ang ilan tumatakbo. Ang iba umiiyak, at ang iba naman ay tuliro kung paano ililigtas ang kanilang mga sarili. Tumatakbo sila nang mabilis upang matakasan ang delubyo na nangyayari sa pagkakataong ito. Nang makita naman ni Elle na wala nang mga pagsabog na nangyayari. Kaagad siyang tumayo, at hinawakan niya ang kamay ni Cass at kaagad silang tumakbo palayo sa mga pader dahil malapit lang sila dito. “Sunod ka lang sa akin baby Cass,” wika niya sa batang hindi alam ang mga nangyayari. Tumango sa kaniya ang bata. Pumasok sa kaniyang isipan si Vince, alam niyang hindi ito nakakagalaw kaya doon sila unang tumakbo para puntahan ang kaniyang kaibigan na hindi makagalaw. “Aghh!” reklamo niya sa kaniyang sarili dahil umalis siya run in the first place. “If only I know,” asar na pagkakasabi niya sa kaniyang sarili. Hindi niya makita ang doktor na humiwalay naman sa kanila kaagad ng sila ay makalabas. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niya ang bahay na kanilang pinag iwanan kay Vince ay nasa maayos na kalagayan pa rin. Bahagya niyang binitawan ang kamay ni Cass, kaagad naman siyang lumingon kay Cass, at iniluhod niya ang isa niyang tuhod. Para mapantayan ang kaniyang tangkad, at tiningnan naman ni Elle ang mata ng mga bata. “Cass,” tawag niya sa bata. “What is it po iyon ate?” tanong ni Cass at inosente naman siyang tumingin sa mata ni Elle. “Dito ka lang,” pakiusap niya sa bata. Tumingin ang bata sa kaniya, at tumango lamang ito. “Okay po ate,” at hindi man lang nakaramdam ng sense of urgency. Agad namang napatayo si Elle, nang makuha niyang ang tango ng bata. “Vince please be safe,” bulong niya sa kaniyang sarili. Nang marating niya ang pinto ay sakto namang bumukas at ito lumabas ang doktor kasama si Vince na nalulumpo sa paglakad. Kaagad naman siyang tumakbo papunta sa kaniyang kaibigan. Nang pabalik naman sila, kung saan niya iniwan si Cass, nanlaki naman ang mga mata ni Elle nang makita niya na wala na ang bata sa kinatatayuan nito. “CASSANDRA!?” sigaw ni Elle. “WHERE ARE YOU?!” sigaw niya ulit at napabitaw naman siya sa pagkakahawak sa kaniyang kaibigan na si Vince. “OH GOD WHERE IS SHE!?” “Bakit anong nangyari?” tanong naman ng doktor sa kaniya. “CASSANDRA IS MISSING!” she shouted frantically as she looks around her. To see only people running around frantically. The don’t know what is happening, as the people around them is nothing there but fear in their faces. Hindi siya mapakali habang hindi niya nakikita yung bata. Kaya patuloy siya sa pagtakbo habang siya ay patuloy. There are so many people frantic about the situation right now, and they won’t stop until they get out there alive. Si Elle at ang doktor naman ay natulala na lamang. Ngayon lang sila nakakita ng ganitong sitwasyon kung saan ang mga tao na kahapon lamang nakita nila na nakangiti pa ay punong puno na ng pagkatakot sa kanilang mga mata. Ang apoy na kumakain sa mga kahoy na gawa sa kahoy ay patuloy na kumakalat. “Nasundan agad tayo ni Makarov?” tanong ni Vince sa doktor at ramdam na ramdam niya ang pagkahina sa kaniyang boses. “Hindi ako sigurado, pero tama na si Makarov nga ang may pakana nito,” sagot naman ng doktor at wala siyang tigil sa paglinga ng kaniyang ulo. Hinahanap niya ang kaniyang kapatid. Pero sa isip niya ay kailangan muna niya na mapagtuunan ng pansin ang kasama niyang hindi makagalaw. Halata naman sa mukha ni Vince ang sakit sa kaniyang mukha. Kahit kaunting galaw, ay ramdam niya ang paggapang ng sakit sa buong katawan. Ang tanging nagawa niya na lamang ay maipikit ang kaniyang mga mata ng sobrang diin para mainda lamang ang sakit na kaniyang nadarama. Nagsimula silang gumalaw palayo sa gulo ngunit si Elle ay nagawang lumingon muli sa pinangyarihan ng pagsabog. Umaasa na makikita niya ang bata. Ngunit hindi siya nabigo, nang makita niya ang isang lalaki hawak hawak ang batang babae na pinaghihinalaan niyang si Cassandara. “Cass?!” tawag niya rito. Nakita niya na sinubokan ng batang babae na lumingon kay Elle, dito niya napagtanto na may gustong kumuha kay Elle, dahil ang lalaki ay pinwersa siyang hilahin para deretso lamang ang tingin nito. Hindi na nagdalawang isip si Elle, at kaagad naman siyang tumakbo papunta sa lalaking hawak hawak si Cassandra. “Hoy saan ka pupunta?” tanong naman ng doktor sa kaniya nang mapansin niya ang kaniyang ginawa, ngunit hindi sumagot si Elle at nagpatuloy lamang siya sa pagtakbo. Nakatuon lamang ang kaniyang paningin sa batang babae at sa lalaki. Nakaramdam naman ang misteryosong lalaki na parang may sumusunod sa kanila kaya napalingon siya kung saan nanggagaling si Elle. Nakita ni Elle na nakasuot ng face mask na itim ang buhok nito ay buhaghag at ang pinaka natatandaan niya sa itsura nito ay ang mapupula nitong mga mata. Nanlisik ang mga mata ng lalaki papunta kay Elle, kaya nanlisik ang mga mata nito at tumakbo ito, pwersahang hinila si Cassandra para lamang makalayo sa babaeng humahabol sa kanila. Nasaktan naman si Cassandra sa kaniyang nagawa. “HOY TIGIL!” sigaw naman ni Elle nang mapansin niyang nasasaktan na ang bata sa ginagawa ng misteryosong lalaki. Nakarinig lamang si Elle ng kakaibang pagtawa. Sinugod naman ng misterysong lalaki ang nagliliyab na apoy at tumalon dito kasama ang batang babae. Napatigil doon si Elle dahil nasindak siya sa apoy. Ngunit kailangan niyang iligtas ang batang babae na ipinangako niya sa kaniyang sarili na poprotektahan niya, kaya humigop siya ng hangin at agaran itong binuga. Umatras siya ng kaunti at doon ay sinugod niya ng nagbabagang apoy. Tumalon siya at ipinikit ng mahigpit ang kaniyang mga mata. Naramdaman niya ang init ng apoy at ang sakit ng pagkapaso ngunit ininda niya ito hanggang sa maramdaman ng kaniyang mga paa ang lupa. Hindi niya napigilan ang bilis ng kaniyang pagbagsak kaya bumigay ang kaniyang paa at natapilok, Nagpagulong gulong si Elle sa lupa, at ginawa niya ang buong makakaya niya para mapigilan ang kaniyang paggulong. Napigilan niya ang kaniyang sarili at kaagad niya namang itinayo ang kaniyang sarili at nakita ang lalaki kasama si Cass papunta sa kagubatan. Napalingon ang lalaki kay Elle at nagulat ito na sumunod pa rin ito sa kabila ng apoy na kanilang dinaanan. Si Cassandra naman ay walang tigil sa kakaiyak. “Matapang ang isang to,” wika niya at tumingin siya kay Cass. “Kung ayaw mo makatikim ng parusa tumigil ka sa pag iyak,” banta niya naman kay Cass at parang walang narinig ang batang babae mula sa kaniya dahil lalo lamang lumakas ang paghikbi nito. Hinigpitan naman ng lalaki ang pagkakahawak niya sa kamay ni Cassandra. “ARAY KO PO!” sigaw ni Cassandra. Narinig naman ito ni Elle, kaya lalong napabilis ang kaniyang pagtakbo. “Gusto mo makipaglaro ha,” wika ng lalaki at nagsimula ito sa pagtakbo ngunit sa pagkakataong ito ay pinasok na nila ang makapal na gubat. Pinasok ito ng misteryosong lalaki ng walang pag aalinlangan. Sa isang iglap nawala naman sa paningin ni Elle ang dalawa. Wala na siyang iba pang magagawa kundi ang sundan ang dalawa. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD