Chapter 9 - Mysterious Power

1783 Words
"Buhay pa sana si Fred ngayon kung hindi mo inuna yang pagiging self-concious mo," mahinahon pero may diin na sinisi ni Allen si Xandra. "I'm sorry." "Th-that's not enough." "Don't blame her, everyone has their personal issues to deal with," pagpapahinahon ng doktor. "Let's end this meeting for now Elle," tumayo ito at lumabas si Allen at sinundan naman ito ni Vince. Inihatid naman namin si Xandra sa kaniyang kwarto.  I guess I can postpone this hypothesis of mine and my findings about this abnormal infecteds. Should I call them Sinners? Sinners and Variants, not bad. Vince's Point of View Nagtapon ako ng isang suntok at isa pang suntok. Hanggang sa pinaulanan ko ng mabibilis na suntok ang kawalan. "Anong ginagawa mo?" tanong sa akin ni Allen na nakaupo sa mga hagdanan na papasok sa bahay. "Shadowboxing," tipid kong sagot. Mga ilang sandali lang ay may biglang pumasok na ideya sa aking isipan. "Hoy Allen," tawag ko sa kaniya. Iniangat nito ang nakalugmok na ulo sa kaniyang mga tuhod at tiningnan ako ng nagtatakang tingin. "Gusto mo ako samahan?" aya ko sa kaniya. "I'm already here accompanying you dumbass," masungit na tugon nito. Bumagsak naman ang ekspresyon ko dahil sa hindi maganda ang tabas ng kaniyang dila pag may pinagdadaanan. "I mean let's spar," paglilinaw ko. Muli siyang napatingin sa akin at binibigyan ako ng "Are you out of your mind?" na tingin. "You can go all out," nahihiyang habol ko pa. "Why would I?" tanong niya. "Ilabas mo yang sama ng loob mo sa akin. Hindi maganda kung nagkikimkim tayo ng galit sa isa't isa," paliwanag ko sa kaniya. Nagpagpag naman siya ng pantalon at saka dahan-dahang tumayo. Sinenyasan ko naman siya na pumunta sa akin, at lumapit naman siya sa akin. Tiningnan ko naman siya. "Bro... Alam kong masakit ang mawalan ng kaibigan. Lahat tayo ay pinagdadaanan ang sakit na nararamdaman mo ngayon, kaya ang tangi na lang natin na magagawa ay ang magpatuloy sa buhay at ang magpakatatag," pagpapanatag ko sa kaniya. Umiwas siya sa akin ng tingin. "Pero maililigtas pa siya," maluha-luha niyang rason. "We board different boats remember that," matalinhagang pagkakasabi ko sa kaniya. Lumayo ako sa kaniya at inihanda ko ang aking sarili sa aking fighting stance. "Tuturuan kitang lumaban," hamon ko sa kaniya. Napangiti naman ito ng bahagya at inihanda ang kaniyang sarili. "Easyhan mo lang." "Kuha yan," napangiti naman ako dahil kahit papaano ay nawawala na rin ang lungkot na nararamdaman niya. "Magsimula tayo sa basics, marunong ka ba sumuntok?" tanong ko sa kaniya. Napakunot naman ang kaniyang noo. "Do I look like a wimp to you?" asar na tanong niya. "Hindi naman sa ganon, pero mas maganda kung magsisimula tayo sa basics, at para hindi ko masaktan ang p*********i mo sa self-defense tayo magsimula," pagbawi ko naman sa mga sinabi ko kanina. Lumagay uli ako sa aking fighting stance at sa pagkakataong ito ay handa ako sumalo ng kahit anong suntok. "Ibigay mo sa akin ang pinakamalakas mong suntok," turo ko sa kaniya. Ibinaba ko naman ang aking kamay kanina na animo na sasalo ng suntok at ipinakita ko sa kaniya na handa akong saluhin ang kaniyang suntok. Nainis naman siya sa aking ginawa kaya nagalit ito at bumwelo para masiguradong napakalakas na suntok ang aking makukuha. "Huwag mo akong minamaliit," inis na sabi nito at ibinato ang kaniyang suntok papunta sa akin. Agad naman akong umakto sa kaniyang suntok para hindi ito tumama sa aking mukha, ibinaba ko ang kaniyang kamay na siyang susuntok sa akin at tinrap ito sa aking tagiliran. Nanlaki naman ang aking mga mata ng nakita ko na may isa pang paparating na suntok sa akin at sa pagkakataong ito ay tumama ito sa akin. Napaatras naman ako dahil sa lakas ng kaniyang suntok. "Don't underestimate me," matapang na pagkakasabi nito at dumura sa lupa. Iniayos ko naman ang aking pagkakatayo. "Sabi mo hindi ka marunong lumaban," reklamo ko at napahiya naman ako sa mga inakto ko kanina. "I didn't say anything about not knowing how to fight," tugon niya. "Spar na lang tayo," wika ko. "Lugi, gagamitin mo pagiging variant mo sa akin," reklamo niya. "Hindi, diba nasabi ko sa inyo na kailangan ko ng kahit-anong bagay basta may dna nung ibang variants para mag manifest ang aking mutation," paliwanag ko. "Liban sa manok na aking kinain kanina wala na akong iba pang nakain kaya I'm good as powerless," dagdag ko pa habang nagpatubo ng mga balahibo ng manok at tumalas ang aking mga kuko na parang sa manok. "Kahit ganito ay lalaban ako ng patas hindi naman ako tulad ng iba na mahilig magpaka superior sa mga mahihina pa sa kanila," pagpapanatag ko sa kaniya. "So you're saying that I am weak?" tanong niya na ikina kunot naman ng aking mga noo. Grabe naman pagka self-concious ng lalakingnaman ito. "Hindi... diba variant ako tapos... ikaw hindi," paliwanag ko. "Okay," tipid niyang tugon at wala namang reaksyon ang kaniyang mukha. Napakamot ako sa aking leeg dahil sa sobrang pagkalito sa lalaking ito. Inihanda ko ulit ang aking fighting stance at sa pagkakataong ito ay inihanda ko na ang aking sarili sa paglaban. Naniniwala ako na ang unang umaatake ang merong advantage sa isang laban at aplikable ang paniniwala kong iyon sa laban na ito. Agad akong lumapit papalapit sa kaniya at nagtapon ng isang feint, at agad naman siyang nag-guard sa suntok na iyon na nagbigay sa akin ng mga butas sa kaniyang depensa; hinawakan ko ang kaniyang mga braso para hindi siya makagalaw ulit. Ginamit ko ang iba kong kaalaman sa iba pang martial arts at binigyan ko siya ng isang round-house kick habang nakahawak ako sa kaniyang kamay. Natumba kami pareho pero agad ko namang nailock ang kaniyang mga braso habang umiikot kami sa ere. Tinapik niya ang lupa gamit ang isa niyang kamay at agad ko naman siyang binitawan. "I told you that go easy on me, I'm not a martial artist like you," natatawang komento nito gabang tumatayo at nagpapagpag na kaniyang kasuotan. "Angas ng laban natin," puri ko sa kaniya at gusto ko pang umulit kaya ginawa ko uli ang isa sa aking stance. "ALLEN! YUNG MGA GAMIT MO!" sigaw ni Dan sa kalayuan. Napakunot naman ako ng noo nang nilingon ni Allen ang pinanggalingan ng boses. "Well, I'm sorry kung hindi na natin ito mapapatagal pa," pagpapaumanhin niya at tsaka tumakbo papunta sa bahay para kunin ang kaniyang mga gadgets. Ayun ang kaniyang key-role sa grupong ito at hindi pwede na mawala ang mga gamit na iyon. Para sa isang tao na mahilig sa mga gadgets ay magaling siyang lumaban. Talagang nagulat ako ni Allen nang magtapon siya ng ganung klase ng move sa akin at ibinalik ko naman ang pabor sa kaniya. Nasasabi ko rin na hindi niya napapabayaan ang kaniyang katawan base sa hugis nito at ang lakas ng kaniyang suntok ay hindi pangkaraniwan na kayang saktan ang isang tulad ko na variant. Naenchance din ang muscles namin kaya natuwa ako  sa kaniya at kahit papaano ay nakakaramdam ako ng panganib. Siguro ay madalas ko na siyang aayain sa isang sparring. Napaupo naman ako sa lupa dahil sa pagod na aking naramdaman sa aking ginagawang pagsasanay at ngayon na rin kami aalis dito sa Manila para pumunta sa Calamba Laguna, kung saan nakatayo ang sinasabi ni doktor na sibilisasyon ng kaniyang kaibigan. Malapit ito sa bundok makiling kung saan restricted ang mga tao dahil isa itong forest reserve, kaya nasisigurado ng doktor na kakaunti lamang ang infected doon at makakalayo kami kay Makarov. Alam naman nila Elle na kailangan kong magsanay lalong lalo na wala na akong tinatago na sikreto sa kanila. Sabi niya naman kanina na sila na ang bahala. Tumingin ako sa kalangitan at pinagmasdan ang ganda nito at dinama ang matamis na simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nakahiligan ko na talaga ang gawi na ito matapos ang aking pagsasanay. Siguro kung hindi nangyari ang outbreak napakaitim ng kalangitan na ito pero ang pamilya ko... buhay pa sana sila. Napayuko naman ako habang inaalala sila isa-isa. Mama, Papa, at ang aking bunsong kapatid. Lahat sila ay iniligtas ang aking buhay at wala akong magawa kundi ang magpatuloy sa aking paglalakbay. Iaalay ko ang aking ipinaglalaban sa inyo, sisiguraduhin kong maibibigay ko ang hustisya na dapat para sa inyo. At ngayon naman na nagsasanay na ako, itry ko na kaya ang nakuha ko kay Xandra. Inilabas ko ang panyo ng may dugo niya, fresh pa ang dugo dahil kanina ko lang ito nakuha sa kaniya noong nagkabangga kami habang abala siya sa pagbitbit ng mga gamit. Base sa dami ng masisipsip kong dugo rito ay isang o dalawang minuto lang itatagal ng kaniyang mutation sa akin. Medyo tuyo na kasi, ayoko naman na makita ni Allen baka kung ano ang isipin niya sa akin. Sinipsip ko ito at tiniis ang lansa ng dugo at nilunok ito. Naghintay ako ng kaunting sandali para maramdaman ang pag manifest ng kaniyang mutation sa akin. Dahil nag-adapt ang aking cells sa dna ng kaniyang mandella cells. Sinabi sa akin ng doktor na maraming potential ang aking mutation, pero tinawag ko itong mimic dahil ginagamit ko lang ito para magaya ang mutation ng iba. Ang korni kasi kung gagawin ko ito sa mga kinakain ko, magkakaroon ako ng palikpik pag isda kinain ko. So uncool, pero nakakatulong ito pag nasa pinch na ako o nakorner ako ng kalaban kasi hindi naman nila inaasahan na maglalabas ng ganun. Pero nakabase pa rin ito sa sa dami ng aking kinakain at kailangan ko pa rin pagdaanan ang consequence ng aking mutation tsaka kapag nilabas ko na ang traits ng aking kinain ay hindi ko ito maaalis unless kung maexpire na ang time limit kaya last option ko ito. Nakalipas na ang isang minuto ay wala pa rin akong nararamdamang kakaiba sa aking katawan. Dapat maramdaman ko na ang paglakas ng aking binti dahil ipinaliwanag naman ni Xandra ang kaniyang mutation na pinapapalakas ang kaniyang binti. Parang may mali, dahil hindi ko pa ito naencounter sa mga variants na nagaya ko ang mutation. Pero lilima pa lang sila na variants at may koleksyon na ako ng dugo nila sa aking mga kapsula at kaibigan sila ng doktor. Sila rin ang nagtrain sa akin, lalo na si Commander Blaze na palaging hyper. "VINCE TULUNGAN MO NGA AKO RITO!" tawag sa akin ni Elle. Napakamisteryoso talaga ng mga mutation. "Opo! Papunta na riyan," tugon ko sa kaniya. Nakaramdam naman ako ng inis sa aking kaloob-looban dahil hindi ko man lang nagaya ang mutation niya. Napapadyak naman ako sa lupa. Nanlaki ang aking mga mata... Nabiyak ang lupa sa isang padyak ko. To be continued...                                                 -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD