Chapter 28 – Investigation

1825 Words
Vince’s Point of View -August 6, 2024- (Still a Flashback) Pinalipas ko ang araw kahapon... hindi ko alam king ano ang ang kaniyang ibig sabihin. Hindi ko siya pinatapos dahil naawa ako sa kaniya. Totoong naawa ako sa kaniya dahil sa nakita ko sa kaniyang mga mata ang matinding pighati. Napagdaanan ko na yun kaya sobrang naiintindihan ko ang kaniyang kalagayan kahapon. Kaya napagdesisyunan ko na rin kahapon na hayaan na lang muna siya. Pero ang oras ay hindi ako hinihintay kaya hindi ko rin pwede na idelay dahil hindi ko masasabi kung ilang tao pa ang pwedeng mawala dahil sa kung anumang bagay ang nagdahilan ng mga pangyayari. Nagkaroon naman ako kahit papaano na konting ideya sa kaniyang mga sinabi kahapon at ang pinaka importante sa lahat ay ang kaniyang nasabi sa akin. Ang lugar kung saan sila huling nakita. Ngayon hindi na ako mangangapa sa dilim. Kagaya ng aking inaasahan ay paggising ko wala na si Elle at ang doktor sa komunidad. Tinanong ko naman si Dan kung nakita niya ba, ang sagot niya lang sa akin ay lumabas silang magkasama. Si Allen naman kulong na kulong sa kaniyang lungga. Napansin ko rin na hindi ko makita si Xandra. Saan naman nagpunta iyon? Siguro ay sunod ko na siyang hahanapin, pagkatapos kong makita kung anuman ang bagay na dahilan sa kanilang pagkawala. Hindi ko na muna siya concern, dahil isa siyang variant at hindi ko naman siya pwedeng ipagkumpara sa mga tao rito. Sila ay walang laban sa kanilang sarili. Pero sana hindi tama ang aking spekulasyon. Isininuot ko ang aking bag na naglalaman ng survival kit ko incase na maligaw ako or may mangyari na hindi inaasahan. That’s the first rule of survival. Always be prepared for what’s coming to you. Kumaway naman ako kay Dan na siyang tumingin sa akin nang lumabas ako sa kubo kubo na aking pinanunuluyan ngayon. Ipinukol ko ang aking atensyon sa aking unahan. Nagsimula akong maglakad at hinalungkat ko naman sa aking isipan ang kaniyang sinabi kagabi. Ano nga ba ulit iyon? Bukohan, silangang bahagi. Medyo lito ako sa mga direksyon, pero ang bukohan? Madali lang hanapin yon. Tumingin ako sa kalangitan. Kung saan sumisikat ang araw, dapat doon ako papunta, at dahil umaga naman ngayon ay madali kong matutukoy ang silangan. Hinanap ko ang araw at hindi ko naman ito tinitigan ng direkta dahil sa sobrang nakakasilaw ang liwanag na binibigay nito. Dito... Inihakbang ko ulit ang aking paa sa mga damuhan. Matapos ang ilang minuto ng aking paglalakad, siguro mga bente singko minutos ay nakita ko na rin ang mga matatayog na puno na kanilang tinatawag na bukohan. Makalat ang mga puno at mahaba ang lugar na ito. Kaya hindi ko alam kung tama ba ang aking gagawin... tama nga ba ang direksyon na aking tinatahak? Malay ko... Hindi naman ako isang human compass kung saan ay matutukoy ko kaagad ang direksyong kinakaharap ko. Basta kung saan sumisikat ang araw doon lang ako mag dedere deretso. Nakarinig daw sila ng iyak ng isang bata. Which is very unsettling talaga, isang kwestyon lang ang pumasok sa aking isipan. Bakit ba may batang nag iingay sa isang napaka delikadong lugar? I mean napaka open space ng lugar na ito at wala siyang masyadong mapagtataguan dito kung sakali na makita siya ng isang infected. Isa talagang napakalaking misteryo. Inamoy ko naman ang kapaligiran, dahil saulo na ng aking utak ang amoy ng dugo. Alam ko kung gaano ito kabaho at kasang sang kaya madali ko itong matutukoy. Hindi naman ako nagkamali sa aking ginawa, dahil kaagad akong nakaamoy ng dugo sa kapaligiran. Lumingon lingon naman ako sa aking kapaligiran. At kaagad naman akong nakakita ng tuyong dugo sa isang puno kaya kaagad ko itong nilapitan. Sa direksyon kung paano to tumalsik ay kaagad ko nailarawan sa aking isipan kung saan siya nakatayo bago niya natamo ang sugat. Imposibleng infected ito dahil walang bangkay dito. Kaya ang pinakareasonable na rason ko naman para diyan ay isang taong sugatan, the fact na walang bangkay dito means buhay pa siya... or not. Iisang clue pa lang ito para sa akin and when it comes to the worst case scenario? Maghihintay ak osa lugar na ito hanggang gabi. I sang gabi akong maghihintay dito. At kung anuman iyo ay kailangan kong patatagin ang aking sarili. Iisang clue pa lang ito at kailangan ko pa maghanap ng ibang cloe na aking magagamit sa mga nangyari sa lugar na ito. Ang blood splatter na ito ay pwedeng matamo sa anumang uri ng s***h, kalmot o kaya ay may pinatay dito gamit ang bolo. Tumayo ulit ako. Kailangan ko ng mas maraming ebidensya para mas mapalakas ko ang aking spekulasyon. Pero ang aking isipan ay bukas pa rin sa isang anggulo ng mga nangyari ngayon. Hindi lang ako nakatutok sa kung anuman ang aking nakikita. Pero isa pa lang ang nacoconfirm ko ngayon, may nagtangkang kumitil sa kanilang buhay at iisang tanong ang lumabas sa aking isipan. “Ano at sino?” Elle’s Point of View -August 6, 2024- (Later that day) Wooh! Nakahinga hinga rin ako ng maluwag. Nakatapos nanaman ako ng isang araw ng aking pagsasanay. At masasabi ko na nakakapagod talaga sa utak dahil hindi ko talaga na maiwasan na ako ay makaramdam ng antok habang ako ay nakaupo. Hindi na ako ginagambala ng temperatura. Kaya ang tubig na mismo ang siyang gumigising sa akin at sa mabibigat na pagbagsak nito ay nagigising ang aking diwa. I know, I know... senyales ito na hindi ko pa rin namamaster ang aking focus. I need more time, saka at leas may improvements na akong nakikita sa aking sarili. Nakapagpalit na ako ng damit ngayon at lumabas na ako sa banyo kung saan ako nagpalit ng damit. Napatingin ako sa kalangitan, kulay kahel na ito, ibig sabihin ay malapit nang lumubog ang araw. Nilinga linga ko naman ang aking ulo at hindi ko makita si Vince. Si Dan naman ay nakita kong tulog sa ilalim ng puno. Kaya habang tinutuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalyang binigay sa akin ay nagsimula na akong maglakad papunta sa kaniyang tinutuluyan sa lugar na ito. Nang marating ko naman ang harap ng kaniyang kubo kubo ay naglakas loob ako na katukin ito. Sana gising ka pa. . . . . . Kagaya ng aking inaasahan ay walang sumagot sa aking tanong. Kumatok ulit ako umaasa na magising siya sa ingay na aking ginagawa. “Tao po!” mahinang pagkakasabi ko pa... Pero wala pa rin... Sinubukan ko namang pihitin ang pintuan at nang itulak ko ito ay hindi bumukas. Doon ko naman na naka kandado ang labas nito. Iisa lamang ang ibig sabihin nun. Lumabas si Vince at hindi ko alam kung saan siya nagpunta kaya dapat ko talagang alamin kung asaan siya. Mag gagabi na pati oh. Hala... baka hinahanap niya ako! Hindi pa naman ako nagpapaalam sa kaniya kada aalis kami ng doktor at hindi ko sinabi sa kaniya na nagsasanay kami sa may talon. I mean obvious na iyon, pero posibleng iyon nga ang dahilan. Kaya kailangan ko na talaga siya mahanap bago pa mang tuluyang lumubog ang araw dahil hindi pwede- “AH!” sigaw ko nang pag lingon ko ay nakita ko si Vince sa aking harapan nakatayo at nagkabunggo pa kami at nang makabawi bawi naman ako ng aking lakas ay ginawa ko ang lubos na makakaya ko para hampasin ang kaniyang matigas na dibdib. “Ginulat mo naman ako!” sigaw ko sa kaniya dahil sa inis. “Gusto lang sana kitang panoorin buksan tinutuluyan ko, pero malay ko ba na tatakbo ka,” wika niya sa akin pabalik. “Saan ka ba galing?” tanong ko sa kaniya, binabago ko ang tema ng aming usapan. “Dapat ako ang natatanong niya sa iyo e,” wika niya so tama nga ako na hindi niya alam kung saan ako nagsasanay. “Saan ka galing?” ibinato niya naman sa akin ang tanong na ibinato niya kanina. Tumingin naman ako sa kaninyang mukha at medyo napatingala pa ako dahil matangkad pa siya sa akin. “Sa talon,” tipid na sagot ko sa kaniyang tanong. “Talon?” “Oo, doon oh,” tinuro ko naman sa kaniya ng direksyon nung talon na aking pinagsasanayan. “Sigurado ka?” tanong niya sa akin. “Bakit naman ako magsisinungaling?” tanong ko sa kaniya. “Wala, wala nainigurado lang,” wika niya at mukha namang nasindak ang lalaki sa aking sinabi. “Pero ayos din e no?” tanong ko sa kaniya. “Ang alin?” tanong niya sa akin pabalik. “Ang lugar na ito,” wika ko. “Gusto mo na ritong manirahan?” tanong niya ulit sa akin. “Kasi ako oo, hahaha,” bago pa man ako makapagsalita para sagutin ang kaniyang tanong ay isiningit niya na iyon. Iniisip ko na baka may sabihin pa siya kaya nanahimik muna ako ng ilang saglit pero nang hindi na siya nagsalita ulit ay ineexpect ko na pwede na akong magsalita. “Masaya ang lugar na ito at kahit sino naman ay hindi na gugustuhin ang umalis, sa oras na sila ay makapasok na rito. “May pamilya ka na, pagkain, at kung o ano ano pa,” wika ko at inisa isa ko naman ang mga pwedeng dahilan kung bakit napamahal na ako rito kaagad. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Pero alam ko naman sa aking sarili na hindi pwede na kami ay magtagal dito. Darating din ang araw na mapag desisyunan ng doktor na umalis kami sa lugar na ito. “Oo nga,” pagsang ayon niya naman sa aking sinabi. “Nagustuhan ko na rin ang lugar na ito, pero alam kong ayaw natin pareho na mapahamak ang komunidad dahil sa atin, remember na hinahabol tayo ni Makarov,” paalala niya sa akin. Napatango na lang ako at ayaw ko naman ang mga inosenteng ngiti dito ay madamay sa gulong hindi ko naman pinasok. Ano bang magagawa ko? Isa na rin ako sa kaniyang hinahabol. Ni hindi ko alam o kilala kung sino ang mga iyon. Basta ang alam ko lang ay gusto nilang mamatay kami. Hindi yun maganda... Nanunuluyan lang kami rito para makapag pahinga at makapag plano ng aming mga susunod na gagawin. “Sigurado ka ba na gusto pa ng doktor na umalis sa lugar na ito?” sa pagkakataon naman na ito ay ako naman ang nagtanong sa kaniya. “Siguro?” hindi siguradong sagot niya sa aking tanong. “Pero anuman maging desisyon niya, hindi naman ako papayag na iwanan niyo na lang dito,” wika ko sa kaniya saka ako tumingin at tumitig sa kaniya ng deretso sa kaniyang mga mata. “Papayag ba ako?” nakangiting tanong niya sa akin. “Syempre hindi,” punong puno ng kumpiyansa naman na pagkakasabi ko sa kaniya. “Diba,” wika niya saka siya tumawa. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD