Chapter 27 – Something to Remember

1807 Words
Elle’s Point of View -August 5, 2024- (Still a Flashback) Narito nanaman ako sa ilalim ng talon ngayong araw na ito pero nakakaramdam na ako ng improvement sa akin isipan at hanggang doon lang ang aking masasabi dahil hindi ko naman talaga alam, kung talaga nga, o sadya ko lang ito sinasabi para iparamdam sa aking sarili ang ginhawa. Ilang oras na rin akong nakaupo rito, at maya maya ay uuwi na rin kami. Ang doktor ay hindi man lang naiinip kakaupo sa harap ko at binabantayan ako. I guess that makes the two us here. Pero hindi tulad kahapon na sobra akong nakakaramdam ng poot patungo sa kaniya? Ngayon onti na lang. Dahil siguro kahapon ay hinding hindi ko tinanggap sa aking sarili ang kaniyang mga pamamaraan. Dahil kuno “boring” nga ang bagay na ito. Ngayon ngayon naman ay natutuhan ko na rin tanggapin ang lahat. Do I have a choice? Obviously, meron but the other options that were presented to me are not the rational thing to do. For the sake of the ones whom I want to protect. “Five hours have passed!” sigaw ng doktor. That’s my cue, at kaagad naman akong tumayo, muntikan na ako madulas dahil nangingimay na ang aking mga binti. Dahil hindi masyadong nakakacirculate ang dugo sa katawan ko. Sinipa sipa ko naman ito kahit parang nakukuyente ako sa aking pakiramdam. I don’t mind taking a little swim. Kaya tumalon ako sa mini lake ng ng talon na ito. Malalim ang tubig at nag ipon ako ng aking hininga saka ako nag dive pailalim. Hindi pala ganun kalalim dahil nakita ko rin kaagad ang hangganan ng lalim nito. Masakit man sa mata ay tiniis ko ito dahil gusto kong makita ang nasa ilalim ng tubig na ito. Nagulat ako na may nabubuhay palang isda sa tubig na ito. Sa pagkakaala ala ko ay nasabi ng doktor na ang mga tao sa komunidad ang gumawa nito. Si Vince naman ay may kung anong ginagawa, nagtataka rin ako pero sinabi niya na siya raw si Sherlock Holmes all of a sudden. Weird diba? Pero may nasabi siyang ini imbistigahan. Hindi ko alam kung ano iyon pero more of a missing person case. I don’t know why he decided to pry in regards with that matter. But can I blame him? He is probably bored because wala naman masyadong ginagawa sa komunidad. Kaya siguro napagdesisyunan na maghanap ng mean to kill some time. Vince’s Point of View -August 25, 2024- (The same time as Elle’s POV) Kahapon masyadong busy ang mga tao, nagtanong tanong ako sa iba ngunit wala sila sa aking naibigay na sagot sa akin na maaring makatulong sa akin sa imbestigasyon. I just found out na marami sa mga tao rito ang hindi pa lumalabas sa lugar na ito. Takot sila maging gatherers. To risk their second chance at life. Kakaunti lamang ang mga matatapang para harapin ang pagsubok na kakaharapin nila sa siyudad. Pero hindi naman ako pumayag na matapos ang araw na iyon na wala akong nakukuhang impormasyon ukol sa mga nawawalang tao. Alam ko ang pangalan ng mga ilang nawawala, at ang mas pinrioritize ko ay ang mga taong nawala just recently. Inalam ko rin ang pangalan ng kanilang mga pamilya, kaya ngayon yun ang balak kong gawin ang kumuha ng impormasyon kahit isa man lang sa mga pamilya nila. Ang pamilya ni Atoy, Garry, at Lucia ang balak kong puntahan ngayon dahil nabalitaan ko na sila ang pinaka imposibleng umalis sa lugar na ito. Una kay Lucia, ang babaeng sobrang tapang para maging isang gatherer. Alam ko boyfriend niya lang ang kinakasama niya sa komunidad na ito. Kaya nasa harap ako ng kubo niya ngayon at kung hindi ako nagkakamali ang kaniyang pangalan ay Gretchen, pangalan ba ng lalaki yon? Ang sabi ng mga tao kinakasama saka babae si Lucia kaya I assumed na it’s taken that way. Pero malalaman ko... Kaya kumatok ako sa pintuan ng kubo niya. “Tao po!” Naghintay ako ng may nagbukas ng pinto. Ngunit ilang segundo ang lumipas wala pa rin, kaya kumatok ako ulit sa pintuan at sa pagkakataong ito ay medyo nilakasan ko naman ang pagkakakatok. “Tao po! Andito ba si Gretchen?” tawag ko ulit sa kaniya. Wala pa ring sumagot sa akin kaya sinubukan kong buksan ang pinto at sa pagkagulat ko ay bukas nga ito. Forgive my intrusion. Dahan dahan ko itong binuksan at nanlaki ang aking mga mata ng makita ko na nakakalat ang mga gamit sa loob ng bahay na ito kaya kaagad naman akong pumasok. “Gretchen?!” tawag ko sa kaniya at nilinga linga ko naman ang aking ulo para hanapin siya. Hindi naman malaki ang kaniyang tinitirhan tama lamang para sa isang tao. Nakarinig ako ng paghikbi. Kaya nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan, ewan ko ba bakit iyon kaagad ang pumasok sa aking isip. Magpakamatay... I mean nawalan siya ng mahal sa buhay just recently. So I assumed na nadepress siya. “Gretchen, ang pangalan ko ay Vince,” marahang pagkakasabi ko naman habang unti unti akong lumapit sa kaniyang kama. Natatakluban siya ng kumot ngayon at hindi naman siya sumagot sa akin. Nakikita ko ang marahan niyang pag galaw dahil sa kaniyang paghikbi at lumuhod naman ako sa kaniyang harapan. “Gusto sana kitang tulungan na mahanap kasintahan mo,” buong tapang kong sinabi dahil maaari na magalit siya sa aking mga sinabi. She has the right to be dahil nasaktan siya. I don’t have the rights to intrude her personal space right now. Pero it is worth the shot na mag offer ako sa kaniya ngayon ng isang offer. Napatigil siya sa paghikbi ng ilang segundo at kaniya niya akong sinilip. That’s a good sign. “Umalis ka na, hindi mo siya mahahanap,” wika niya at muli niyang binalik ang kumot. Babae nga siya... No judgement... “Magaling ako sa ganang bagay, kaya naririto ako ngayon,” pangungumbinsi ko naman sa kaniya. “Wala ka na ngang mahahanap na Lucia! Makulit ka,” sigaw niya sa akin at aaminin kong nagulat ako run. Inayos kong muli ang aking sarili. I know this is hard for you, but to me as well. “Nung mga nakaraang araw lamang siyang nasabihang nawawala, kaya sigurado ako na hindi pa siya nakakalayo sa lugar na ito, dahil ang siyudad ay binabaha ng infected ngayon,” paliwanag ko naman sa kaniya sa aking spekulasyon. “Kung nais mong magkaroon ng closure sa inyong dalawa, pwede ko naman hingin sa kaniya ang mensahe para sa iyo kapag nahanap ko siya,” pagpupumilit ko naman. Unlucky for her ako ang tipo ng tao na naniniwala sa kasabihan na ipilit mo hanggang sa pumayag siya. Hindi palagi pero pili lamang ang sitwasyon na pinaniniwalaan ko na angkop gamitin ang ideya ng kasabihan na iyon. Kagaya ng aking inaasahan ay padabog niyang inalis ang kumot sa kaniyang buong katawa, at nakita ko naman ang kaniyang itsura. Maganda siya, I can say, pero lubog ang kaniyang mga mata ngayon senyales na ilang gabi na siyang hindi natutulog at ang kaniyang mga mata ay namumula dahilan sa kaniyang mga pag iyak. Nanginginig ang kaniyang mga labi kaya I feel so sorry for saying that kind of thing. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero kailangan ko ang tulong mo para mahana-“ “Ano bang sinasabi ko sa iyo kanina pa? Hindi ka ba marunong makaintindi ng mga salita?” asar na tanong niya sa akin. “ANG SABI KO SA IYO, AY WALA KA NANG MAHAHANAP NA LUCIA!” madiing pagkakasabi niya sa akin. Napagtanto ko naman ang kaniyang gustong iparating pero ay nagugulumihanan pa rin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng mga salitang iyon. Napakunot naman ako ng aking noo. Napatingin ako sa kaniya. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ko sa kaniya. “Wala na! Hindi mo na siya makikita, kahit hanapin mo pa siya sa kahit anong sulok ng mundo,” natatawang pagkakasabi niya. Onti na lang ay magkakaroon na siya ng mental breakdown. “Kung maari ay ipaliwanag mo sa akin?” marahang tanong ko naman sa kaniya. “Kay-“ hindi ko na tinuloy ang aking sinabi. Tiningnan ko siya sa mga mata. Nilakasan ko ang aking loob at kinapitan ko siya sa braso dahil naniniwala ako na makakatulong ito sa easing effect ng aking mga sasabihin sa kaniya. “Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon, dahil ako ay nawalan din ng mahal sa buhay, kung tutuusin tayong lahat at alam kong hindi siya ang nauna kaya sobrang sakit,” wika ko at napatingin naman siya sa akin. Ako naman ay tiningnan ko siya ng deretso sa mga mata. “Masakit, alam ko yung kirot sa puso na para bang may kumakagat ng kung ano, alam na alam ko ang pakiramdam na yan magtiwala ka sa akin,” dagdag ko pa. “Kaya kung anuman ang nangyari, pwede bang pakipaliwanag sa akin ng maayos, kaya kitang matulungan sa kung anumang bagay na gusto mo tungkol sa kaniya,” dagdag ko pa. “Maari ba?” tanong ko sa kaniya. Napatahan ko naman siya kahit papaano. Mukhang gumagana talk no jutsu ko, hindi ito planado at nagmula ito sa aking puso, at kailangan galing talaga sa puso ang mga sasabihin mo para gumana ang talk no jutsu. “Nung gabi na umalis sila,” nagsimula siya sa pagsasalita at natuwa naman ako dahil kahit papaano ay nakakatulong ako sa kaniyang problema. “Alam kong masakit,” singit ko. “Pasensya na,” paghihingi ko naman ng paumanhin sa kaniya. “Sinundan ko sila dahil ayaw ko na maiwan siyang mag isa, kaya sumunod ako, ang nasa isip ko ay hindi niya naman ako pauuwiin kaagad kapag nasa gitna na kami ng daan, pero nung una ay patago akong sumunod sa kanilang dalawa, pero nung pumasok sila sa kagubatan, lahat kami ay nakarinig ng iyak, isang batang babae, kaya sila ay nagtaka at ako pinanood lang sila na hanapin yung bata, hanggang sa makita ko silang bumagsak. Nung una ay nagulat ako sa nangyari, kaya sinubukan ko silang puntahan para a-“ napatigil siya at nakita ko ang takot sa kaniyang mga mata. Sobra sobra na ito. “Huwag mo nang ituloy,” wika ko. “Saan mo sila huling nakita?” biglang tanong ko naman. Tinitigan ko siya at inabangan ang kaniyang magiging sagot sa aking tanong. “Sa silangang bahagi, malapit sa bukohan,” wika niya, at kaagad naman siyang nagtaklob ng kumot. “Salamat,” wika ko at tumayo ako. Lumabas ako dahil tama na ang kaniyang naranasan ngayon. Masiyado siyang nasaktan. Hindi man marami pero napakalaking tulong ang naibigay niya sa aking impormasyon dahil ngayon alam ko na kung saan ako magsisimula. Iyan ang aking tatandaan. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD