Chapter 12 - Brotherly Love

1773 Words
Vince’s Point of View -July 20, 2024- “Sabing pakawalan mo ako,” wika ng batang hawak hawak ko ngayon. Nagpupumiglas siya at nagising naman ang tatlo kanina dahil sa kaniyang pagsigaw. Nacurious sila bakit may hawak hawak akong bata. Sa kaniyang tangkad ay masasabi ko na isa itong teen ager. Lalaki ito, at may maliit na peklat sa may bandang noo niya na mamula mula. Masama siyang tumingin sa akin at napansin ko rin ang pagkakalugay ng kaniyang buhok. Pag nakatalikod ito ay sigurado na mapagkakamalan siyang isang babae. “Pakawalan mo ako sabi,” giit niya pa at kami naman ay nakapalibot sa kaniya ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya kami minamanmanan. Alam kong hindi pag nagtatagal ang kaniyang pag manman sa amin ngunit masamang sign na ang aktong iyon. Dapat namin malaman ang kaniyang rason dahil kahit nung wala pa ang mga infected maituturing ito na privacy invasion. Alam ko, alam ko... nasa labas kami pero sa mga panahong ito walang lugar ang ligtas. Hindi lang infecteds ang kalaban namin sa labas ng pader. Ngunit ang mga tao rin na napagdesisyunang manatili sa labas dahil naroon ang kanilang kalayaan. Walang gobyerno o pulis ang pipigil sa kanila. Siguro ay isa ang mga batang ito sa grupong iyon. “Sino ang kasama mo?” marahang tanong ni Elle sa kaniya. Tumingin ang bata sa kaniya ngunit siya rin ay tinapunan din nito ng isang masamang tingin. Wala palang ligtas sa batang ito. “Wala ka ng pake doon,” marahas na sagot niya rito. “Kung hindi mo kami sasagutin ay gayun din ang gagawin namin sa iyo, hindi ka rin namin pakakawalan,” ika ni Allen. Ako naman ay nanahimik at halatang desperado na siya sa kaniyang ekspresyon. Naawa naman ako kahit papaano. Pero naiintindihan ko kung gaano kaimportante ang desisyong ito. There are chances that he might be one of those bad people... if ever then I will try what I can to save this child. To free him from them. But for now, we are not sure with that. “Daijobu?” asked Xandra ngunit binigyan siya nito ng isang nagugulumihanang tingin. Kaagad namang napagtanto ni Xandra na hindi siya naiintindihan nung bata. Kaya napaayos ito ng upo. “Ayos ka lang ba?” tinagalog niya ang kaniyang sinabi. Yun pala ang ibig sabihin nun. “Obvious namang hindi,” masungit na tugon nung bata. Aba kapag hindi umayos tong batang to, iba ang aabutin niya sa akin. Kotong. Walang respeto e. “Ayus ayusin mo sagot mo bata,” nahalata kong nilaliman naman ng doktor ang kaniyang boses para magmukha siyang nakakatakot. Alam ko iyan. Lalo na pag nayayabangan siya sa tao, gagawin niya iyan. Halata namang natakot ang bata dahil doon, kaya medyo naawa ako sa kaniya. Kailangan gawin e. “Lagot ka,” pabirong pagkakasabi naman ni Dan. Natawa tawa pa ito ng konti. Kahit kailan talaga hindi marunong sumeryoso ng sitwasyon itong si Dan. Ang bata naman ay halatang naasar sa kaniya. Siguro dahil sa tinatrato siya nito na parang isang bata. Nahurt niya ata ang ego nito, wala naman kaming patutunguhan kung ganito na lamang ang magiging interaksyon namin sa isa’t isa. Sinitsitan ko si Dan. Napatingin naman siya sa akin at tanging pagkibit balikat na lamang ang naging responde niya sa akin. Gusto ko mapatampal sa aking noo at umiling iling sa kaniya. Hayys ang babaeng ito. Ngunit si Elle naman ay nakatingin sa kaniya, na tila bang sinusuri niya ang mukha nung bata. . . . . . Napailing naman ako ng aking mukha ng mapansin kong nakatulala na pala ako sa kaniya. Maigi na lamang ay hindi niya ako napansin. Ewan ko minsan ay nahuhuli niya ako pero hindi pa rin niya pansin ang aking pagtingin sa kaniya, I meant that in regards with my feelings. Ano ba ang magagawa ko? Duwag ako... Pagdating sa kaniya ay nanghihina ako, sabihin na nating may pambihira akong kapangyarihan pero pagdating sa kaniya... wala itong kwenta. Literally and meaningfully. Ang aking kapangyarihan ay walang kwenta sa mga normal na tao. Ano ang magagaya ko sa kanila? Kaya nagbabaon lagi ako ng pills na naglalaman ng dugo ng aking mga nakalaban upang makasigurado ako. Ang mga variants ay hindi pa alam ng mga nakakarami at gayun din kami. Hindi namin alam kung sino ang mga Variants sa paligid namin unless kung ipakita nila sa amin ang kanilang mga kakayanan. Napansin ko na nababalot na pala ng katahimikan ang paligid. Nagtitigan na lamang ang mga ito. Kaya napapikit ako. Pare pareho lang namin pinapahirapan ang aming sarili at saka nagugutom na ako. Binitawan ko siya at tinulak papunta sa gitna. Kung tatakbuhan niya naman kami ay nariyan ang doktor at si Xandra. Hindi niya naman alam e. Yun ang importante. Mukhang alam nila ang aking naiisip dahil hindi sila nag react sa aking nagawa. “Bata hindi mo kami kalaban,” kalmang pagkakasabi ko sa kaniya at tumingin naman siya sa akin ng marahan. “Sabihin mo lamang sa amin ang gusto naming malaman, ay hahayaan ka na namin kung ano ang gusto mong gawin diyan sa paligid,” wika ko sa kaniya. Huminga ulit ako ng malalim. Take two. “Bakit mo kami minamanmanan?” tanong ko. Napansin ko na para siyang napahiya dahil sa ginawa ko at napakapit naman siya sa isa niyang braso. Mukhang epektibo nga ang aking ginawa. Kailangan ko ng sagot kaya hindi na ako magsasayang ng oras. Umiwas siya sa akin ng tanong, at tila ba ay nahihiya siyang magtanong. “Sabihin mo lang sa amin,” pangungumbinsi ko sa kaniya. “Hindi ka namin sasaktan,” dagdag ko pa. Tumingin ako sa kaniya ng deretso, pero hindi para paaminin siya ng pwersahan ngunit para iparamdam ko sa kaniya ng mga kaibigan kami na kailangan niyang pagkatiwalaan. Kung gusto niya sumama sa amin. So be it. Yun naman ang aking babalakin kung talagang napahamak siya in the first place. Ano pa ba ang aking magagawa? Hindi ko naman kaya isipin na may isang bata ako mapabayaan para mapahamak. Hindi kakayanin ng aking konsensya. Kapag alam kong may magagawa ako, talagang nasa konsensiya ko na iyon. Ayaw na yaw ko pa naman na nababagabag ako ng aking konsensya. Bumuka ang kaniyang bibig ngunit walang salita ang lumabas dito. Napagtanto ko naman kaagad na nag aalinlangan siya. “Sige lang, ligtas ang sikreto mo sa amin,” ika ko sa kaniya. Tumingin ulit siya sa akin ngunit isang tango ang nakuha niya sa akin para maencourage siya na masabi ang kasagutan na hinihingi namin. Honestly wala akong pake kahit nagtatrabaho pa siya sa mga taong masama ang intensyon sa amin dahil kayang kaya ko depensahan ang aming grupo sa kaniya. Ang mga tao ngayon ay nagkaganito lamang dahil sa sitwasyon. Sigurado naman ako na mababait silang tao bago nangyari ang lahat ng ito. Alam kong they are driven by madness, saka kaya ko naman madistinguish kung alin sa mga taong iyon ang natural na ang pagiging masama. “T- tul,” napatigil siya sa kaniyang sinasabi dahil napansin ko nahihiya ito. “Tul?” tanong ko sa kaniya. “Tulong,” paglilinaw niya sa kaniyang sinabi. Napatayo naman ako nilapitan ang bata ng marinig ko ito sa kaniyang mga labi. Sinasabi ko na nga ba. Nasa panganib ang batang ito. Hinawakan ko ang kaniyang balikat. At lumuhod para mapantayan ko ang kaniyang tangkad. “Sabihin mo sa akin, handa akong tumulong sa iyo,” at least ako handang tumulong hindi ako sigurado kung sasama ba sa aking ang mga ito. Tumingin ako sa kanila ngunit nakattitig lamang ang mga ito sa amin, kagaya ko ay naghihintay sa mga sasabihin ng batang ito. “A- ang k- kapatid ko,” wika niyang nauutal. “Anong nangyari sa kapatid mo?” tanong ko sa kaniya, at napansin ko naman na nagsimula nang tumulo ang kaniyang luha, kaya napatingin ulit ako sa kaniya. “Sabihin mo sa amin kung anong nangyari,” pagpipilit ko sa kaniya. Tumuro siya sa isang direksiyon at agad naman kaming napalingon doon. Ang nakikita ko ay isang matayog na building na mistulang puno na dahil balot na balot ito ng mga lumot at kung ano pang halaman. Kulang kulang na rin ang mga bintana nito. Dito naninirahan ang mga infecteds sa umaga. Alam kong hindi maganda ang nangyari sa batang ito. Maggagabi pa naman ngayon, at maglalabasan na ang mga runners. May mahabang metal fence namang nakapalibot sa amin. Ibig sabihin ay nauna na ang batang ito bago pa kami makarating dito. “K- kailangan n- ng k- kapatid ko a- ang tulong n- niyo,” utal utal na wika niya pa. “Bakit anong nangyari sa kaniya?” sa pagkakataon namang ito, si Elle naman ang nagtanong sa kaniya. Nilingon naman siya nung bata. “Natrap yung kapatid ko,” sagot niya at nagpahid naman siya ng luha. “Ikwento mo sa amin lahat habang kumakain tayo,” wika naman ng doktor at nakita ko naman na pinatay niya ang apoy. Ibig sabihin ay luto na. “Nagututom ka ba?” tanong ko sa kaniya. Tumingin lamang siya sa akin ngunit umalingasaw naman ang mabangong amoy ng aming niluluto. Ang kaniyang tiyan naman ang sumagot sa katanungang iyon ng marinig ko itong magreklamo. “Nagugutom ka nga,” sabi ko sa kaniya. “Pero kailangan na natin puntahan siya,” wika niya. “Paano namin siya tutulungan kung hindi namin alam ang nangyari sa kaniya?” sarkastikong tanong naman ni Allen habang kumukuha ito ng disposable plate. “Wag mo siyang pansinin,” wika ko sa kaniya. “Kumain ka muna at kailangan natin ng lakas dahil sa gabi na, mas delikado ang mga infected na kakaharapin natin, papunta pa lamang sa building na iyon ay hindi na magiging madali,” ika ko pa. “Sumabay ka na sa amin kumain dahil kailangan ka namin maging malakas lalong lalo na ngayong kailangan ka ng kapatid mo,” pagtatapos ko. Napapahid naman siya ng luha, at tumango naman siya sa akin. Good. Tumayo ako at ginabayan ko siya papunta kung saan nakalagay ang disposable things na kakailanganin namin kumain. Hindi naman ako mag woworry sa pagkain dahil more than enough sa aming anim kaya ang ikapitong tao ay kaya pa nitong sakupin. “Ilang taon ka na?” tanong ko pa sa kaniya habang ako naman ay ginagabayan siya papunta roon. “Labing lima po,” ngayon ay may galang na ang kaniyang tono sa akin. Tama ako, teenager pa ang batang ito. “Huwag ka mag alala, tutulungan ka namin,” pagpapanatag ko sa kaniya. -Raging Minds-      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD