Chapter 13.1 - Wounded Hearts

1673 Words
Vince’s Point of View -July 20, 2024- Nakapalibot kami ngayon sa kaniya habang kami ay sumusubo ng sinabawang kanin, ang bilis niyang kumain. Halatang hindi pa siya kumakain ng ilang araw. Kami naman ay walang problema kahit lumampas pa siya sa rasyon. Ang importante ay mabusog siya. Nakakain naman kami ng tatlong beses sa isang araw dahil hindi naging problema ang supplies sa loob ng pader dahil ang gobyerno doon ay nagisip ng sustainable ways upang mapanatili ang distribution ng supplies sa mga naninirahan doon. “Ikwento mo na sa amin,” pagpapanatag ko ulit sa kaniya at napatingin naman siya ulit sa akin. Napatigil naman siya sa pagsubo at dahan dahang tumingin sa amin. Napahiya ata siya sa ginawa ko, pero mukhang may nangyaring masama talaga sa kaniyang kapatid kaya ko nagawa iyon. Pasenya ka na bata sa kabastusan ko haha. Wala naman akong magagawa. “Kumain ka lang,” sabi ni Elle sa kaniya saka siya sa akin tumingin ng masama. What? Ano ang aking naging kasalanan? Sa pagkakaalam ko ay walang masama run at hindi ko rin naman intensyon na hiyain siya. “Pasensya ka na, ang ibig sa-“ “Shh,” pagpuputol sa akin ni Elle at binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin at kapag hindi ko sinunod iyon ay siguradong patay ako. Ako naman tong under ay walang magawa kundi tumahimik na lamang. “Mamaya na natin pag usapan pag tapos ng pagkain,” ika niya pa at sinubo naman niya ang kaniyang kutsara habang nakatingin sa akin. Napahiya naman ako dahil sa kaniyang ginawa kaya ako naman ay walang nagawa kundi magtuloy tuloy na lamang sa pag kain. .           .           .           .           .           .           .           .           .           . Si Dan naman ang kumolekta ng aming mga basura at siya na ang nagboluntaryong linisin ito. Ang bata naman na hindi ko alam ang pangalan ay marami pa ring nakain dahil kay Elle. Kahit na nagawa ko iyon. Pasensya ka na talaga bata. Sadyang matabil lang talaga ang aking dila minsan. Ewan ko ba. Nanatili naman kami sa aming pwesto na nakapalibot sa kaniya at nakatingin kami sa kaniyang lahat. Tiningnan tingnan niya kami pabalik balik at mistulang hindi siya mapakali. Ewan ko kung nahihiya lang siya. “Anong nangyari?” si Dan na ang bumasag ng katahimikan nang makabalik na siya sa pagtapon ng basura at nakakarinig naman ako ng pagkalampag ng kadena dahil sa mga infected na gustong pumasok. Napatigil naman siya. Sa ngayon ay seryoso namang nagtatanong si Dan kaya hindi ko naman masyadong binigyan ng pansin ang mga salitang iyon. Naka focus ako sa batang ito. “Kumukuha kami ng mga supplies sa building na iyon,” wika niya. Natahimik naman ako. “Nang may nakita kaming zombie na kakaiba.” Nagkatinginan naman kaming lahat nang marinig namin ang salitang kakaiba dahil nakakaranas pa lang kami sa isa. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. “Anong ibig sabihin mo sa kakaiba?” tanong ko kahit ano pa itawag niya sa mga yon, iisa lamang ang mga infected. “Hindi ko po alam pero ibang iba sila sa mga nakikita nating zombies,” dagdag pa niya. “Malaki bunganga at nakakabingi ang kaniyang sigaw,” dagdag pa niya. “Tapos nagdatingan sila, pumasok silang lahat, ngunit ako lang ang nakatakas,” muli siyang naluha at kaagad niya naman itong pinunasan. Napatayo naman ang doktor at kaagad naman akong napatingin sa kaniya. “Kung ganun ay kailangan na nga nating makarating doon,” wika niya. Ako rin ay tumayo upang ipakita sa kaniya na ako ay sumasang ayon sa kaniyang naiisip. “Sasama ako,” wika ni Elle. Ayaw ko siyang pasamahin dahil napakadelikado ng mga siyudad. Yung dami ng infected sa komunidad? Walang wala pa yon. Saka gabi kaya mas agresibo sila. “Huwag na,” wika ko sa kaniya. “I INSIST,” pag uulit niya. Tumingin naman ako sa doktor pero tumingin lang siya sa akin. Tumingin ulit ako sa kaniya at masama naman ang kaniyang titig sa akin. “Sige na nga,” wika ko. Tumingin ako kay Xandra at Allen na nanatiling nakaupo. “Kayo na lang ang magbantay ng van,” utos ko sa kanila. “Xandra dahil ikaw naman ang mas malakas sa inyong dalawa, maging alerto ka okay? Alam ko ikaw ang babae dito pero alam mo naman ang mga nangyayari at ang existence natin,” pahiwatig ko pa sa kaniya. “Hai!” wika niya sa akin. “Good, aalis na kami,” wika ko sa akin. Binuksan ko naman ang gate at kaming tatlo naman kasama ang batang ito, ay nagsimula na sa aming paglalakbay papunta sa building na yon. “Ano pangalan mo?” tanong ko sa kaniya habang kami naman ay naglalakad papunta sa kalsada na siyang magdadala sa amin doon. “Ellis,” tipid na wika niya. “E yung kapatid mo, ano pangalan niya?” dagdag na tanong ko pa sa kaniya. “Zoey,” sagot niya. “Tahimik na kayo,” wika ng doktor at napatingin naman ako sa unahan. Nanlaki naman ang aking mata dahil dito nagtitipon ang mga infecteds sa gitna ng kalsada. Hindi naman nila kahinaan ang araw pero tumatamlay sila pag naiinitan siguro reaction ng virus. But, there are infecteds who don’t move at night and they are the complete opposite of those who are tame at day. Sleepers kung tawagin ko sila. Pero kapag nagising mo sila. Mas mabilis pa sila sa mga runners. At nandito sila ngayon sa aming harapan at napakarami nila. May dalawang tao rito sa magkabilang tabi ko na hindi kakayanin ang mga ito, kaya napatikom na lang ako ng aking bibig dahil ayaw ko naman na mapahamak sila. “Dahan dahan lang,” bulong ng doktor at siya naman ang naunang umakyat at dahan dahang naglalakad para malampasan ang mga infected. “Mauna na kayong dalawa,” wika ko sa kanila at si Elle naman ang nagkusa, inalalayan ko siya maka akyat at sumunod naman si Ellis. Halos magkapareho rin pala sila ng pangalan. That’s cute in a way, hehe. Ako naman ang nagpahuli. Kahit naman may kumagat sa akin ngayon, hindi naman nakakabahala iyon immune ako. Ewan ko na lang sa dalawang ito. It’s either they turn one, or retain themselves and become variants like us. It’s a gamble. Nagtataka lang ako bakit gusto niyang sumama sa amin. Dahan dahan kaming naglalakad at sobrang kaba naman ang aking nararamdaman. Pagkalampas naman sa kalsadang ito ay malapit na kami sa building kaya agad naman kaming makakapasok run. So, firing guns is no option dahil makikita nila kami rito. I mean maririnig kami ng mga sleepers at sa dami nila, tumingin ako magkabilang dulo at walang katapusan ang kanilang bilang. Ay siguradong makukumpol nila kami rito ng di oras. Talagang nakakatakot ang mga mangyayari. Ang doktor ay nakababa naman ng kalsada ng walang problema. At ganoon din si Elle. Ito namng si Ellis ay halatang sobrang kinabahan sa mga nakikita niya, at ako ay napatigil sa aking paglakad. “Kaya mo yan,” bulong ko dahil ineencourage ko siya na makababa ng ayos. Ngunit nang makita ko siyang mahuhulog ay kaagad akong napatakbo at tumigil ang t***k ng aking puso nang may naramdaman akong nadagil. Sa kinalalagyan ko ngayon, ang simpleng pakiramdam na iyon ay nag pinaka ayaw mong mangyari sa pagkakataong ito. Agad akong napalingon doon at nakita ko na unti unting nagigising ang isang sleeper at hinayaan ko naman na mahulog si Ellis. Ang pagkahulog na iyon ay mas maigi, kesa sa nginangata nila kami ngayon. Bago pa man ito makasigaw ay kaagad kong binali ang leeg nito at kahit mabaho na ang naagnas nitong katawan ay akin itong sinalo para hindi madagil ang katabi niya. Dahil domino effect ang mangyayari. Sunod sunod silang magigising at ang magagawa na lang namin ay tumakbo. Dahan dahan ko tong hiniga sa kalsada at tumingin naman ako sa aking unahan at nakita ko siya na karga ng doktor. “Nasalo ko,” bulong niya at nakahinga naman ako ng maluwag dahol sigurado ako na hindi siya nasaktan. Nagpatuloy naman ako. Hanggang sa nakababa ako ng kalsada. Muli kong nilingon ang mga sleepers at pasalamat naman ako na hindi ko nagising ang mga ito. Nagpatuloy kami at madali naman naming naiwasan ang mga runners at walkers na pagala gala. Ang mga sleepers lang talaga ang problema. Dahil kapag nagigising ang mga iyon ay nagpapakawala sila ng sigaw. Ang isang sigaw ay enough lamang magising ang malalapit pero sunod sunod na mangyayari iyon baka pati mga runners ay maattract maigi na lamang kung pangmalawakan ang kakayanan ko at walang time limit. Mahina sila pero pag nagsama sama napaka delikado nila kahit sa aming mga variants. Nasa harapan kami ngayon ng malaking building at napatingin naman ako sa batang ito. “Narito ang kapatid mo?” tanong ko ulit sa kaniya at ang doktor naman ay nauna para patayin ng tahimik ang mga infected upang hindi takutin ang bata ay hindi niya ginagamit ang kaniyang mutation. “Opo, sa fourteenth floor po,” sagot niya sa akin. Napanganga naman ako. Napakalayo ng kanilang narating at ako naman ay nagtataka kung paano sila nakarating dito at ang mas lalong kataka taka pa ay kung paano siya nakatakas sa mga humahabol sa kaniya. “Ibarricade natin ang mga magiging daanan,” suhestyon ng dokto ng makapasok kami. At humila naman siya ng malaking bato. Does he mean this? Napaka dilim na ng paligid pero may flashlight kami. “Vince, yung mga infected sa loob ikaw na bahala,” utos niya pa. Ako naman ay walang nagawa kundi sumunod sa kaniyang utos. Binuksan ko ang isang flash ligh nag nbigay naman ng maliwanag na ilaw ay aking kinagat at nagpatuloy akong pumasok sa madilim na lugar na ito. Kaagad ko naman nakita ang mga infected na palakad lakad ay nasilaw sa ilaw ng flash light at nakuha ko naman kaagad ang atensyon ng iba. Tumakbo sila sa akin palapit. Kaagad ko namn silang sinalubong ng malalakas na suntok. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD