Chapter 26 - Shiver

1208 Words
Elle's Point of View -August 8, 2024- What a sad story this sleeper has... Yep, I am calling this one a sleeper. Sobrang sakit para sa akin ang naging kwento niya sa buhay at mukhang kahit ako ay naramdaman ang matinding lungkot at pighati na kaniyang dinadama ngayon. Mabuti ang kaniyang hangarin, pero nahulog pa rin siya sa tukso. Minsan ay napapaisip ako kung tama ba na tinawag ko silang mga sinners in the first place. But those who have give in to temptation are the ones who have sinned. Kahit na mabuti ang iyong hinahangad pero kapag nahulog ka sa tukso ng demonyo ay isa ka pa ring makasalanan. Again, I heard the devil's voice at napagtanto ko sa pagkakataong ito na napaka formidable nito kaharapin. It's cunning and it's trying it best to drag you down in the pits of hell. It is ready to do anything to make you believe what it says. That is why I am glad that I survived that. Maybe I am too depressed and the devil did not read my mind to make me give into temptation. Kung tutuusin ay yung mga panahon na iyong ang pinaka vulnerable ako. I just don't get it. Maybe luck? I guess so. Pero kung anuman yung nagpakapit sa akin nung mga panahon na iyon ay labis akong nagpapasalamat dahil kundi doon ay isa na akong infected ngayon. "Grabe, akala ko easy kill lang ito," wika ni Vince na nakatabi ngayon sa aking tabi. Hingal na hingal siya ngayon, because he was the one who did most of the fighting. What I did was just support him in a distance. Kahit gustuhin ko man tumulong, sa kaniya I did not have the strength to fight back. The monster was insanely powerful, and I just barely escaped its grasp earlier when it caught me. It just made me wonder how unique these special infecteds are. Imagine they get to have the same ability as us but they are a complete mindless beasts. And having to know their backstory is more painful than I thought. Pinaalala nito sa akin na sila ay isa sa mga inosenteng tao noon. Masyado akong nalungkot dahil ang mga nakaharap kong infecteds, to be exact sinners, ay mabubuting tao na nabiktima lamang dahil unfair ang mundong ginagalawan namin ngayon. Hindi talaga patas. Pero kami na mga sinwerte. Iaalay namin ang buhay namin para sa kanila. Kaya talagang nagtatrain ako ng sobrang effort. -Flashback- -August 4, 2024- Patuloy pa rin akong nakaupo sa ilalim ng talong ito. I am getting impatient and that's the point of this training. It's why he recommended na dumaan ako sa ganitong pagsubok. I gotta say na sobrang nakakainip talaga. All I can hear is the water splashing around me. Ang mabibigat na pagbagsak ng tubig sa aking likod. I really need to go through this and if ever na mawalan ako ng pasensya sa bagay na ito. Siguradong matatagalan lang ako lalo sa isinasagawa kong pagsasanay. Kaya kailangan ko talaga kalmahin ang aking isipan at matuto ako na mag focus. Yun ang aking pinaka kailangan ayon sa doktor at gaano ko man siya gustong sagutin, ay hindi pwede mawawala ang balance sa loob ng aming grupo. I'm a matured person at alam ko ang magiging consequence ng mga bagay na aking gagawin. Kailangan ko lang talaga to tiisin... Iniisip ko kasi na mararamdaman o kaya man makikita ko kaagad ang mga pagbabago. Tinatrato ko kasi ang bawat bagay na para bang isang instant noodles at kunting kembot lang ay luto na kaagad. Tiis tiis lang talaga Elliza Joy. . . . . . . . . . . Sa wakas ay tinawag na rin ako ng doktor senyales na tapos na ako ngayon sa aking pagsasanay. Basang basa ako ngayon habang sinusundan ko ang doktor pabalik sa komunidad. Nag suhestyon na rin siya na ako ay magpalit ng gamit bago kami umuwi pero hindi ako pumayag. Kahit alam ko naman na hindi niya ako sisilipan ay talagang napaka uncomfortable para sa akin ang maghubad ng aking saplit na hindi ako napapalibutan ng apat na pader sa aking paligid. Hindi naman nagtagal ay narating na rin namin ang komunidad ng kaniyang kapatid. Ang payapa. Hindi ako sanay. Akala mo ba naman ay hindi dumaan ang pandemya sa mundo nila. Pero sigurado naman ako na lahat sila ay naramdaman ang hagupit ng bagyong dumaan sa mundong ito. Pero, dahil nga ramdam ko na ako ay pumasok sa isang masayang pamilya, hindi na ako magtataka kung lahat sila ay naka move on na sa kanilang mga nakaraan. Ikaw ba naman ang mabigyan ng unconditional love. Kahit ako ay matatanggap ko ang pagkawala ng aking mga magulang. Dahil napabilis nito ang paghilom ng aking sugat. Pumasok kami sa gate at ang unang sumalubong sa akin ang nakangiting si Vince. Kahit na sobrang dismaya ang nararamdaman ko ngayon ay sobrang nagagalak naman ako nang makita ko ang kaniyang mga ngiti. "Oi Vince kamusta ang araw mo," biglang bati ko naman sa kaniya. "Ikaw ang kamusta," kaagad niya namang ibinalik sa akin ang tanong at binigyan niya ako ng mga mapanuring tingin at alam ko na kung ano ang kaniyang sasabihin sa akin. Bakit basang basa ka? Habang iniisip ko yan ay sumabay naman ang pagkakabigkas niya ng mga salitang iyon. Kaunti na lang ay pwede ko nang isipin na kaya kong bumasa ng isip. Grabe naman eyown. Hahaha. "Tanungin mo ang doktor," inis na tugon ko naman sa kaniyang tanong. Napatingin siya ulit sa akin at binigyan ko siya ng isang pagtaas ng aking kilay. Mukhang nasindak naman siya sa aking ginawa. Pero kung oo naman ay maigi dahil mukhang nagkakaintindihan naman kaming dalawa. "Kaya kung maaari ay ako ay paraanin mo muna ako dahil giniginaw na ako," wika ko sa kaniya. Wala nang sabi sabi ay tumabi siya at ako naman ay dumaan ng wala ng sabi sabi. Ako ay dumaan at nilampasan ko siya at talaga namang sobrang giniginaw na ako ngayon at kailangan ko ng dumaan at gawin ang dapat kong gawin. Nakarating naman ako sa banyo sa lugar na ito at kumportable naman ako sa ganitong lugar dahil sementado ang pader at mataas ang bubong. Wala ring kung anong butas sa pader, kaya ako ay nagpalit na ng aking damit. Ako ay nagpalit ng damit at tinuyo ko ang aking buhok gamit ang tuwalyang dala dala ko ngayon at nang lumabas ako, ay kaagad kong napansin si Dan na nagpapaturo ng kung ano sa taga luto ng lugar na ito kaya lumapit naman ako sa kaniya. “Nagpapaturo ka ng luto?” tanong ko sa kaniya. “Oo, para makapagluto naman ako bukod sa adobo, masyado na kayong nasasarapan e,” mayabang na pagkakasabi niya. “Ulol.” “Bakit totoo naman ah,” depensa niya sa kaniyang sarili. “Talaga?” “Bahala ka na nga riyan,” asar na pagkakasabi niya at mahina ko naman siyang tinawanan. “Inaabangan ka ng boy- este ni Vince dun oh,” turo niya at napatingin naman akosa direksyon na iyon at nakita ko naman si Vince na nakaupo. Nakatulala ito. “Bahala ka na nga riyan,” wika ko bago ako umalis para puntahan ang mokong. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD