Chapter 15 - Training My Mind

1663 Words
Elle’s Point of View -July 28, 2024- “What’s that for?” I asked the doctor when he suddenly dropped a corpse in front of me while I clean the weapons stained with the infected’s blood. He just stares at me. “Training,” matipid niyang pagkakasabi. “What?” I asked him in confusion. “I think you heard me right,” ganti naman niya habang naka krus naman ang kaniyang mga kamay. Isang linggo na ang nakakalipas nang mapagdesisyunan namin na wag munang umalis sa lugar na ito. Nilagnat si Ellis matapos ang gabing iyon, dahil yata sa sobrang pighati na kaniyang naranasan dahil sa kaniyang kapatid. Ayaw niya rin umalis sa lugar na ito, at mas pipiliin pang maiwan na lamang siya na mag isa rito. Kami naman ay lahat na naawa sa kaniya, naikuwent naman kaagad nang madaldal na si Vince ang lahat ng nangyari ngunit sinabi sa doktor at sa kaniya na wag muna ipaalam ang tungkol sa akin. I don’t want them to be suspicious because of what I can do. “So, ayun at yung mga nakita namin ay hindi na ulit nagpakita,” wika ni Vince habang ikinekuwento niya kela Allen at Xandra – chan ang tungkol sa kaniyang mga karanasan nung siya ay bata pa. “Alam ko ay nakapagpahinga ka na,” wika ng doktor sa akin na siya namang nagbalik ng aking atensyon sa kaniya. “So?” “Let’s start small,” wika niya at hindi pinansin ang pagiging walang galang ko sa kaniya, siguro ay sanay na siya at tanggap na niya kung bakit ganun ako makitungo sa kaniya. Aba dapat lang. “I know that this is all new in your system, so let’s develop it surely but slowl-“ “Shhh,” pagpuputol ko sa kaniyang mga sinabi. “Sabi ko naman sa inyo na umakto kayo na parang hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol dito,” wika ko sa kaniya. “Okay okay,” wika niya. “Doon tayo,” at itinuro niya naman ang isang eskinita. Napatampal na lamang ako sa aking ulo. Kung gagawa naman ako ng eksena ngayon ay mas lalo lamang nila na malalaman ang aking intinatagon sikreto.  “Hayys,” at tumayo na lamang ako. Nakita ko naman na nauna na ang doktor habang hila hila ang bangkay, na siya namang ikinagalit ko ng kaunti. Alam ko maganda ang kaniyang pakay pero at least pakitaan niya lamang ng respeto ang katawan hindi na tinatrato ito na parang isang laruan lamang. Iniayos ko muna ang mga sandata na aking nililinisan dahil ayaw ko naman na iwanan na nakakalat na lamang ang mga bagay na aking ginagamit. Sumunod naman ako sa kaniya patungo sa lugar na kaniyang tinuturo. Ito ay konektado sa open area na napapalibutan ng bakal na bakod na siyang nagbibigay proteksyon sa amin. Mabuti na lamang ay tirik ang sikat ng araw sa mga nagdaang araw na ito, umambon pero saglit lamang. May isang pintuan na siyang nagkokonekta nito sa akin, at hinawakan ko naman ang door knob dahil iniwan ito ng doktor na nakasara. “Talk about being a gentle man,” sarkastiko kong pagkakasabi sa aking sarili na tila ba ay kausap ko ito na parang ibang tao. Binuksan ko ang pintuan at kaagad naman sa aking bumati ang isang madilim na lugar na napapalibutan ng mga matataas na pader. Mukhang dating pabrika ito dahil sa mga makinarya na siyang napapalibutan ngayon ng mga halaman dahil sa tagal ng panahon na hindi ito nagagamit. May mga poster naman na siyang punit punit na at ang naka imprinta dito ay hindi ko na mabasa kaya hindi ko alam, what it used to be before. Sa gitna naman ay nag aabang sa akin ang doktor. May magagawa pa ba ako? Kaya lumapit na lamang ako sa kaniya ng walang angal. “Happy?” “More than enough!” masayang pagkakasabi niya sa akin. “Now let’s start by you touching that corpse, that’s a fresh one,” dagdag pa niya at hindi ko naman mapigilan ang aking sarili na mapatingin sa kaniya ng masama dahil sa poor choice of words niya. “Show some respect, will you?” wika ko sa kaniya. “Sorry,” kaagad niya namang nasabi at hindi ko ramdam ang pagkasinsero doon. Walang hahantungan ang aming usapan ngayon kung papatulan ko pa ang matandang to. Itinutok ko naman ang aking paningin sa bangkay na naagnas. Pero ang utak ay intact pa rin dahil isa nga siyang infected. Kaya unti unti ko namang inilapit ang aking kamay sa kaniyang noo, at unti unti ko tong nahahawakan. Since patay na ang isang ito ay kaagad namang pumasok sa akin isipan ang mga ala ala mula sa taong ito. Nang maputol ang mga ala ala ay kaagad ko namang inilayo ang aking kamay sa kaniya at hinahabol ko ang aking hininga. I don’t know if I will get used to this, seeing people’s tragedies. Not all had gone through the same point of view in life. But the desires hidden deep within their hearts. This one is a happy story, but a twisted desire. He wants to have a s****l i*********e with his best friend’s girlfriend but he is known to be kind to everyone treating them as if they were his family. “Disgusting,” bulong ko sa aking sarili. Pasalamat naman dito dahil kahit papano ay nabawasan ang aking galit sa kaniya. I mean he deserves this. Such twisted desires. That explains the abnormality on his abdomen. Well, he is good... but seeing his memories... made me not to trust anyone that I meet. Gaya nga ng sinabi sa akin ni Dan. People are like puzzles that is still needed to be solved to determine what lies underneath the mask. Is the word genuine rare these days? “Anong nangyari?” tanong sa akin ng doktor. “Just like usual, seeing their memories,” sagot ko sa kaniyang tanong. “Ano ang nararamdaman mo ngayon?” dagdag na tanong pa niya. “Nahihilo pero hindi naman ganun kalala,” sagot ko ulit sa kaniyang tanong. Tango tango naman siya habang nagsusulat ng mga impormasyon sa kaniyang notebook. “I guess that will do for today,” wika niya na siya namang ikinagulat ko rin. “What?” tanong ko sa kaniya. “I said we will develop your ability slowly but surely,” pag uulit niya sa kaniyang mga nasabi kanina. “Okay...” Tumayo naman ako at nauna nang lumabas sa kaniya. Iniwan ko siya run mag isa habang hinihimas himas ko naman ang aking ulo dahil sa pagkahilo. Nang makalabas ako ay nakita ko naman si Vince at si Dan na nag uusap at kaagad ko naman na naagaw ang kanilang atensyon. Nakita ko naman na kaagad siyang papalapit sa akin... at may ngiti naman sa kaniyang mukha. Ngiti na alam kong may hidden agenda kapag tinatapo niya ito sa akin. “Anong kailangan mo?” inunahan ko na siya. “Sakto,” masiglang sagot niya naman. “May nakita kasi si Vince na isang supermarket na puno ng supplies gusto ko sana na...” napatigil naman siya at ang isa sa mga kilay ko ay napataas naman. “Puntahan niyong dalawa tee-hee,” wika niya na para bang kinikilig siya sa kaniyang mga sinasabi. “Hayys, ayan ka nanaman e,” wika ko sa kaniya. “Pero kailangan ko magluto at mauubusan na rin tayo ng supply,” dagdag pa niya. “Fine, I’ll go,” wika ko sa kaniya at napabawi naman siya ng kaniyang kamao na para bang nanalo siya sa isang pustahan. Napatingin naman ako kay Vince na nginitian ko at napaiwas naman siya ng tingin sa akin. Weird, but okay. Kaya lumapit naman ako sa kaniya. “Ano oras tayo aalis?” tanong ko sa kaniya at nagulat naman siya na para bang may isang multo na lumitaw sa kaniyang harapan. “Ngayon...” mahinang pagkakabanggit niya naman at narinig ko ito nang malinaw. E kung ganun... “Tara na...” at hinila ko naman ang kaniyang braso patungo sa labas. Napatili naman si Dan na hindi ko alam bakit. Nang makalabas kami ay binitawan ko siya at tiningnan. “Saan itong supermarket na sinasabi ni Dan?” tanong ko sa kaniya. “Hoy bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?” tanong ko sa kaniya. “Parang malalim ang iyong iniisip... bakit? Ano ang iyong iniisip” dagdag ko pa. “Ika- este kapos,” tarantang pagkakasabi niya. “Kapos?” “Sa supplies... oo sa supplies paunti unti nang nauubos dahil lalakas nila kumain hehe...” “Hindi na problema iyon dahil pamilya naman tayo,” wika ko sa kaniya. “Tara na at puntahan na ang supermarket na sinasabi ni Dan.” “Dito,” at nagsimula naman siyang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya ng tahimik dahil siya naman ang nakakaalam ng daan patungo sa lugar na iyon. Mabuti na lang ay tatlo ang bag na kaniyang nadala. Mas marami kaming makukuha. Naalala ko ang lugar ng Makati dahil madalas kami dito dumaan lalong lalo na kada magkakaroon kami ng family trip. Tandang tanda ko pa na abalang abala ang mga kalsada dahil sa mga sasakyan na nagbubuga ng maiitim na usok, na siyang nagbibigay ng matinding polusyon sa kalangitan. Malawak ang mga kalsada, pero punong puno ito ng mga kanto. Syempre ay sa gitna kami ng kalsada naglalakad ngayon dahil sa ito ang pinakaligtas na paraan dahil mas madali kaming makakatakbo sa lugar na ito, dahil maluwag. Maraming mga tindahan dito na wala ng laman kaya hindi ko maiiwasan na ipagtaka. Dahil maraming survivors na nagtatago sa lugar na ito. Kataka taka talaga. "Dito oh," tawag sa akin ni Vince. Napalingon ako sa kaniya at patungo siya sa isang masikip ay madilim na eskinita. Sumunod naman ako sa kaniya pero parang may trauma naman na ako sa ganitong klase ng lugar. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD