Chapter 14 - He’s Alive Inside My Heart

1720 Words
Elle’s Point of View -July 21, 2024- Umagang kay umaga at problema kaagad ang aking naiisip, hindi ko lubos na malaman sa aking sarili kung sasabihin ko ba sa kanila ang tungkol dito sa abilidad na aking taglay. Hindi dapat ako naalarma sa ganitong bagay ngunit, alam kong hindi ito normal. Nababaliw lang ba ako? Hindi ko alam kung ganun lang ba ang aking nararamdaman ngayon. Ano nga ba? Patay na ang kapatid ni Ellis at naawa ako sa kaniya. Nagpadala siya sa tukso. Parehong pareho yung mga nakita ko na ang nakaraan. May boses na bumubulong sa kanila at ganoon din sa bata. Napaka inosente pa niya. Hindi ko alam na hindi lang pala sa kasamaan ang tukso. It’s their desires that drives the virus to overrun their minds. I am glad that Zoey is free from her suffering. Si Ellis ay gising ngunit tulog ang kaniyang diwa. Tumayo ako. Nilapitan ko ng paunti unti si Zoey. Gusto ko malaman ang dahilan kung bakit siya nagpadala sa tukso. Gusto ko malaman ang dahilan bakit. Parang hindi ko kaya na maatim ang mabuhay ng hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit siya nagpadala sa tukso. Dahil ba sa masama o mabuti kung bakit? Gusto kong malaman. Nang marating ko ang kaniyang bangkay ay lumuhod ako sa kaniyang harapan at ipinikit ko ang aking mga mata habang unti unti kong inilalapit ang aking kamay sa kaniyang noo. Inihanda ko ang aking sarili. Nang maramdaman ko ang kaniyang noo, at dahil sariwa pa ang kaniyang bangkay ay nabigla ang aking isipan, sa sobrang dami ng ala ala ang dumaloy sa aking isipan. “Mama.” “Papa.” “Kuya.” Ayan ang mga salita na aking narinig. Nakita ko ang mga imahe. Kung saan iniidolo niya ang kuya niya at kung ano talaga ang nangyari bakit siya naiwan. Hilong hilo ako ngayon. Pero ang luha ay hindi ko napigilan na tumulo ang aking luha dahil sa aking mga nakita. Hawak hawak siya ng kaniyang kapatid nang siya ay bumitaw at inagaw ang atensyon ng mga infected upang malihis mula sa kaniya ang atensyon nila. Nakagat siya ng mga infected sa kaniyang pinagtataguan dahil hindi niya ito napansin. At doon ay naghintay sya sa pagbalik ng kaniyang kuya. “Kuya sana ligtas ka.” Ayan ang aking narinig. Ang kaniyang mga huling salita habang siya ay kumakapit na lamang sa mga huling hininga niya. “Tara,” ito nanaman ang boses. Ang boses na tumutukso sa lahat ng tao. I call this as the voice of the devil. That’s what the devil does right? Luring the people on the other side. “Sino ka?” rinig ko naman na tanong niya. “Yung kuya mo hinihintay ka,” wika niya. “Ngunit nakagat ako,’ ganti niya naman sa boses na hindi niya makilala. “Wala iyan mga pakulo lang yun ng mga tao para takutin kayo,” wika ng boses na hindi makilala. “Talaga?” inosenteng tanong niya. “Talaga.” “Asaan si kuya?” muling tanong niya. “Nandun naghihintay.” “Kamusta siya?” “Ligtas, at sabik na sabiiiik kang mahintay,” wika ng demonyo at ang tono ng kaniyang pananalita ay unti unti nang nagbabago. Tono na talagang nakakakumbinsi lalong lalo na sa mga bata. Kapareho ng boses nung killer clown na kumakain ng bata every twenty seven years. Same vibes. And guess what? He was convinced. And then it went black. I know that this is the time where the people infected by the virus and I don’t know how variants works in this process, possibly I am one of them. I don’t know, but this ability to see through them is kinda bit of unusual for normal people. Binitawan ko ang kaniyang noo at ramdam na ramdam ko pa rin ang hilo. Dahil nabigla nanaman ang aking utak. Muli akong tumayo at napansin ko naman ang paggalaw ng katawan ni Vince. “Kamusta?” tanong ko sa kaniya. “Ayos lang,” sagot niya sa akin “May gusto akong sabihin sa iyo,” nag aalalang wika ko sa kaniya. Nakita ko unti unti niyang iniangat ang kaniyang sarili, at maayos siyang naupo. Ang doktor naman na napuyat buong araw ay lumapit din sa akin na siya namang ikinainis ko dahil ayaw ko sabihin ito sa kaniya. “Sa amin?” pagtatama niya. Nag buntong hininga na lamang ako. “Sa inyo,” wika ko. Naupo rin ako katulad niya. “Pakiramdam ko ay isa akong variant,” bulong ko. “Ano?!” nagulat na tanong naman sa akin ni Vince. “Hindi ako nagsisinungaling,” seryosong pagkakasabi ko. “Ano ang kaya mong gawin?” tanong naman ng doktor sa akin. “Kaya mo bang bumuga ng apoy?” natutuwang tanong ni Vince at napasimangot naman ako sa kaniya. “Ahmmm... maglabas ng tubig sa iyong katawan? Ay that sounds weird, yung yung parang fire emittance pero tubig, gets mo ko?” sunod sunod na pagkakasabi pa niya at kahit isang salita na kaniyang sinabi ay hindi ko naintindihan. “What? Never mind hindi ko kayang gawin lahat yan, just listen to me,” naiinis na wika ko naman sa kaniya. “Tumahimik ka nga muna,” demand ng doktor sa kaniya. Napatahimik naman si Vince. “I can access the memories of the dead from the past,” amin ko sa kanila. “How come?” punong puno ng kuryosidad niyang tanong. “When I touch their skin that connects their nerves to the brain that’s my speculations.” “Interesting, nasubukan mo ba na gawin yan sa mga nabubuhay?” tanong ng doktor. “Hindi ko pa nasusubukan.” “Subukan mo sa akin.” What? “How?” tanong ko sa kaniya. “Ano bang ginagawa mo para makita ang kanilang mga ala ala?” tanong niya sa akin pabalik. “Hinahawakan sila,” hindi sigurado kong pagkakasabi. “Then gawin mo sa akin ngayon,” wika niya. “I’ll try.” Unti-unti ko siyang nilapitan habang papalapit ang aking palad sa kaniyang noo. Nagbubuntong hininga ako ngayon. Kinuha ko ang huli kong hininga at hinawakan ang kaniyang ulo. *BANG* Isang malakas na kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko at para bang may bumaril sa akin ngayon. Isang napakalakas na baril ang bumaril sa akin ngayon. Tumilapon ako pabalik at ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo. “Anong nangyari?” nag aalalang tanong ng doktor sa akin at inoffer niya ang kaniyang kamay para ako ay tumayo. Dinagil ko ito at mag isa na lamang akong tumayo. Ang dami kong nakita pero walang malinaw. Isang putok ng baril lamang ang aking natinig sa kaniyang mga ala ala. Walang ibang malinaw kundi iyon lamang. Tiningnan ko siya. Gusto ko tanungin kung ano ang mga iyon. Pero hindi ko kayang gawin. “Anong nakita mo?” tanong niya sa akin. Tiningnan ko siya. “Magulo,” iyon lamang ang aking nasabi sa kaniya. “Talagang naging magulo ang aking buhay noon,” malungkot na wika niya. “Never mind that, it seems like that you have no full control of your power, but I gotta say a useful ability. Mukhang sa mga patay mo lamang iyon nagagamit as long as they have their brains, isa ka ngang variant... I felt your... I don’t know what it is trying to get inside my brain, so naturally I fought back...” paliwanag niya at kahit ayaw ko sa kaniya. Nakinig ako sa kaniyang mga sinabi. “What do you mean?” “You need training, especially with alive ones,” dagdag na pagkakasabi niya. “I know I know...” “With that mastered you can even control anyone,” wika niya. “I don’t want to control anyone,” wika ko sa kaniya. “I know but our enemies, or maybe cure them.” “What do you mean?” Naintriga ako sa kaniyang sinabi. “I know that you already know about the voice.” Tumango ako sa kaniya nang marinig ko ito. “It’s just a theory, but you can reverse the effects, not everyone but at least those who are about to turn,” wika niya. I gotta say that it is an interesting theory and what’s more likable about it, is that it could really happen to them. “I need training,” wika ko. Agad akong nakumbinsi doon dahil ayaw ko nang makakita nang iba pang Zoey at Ellis. This is the last time that I will hear a child crying because the death of his loved ones. If his theory is right then that would happen and I could be the key of reversing this pandemic and every people that lived on this planet and the next generations. Then the infected will not spread anymore and I will get to see the day of civilizations free from worries from the monsters that lurks in the dark. I did not think that there will be a day. That I will see hope in this endless darkness. For the first time may nasabi rin ang doktor na nagustuhan ng aking mga tenga, at ang tono ng kaniyang pananalita na punong puno ng pag asa. Aaminin ko. Hindi lang putok ng baril ang aking narinig kanina. Hindi lang iyon. Pag iyak at sigaw. Gusto kong malaman ngunit may uyam na pakiramdam ang pumipigil sa akin. “Not just now, we have that,” turo ko kay Ellis. Kailangan namin siyang asikasuhin. Lumingon naman ang doktor kay Vince. “Kaya mo nang tumayo at tumakbo?” tanong niya. “Oo, dok sobra sobra na ang aking pahinga,” wika niya. “Mabuti na lang ay hindi umabot hanggang labas ang sigaw ng batang iyon,” wika niya. “Ngayon na alam na natin ang mga bagay na iyan, kailangan na natin mag doble ingat,” dagdag pa niya. “Kahit ako ay hindi na alam ang nagagawa ng virus na ito.” Kasalanan mo naman ang lahat ng ito. “Buhatin mo si Ellis, babalik na tayo sa van,” utos niya kay Vince, aangal sana ako pero natameme na lamang ako nang makita ko siyang tumalon at binuhat kaagad ang batang pagod. Well... I did not see that coming. Variant nga pala siya. -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD