Chapter 13.4 - Wounded Hearts

1660 Words
Vince’s Point of View -July 20, 2024- Sa tuwing nakakarinig ako ng mga paghikbi ay hindi ko maiwasan ang maalala ang aking mapait na nakaraan at ang aking kapatid. Ano na kaya ang nangyari sa kaniya? Ako ay patuloy pa rin na nagsisisi sa aking pagkabuhay. Hindi ko alam kung bakit siya pa ang kinuha sa mundong ito. Napakabata pa niya, napaka inosente, maaga pa para kunin sa mundong ito na puno ng pagdurusa at hindi man niya lang nakita ang liwanag na siyang nagbibigay ng siya sa bawat tao. Nakakalungkot lang na isipin na namatay siyang tanaw tanaw ang dilim sa bawat puso ng tao. Nalulungkot ako... Lalong lalo na ngayon na nakikita ko si Ellis na patuloy sa pag hikbi. Naalala ko nga talaga ang aking sarili sa kaniya. Ngunit ang pinagkaiba lang naming dalawa ay siya ay nagkaroon ng pagkakataon upang mabalikan ang kaniyang kapatid. Ako ay hindi na nagkaroon ng kahit katiting pagkakataon upang makita siyang muli. Ngunit, sobrang nalulungkot ako nang makita ko siyang patuloy sa paghikbi. Ang kaniyang kapatid... May isang sugat... Sugat na siyang pinakahuli mong gustong makita sa mundong ito... Isang kagat ng infected... Ang ganitong klase ng sugat ay naglalaman lamang ng ilang kahulugan. Dalawang kahulugan. Yun ay ang maging isa siya sa mga halimaw na iyon o maka survive katulad namin. Ang infection ay hindi nagtatagal upang kumalat. Agad silang tumatakbo sa buong katawan ng tao, at agad agad na magiging isang infected. Kaya kami ngayon ay napagdesisyunan na hintayin... umaasa ako na hindi ito mangyayari ngunit kailangan namin, lalong lalo na siya na harapin ang katotohanan. Nanghihina na siya. Ngunit hindi ito dahilan para mawalan ng pag asa dahil bago ako maging isang variant ay dumaan rin ako sa ganitong proseso bago ako tuluyan na maging isang infected. Nakahiga ito sa mga binti ni Ellis habang siya ay naghihingalo. “Pasensya,” iyan ang salita na walang sawa niyang pinauulit ulit. Ngunit kami ay pinapanood lamang siya. Hinihiling na may kaya kaming gawin upang matulungan ang kalagayan ng kaniyang kapatid. Nakakalungkot dahil humantong sa ganito ang lahat. Huli na... Nung kami ay dumating. Sinisisi niya ang kaniyang sarili, pero alam namin na kailangan niya talagang dumaan sa ganitong bagay. Lalong lalo na sa mundong ito para siya ay tumatag. Naaawa ako. “Hindi mo ba kayang pigilan ang infection?” tanong ni Elle sa doktor. Ang doktor ay ipinikit ang kaniyang mga mata dahan dahang iniling ang kaniyang ulo. Bumagsak naman ang kaniyang balikat nang malaman ito. Sa aming tatlo siya ang pinaka naaawa sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang balikat at nang kaniya akong tingnan ay iniiling ko lamang ang aking ulo sa kaniya. Walang wala na kaming magagawa. Nakuha naman niya ang aking pahiwatig na hayaan na lamang siya dahil ito ang mas makakabuti sa kaniya. Alam naming lahat iyon. Ito na lamang ang aming magagawa. Para sa kaniya. Pasensya ka na. “ZOEY!” sigaw naman nito na may kasamang paghagulgol. Aasa na lang kami na maging matibay ang kaniyang isipan. Ngunit nang makarinig kami ng isang tunog na siyang umubos sa aming pag asa. Ay naisip na naming lahat na wala na ngang magsasalba pa sa kaniya. Binunot ko ang isang baril at kinasa ito. Nang marinig naman ito ni Ellis ay lumakas ang kaniyang pag hagulgol. Unti unti na siyang nagiging isang infected at kung gusto niya tapusin ang pagdurusa ng kaniyang kapatid ay alam niya dapat namin siyang patayin bago pa siya tuluyan na magpasakop sa tukso ng kasalanan. Lumapit ako sa kaniya at lumuhod ako sa tabi niya. Hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at unti unti niya naman akong tinungo. “Kailangan natin itong gawin sa kapatid mo,” wika ko sa kaniya. “H- hindi ko kaya!” sigaw niya sa akin. “Kung gusto mo matapos ang kaniyang kalungkutan ay dapat handa ka na pakawalan siya, sa pagdurusa,” dagdag ko pa. Ayaw ko man ipamukha sa kaniya ang lahat ng ito. Wala kaming magagawa kundi ang tanggapin ito. Ilang minuto na lamang bago siya tuluyan na maging isang infected. Ayaw ko naman na pati siya ay makagat ng kaniyang kapatid at danasin ang parehong kapalaran. Itinutok ko ito sa ulo ni Zoey. Kailangan ko umaksyon sa gustuhin man niya o hindi. Ngunit kaagad niya ako itnulak palayo, kaya nakalabit ko ang gantsilyo ng baril at tumama sa pader. “Huwag mong papatayin ang kapatid ko!” sigaw pa niya. “Mamamatay ka rin!” sigaw ko pabalik. “Wala na siya! Tanggapin mo ang katotohanan, walang gusto ang mangyari iyan sa kapatid mo! Huwag mo sisihin ang iyong sarili,” dagdag ko pa. “Hindi! Hindi pa siya patay!” sigaw pa niya. “Oo nga hindi pa siya patay, pero tingnan mo naghihirap siya, kaya mo bang matiis ang kalagayan niyang iyan?” tanong ko sa kaniya. “K- kuya?” narinig ko naman ang garalgal na boses ni Zoey. Natahimik ako... imposible. “Zoey? Bunso?” at saka siya lumingon sa akin. “Sabi sa iyo hindi pa patay ang aking kapatid,” wika pa niya at ako naman ay natunganga. May pag asa pa ba na maging isang variant siya? Kitang kita ko na namumula na ang gitna ng kaniyang mata. “Bunso, andito na si kuya,” wika niya gamit gamit ang kaniyang baby voice at niyakap ito nang mahigpit. “Kuya... tulong,” wika niya. Nakita ko naman na tuluyan na naging isang infected si Zoey at kaagad niyang inilayo ang kaniyang ulo sa leeg ng kuya niyang si Ellis. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Ngunit sinubokan kong iabot ang aking kamay patungo sa kaniya umaasa na maisasalba ko siya. Ipinikit ko ang aking mga mata. ELLIS! Bumagsak ako. Kinapos ang aking palad bago ko siya tuluyang maabot. Hindi ko matanggap sa aking sarili, na ganito ang kaniyang sasapitin. Sumubsob ako sa lupa. Kaagad ko naman iniangat ang aking sarili. Inihanda ko na ang aking isipan sa susunod kong makikita. Ang duguan na si Ellis. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata sa aking mga makikita. Malabo ito sa una dahil sa luha na namuo. Ngunit ginamit ko ang aking mga kamay para pahirin ito. Nagsisisi ako ngayon dahil nagdalawang isip pa ako kanina para kalabitin ang gantsilyo ng baril. Dapat ay hindi ko na la- Nakita ko na may dalawang mahabang kamay... Dalawang mahabang kamay na siyang pumipigil kay Zoey para makagat ang leeg ng kaniyang kapatid. Ang doktor ang may kagagawan nito. Nakita ko naman sa mukha ni Ellis ang takot sa kaniyang mukha. Sobrang saya ko nang makita kong siya ay ligtas, malayo sa kapahamakan. Hinding hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon. Puro sigaw ang aking narinig, iyak ng sakit. Kahit sino naman ay masasaktan kapag nakita nila na namatay ang kanilang kapatid. Ang mahalaga ay ligtas siya ngayon. Akala ko nagiba na kanina ang aking mundo dahil akala ko ay mauulit nanaman ang pinaka kinatatakutan kong mangyari. “Salamat dok,” pasasalamat ko sa kaniya at hinayaan ko na lamang ang aking katawan na bumagsak dahil nag cramp nanaman muli ang aking muscle at maniwala kayo sa akin kung gaano ito kasakit. Naihagis naman ng doktor si Zoey. Ngunit kaagad itong tumayo at sinugod kami, at sa pagkakataong ito, parang sawa na pinalibutan ng mga kamay ng doktor ang katawan ni Zoey, nagpumilit ito na kumawala sa kaniyang bisig. “I’ll crush him to death,” wika niya kay Ellis na talagang hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. “Mag desisyon ka na,” wika ko sa kaniya. “Kung hindi mo kaya na makita ang iyong kapatid na nagkakaganiyang, mabuti na lang na umalis ka rito dahil kami na ang gagawa para sa iyo,” dagdag ko pa. Ngunit naupo lamang siya sa sahig. Patuloy sa pag iyak. “A- ako na ang gagawa,” wika niya. Itinigil naman ng doktor ang paghigpit ng pagkakapulupot ng kaniyang mga kamay sa katawan ni Zoey. Patuloy ito sa pag sigaw. Halatang nasasaktan sa nagawa ng doktor. Dahil sa parang pinupulikat naman ang buo kong katawan ay wala na akong ibang nagawa kundi itulak na lamang ang baril papalapit sa kaniya. Pinanood ko na lamang siya. Hanggang diyan na lamang ang tulong na maibibigay ko sa iyo. Tiningnan niya ang baril na itinulak ko papalapit sa kaniya, siguro ay hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ito sa kaniyang kapatid. “Iputok mo sa kaniyang ulo para hindi na mapatagal pa ang kaniyang paghihirap,” wika ng doktor. Tiningnan lamang ni Ellis ang baril. Nanginginig ang kaniyang kamay. Pero inilapit ng doktor ang Zoey na nagwawala. Unti unti niyang itinutok ang baril sa kaniyang noo. Kahit na hind ko iyon katawan at malayo siya sa akin ay ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan. “Iputok mo na,” wika ng doktor. At biglaan niya na lamang na naiputok kaagad ang baril at ganun din kabilis na nawalan ng buhay. Kaagad naman niyang nabitawan ang baril habang patuloy pa rin na nanginginig ang kaniyang katawan. Nang mabitawan naman ng doktor ang katawan ni Zoey ay kaagad siyang tumakbo papalapit sa kaniya. .               .               .               .               .               .               .               .               .               . Sa ngayon ay unti unti nang tumahan si Ellis. Pinalipas namin ang gabi sa palapag na ito at buong gabi din na gising ang doktor para bantayan kami. Naramdaman ko naman na nakakabalik na ang lakas ng aking katawan kaya dahan dahan akong tumayo. Napuyat din si Ellis kakaiyak, at dahil sa pagod at backlash ng aking mutation kaya ako nakatulog. Mukhang napuyat nga silang lahat maliban sa akin. I feel bad. Pero umaga na at ang mga sleepers ay aktibo nang muli, yung mga nasa labas. Yung nasa dilim ay patuloy na hindi gagalaw. Napansin ni Elle ang aking paggising. “Kamusta?” tanong niya. “Ayos lang.” “May gusto akong sabihin sa iyo.” -Raging Minds-    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD