Chapter 13.3 – Wounded Hearts

1649 Words
Vince’s Point of View -July 20, 2024- Ang mga infected naman ay hindi nagtagal at nakarating sa palapag na ito, may ilang palapag naman sa taas namin kaya talagang ieexpect ko na marami kaming makakaharap ngayon. Dahil nga sa ingay na ginawa nung batang infected kanina, at tatawagin ko na lamang ito na isang screamer, at dadalawa lang kami ngayon na haharapin ang daan daan na mga infected na itinatago ng building na ito. Hindi namin alam kung ano ano pa ang mga infected na may kakaibang katangian ang itinatago ng building na ito para sa amin. Nakita ko ang unang infected na nakarating sa palaapag na ito. Kaagad kami nitong nilingon at sinigawan na parang isang mabangis na hayop. Kaagad naman itong tumakbo patungo sa amin. At nagsunod sunod naman ang pagdating ng iba pang infected. Ang iba ay nagsilaglagan pa mula sa mas mataas na palapag. Wala akong magawa kundi ang panoorin sila. There are more of them reaching here and started to come at us. I put out a pill, and I swallowed it quickly. Naramdaman ko kaagad ang pag adapt ng aking cells sa cell na nilalaman nung pill na aking ininom. A strong enhancement of my body is surging out. Marami akong collection kaya ngayon ay ininom ko dalawang pill. Muscle enhancement, and fire emittance. Ang muscle enhancement ay pinalakas ang aking katawan, parang sa pamamaga pero hindi masakit, the more the mass of my muscle the stronger I get, at ang fire emittance naman ay magdedevelop ng isang certain cell of chemical. That will allow me to emit and it will ignite as soon as it leaves my body. Kasi kahit kaunting heat lang ang kumapit sa sa chemical ay masusunog agad ito. Tapos parang magkakaroon ako ng sugat sa aking kamay kung saan lalabas ang chemical, parang sa tao lang kapag umiihi tayo. Ngunit ang downside naman nito ay ang sugat ay kailangan maghilom ng ilang oras at lalagnatin ako. Ang muscle enhancement naman ay ang p*******t ng aking buong katawan. Naramdaman ko ang pagdaloy ng chemical combustible cells sa aking mga kamay. Nang makalapit sa akin ang mga infected ay kaagad kong binunot si Luna at sinuntok ko ito na siya naman kaagad nagdahilan sa pagkatanggal ng ulo nito. Natumba ito dahil doon at kaagad naman akong nagpatuloy pa. Napalabas naman ako ng spray ng chemical sa mga kamay ko at kaagad naman ito na nasunog. Umikot ako para mas marami pang matamaan ng chemical. Madaling kumakalat ang mga chemical na nasusunog at kaagad namang natumba at natupok ng apoy ang mga infecteds na tinamaan nito. Sinuntok ko ang iba pang infected there are so many of them at tuloy tuloy naman ako sa paglaban sa kanila hanngang sa pinaka huling kalaban nila. Ang aking trabaho lang ay lumaban hanggang sa maubos ko sila. Kailangan kong maprotektahan ang mga tao sa aking likuran. Hindi dapat sila mapahamak. There are so many. That fell into despair. Parang kay Xandra lang. Ang kaniyang muscle enhancement ay nagpabilis din sa aking mga kilos ngunit mas malakas nga lamang ang kaniya. Ngunit enough para mapatay sila. Ang may ari nito ay ang secretary ni Blaze na isa ring variant hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na matanong ang kaniyang pangalan noon. Halos nasa singkwenta na ang aking body count at patuloy pa ring nadadagdagan. “Tungo!” sigaw ng doktor na siya ko namang ginawa. “Stingray’s whip!” at kaagad naman itong nagpaikot ikot habang pinapahaba ang kaniyang kamay in the process. Maraming infected ang nadala nito. Na siya namang nagpaluwag ng area ng pansamantala. Nabigyan naman ako nito ng pagkakataon para huminga kaya ito ang aking ginawa. Huminga at mas nakapagisip ako.ng maayos kung paano ko sila malalabanan. Duck and throw an uppercut. Tumilapon naman ang kaniyang ulo. Inisprayan ko ito ng chemical na siya namang sumunog dito at kaagad kong tinulak sa iba pang infected, na siya namang gumapang sa iba pang infected. May nadaanan naman ako na isang tubo. Bakal na tubo at mahaba pa ito. Kaagad ko naman itong pinulot at sinaksak ito sa dibdib ng mga infected. Iniangat ko ito at gamit ang pambihira kong lakas ngayon ay isinwing ko ito para matanggal sa pagkakatuhog. Matapos iyon ay kaagad ko namang hinampas ang iba pang infected. Pinuntirya ko ang kanilang ulo para hindi na ako masyadong mahirapan sa pagpatay sa kanila. May mga nakakalapit sa akin pero kaagad ko itong naiisprayan ng chemical. Nakakaramdam sila ng sakit kaya napaatras ito. .               .               .               .               .               .               .               .               .               . Limang minuto na ang nakakalipas at hinampas ko ang huling infected sa aking harapan at sakto naman na natanggal ang epekto ng mga pill sa aking katawan. Pinigilan ko mapasigaw dahil sa sakit na kaagad namang dumaloy sa aking katawan. Napaluhod na lamang ako habang iniinda ito at nakita ko naman na may sinuntok ang doktor sa aking tabi. Nang lingunin ko ito ay may isa pang infected na hindi ko nakita. Tumingin ako sa kaniya. “Salamat.” “Gaano katagal yang sakit?” tanong niya sa akin. “Mga ilang minuto,” sagot ko sa kaniyang katanungan. Naglakad naman siya papunta sa silid kung saan ko iniwan ang dalawa para hindi na sila madamay sa mga nangyari kanina. Ako naman ay natumba dahil sobrang sakit na ng buo kong katawan. Hinayaan ko lang na humimlay ang aking katawan habang dinadama ang malamig na semento sa aking ilalim. Elle’s Point of View -July 20, 2024- Tumahimik ang lugar habang yakap yakap ko naman ang batang ito na siyang natatakot sa mga nangyayari. I pity this boy. Ano na kaya ang nangyayari sa labas? Bigla namang bukuas ang pintuan sa aking harapan na siya namang nagdahilan sa paghigpit ko ng yakap sa kaniya. Nang bumukas naman ang pinto ay nakita ko naman na binati ako ng doktor. Lumuwag naman ang aking pagkakayakap sa kaniya. “Tapos na,” wika niya sa amin at doon ay pinakawalan ko ang bata at napansin ko naman ang katawan sa kaniyang likuran. Kaagad naman ako nag alala kung ano iyon at binitawan ko si Ellis at tumakbo ako, nilampasan ko ang doktor. Oh my god Vince, what have you done to your self again? Kumaripas ako ng takbo papunta sa kaniya at iniharap ko siya sa akin, gising pa siya. Binuksan niya ang kaniyang mga mata. “Hi?” bati niya sa akin na siya namang ikinainis ko. “I told you, that you will not do this to yourself anymore right?” tanong ko sa kaniya. “What choice do I have?” tanong niya sa akin. “You have many choices,” ganti ko sa kaniya. “Well, there is only one,” natatawang ganti niya. Tinapik ko naman ang kaniyang braso na siya namang ikinakunot ng kaniyang noo. “What happened to you?” tanong ko sa kaniya dahil mukhang hinang hina nanaman ang lalaking ito. Ano pa nga ba ang aking magagawa. “Masakit katawan, lalo na kamay ko,” sagot niya sa akin. “Zoey,” narinig ko si Ellis sa aking likuran. Napatingin naman dun si Vince. “Tulungan mo siya mahanap kapatid niya,” ani niya. “Paano ka?” tanong ko sa kaniya. “Kailangan ko lang ng pahinga,” wika niya. “Sigurado ka?” “Oo naman.” Dahan dahan kong ibinagsak ang kaniyang ulo sa sahig. Iniayos ko muna siya sa pagkakahiga bago ako tumayo upang puntahan si Ellis na abala naman sa paghanap sa kaniyang kapatid na si Ellis. “Sigurado ka ba na narito mo naiwan ang iyong kapatid?” tanong ko sa kaniya at nalulungkot naman siyang tumango sa akin. Nilingon ko muna si Vince at talagang nag aalala ako para sa kaniya. Kung patuloy pala kaming malalagay sa panganib ay talagang mapipilitan siya na isakripisyo ang kaniyang katawan para sa aming kaligtasan. Kaya nga sumama ako sa kanila. Para hindi ko maramdaman na wala akong kwenta. Kailangan ko doblehin ang aking effort   Sinilip ko ang bawat pintuan sa palapag na ito. Asaan ka na ba kapatid ni Ellis? Nang makabalik na agad kami. Napaisip lamang ako dahil hinawakan ko ang katawan nung infected na sumigaw kanina na siyang nagdahilan ng lahat ng ito. Wala akong nakita kundi ang isang kawawang bata, pulubi... na inabandona sa mundong ito sa murang edad pa lamang. Walang pake ang mga tao sa kaniyang paligid kaya nagkaroon siya ng galit pero deep inside sa kaniyang puso ay humihingi siya ng tulong at umaasa na balang araw ay babalikan siya ng kaniyang mga magulang. Naawa ako sa kwento niya. Pero malaking palaisipan pa rin sa akin kung paano ko iyon nagagawa. This time. Hindi ako hinimatay. Nacurious lang ako kung mangyayari ulit sa akin iyon at hindi nga ako nagkamali dahil sa ikalawang pagkakataon ay nangyari ulit iyon. Sumakit ang aking ulo pero namaintain ko ang aking consciousness. Which is good... Ayaw ko naman na dumagdag pa sa pinoproblema ng dalawang ito. Gusto ko man pahirapan ang doktor ay natutunan ko rin na tanggapin na kailangan ko makipagtulungan sa kaniya para mabuhay. Hindi ko alam ang buong kwento pero poot pa rin ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Naalala kong muli ang mga nangyari nung araw na iyon. “T- tulong,” isang bulong ang pumukaw sa aking atensyon at kaagad naman akong napalingon upang hanapin kung saan nanggagaling ang bulong na iyon. “Tulong,” umulit pa ito at nanggagaling ito sa kaliwang direksyon ko. Kaagad ko namang inisa isa ang pintuan na nakahilera doon. Hanggang sa makita ko ang isang batang nakaupo sa dulo. “Zoey?” tanong ko. “Kuya Ellis?” wika nito. Siya nga kaya agad akong tumakbo. “Hindi ako ang kuya Ellis mo pero narito ako para ibalik ka sa kaniya,” pagpapanatag ko naman sa kaniyang kalooban. Ngunit may napansin ako na siyang... -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD