Chapter 3 - Infiltration

2274 Words
Vince's POV -July 17, 2024- I've been in love with Elle, my bestfriend for a long time. And I can't say a thing about this feeling I kept for too long. Natatakot ako na baka isang araw ay layuan niya na ako, at pinipilit ko na lamang sa aking sarili na makuntento sa pagiging matalik na kaibigan niya. Maybe the right time will come and I will do my best to earn her heart. For now, this is better than nothing. Pinanuod kong lumabas si Elle at kitang-kita ko sa kaniya ang pagkainis sa doktor. Kaya hinintay ko muna siyang makalabas bago ko lingunin ang doktor. "Pasensya na dok", paghihingi ko uli ng paumanhin sa inasal ni Elle kanina. "Ayos lang iyon ngunit, may ipinagtataka lang ako, parang may kakaiba sa kaniya. Hindi ko lamang maipaliwanag", lahad ng doktor sa akin. "Paano pong kakaiba doktor?" tanong ko. "Iyan ang ibibigay ko sa iyong misyon sa ngayon, na alamin kung ano ang kakaiba sa kaibigan mong iyon. Alam mo namang hindi pa ako nagkakamali", pahiwatig nito. "Siya nga pala, tungkol sa isa mong misyon na patumbahin ang grupo ni Makarov kamusta naman?" Napangiti ako ng bahagya sa tanong niya, dahil kahit isang porsyento ng progreso sa misyong ito ay wala pa akong nagagawa. Oo, isa niya akong agent at kaming dalawa lamang ang nakakaalam nito. Hindi ko lang alam kung nag-iisa ba talaga ako, pero may tiwala naman ako rito kay doktor. "He-he-he", napakamot ako sa aking leeg. "Tungkol po riyan, hindi ko sila matunton. Napakailap ng grupo niya at kung may makukuha man akong impormasyon ay mas nauuna pa siyang gumalaw bago ko ito maaksyunan. Para bang may mata at tenga siya sa paligid", kinakabahan kong pagkakasabi. Tumayo ito at pumunta sa isang malaking bintana kung saan tanaw ang isang magandang tanawin. "Sa totoo lang ay nagpadala nanaman ang grupo niya ng isang sulat. Nariyan sa lamesa ang isang pulang papel, kunin mo at basahin mo", utos nito. Tinanaw ko ang lamesa niya at lumapit dito. Sa una ay nahirapan pa ako na hanapin ang sinasabi niyang papel, ngunit may isang pulang papel na lukot-lukot ang nakaagaw ng pansin ko. Dinampot ko ito at umaasa na ito ang tinutukoy niya. Binuksan ko ito at inaasahan ang isang napakasamang balita mula rito, base sa itsura ng papel. Tumambad sa akin ang mga letra na mukhang dugo pa ang ginamit na pansulat dito. BUKAS NA BUKAS AY MAY IGAGAWAD AKONG ISANG MALAKING PASABOG. Nang aking mabasa ay bigla ko ring  nalukot ang papel at itinapon ito pabalik sa mesa. Hinarap ako ng doktor. "Kelan pa po nila ito pinadala?" nang-gagalaiti kong tanong. "Kahapon iyan ipinadala at nahuli namin ang taong nagdala ng sulat na iyan. Sa kabutihang palad ay bataan ni Makarov ang nagdala, pero hindi ito nagsasalita ng kahit kaunting impormasyon", pagpapaliwanag niya. Gaya nang inaasahan ko na sa kaniya galing ang sulat na iyan. Ang grupo nila Makarov ay terorista na may layuning ubusin ang sang katauhan. Sila rin ang nagpakalat ng virus na walang kunsinte ng gobyerno. Mga hipokritong naniniwala na ang tao ay isang sakit sa mundo na kailangan ng mawala. "Kilala mo naman sila Makarov, lahat ng salitang binibitiwan ay pinaninindigan niya", paglalahad ng doktor na siya namang pumutol sa mga iniisip ko. "Paniguradong may masamang mangyayari ngayong araw, kaya hanapin mo na siya kaagad at pigilan kung anuman ang binabalak niya", dagdag nito at ginantihan ko na lamang siya ng isang tango. "Vince, mag-iingat ka. Alam kong may espesiyal kang katangian pero hindi ito dahilan para magpadalos-dalos ka sa mga desisyon mo. At ang babaeng iyon, pakiramdam ko na katulad natin siya, kaya pagbutihin mo ang pag-iingat sa kaniya." Kahit hindi mo na ipaalala sa akin doktor ay iingatan ko siya pero, isang bagay lang ang ipinagtataka ko. Ano ang ibig niyang sabihin na katulad namin siya? Kahit kailan ay hindi pa nagkakamali ng akala ang doktor, kaya kinakabahan ako sa mga sinabi niyang iyon. Malaki ang tiwala ko sa kaniya dahil siya ang nagbigay sa akin ng ikalawang pagkakataon para mabuhay. Nagkakilala kami nung kasagsagan ng outbreak ng sakit sa Pilipinas. Patay na ang aking pamilya at ako na lamang ang nasa ospital ang natitira; handa na rin akong mamatay ng mga pagkakataong iyon. Ngunit dumating siya at iniligtas ako, at binigyan ng rason para mabuhay. Ang ipaghiganti ko ang aking pamilya. Kalaunan ay nalaman kong katulad ko rin siya na may espesyal na katangian. Sinenyasan ko siya na ako ay aalis na at tinalikuran para pumunta sa pintuan. Nang pipihitin ko na ang doorknob ay may biglaang malakas na pagsabog. Natumba ako dahil sa lakas nito, at agad akong tumayo para tanawin kung saan galing ang pagsabog na iyon. Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa nang matanaw ko kung saan galing ang pagsabog na iyon. Sa pader na siyang nagbibigay proteksyon sa amin sa mga infected. nagsimula nang magkagulo ang mga tao sa baba. "Hindi maari!" bulalas ng doktor. "Ang inaasahan ko ay mamayang gabi pa nila ito gagawin, dahil mas aktibo ang mga infected sa gabi." Agad-agad nitong kinuha ang telepono at may tinawagan ito. Pumunta ito sa kabilang kwarto kaya hindi ko maririnig ang kanilang usapan. Tinanaw ko muli ang baba at inaasahang walang makakapasok na infected sa pader dahil nga ay katanghaliang tapat pa lang. Maagapan pa naman ito ng kinauukulan ngunit yun ang inaakala ko. Nanlaki ang mga mata ko ng dumagsa ang pagkarami-raming infected papasok sa pader. Nakarinig ako ng mga putok ng baril at agad-agad kong tinawagan sina Elle. Ilang beses itong nag ring ngunit walang sumagot. Inulit kong muli at ganun pa rin. Lumabas ang doktor na bahid ang pagkainis sa mukha nito. "Anu nanamang kalokohan ang pakana ni Makarov! Grabe hindi ko inaasahang ganito ang kaniyang pakana", pumunta ito sa kaniyang drawer at may kung anumang hinahanap. "VINCE HANAPIN MO NA ANG MGA KAIBIGAN MO AT AALIS TAYO KAAGAD SA LUGAR NA ITO," sigaw nito na siya ko namang ikinagulat. Agad akong tumakbo papunta sa rooftop kung saan ko pinakaaasahang lugar na naroon siya. Sa kabutihang palad ay nakasalubong ko ang dalawang babae pabalik sa opisina ng doktor. "Ano ang nangyayari?" tarantang tanong sa akin ni Dan. "Mahabang kwento, mamaya ko na ipapaliwanag sa inyo. Sumama kayo sa akin at aalis na tayo sa lugar na ito", utos ko. Hindi na nagtanong pang muli ang dalawa at sumunod na lamang sa akin. Bumalik ako sa opisina ng doktor at naroroon siya hawak ang isang susi at inihahanda ang mga bala ng baril. "Ihanda niyo ang inyong mga sarili, aalis kaagad tayo sa lugar na ito dahil wala ng pag-asa pang mapigilan ang mga infected na iyon. Kunin niyo ang bag na iyan at ang mga gamit na sa tingin niyo ay kakailanganin natin." Agad kaming kumilos at kinuha ang mga gamit na dapat naming dalhin. Kinuha ko ang isang M4-A1 at isinukbit ito sa likod ko. Kinuha ko rin ang isang dessert eagle na siya ko namang iniabot kay Elle para may magamit siya sa delikadong sitwayon at kumuha pa ako ng SPAS 12 shotgun para magamit ko ito. Si Dan naman ay kinuha ang isang Ak-47 at may katana sa likuran nito habang si Elle naman ay may dala-dalang uzi. Ang doktor naman ay kinuha ang isa pang M4-A1. Nang masigurado nang ayos na ang lahat ay tumuloy kami pababa ng hospital. Sinalubong kami ng mga infected na siyang pinagpipiyestahan ang mga tao rito sa hospital at pinagbabaril lamang ang mga umaatake sa amin. Kailangan naming magtipid ng bala. Bumaba kami sa isang sikretong underground basement. Sinigurado muna naming ligtas ang lugar bago makampante. Dumeretso ang doktor sa kaniyang SUV at inihanda run ang mga gamit. "Doktor san tayo pupunta?" pagtatanong ko sa doktor. Sa pagkakaalam ko ay ito na lamang ang pinakahuling sibilisasyon na ligtas sa mga infected. "Maraming grupo ang nagtayo ng kanilang sariling sibilisasyon at hindi na umasa pa sa gobyerno. May kaibigan akong mapagkakatiwalaan," pagpapaliwanag nito. Nilapitan ko sina Elle at napansin kong umiiyak si Dan habang tulala lamang ang katabi nito. "Ano na ang mangyayari sa atin ngayon?" patuloy ang paghikbi ni Dan. "Everything will be fine," I reassured her. "Elle," kinabig ko siya at natauhan naman ito. "Patatagin mo sarili mo, okay?" pagpapanatag ko sa kaniya. Ngumiti na lamang ito at tsaka na lamang napansin na umiiyak ang katabi niya. Pinatahan nito si Dan at pinuntahan ko ang doktor na siyang nag-aayos ng gamit sa sasakyan. Inalok ko ito ng tulong na siya namang agad nitong tinanggap. "Ijo, alam kong mahirap para sa inyo ang sitwasyon na ito pero kailangan kita na maging matapang para sa mga kaibigan mo," ani ng doktor habang nag-aayos kami ng mga kakailanganing gamit sa sasakyan. "Alam mong matanda na ako at hindi pa nila ako pinagkakatiwalaan kaya sa'yo ko inaasa ang pagiging lider sa kanila." Hindi ko alam kung paano ko gagantihan ang mga sinabi sa akin ng doktor. Nanatili akong tahimik at nagtuloy-tuloy sa pag-aayos ng mga gamit sa sasakyan. Ramdam ko ang lubos na pagtititwala sa akin ng doktor kaya hindi ko siya pwede biguin. Gagampanan ko ang pagiging lider sa grupong ito. Matapos ang ilang oras ay natapos na rin namin ng doktor ang paghahanda sa sasakyan at handa na kaming umalis.  "Ayan handa na ang lahat lalarga na lang tayo. Sa ngayon magpahinga muna tayo at kakailanganin natin ang lakas sa mga panahon na ito." Naglakad ito palayo at ako naman ay pumunta sa isang kwarto na puno ng monitor. Isang security system room, kung saan narito nakalagay ang mga monitor na siyang nakukuhan ng cctv sa labas. Nakita ko ang dami ng infected sa labas at inobserbahan ko ito kung paano kami tatakas kinabukasan. Ilang oras ako nanood dito hanggang sa kinain na ako ng antok. . . . . .  Nagitla ako ng may isang kalabog ang narinig ko mula sa labas, kaya agad-agad ako na tumayo mula sa aking kinauupuan. Inisa-isa ko ang mga monitor sa aking harapan at hinanap ang pinagmulan ng kalabog. Hanggang sa makita ko ang isang grupo ng survivors na siyang pagod na pagod na at ang iba ay sugatan pa. Tatakbo na sana ako sa hidden entrance ng pinagtataguan namin ng may isang malaking bato ang naihagis sa isa ng mga kasamahan nila. Durog ang katawan nito at kumalat ang dugo nito sa paligid. Napaupo ang isa sa mga babae sa grupo nila at kita ko ang labis na pagkatakot sa mata nito. Wala akong nagawa kundi panoorin ang kagimbal-gimbal na eksena na iyon, sa takot na baka madamay kami sa gulo na iyon. Ngayon ay tatlo na lamang sila na natrap sa pader ng hospital, dahil nga sa limitado ang sakop ng cctv ay hindi ko makita kung anuman ang gumagawa ng gulo na iyon. Ang isang lalaki naman na siya namang sigurong lider ng grupong ito ay patuloy sa pagbaril at ang isa namang lalaki ay tinutulongan ang babaeng napaupo sa takot. Hanggang sa muling yumanig ang buong paligid, sigurado ako pati sila Elle ay naramdaman ito sa pagkakataong ito. Hanggang sa mawala ang koneksyon ng cctv sa security system. Nasira siguro dahil sa gulo sa labas. Napahilamos ako sa aking mukha, dahil kung anuman iyon aya siguradong napakadelikado. Kaya lumabas ako sa silid at hinanap sila Elle. Sa kabutihang palad ay nanatiling tulog si Elle at ang doktor, ngunit di ko mahanap si Dan kaya hinanap ko ito.  Nakita ko si Dan na nakasilip sa hidden entrance ng aming pinagtataguan, kaya kinabahan ako sa anumang nakita niya. Akma niya itong bubuksan, kaya tumakbo ako upang mapigilan ito. "Dan! Huwag mong bubuksan iyan." "Vince? May tatlong tao roon, mukhang kailangan nila tulong natin," awang-awa si Dan sa nakikita niya ngayon. Papayag na sana akong buksan niya iyon nang yumanig nanaman ang buong paligid at may nakita kaming isang napakalaking infected na siyang humabol sa tatlo. Sa sitwasyon ngayon ay pati kami mapapasama kung tutulungan namin sila. Kaya pinigilan ko si Dan ngunit nagpumiglas ito. "Masisikmura mo ba na hinayaan nalang nating mamatay ang mga taong iyan habang tayo rito ay pinapanood lamang sila?" "Dan pati tayo madadamay kung magpapakabayani tayo, iniisip ko lamang ang kapakanan nating lahat." "Kung ikaw kaya mo, ako hindi kaya hayaan mo ako Vince  mamatay na kung mamamatay," sa pagkakataong ito ay nakawala si Dan sa pagkakapit ko at nabuksan niya ang pinto. "HOY! DITO!" tawag nito sa tatlo na siya namang nakaagaw ng pansin dito. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumulong nalang din sa kanila. Mabilis silang nakatakbo sa direksyon namin at mabilis ko rin silang inalalayan papasok. Ngunit isa sa kanila ay tinanggihan ang tulong ko. "Maraming salamat sa tulong nyo brad, pero di na ako sasama sa inyo. Sila nalang iligtas mo, at ang tangi ko nalang pakiusap sa inyo na alagaan niyo sila. Ililigaw ko ito at hindi ko hahayaan na pati kayo ay madamay sa infected na iyon," nilingon niya ang dalawang kasama at binigyan ito ng isang matamis na ngiti, tsaka niya ibinalik sa'kin ang atensiyon. Tumango ito sa akin at agad ko namang nakuha ang ibig sabihin nun kaya tumango ako rito pabalik. Tumayo ito at inihanda ang kaniyang baril.  Isasakripisyo niya ang sarili niya para sa kaniyang mga mahal sa buhay. Saludo ako sa iyo brotherhood! Isa kang marangal na lalaki. "Fred! Hu-Huwag mo kaming iiwan," sambit ng babae at kinapitan ito sa kaniyang paa. Pero nagpumiglas si Fred at tumakbo papalayo. Nang makalayo ay nagpaputok ito ng baril na siya namang umagaw sa atensyon ng abnormal na infected at hinabol ito.  Agad ko namang sinara ang pinto at hinarap ang dalawang ito. To be continued                                                                                 -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD