Chapter 2 - Terrifying Truth

2323 Words
Elle's POV -July 16, 2024- Every day I woke up, I have this feeling that I don't want to wake up anymore. Yung kada pag-gising mo ay parang may kung anong binubuhat ang iyong kaluluwa, dahil sa napakabigat ng pakiramdam mo. Yung pakiramdam mo ay nagtrabaho ka na ng isang buong araw, dahil sa sobrang pagod na pagod ka na kaagad; kahit na kagigising mo pa lang. Napapagod na nga yata ako sa bigat ng aking mga pasanin. Nagkapatong-patong na, at mag-isa ko lang 'tong pinapasan. Nasilaw ako sa sinag ng araw at inis na iminulat ang aking mga mata. Ibinangon ko ang aking sarili. Inunat ko muna ang aking mga braso bago tuluyang maglakad patungo sa banyo. Hinarap ko ang salamin, at pinag-aralan ko ang aking mukha. Ang aking medyo brownish na hair ay aking napapansin dahil sa natatamaan ito ng sinag ng araw. Kinuha ko tuwalya at sipilyo, tsaka pinasok ang shower room. Binuksan ko ang gripo at hinayaang bumuhos sa aking katawan ang napakalamig na tubig. Syet! Ngayon nga pala namin kakausapin ang doktor na 'yon. Minadali ko nang maligo, at dali-dali na rin akong nagbihis. Nang makabihis na ako ay nilabas ko si Dan na kumakain. "Mabuti't naisipan mo na ring bumangon," bati nito sa akin. "Umupo ka na rito at kumain ka na kung gusto mo pang maabutan si Dr. Davila." Kumuha ako ng upuan at iniligay ito sa tapat ng mesa. Umupo ako rito at kinuha ang platong nakahain para sa akin. Nakakita ako ng sinangag at umakto na para bang nagulat. Ano kayang nangyari at biglang sinipag ang bruha? Tinapunan naman ako ng naaasar na tingin. Nagsandok ako ng sinangag sa aking plato at kumuha ng dalawang longganisa na nakuha ko kahapon. Sa totoo lang nag-aalinlangan ako sa tuwing kumakain ako ng karne. Iniisip ko na baka infected ng virus 'to at isa sa amin ngayon ay maging halimaw. "Elliza Joy! Napakaparanoid mo! Proven and tested na ang mga karne. Wala pang naiinfect sa pagkain niyan at kung meron man, IKAW ang una," lahad nito at para bang nababasa nito kung ano ang iniisip ko. "Ang dali mong basahin, kaya wag ka na magtaka," binasa niya nanaman ba iniisip ko? "OH COME ON! Elle sa tinagal-tagal nating magkasama sa kwartong ito. Kilang-kilala na kita, yang pagtitig mo nga lang sa longganisang 'yan alam ko na ang iniisip mo." Hindi mo ako kilala Dan. You know just a little bit of information about me. "Daldal mo," asik ko sa kaniya at sinamaan ako ng tingin. Dinedma ko yun at nagtuloy-tuloy sa pagkain. Tahimik naming tinapos ang aming kinakain at 'di na muli akong dinaldal ni Dan. Napahiya siguro. Buti nga sa'yo. Nang matapos ay nagboluntaryo akong maghugas ng mga pinggan. As usual natuwa naman ang bruha. Maya-maya lang ay dumating si Vince. "Morning Vince," bati ni Dan sa halatang nagmadaling pumunta rito na lalaki. "Akala ko l-late na ako," tumigil siya dahil hinahabol niya ang kaniyang paghinga. "Buti naman at nandito pa kayo." "Pareho kayong late. Leche!" sigaw ni Dan. "Paanong nalate si Elle?" "E ano pa ba, tulog mantika. Bagay nga talaga kayong dalawa." Napakamot ng ulo si Vince na siya namang ikinangiti ko. Kahit kailan talaga ang slow. Utak-pagong! Inayos ko ang mga plato at pumasok sa aking kwarto para ayusin ang aking sarili. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam kung handa ko na bang harapin ang taong yun. Kinuha ko ang dalawang pocket knife at mamaya ay ibibigay ko kay Vince yung isa. Bumaba na ako at nakita kong nagbabangayan pa rin ang dalawa. Batukan ko kaya tong si Vince. Kalalaking tao pumapatol sa babae. "Vince!" banta ko sa kaniya, sasagot pa sana siya kay Dan ngunit natakot naman siya sa akin. "O! Ano ka ngayon. Boses lang pala ni Elle katapat mo." Wala nang nagawa si Vince sa pang-aasar ni Dan sa kaniya. Napanguso na lang siya at di pinansin itong si Dan na patuloy pa ring inaasar ang kawawang lalaki. "I'm ready," tawag ko sa kanila. Biglang nagliwanag ang mukha ni Vince at nagmadali itong lumapit sa akin. "Ang tagal mo," pagmamaktol nito. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti at napakamot naman ito sa batok. "Lead the way," utos ko. Bumuntong hininga ito at nagsimula nang maglakad. Tahimik naming tinahak ang lugar kung saan nanunuluyan itong si Dr. Davila, at dahil sa malayo ang lugar na iyon ay matatagalan kami bago makarating. Wala naman kaming sasakyan na magagamit at mas maigi na itong maglakad para nakukondisyon na rin ang aming mga katawan. Habang kami ay naglalakad ay hindi maiiwasan ang makaramdam ng pagod at inabot ko nalang ang aking tubig sa aking bag. Inialok ko naman ito kay Dan na siya namang kinuha kaagad. "Dan, nagtaka ka na ba kung ano ang sinapit ng pamilya ni Dr. Davila?" nagbukas nanaman ng panibagong topic itong si Vince. Oo, nga pala matagal na ring magkakilala ang doktor at itong si Dan. Hindi talaga mauubusan ng idadaldal to e 'no? "Baka nadamay nung araw ng outbreak ng virus or nakain na," hula ni Dan. "Actually, wala talagang ikapagtataka kung bakit wala siyang pamilya ngayon, dahil wala naman talaga siyang pamilya," tugon ni Vince na siyang ikinagulat naman ni Dan at nakuha ang maliit na porsyento ng aking interes. A strong person right there huh? "That's sad," mapait kong pagkakasabi. "Nung bata pa lamang siya ay wala na siyang magulang at lumaki sa bahay ampunan, at dahil nga sa may angking talino itong si doktor ay napagdesisyunan nilang pagtapusin ito nang makakuha sila ng karangalan sa kanilang lugar; hindi niya naman itinuring na pamilya ang mga tao sa bahay ampunan, dahil karangalan lang naman ang habol nila sa kaniya. Kung nagtataka rin kayo kung bakit wala pa rin siyang pamilya, dahil sa pwede naman siyang bumuo ng kaniyang sariling pamilya. Ito ang totoo niyan, actually may bestfriend siya since highschool na kinalaunan ay minahal niya na. Ito namang si doktor torpe hindi maamin-amin ang nararamdaman sa kaibigan niya, hanggang sa makapagtapos sila. Napakaloyal niya 'no?" tumango kaming dalawa ni Dan. "Nakakalungkot nga lang isipin dahil naputol ng mga infected nung ikinekwento niya sa'kin 'to at never niya nang inopen-up sa'kin ang tungkol doon." "Ang sad naman nun," komento ni Dan na may bahid pa ng panghihinayang. "Looks like we're here," pagpuputol ko sa usapan nila. Nasa harapan ko ngayon ang isang Hospital na may nakapangalang "Old Sci-nai Hospital" sa may entrance nito. Kitang-kita pa rito ang lumang asul na pintura. Pinangunahan ni Vince ang pag-pasok dito at sumunod naman kami sa kaniya. Namangha naman ako dahil sa pagpasok ko ay abalang-abala ang mga tao sa pag-aasikaso sa mga pasyente. So fully operational pa pala ang hospital na ito. "Yep, alam kong manghang-mangha kayo dahil buhay na buhay pa ang hospital na ito, and it's all thanks to Dr. Davila," pagmamayabang ni Vince. "What they did to our country is unjustifiable, this is far from enough," asik ko. Napamaang si Vince at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sumunod naman kami sa kaniya hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang pintuan at dito ay may mga nakaukit na letra, mga letra na bumubuo sa pangalan ng aming taong hinahanap. Dr. Ronaldo Davila. Kumatok ng tatlong beses si Vince bago niya kami pinagbuksan ng pintuan. Bumungad sa amin ang nasa trenta anyos na lalaki at puting-puti ang buhok na pinarisan naman ng maputing balat na siyang nagpagwapo rito. Sinalubong niya kami ng isang matamis na ngiti, at kung sinuman ang makakakita nito ay hindi niya aakalaing isa siya sa mga may kasalanan sa mga pangyayari. Naikwento sa akin ni Vince na nagtatrabaho ito sa hospital kung saan nagmula ang virus, kaya ikinunsidera ko na isa siya sa mga kaaway ng sang-katauhan. "Magandang hapon sa inyo mga anak," bati nito. Inirapan ko ito nang magdapo ang aming mga paningin. "May problema ba ija?" tanong nito na mapansin ang iniasta kong ugali. "Ikaw PO ang problema," pinagdiinan ko ang saltang "po" para maipakita ko ang aking paggalang sa kaniya. "Elliza Joy," sita ni Vince sa akin. "Pagpasensyahan n'yo na po doktor malaki lang talaga galit niya sa mga doktor katulad niyo," pagdepensa sa akin ni Vince, tumango lamang ang doktor para ipakitang naiintindihan niya ako. "Pasensya na ija, mahigit dalawang taon na rin at nagkita tayong muli, it's good to see you in a very good shape," pangangamusta niya sa akin. So naalala mo pa pala ako. Never ko siyang pinasalamatan sa ginawa niya sa'king pagliligtas at kung tutuusin ay kulang pa iyon sa mga nagawa niyang pagkakamali. Napansin ko namang nakatingin siya sa amin at kinikilatis ang bawat isa. Pumunta siya sa kaniyang mesa at umupo sa kaniyang swivel chair na nakatalikod sa amin. Umikot ito at humarap siya sa amin. "May I know the reason, why?" tanong nito at nakuha namin kaagad ang ipinupunto niya. "Actually dok, siya po may kailangan senyo," turo niya sa akin at sa kung anumang dahilan ay nakaramdam ako ng pagkapahiya. "Wag ka nang mahiya ija, don't worry I don't hold grudges," ngumiti siya para ipakita sa akin na ayos lang para sa kaniya ang mga nangyari kanina. Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob sa mga itatanong ko sa kaniya. "Posible po ba ang mutation?" sa wakas at naitanong ko na rin. Iningatan ko ang tono ng aking pananalita para makuha ang mga impormasyong kailangan ko. "Matagal nang nagkaroon ng mutation ija, what do you mean?" naguguluhang tanong nito. "Yesterday I happened to spot some infecteds, and they are not the common ones whom we see everyday. They are the ones that turns its host's eye color into red and maintain its physical shape. This one is like a gorilla, it's so musculated and I know na tao ito. And worse than that its arms are bigger than their body and I can assure you that this is not some bodybuilder that was infected by the virus," paliwanag ko sa pinakamaayos na paraang naiisip ko. Sa totoo lang gulong-gulo na rin ang isip ko sa bagay na iyan. Nagliwanag naman ang mukha nito ng panandalian na siya namang kinainis ko at bigla namang nalungkot. Baliw. "I designed it that way, it's good to know that it worked according to my plan," malungkot na pagkakasabi nito. "Can you explain yourself!" di ko na napigilan ang galit ko nang marinig ko sa kaniya ang mga salitang iyon. Napamaang ang doktor sa harapan ko. Talagang ipaglalandakan mo pa sa harap ko na masaya kang nangyari ang inaasahan mo at proud ka pa na ikaw ang nagdesign ng virus na iyon ha! Hinawakan ni Vince ang balikat para pakalmahin ako ngunit mas nangingibabaw ang galit sa akin. Sorry Vince I can't hold my anger. "I'm so sorry ija, I designed it that way to help humankind to live longer. I want those extraordinary features to be added how they want it to be. I want to create a superhuman society," paliwanag nito. "So you just want your fairy tale to come to life huh? Well, congratulations sir! Your fairy tale turned out to be a gruesome horror story," asik ko. "It's unreasonable sir, alam mo namang laganap ang kasamaan sa mundong ito. Kung nangyari nga ang gusto n'yo ay mapapasama pa rin ang mundo. Malamang sa malamang gagamitin ito sa kasamaan, alam mo naman ang mga tao ay makasalanan gagawin ang lahat makuha lamang ang ninanais nila. Hindi tayo nakukuntento dahil nanaig ang inggit sa puso. Ang iba naman ay may mahahalay na pagnanasa na kaya sisirain ang buhay ng isang tao makaraos lamang. Ang iba naman ay handang sirain ang buhay ng mga nasasakupan makamkam lamang ang mga salapi," gatong ni Dan. Nakalimutan kong nag abogasya nga pala ang babaeng ito. "You are so damn immature sir, you did all of this just to fill your childish desires!" sigaw ko. "Sorry," iyan lamang ang nabanggit niya sa amin. "Sorry? It's not enough! Even your death is not enough to redeem yourself from your sins," gigil na pagkakasabi ko. Lumabas ako sa silid at padabog na isinara ang pinto. Pinagtinginan ako ng mga tao at wala akong pakialam sa kanila. Sinundan naman ako ni Dan na hindi ko naman pinansin. Pigil na pigil ang aking mga luha dahil nanunumbalik sa alaala ko ang mga mapapait kong nakaraan. Kung paano patayin ni Dad si Mom. At paano binaril si Dad, and I came here just to know that it was all for a childish desire. Damn it! "Elle?" habol sakin ni Dan. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at hindi sa amin sumunod si Vince. Wala na akong pakialam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa basta mailabas ko lang 'tong sama ng loob ko. Hindi ko na nga nakuha ang impormasyong kailangan ko, sumama pa ang loob ko. Great! Salamat sa iyo DOKTOR! Tumabi sa gilid ko si Dan na nakatunghay rin kasama ko. Nasa rooftop kami ngayon ng Hospital at tanaw namin ang mga taong naglalakad sa kalsada. Nakakita ako ng isang pamilyang masayang-masaya habang naglalakad. Napakaswerte nila, dahil maraming tao ang nalagasan ng pamilya sa buhay nila. "Elle, humans are really mysterious. Hindi mo alam kung ano ang iniisip nila. They are like a jigsaw puzzles na kailangan pang buoin," matalinhagang pagkakasabi nito. "But Elle holding grudges won't fill that sadness of yours but instead it will drag you down in the depths of your despair. Wala namang may gusto sa mga pangyayari. Baka ito na nga ang ginawang paraan ng Diyos para parusahan ang sangkatauhan sa mga pagkakasala nito," habol pa nito. "That's true Dan, we don't know what's behind the mask of the person we encounter," pagsang-ayon ko sa kaniya. Kahit papano ay gumaan ang aking kalooban and it's all thanks to Dan. Buti nalang talaga at sinundan niya ako rito. Tahimik naming pinagmasdan ang mga taong nagdaan at hinayaan lamang dumampi ang sariwang hangin sa aming mga balat. Hanggang sa... Nakarinig kami ng pagsabog. Raging Minds  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD