Chapter 4 - Escape

2449 Words
Vince's POV -July 17, 2024- Sa mundong ito ay walang permanente, mayroong mga bagong dumarating at may mga umaalis. May mga taong dumarating para magiwan ng isang aral na siyang gagabay sa atin sa buhay na ito at meron ding mga dumarating para sirain ang buhay natin. Pero alinman sa dalawang ito ang dumating sa ating buhay, ay nakasalalay pa rin sa atin kung paano natin panghahawakan ang mga iniwan nila. Kanina pa di tumitigil sa pag-iyak ang babaeng ito simula nang mailigtas namin siya sa di-pangkaraniwang infected na iyon, at ang kasama naman niya ay tulala pa rin. Hindi pa siguro natatanggap ang mga pang-yayari at ang pagkawala ng kanilang kaibigan. Ibinigay ko sa kanila ang dinala kong dalawang cup noodles at dalawang tubig. Dumating din si Dan na dala-dala ang mga gamit pantulog upang magamit nila. Lalapitan ko sana ang dalawa para matanong kung anong pangalan nila, dahil magkakasama na kami ngayon at ako ang kanilang pinuno.  He He He He. Gandang pakinggan, "Pinunong Vince" grabe di ko na mahihintay ang araw na iyon. Kaya ngayon palang sasabihan ko na ang dalawang it- "What the hell are you doing?" pigil sa akin ni Elle na di ko inaakalang gising na. Binigyan ko siya ng isang kinakabahang ngiti, naningkit na naman ang mga mata nito. Cutieee!  "I know that smile, Mr. Mercado!" banta nito at kung anuman ang balak kong gawin ay dapat ko ng hindi ituloy. "Opo, boss," pagpapaumanhin ko sa kaniya. "Oi, kayong dalawa riyan ang iingay niyo. Kita niyo namang nagpapahinga sila e," pasok ni Dan. "Who are they?" tanong ni Elle. Hindi niya pa pala alam ang nangyari kaninang hapon at ngayon ay mag-aalas otso pa lang ng gabi. Dahil ata sa sobrang pagkapagod kaya di sila nagising ng doktor kanina. Pumunta naman si Dan sa dalawang bagong dating at may sinabi ito rito tsaka bumalik sa amin.  "Paliwanag ko nalang bukas, teka kumain ka na ba?" tanong ko sa kaniya. "Nawalan na ako ng gana," reklamo ni Elle at siya namang ikinasimangot ko. "Papalipas ka na naman ng gutom, nako hindi pwede 'yan Elle," sermon ko sa kaniya. Ngumuso ito at ngumiti sa akin, napabuntong hininga ako dahil alam kong di ko matitiis ang itsurang 'yan.  "Matulog ka na lang uli para mabawi naman yang lakas mo," utos ko. Tumango ito ng parang bata at bumalik na si Elle sa kaniyang kwarto kasama si Dan. Pinigil ko naman si Dan tsaka hinila ko ito sa isang lugar na walang makakarinig sa amin. Mukhang hindi naman napansin ni Elle ang ginawa ko. "Anong ginagawa mo Vince?" tanong nito nang bigla ko siyang hilahin. "Tumahimik ka baka may makarinig sa atin, may pag-uusapan tayo," pagpapaliwanag ko rito. Nang makarating na kami kung saan wala nang makakarinig sa amin ay tsaka ko na binitawan ang kaniyang kamay. "OH MY GOODNESS VINCE! Di ko alam na sa akin ka may pagtingin... No, I can't, don't cheat on Elle," exaggerated na reaksyon nito sa aking kinilos. Grabe ang ingay naman ng babaeng 'to.  "Shhhh," pinatahimik ko ito. "Kaya nga kita dinala rito dahil may importante tayong paguusapan," dagdag ko. "Bukas na bukas din ay kakausapin natin ang dalawang iyon at pag-uusapan natin ang mga plano namin ng doktor para makatakas dito. Nabalitaan namin ng doktor na hindi na kikilos ang gobyerno sa pagbawi sa distritong 'to. Alam mo namang hanggang eleksyon lang ang mga pangako nun, kaya pakiusap ko sa'yo wag na wag mong mababanggit ang pinagawayan natin bago sila papasukin dito. Ayokong hindi sila maging kumportable sa atin," paliwanag ko. "E, ikaw nga tong ayaw sila papasukin," pambabara nito. "Mas inisip ko lang ang mas makakabuti sa atin at hindi ko naman inaasahan ang pagsasakripisyo ng lalaking 'yon," paliwanag ko. "Hindi pa nga natin alam ang mga pangalan nila," dagdag ko pa. "So, gusto mong magsinungaling ako?"  "Oo Dan, pakiusap kailangan ko ang tiwala ng dalawang iyon para magkaisa tayo. Hindi pa natin alam kung nakalayo na ba talaga ang halimaw na iyon," pakiusap ko sa kaniya. "Tsaka magagalit sa'kin si Elle alam mo naman ugali nun," palusot ko pa. Kapag nabanggit ni Dan ito sa kanila siguradong sira ang samahan namin. Sa isang grupo ay kailangan namin ang tiwala ng isa't isa kahit labag sa kalooban ko ang nangyari kanina ay masaya akong di kami napahamak. Mas uunahin ko pa ang buhay ng mga kaibigan ko kesa sa iba. Sa mundong ito, hindi lahat ng oras ay kailangan kong magpakabayani dahil pareho lang kaming mapapahamak kahit kaunting pagkakamali lang ang aking magawa. "Sige, maasahan mo 'ko pero sa isang kondisyon," bigla itong napangiti. Nako, mukhang nasa panganib ang buhay ko, hindi maganda kutob ko sa ngiting iyan. "Ano iyon," asar na tugon ko. "Sabihin mo sa akin may gusto ka ba kay Elle? Pansin kong di mo tinanggi yung sinabi ko kanina," kumikinang ang mga mata nito habang tinatanong ito sa akin. Napakachismosa talaga ng babaeng ito at pakiramdam ko kapag hindi ko sinagot ang tanong nito ay sasabihin agad niya kay Elle ang mga nangyari. Dapat pala ay hindi ko nalang nabanggit si Elle. Stupid me. "Oo, matagal na akong may gusto sa kaniya, wag kang maingay ha," pilit kong sinabi sa kaniya ang mga salitang iyon. Dapat sa kaniya ko unang sasabihing ang mga salitang yan. Nako naman talaga. "KYAAAAAAH, sabi ko na nga ba, support kita you want help?" alok nito. "No thanks, baka sirain mo pa diskarte ko," masungit kong tugon sa kaniya. "Ikaw bahala," tumalikod ito at nagsimula nang maglakad papunta sa area kung saan sila natutulog ni Elle. Naglakad naman ako pabalik sa security area kung saan ako galing. Bago ako makarating dun ay nakita ko sa may pintuan ang babaeng nailigtas namin kanina. Nakita kong balak niyang lumabas kaya agad-agad akong tumakbo para pigilan ito. "Anong ginagawa mo?" iniharap ko siya sa akin at umiiyak pa rin ito. "B-baka bu-buhay pa s-siya," patuloy pa rin ito sa paghikbi. "Ako l-lahat ang m-may kasalanan, kung h-hindi ko l-lang sana ipinilit," sisi nito sa sarili. Inalis ko ang kaniyang kamay sa pintuan at inilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang mga balikat at tiningnan ko siya sa mga mata. "Makinig ka sa akin, ibinuwis niya ang kaniyang buhay para mailigtas kayo. Kaya huwag mo itatapon ang buhay na ibinigay niya para sa inyo," itinuro ko ang aking mga daliri sa kaniyang diba kung nasaan ang puso. "Wala man siya sa tabi niyo, nandiyan naman siya sa inyong mga puso. Kuha mo?" tumango naman ito at nagpunas ng kaniyang mga luha. "Sige na matulog ka na at bukas maaga pa tayong gigising, at magpapakilala pa kayo sa amin. Simula ngayon parte na kayo ng aming grupo at tungkulin ko ang protektahan kayo na siyang ibinilin sa akin ng kaibigan mo," pagpapanatag ko rito. Sinamahan ko siya pabalik sa kaniyang naiwang kaibigan. "Thank you," wika nito bago siya dumeretso sa kaniyang kaibigan na natutulong.  At ako naman ay dumeretso na sa security room . Umupo ako sa swivel chair at umikot-ikot tsaka naalala ko ang mga nangyari kanina. Parehong pareho tayo ng pinagdaanan.  Alam ko ang mawalan ng mahal sa buhay. Ipinikit ko ang aking mga mata. Elle's POV -July 18, 2024- "Elle wake up, it's time na sa ating meeting," pag gigising sa akin ni Dan. Ano kayang meron at may meeting na ipinapatawag? Nakita kong nauna na si Dan when I gave her a nod.  Iniangat ko ang aking sarili at kumuha ng isang biscuit at tubig sa aking bag. Tinamad na akong kumain kagabi dahil may mga bagong mukha kagabi. Dahil dito nagooverthink na naman ako kung bakit may umiiyak kagabi at di ko namalayang nakatulog na pala ako. Tinapos ko itong kainin tsaka tumayo at inihilamos ko ang natitirang tubig sa bote, para tipid sa resources. Naglakad ako papunta sa van dahil hindi ko naitanong kay Dan kung saan nila gagawin ang meeting na iyon, kaya nanghula nalang ako at hindi naman ako nagkamali. Nakasalubong ko si Vince. "Magandang umaga binibini," masiglang bati sa akin ni Vince. "Good morning Vince," I greet him back. "Mukhang nasa good mood ka, and what's the reason?" tanong ko sa kaniya. "Nakita kasi ki-" biglang naputol ang kaniyang sasabihin at namula naman ang mukha nito. "N-nakita ko na kasi yung sumbrero ni lolo," ipinakita niya ang pulang sumbrero.  "Okay..."  "Hehehehehe, si-sige una na ako," awkward nitong pagkakasabi at nagmadaling umalis. Ganda ganda ng batian tapos iniwasan ako bigla. Weird talaga. Dumeretso na ako sa may gilid ng sasakyan kung saan sila nagtipon-tipon. Nakita ko naman ang doktor sa unahan, na siya naman ikinasingkit ng aking mga mata. I can't trust that person. Tumabi naman sa akin si Dan at binigyan ako ng isang napakalaking ngiti.  "Haba ng hair mo gurl," pang-aasar nito. "I know and don't state the obvious," pambabara ko rito. Nanlaki ang mga mata nito at napatakip sa bibig. "Ohhhh, so alam mo na?" excited na tanong nito.  "What?" takang tanong ko. Biglang tumamlay naman ang mukha nito. "Nevermind, hehehe," bigla naman itong tumingin kay Vince na siyang masama ang titig kay Dan. Ano kayang meron? "Magandang umaga," biglang pasok ng doktor. "Kayong dalawa pumunta kayo rito sa harapan at magpakikilala kayo," turo nito sa dalawang bagong mukha at tumayo naman sila tsaka pumunta sa harapan. "Ohayō mina-san (Morning everyone), I'm Alexxandra Sato, pero you can call me  Xandra-chan," bibong pagpapakilala nito sa amin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung nakita ko kagabi na umiiyak at hanggang ngayon ay kitang-kita ko pa rin sa mga mata niya ang pamamaga ng mga yon. "Nagbabakasyon kami rito nung nagka outbreak but my otōsan (dad) and kaa san (mom) died because of those damned monsters and recently which is kahapon lang, I lost my beloved friend," dagdag nito at kitang-kita ko ang pagpipigil niya sa kaniyang mga luha. A/N - –Chan (ちゃん), most frequently used for girls and between them, children, close friends, or lovers. This can be used when somebody finds a person, a pet, or something adorable and cute. "Waahh, ang cute ng boses niya," nilingon ko si Dan and I saw so much awe in her eyes maybe because of what happened to her friend and parents. I agree na cute boses niya, ang liit naman kasi ng boses. What the heck happened yesterday while I was asleep? "I'm Josh Allen Guzman, nice to meet you all," tipid nitong bati while wearing a blank expression. "Taray, may boy version na si ate gurl," pang-aasar nito. Siniko ko naman ang tagiliran kaya napakapit ito sa tiyan dahil sa sakit. "Sadista ka talaga," dagdag pa nito. Di ko na ito pinansin at nakita ko silang bumalik sa kanilang pwesto. So much nostalgia feels, parang nagkaklase lang kami ng normal. I gotta say that this doctor is a genius on how to set up the mood but I still I hate him.  "Kaya ipinatawag ko kayong lahat dito, dahil sabi ng isa kong kakilala sa gobyerno ay isinara na nila ang mga daanan sa distrito ng Quirino, kaya napag desisyunan kong tumakas na lang tayo rito at puntahan ang aking kaibigan sa Laguna," pagpapasimula nito. I can't believe that the government has abandoned us, so many innocent lives live here. Sana di makatulog ng maayos sa gabi ang mga 'yon. Oh they can, di kasi sila mga tao malala pa sila sa mga infecteds. "Nagbago na nga lahat-lahat sa mundong ito, pero puro mga tuta at buwaya pa rin ang naninirahan sa Malcañang," umiral na naman ang pagka aktibista ni Dan. "Hindi ko inaasahan ang pagpapasara nila sa distritong ito dahil malaki pa ang tsansa na maisalba ito, pero we are on our own now, kaya ilalahad ni Vince ang mga plano niya sa pagtakas dito," dagdag nito. Pumunta naman si Vince sa unahan at halatang-halata ang kaba nito. Naalala ko nang maikwento nya sa akin nung elementary siya, bagsak siya palagi sa mga reporting task. Hindi niya kasi mai-organize ang thoughts niya kaya lagi siyang nagkakanda utal-utal. 'Kaya mo yan,' sinabi ko sa kaniya ng walang salitang lumalabas sa aking bibig pero tiyak kong nabasa niya iyon at binigyan ko siya ng isang thumbs up.  "Kahapon, may mga bagong dating tayo sa ating grupo at permanente na silang magiging parte nito, pero nakadepende sa kanila kung mananatili sila rito," huminga ito ng malalim. "Gaya nga nung nabanggit ni Elle kahapon sa doktor, ay meron ngang isang di- pangkaraniwang infected ang gumagala sa labas ng pader at ngayon ay nakapasok na rito," tumigil ito. "At ang pumatay sa kaibigan nila," nag-aalangan nitong dagdag. "Gaya nga ng sinabi ni doktor kanina ay pinabayaan na tayo ng gobyerno, at hindi natin alam kung nakalayo na ba ang halimaw na iyon. Kaya nakapagsagawa na kami ng plano ng doktor," anunsyo nito. "Ganito ang gagawin natin, pupuntahan natin ang gate papuntang Laguna at iooverride natin ang sytem ng security doon para mabuksan ito, at kayong mga babae ang gagawa nun. Kami namang mga lalaki ay proprotektahan kayo sa mga infecteds sa labas ng security room," tumigil ito nang magtaas ng kamay si Josh. "Excuse me, pwede mag-suggest?" walang ekspresyon na sabi nito. "Sige lang, ano iyon," tugon nito sa tanong ni Josh. "Pwede bang ako nalang ang mang hack sa system ng security gate," suhestyon nito. What a scaredy cat. "Since ilang beses na rin akong galing sa lugar na iyon ay hindi na natin kailangan pang pumunta sa security room, actually I am a hacker from the government and I know a lot of dirty secrets from them," dagdag pa nito. I take back what I said.  "Dan, mukhang may makakausap ka na pagdating sa pulpolitika," biro ni Vince. Naglabas ng isang laptop si Josh at binuksan ito. "Sa katunayan nga ay naririto ang matrix ng system dun, kaya madali lang sa akin maioverride yun," pagyayabang nito.  "Paano natin magagawa yun ng hindi na pumupunta sa security area?" tanong ni Vince sa kaniya. "Don't worry may scanner doon sa mismong gate, and ang plan ko is kukunin ko yang USB sa inyo and I'll modify the codes there." "Mas magandang plano iyan, dahil isa nalang ang magba-bypass sa security at mas malaki na ang tsansa natin na madepensahan ang sasakyan," paliwanag ni Vince. "For now I suggest that we must reinforce the car to withstand the attack, all I need is the materials," biglang sabat ni Xandra. "Oh yes, actually handa na yung materials dito," sagot ng doktor sa kaniya.  "Oh she's an engineer at the age of 17," pagmamayabang ulit nito ni Josh. Hilig mo ring magyabang 'no.  Cocky bastard. "Well, that's a good news for us," puri naman ng doktor dito. To be continued. . .                                                                                      -Raging Minds-  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD