Chapter 23 - Sheltered

1901 Words
Vince’s Point of View -August 1, 2024- Minsan ay sobrang ganda sa pakiramdam na mamahinga ka na walang ibang iniisip kundi ang hayaan na lamang ang iyong katawan na mamahinga sa mga pagpapagal na iyong naranasan nitong nakaraan. Ayan ang dinaranas ko ngayon. Matapos na makilala namin si Bobby, na kapatid pala ng doktor sa kanilang mala probinsiyang komunidad. Hindi katulad sa siyudad ay gawa lamang sa matataa na kahoy na patusok ang itaas. Nababalutan ito ng mga alambre na hinulma para magkaroon ito ng mga patusok din at dito dumadaloy ang kuryente para kung sinu o anumang infected ang dumikit o humawak dito ay siguradong masusunog at mamamatay. Malayo ito sa kabihasnan kung saan maraming tao ang mag aaway away para sa kanilang proteksiyon at pagkain. Hanga ako sa kanila dahil napakaganda ng naisip nila. Ang magsimula sa malayo at gawing sustainable ang kanilang pamumuhay. Actually, maswerte sila... dahil kakaunti lamang ang infected na napapadaan dito nung sila ay nagsisimula pa lamang. Kaya nagawa nilang magkaroon ng kuryente, makahanap ng water source at makagawa ng filtration system. Kahit mga hardin na naglululan ng mga herbs at mga gulay, maging ang mga hayop ay may mga kulungan din. Ang nakakatuwa ay hindi sila naging maramot sa ibang tao, pero kailangan nila gawin ang responsibilidad pag pumasok na sila sa komunidad. Si Bobby ang siyang nangunguna sa mga tao rito, at lahat sila ay may malaking utang na loob sa kaniya, at napakabuti niya nga talaga. Alam ko kaagad. Syempre hindi pa rin maiiwasan ang mga tinatawag nilang gatherers. Mga taong pupunta sa siyudad para manguha ng mga pagkain, na naabandona. In a sense ay talagang kailangan nga nila ang mga gamot na hindi nila kayang gawin, kagaya ng mga anti biotics at iba pang gamot. Kahit anong gawin ay talagang hindi makakaiwas ang mga tao sa pagka engkwentro sa mga infected. Pero kanina habang papunta ako rito sa pinagpapahingahan ko ngayon ay nakarinig ako ng usapan na siyang nakakuha sa aking interes. Sa mga nagdaang araw daw ngayong linggo ang mga gatherers na kanilang ipinadala ay hindi na bumabalik. Kaya sila ay nababahala na. Ang sabi naman ng doktor at ni Bobby ay mamahinga daw muna kami. Kaya ganun ang aking gagawin pero pagkagising ko ay mag iimbestiga ako sa bagay na ito dahil talagang nakakabahala kapag ang mga kasamahan mo ay hindi na bumabalik ng walang rason. Mabigat na ang aking ulo at ang aking mga mata ay nagsisigawan na ipikit ko na. Sobrang napagod talaga ako sa byahe kahit nakaupo lang kami, at sa wakas ay nakaligo na rin ako, kaya talagang masyado akong inantok dahil ang init sa aking katawan ay sumingaw na. Ano pa ba ang aking magagawa? Edi matulog... .               .               .               .               .               .               .               .               .               . E- erm... Ah! “Whoo!” sigaw ko. Luminga linga ako at ako ay biglaang napatayo sa aking kinahihigaan ngayon pero narito pa rin ako. Akala ko ay talagang nahulog ako sa napakataas na lugar. Mabuti na lang. Medyo mabigat pa rin ang aking ulo at gusto kong bumagsak para matulog ulit. Kaya humiga ulit ako at tumingin ako sa mga kawayan na siyang kumakapit sa mga bubong sa kubong tinutuluyan ko ngayon. Ang mga kabahayan ay hindi ganun kabilis ang pagkakagawa dahil bibilang pa lang ang mga bahay na may konkretong pader. Matagal nga naman talagang gawin iyon at kailangan pa nilang manguha ng mga supply. Ah! Hindi na ako makatulog. Kaya tumayo ulit ako, at para bang pagod na pagod ang aking puso sa pagkakatulog na iyon... parang kailangan ko ng... Pagmamahal. Ah ano nanaman tong mga naiisip ko! Talagang nagiging kaaway ko rin ang sarili ko... Hindi kaya. Oo! Potcha kinakausap ko nanaman sarili ko. Iniling iling ko ang aking ulo at tumayo na lamang ako sa aking pagkakahiga dahil wala namang patutunguhan kong makikipagtalo lamang ako sa nababaliw kong sarili. Nagtungo ako sa pintuan at medyo maliwanag... pero madilim... Tumingin ako sa kalangitan. Maggagabi pa lang. Mahaba haba rin pala ang aking tulog. Umaga kasi kami dumating sa lugar na ito. Ang mga tao ay abala sa kanilang ginagawa. May isang lalaki na abala mag luto sa isang higanteng kaldero na ginagatungan naman ng mga malalaking kahoy. Ang pamumuhay dito ay nagtravel backwards ng ilang taon. Hindi sa nagrereklamo ako, naninibago lang. Actually napakasarap sa pakiramdam na makita ang mga tao rito na talagang nagkakaisa at kilalang kilala nila ang isa’t isa rito. “Gising ka na pala,” wika ng isang matandang lalaki. Panot na ang malaking bahagi sa gitna ng kaniyang ulo. Puting puti na ang kaniyang mga buhok, maging ang kaniyang balbas. Suot niya ngayon ang isang puting sando at army pants.  Hindi ko rin maiwasan na mapansin ang kaniyang tiyan ay malaki... parang sa mga nakikita kong karaniwan na tito. “Magandang gabi po,” bati ko sa kaniya, dahil ayaw ko naman na magmukhang walang kagalang galang sa mga tao rito. “Ako nga pala si Kuni,” pagpapakilala niya sa akin. “Tawagin niyo na lang po akong Vince,” pagpapakilala ko rin sa aking sarili at nakaamoy naman ako ng mabangong amoy. Amoy ng isang masarap na pagkain. “Nagkakainan na sila dun at dahil dumating ang kapatid ni kapitan ay nagkatay kami ng isang baboy kaya may salo salo ngayong gabi,” paliwanag niya sa akin. Ay hala! Mukhang masarap nga ang mga pagkain na nakahanda sa salo salo nila ngayon. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. “Saan po?” tanong ko kay manong Kuni. Itinuro niya ang kaniyang kamay sa direksyon kung saan maraming tao. “Doon, at sabi nila gisingin daw kita kaya bilis na baka maubusan ka haha,” wika niya. “Maraming salamat po!” pasalamat ko sa kaniya at nagtungo naman ako papunta sa lugar kung saan nagaganap ang kanilang munting salo salo. Ako ay nagtatampo ngayon dahil hindi man lang ako ginising muna. “Vince,” rinig ko ang boses ni Dan, at kaagad ko naman siyang nakita. “Tara bilis, dali dali dito ka,” wika niya at lumapit naman ako sa kaniya. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “May ikekwento ka sa akin, maraming marami,” wika niya. Kaya naman pala. Lumingon lingon ako sa magkabilang gilid at nakita ko ang mga hindi makilalang mga mukha sa aking magkabilang gilid. Boodle fight, kung saan kami ay nagsasalo salo sa iisang lamesa. Nakapwesto sa iisang hilera ang kanin at ang mga ulam ay nasa gilid gilid kaya paswertehan na lang kung ang mapepwestuhan mo ay nakatapat ang masarap na ulam. Masasabi ko naman na maswerte ako dahil marami rami pa ang nakatapat na adobong baboy sa sa tapat namin. Talagang dapat mag hugas ka ng kamay mo sa salo salong ito dahil isa itong labanan at ang mga tao rito ay nag aagawan sa ulam. Nagsubo ako ng kanin, wala naman sigurong makakapansin kung hindi ako naghugas ng kamay no? Tawagin na akong bastos... Ah! Hindi ko matiis na kumilos ng ganito kaya kinuha ko ang baso ni Dan at ang tubig na nilalaman noon ang siya kong ginamit na panghugas. Ayan malinis na ang kamay ko. “Hoy! Bastos naman nito,” sabay ang isang mahinang tampal sa aking braso at sumubo ulit ako ng pagkain at tumingin ako sa kaniya. “Bakit?” tanong ko sa kaniya. “Ang sabi ko marami ka pang ikekwento sa akin,” wika niya. “Asaan sila Elle?” tanong ko sa kaniya. “Nandun sila nila Allen sa dulo- ano ba naman iyan wag mo namang ibahin ang ating usapan, marami ka pang sasabihin sa akin,” wika niya. “Ano ba yun?” tanong ko sa kaniya. “Yung nangyari sa tindahan.” Ha? “Anong tindahan?” tanong ko sa kaniya dahil hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi ng babaeng to. Ayaw na lang kasi sabihin kung ano ang gusto niyang malaman. “Yung sa Makati,” bulong niya. Ahh! “Ano meron?” tanong ko ulit sa kaniya at sobrang kumunot naman ang kaniyang noo sa pagkakataong ito. “Talagang pinupuno mo ako Vince,” wika niya. “Anong ginawa ko sa’yo?” tanong ko ulit sa kaniya. Sa totoo lang ay sobrang gulo na nang usapan namin ngayon. “Sasabihin ko talaga kay Elle na may gusto ka sa kaniya,” pananakot niya sa akin at talaga namang natakot ako sa bantang iyon. “Wala namang ganiyanan,” wika ko. “Kaya ikekwento mo sa akin ang mga nangyari sa loob ng tindahan,” dagdag pa niya. Binablack mail na ako ng babaeng to, at talagang ayaw ko na magsasabi ng sikreto sa kaniya. “Kwento mo sa akin ang mga nangyari bakit inabot kayo ng magdamag,” demand niya, at ako naman ay sumusubo ulit ng pagkain sa aking bunganga. “Wala...” sagot ko sa kaniya habang puno ang aking bibig ng pagkain. “Anong wala? Imposible.” “Sabing wala ngaa!” napataas naman ang tono ko run ng bahagya. “Talaga ba?” talagang hindi makuntento ang babaeng to. “Nakwento ko na sa iyo e, may nagtangka sa buhay namin, yun lang yun tapos hindi ko alam kung ano pinindot ni Elle kung bakit nakulong kami dun,” sagot ko sa kaniya, at hindi ko pa rin maiwasan yung moment na iyon. Yung muntik na akong mapaamin sa kaniya, yung moment before na may magpaputok sa amin ng baril. “Hindi ako naniniwala,” wika niya na siya namang pumutol sa aking pag-iisip isip. Napasinghal naman ako sa sinabi niyang iyon. “Ano nanaman ba yun? Alangan naman na magsinungaling ako sa iyo,” iritang pagkakasabi ko sa kaniya dahil hindi ako makakain ng mapayapa rito e. “May hindi ka sinasabi sa akin,” wika niya at tinatapunan niya ako ng mga mapanuri niyang mata. MInsan talaga ay nayayamot ako dahil nag abogasya ang babaeng ito. Walang ni isang detalye ang pinapayagang makalampas sa kaniyang paningin. “Paano mo naman nasabi?” dahil gusto kong iwasan na pag usapan yun ay yung tanong na lang na iyon ang aking maibabato sa kaniya umaasa na makakaisip ako ng rebat sa kaniyang mga sasa- “Yung pisngi mo namumula,” wika niya. Walang rebat... binabawi ko na ang aking mga sinabi. “Hindi maanghang lang yung adobo,” palusot ko sa kaniya. “May mga hindi ka nga sinasabi sa akin, e hindi naman maanghang yang adobo,” inis na pagkakasabi niya at napapikit na lamang ako ng aking mga mata. Akala ko ba naman nung gabing iyon na nag usap kami ay tatantanan niya at hahayaan niya na dumiskarte ako kay Elle. Masyado siyang nasawsaw at para bang obligado ako na sabihin sa kaniya lahat ng mga mangyayari. Pasalamat siya ay mayroon siyang bala na hawak na ikinatatakot ko. “Muntikan na akong mapaamin sa kaniya,” wika ko at napasinghap naman ako ng hangin. Kinuha ko baso niya ng tubig at uminom doon. Hindi naman niya iyon pinansin. “Kyaah!” halatang kilig na kilig siya sa sinabi ko kahit walang nangyari. “Anong nangyari?” parang bata na pagkakatanong niya sa akin. “Wala,” sagot ko. “Paanong wala?” dismayang tanong niya sa akin. “Sabi ko diba muntikan, naputol nung mga bumaril sa amin tapos pagkatapos nun walang nangyari, naghanap lang ako ng daan para makatakas,” wika ko. -Raging Minds-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD