CHAPTER 03

1865 Words
Anna Tahimik kaming pareho ni Callum, nang binabagtas na namin pauwi ng apartment ko. Pinilit niya akong ihatid kahit na ayaw ko sana. Kaya nga lang magkasama nga kami ni Callum, mukha naman kaming mga walang bibig sa sobrang tahimik. Tanging t***k ng aming puso ang rinig sa loob ng kotse nito Pero ng pagdating sa tapat ng apartment ko, salamat naisip din ni Sir Callum, na kausapin ako. “Kung gusto mong magpahinga. Ok lang bukas ka na lang pumasok—” “Sinabi kong papasok ako diba?! Makulit ka rin!” napalakas ang sagot ko sa kaniya ngunit ng maisip na amo ko siya napayuko ako. Narinig ko ang marahas niyang paghinga ngunit hindi ako nag-angat ng tingin. “Sorry,” hingi nito ng paumahin. Dahil nahiya ako ng maisip kong sino lang ako nagyuko ako ng ulo. Siya pa ang boss ko, pero ito ang nagso-sorry kahit ako ang sumigaw sa kaniya. Pagkatapos ay tumango-tango ito subalit walang sinabi sa ‘kin. Binuksan ko na ang pinto ng kotse niya ngunit sinamaan ako ng tingin. “Sandali lang!” may angil sa kaniyang boses. Sinundan ko siya ng tingin patungo pala sa side ng kinauupuan ko pinagbuksan ako ng pinto. Tahimik akong bumaba. Well noon pa naman gentleman ito kapag kasama ko. Ugali na nito ipagbukas ako ng pinto kaya nga lalo akong nahuhulog dito. “Salamat,” matipid kong sabi ngunit iniiwasan ko tumingin sa mata niya. Tahimik itong tumango. Umatras upang bigyan ako ng daan. “Ingat ka,” narinig ko pahabol nito ngunit napairap na lang ako. Pagdating ko sa apartment ko. Tumawag ako sa Bulacan sa bahay namin. Wala lang gusto ko lang marinig ang boses ng ate ko. Si Ate Sirena. “Hello Anna,” nasa boses ni Ate Sirena na parang excited. “A-ate…k-kumusta?” napalunok ako dahil may bumukig sa lalamunan ko kaya hindi na ulit ako nagsalita. “Umiiyak ka ba?” wika nito. “No! H-hindi ate m-may sipon ako. Sira kasi electric fan ko. Natuyuan ako ng pawis kaya ito sinipon ako.” “Iyan na nga sinasabi kong luma na ang electric fan mo ng pagdalaw ko nakaraan buwan d'yan sa 'yo. Ngunit ayaw mo pang palitan tigas ng ulo mo. May pera ka naman at ‘wag mo na ako alalahanin malakas pa naman ang salon,” aniya. Pinaloob ko ang buong labi ko sa bibig ko upang mapigilan ang pagnulas ng aking hikbi. Gusto ko sanang mag sumbong kay Ate ngunit nahihiya ako. Pinagsabihan niya kasi ako na iwasan ko ang boss ko kasi na confess ko sa kaniya na lihim ko ito minamahal. Sabi pa ni Ate hanap na lang ako ng ibang trabaho na mahigpit lang akong tumutol. Kahit nga ang kaibigan kong si Russell, na kapitbahay din namin sa Bulacan. Ipapasok daw ako sa company ng asawa niya kasi hindi naman nalalayo sa business ng asawa nito ang Madrigal Builders Corporation. Architecture firm sa asawa ni Russell, at si boss Callum kasi ay construction company. Matalik din na magkaibigan ang asawa nito at si Sir Callum. Sadya nga mapagbiro ang tadhana. Kasi noong una hindi namin alam na magkaibigan ang amo ko at asawa ng bestfriend kong si Russell. Nitong mga huli lang nalaman kasi one time nag-overtime ako sakto pauwi ako ng deresto ng Bulacan. Kaka out ko pa lang sa office nagpresenta si Sir Callum na ihatid ako kasi gabi na noon. Ayaw ko noong una ngunit mapilit ito pumayag ako. Nagkagulatan si Russell at Callum, pagdating ko ng bahay naroon din si Russell, bisita ni Ate. Doon ko nalaman na matalik na magkaibigan si Sir Callum at asawa ng bestfriend kong si Russell. Kaya naman ayaw ko kasi matalik na magkaibigan ang asawa nito at si Callum. Edi same pa rin makikita ko sa company ng asawa niya si boss. “Hello Anna Fegi!” tinawag na ako sa buo kyo pangalan ni Ate. “A-ate narito pa ako.” “Kala ko kung ano na. Basta palitan mo iyang bulok mong electric fan alam mo mabilis kang sipunin kapag natuyuan ng pawis nagpapabaya ka,” Napangiti ako. Thankful talaga ako rito sa ate ko. Ito ang tumayong Tatay at Nanay sa akin simula ng maulila kami sa magulang. Ginawa nitong araw ang gabi para lang makakain kami ng masarap na pagkain. Pinag-aral ako nito na hindi man sa private school ngunit nibibili nito ang mga kailangan ko. Mataray lang ito tingnan pero kapag nakilala mo ito ng husto. Si Ate Sirena ang kaibigan na ipaglalaban ka at dadamayan sa oras na kagipitan. “Ate mahal po kita,” wika ko. “Tss ano ito Anna Fegi? May problema ka ba?” aniya. Tiyak kung nasa harapan ako nito pinaningkitan na ako nito ng mata. “Ate naman naglalambing lang po panira ka.” “Siguraduhin mo lang makukurot ko talaga ‘yang tinggil mo kahit matanda ka na,” Napangiti ako at least kahit paano nabawasan ang bigat ng dibdib ko nang marinig ko ang maingay kong ate. ----------- Matamlay ako pagdating sa office at napansin iyon ng office mate ko at kaibigan kong si Reanna. Sakto kasi pagdating ko sa lobby galing din ito sa labas. “Hoy! Parang wala kang nakita ah,” aniya pabiro akong siniko sa tagiliran. “Ah may naalala lang ako. Nag-lunch ka sa labas?” wika ko at humarap sa kaniya. Pinagmasdan ako nito nasa mata niya hindi kumbinsido sa aking alibi. Umismid pa sa akin sabay irap pa. Magkaiba kaming floor kasi sa admin siya. 10th floor lang ito. Kaya ko ito naging kaibigan dahil roon ako nag OJT. Siya ang nakapalagayan ko ng loob hanggang sa mag-resign ang dating secretary ni Callum sakto naman graduate na ako nalaman ko nag-apply agad ako. Dumaan din ako sa interview kagaya sa mga kasabay kong nag-apply ngunit ako ang napili. Ganoon ko ka-crush noon si Callum. Hindi ko ginamit ang tinapos kong civil engineering dahil nga gusto ko maging secretary nito. Nakatikim pa nga ako ng pananabon galing dito sa kaibigan kong si Reanna, dahil daw binibigyan ko lang daw ng sakit ang puso ko dahil may jowa na raw si boss. Hindi kasi lingid sa amin na meron girlfriend si Sir Callum. Proud kasi ito kaya kalat sa office. Lalo na palagi napunta ang long-time girlfriend nito sa Madrigal Construction. “Bakit ka nga pala halfday? Tsaka si boss hindi pumasok. Coincidence pa,” aniya tumitig sa mukha ko. Umilap ang mata ko kasi uminit ang pisngi ko kahit wala naman meaning ang sinabi nito. “Wala siyang sinabi na hindi siya papasok,” saad ko sa kaniya. “Diba maaga ka pinag-out noon ni boss?” “Ay oo freeny kasi mag-propose raw siya sa girlfriend niya.” Napa ‘ah’ si Reanna tila nagulat sa aking sinabi. Hindi ko pa na kwento sa kaniya kahapon dahil nasasaktan ako. “Kaya halfday ako kasi masakit nag ulo ko kanina,” “Uminom na agad gamot?” aniya pa. “Oo naman. Tara na bakit tayo nahinto rito malapit na ang time mo,” pag-aya ko sa kaniya. Mabuti pagsakay namin ng elevator. May kasabayan kami kaya natigil si Reanna mag-interview sa akin. Wala pa akong lakas loob na sabihin sa kaniya ang tungkol sa nangyari kagabi sa pagitan namin ni Callum. Sigurado kasi apaw ang sermon nito sa akin. Iyon nga lang na alam nito, until now nasa puso ko pa si Callum, madalas niya akong pagsabihang martir ako. Nauna si Reanna sa akin makarating sa office dahil 10th floor lang naman ang office ng kaibigan ko samantala ako sa sixteenth floor pa. Pagkadating sa table ko umupo muna ako bago ko umpisahan ang ginagawa ko. Nang nag-vibrate ang phone ko ngunit hindi ko pinagkaabalahan silipin dahil nagpasya na akong mag-umpisa magtrabaho. Hindi pa nga umiinit ang pang-upo ko nag-ring ang telephone sa office. “Madrigal Builders Corporation—” “Hey bakit hindi mo ako nere replay?” So si Callum pala ang nagte-text. “I've been texting for a while now, ni isa wala kang sagot.” “Ah, pasensya na boss naka silent mood ang phone ko at busy na ako kaya hindi ko napansin.” His breathing caught my attention, but I ignored it. “Bakit po pala Sir Callum?” usisa ko, kung anong sadya niya sa akin bakit tumawag pa sa telepono. “I just want to make sure you're okay,” “Ayos lang naman ako,” “Sabi ko nga. Ibaba ko na itong tawag. Bye Anna,” aniya. Pagkatapos tumawag ni Callum, natigil muna ako sa ginagawa ko. Hays hirap spellingin ni boss. Malapit na ang uwian ng magulat ako sa nakatayong si Callum sa harapan ng table ko. “Sir? Kanina ka pa?” nataranta kong sabi. Paano ba naman ang tiim ng titig nito sa akin. “Balak mo ba magpakapagod? You forgot Ms. Caluttong, It's already six in the evening.” Mabilis akong tumingin sa suot kong relo. Oo nga noh? Masyado ko naman seneryoso ang trabaho ko. “Let's go,” ani nito tinalikuran na ako. Mabilis na lang ako nagligpit ng gamit at ng ma check ang buong area walang de kuryente nakasaksak. Dali-dali ko sinukbit ang shoulder bag ko at lakad takbo hinabol ito. Nakahalukipkip ito sa labas ng elevator ng abutan ko. Seryoso ngunit hindi naman nakasimangot. Sa employee elevator kami sumakay siya pa talaga nag-adjust. Dapat lang din. Hindi ko naman din sinabi sa kaniya na puntahan niya ako rito. Nang nasa loob na kami ng elevator pakiramdaman ulit kami. Wala itong imik gano'n din ako. Hanggang sa dumating na lang kami sa parking lot tahimik lang kami pareho. Hindi ako nakatiis. “Boss bakit pala nagpunta ka rito?” “May inaasikaso ako malapit dito sa office. Nakasalubong ko si Reanna, tinanong ko kung nag out kana sabi hindi naandito ka pa raw kaya umakyat na ako.” “Ah, kaya po pala,” Nakarating kami sa kotse nito binuksan ang tabi ng driver seat. “Salamat sir Callum,” Hindi sumagot umikot na lang sa kabila sa driver side. “Kain muna tayo,” wika nito ng mag-umpisa magpatakbo. “Gusto ko nang umuwi Sir Callum, next time na lang po masakit kasi ang ulo ko,” pagsisinungaling ko pero ang totoo iniiwasan ko lang siya. Mabilis itong lumingon sa akin nag-aalala. “Nag-take ka na ng meds?” aniya. Gusto ko sanang kiligin sa concern niyang iyon sa akin, ngunit ayaw kong paasahin ang sarili ko. “Tapos na thank you Sir,” sinamahan ko ng ngiti. “I told you ‘wag ka ng pumasok kanina.” “Ayan naman sir Callum. Ulit-ulit tayo,” Lihim kong sinilip salubong ang kilay ng boss ko. Ayan tuloy hanggang makarating ako sa apartment bad mood na si Callum. Aba bahala siya basta ginagawa ko ang sa tingin ko ay tama. Nang maayos maiparada ang kotse nito mabilis akong lumabas hindi ko na inantay na makababa ito. Narinig ko pa ang angil sa boses nito hindi lang ako nagpatinag. “Bye Sir ingat po kayo,” iyon lang at tuloy-tuloy akong lumakad patungo sa apartment ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD