CHAPTER 02

1194 Words
Callum Unti-unti kong dinilat ang mata ko dahil binibiyak sa sobrang sakit ang ulo ko. Inunat ko ang magkabila kong braso ngunit nabigla ako ng may masagi akong..ma-may… katabi ako sa kama? Fvck! Mabilis akong humarap dito sabay nanlaki ang mata ko. “A-anna?” pabulong kong tanong. Halos hindi marining ang boses ko sa labis na gulat pagkakita sa aking sekretarya. Alam kong wala itong saplot sa ilalim ng comporter dahil hanggang dibdib niya lang nakataas ang kumot. Nasisilip ko ang litaw niyang cleavage. “Callum what did you do?” tanong ko sa aking sarili. Napahilot ako sa talukap sa aking mata. Napahilamos ako sa aking mukha at mariin pumikit. As if may solusyon sa kahangalan ko dahil pumikit ako ng mata. Dammit! Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa itsura naming dalawa ng katabi kong dalaga walang duda may namagitan sa amin. What foolishness did I do last night? Ang Gago ko! Pinakialaman ko si Anna. Dammit! Dammit! Ang gago ko! Kinakain ako ng konsensya ko para kay Anna at takot para sa girlfriend ko. Paano na ngayon? Lalong hindi ako pakakasalan ni Jhenny, ng girlfriend ko. Kaya ako nagpaka lasing kagabi sa sobrang sama ng loob sa kaniya. Pero hindi naman ibig sabihin noon susuko ako na alukin siya ng kasal. Pinili nito ang panibagong contract kaysa wedding proposal ko. Fvck! Ang sama-sama kong tao pinakialaman ko si Anna ngunit may mahal akong iba. Napalunok ako ng gumalaw ang dalaga at nahantad sa aking mata ang cleavage nitong maputi. Mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil unti-unti ulit nabubuhay ang humupang init sa pagitan namin. Dahan-dahan akong kumilos upang lumayo sa dalaga. Subalit sa pag-iwas ko hindi sinasadya nasagi ko siya sa braso kaya unti-unti itong dumilat. I acted as if it was normal that came between us. Kaswal ko lang siyang nginitian kahit nakatingin ito sa akin. Pinaseryoso ko ang mukha ko. “I was too drunk last night,” I said to her. I mean parang paliwanag ko sa dalaga. Pinag-aralan ko kung sumbatan ba niya ba ako. I waited to see if she would be angry at me. Binaling ko ang tingin sa hindi ko siya makikita dahil kumilos ito na-focus ang tingin ko sa labi niya. Kita kong napangiwi ito alam ko kasi una niya itong karanasan. Pinipilit nito kumilos sa harapan ko kahit na may iniindang sakit. “Uhm...Callum, kanina ka pa gising?” paos nito tanong sa akin. Narinig ko ang pagdaing nito ng kumilos kaya nagsalubong ang kilay ko. Bayolente akong napalunok bakit ang sexy pakinggan ng boses nito lalo na sa paraan ng pagbigkas niya sa pangalan ko. “Anong oras na?” nagtanong si Anna. Ginalaw galaw ko ang ulo ko upang maalis ang agiw sa utak ko. Tang-na. I must be losing my mind. Nagugustuhan ko na ang boses ni Anna. “Hey Sir Callum. Bakit ayaw mo akong kausapin at tingnan?” narinig ko sinamahan pa nito ng maikling tawa para lang magmukha itong okay. Muling nagsalita si Anna. “Alam kong hindi mo ako gusto. Alam ko rin naman nakalimot ka pero hindi ko naman yata deserve na kahit tingnan mo man lang ay wala? Pasensya ka na, p-puwede ba ako makigamit ng CR. Magbabanyo lang ako.” Napasinghap ako. “I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Sobrang lasing ko kagabi. I thought it was Jhenny,” saad ko sa kaniya ngunit gusto kong pagsisihan na ‘yon ang nasabi ko, dahil tumutol ang dibdib ko parang hindi sang-ayon sa aking sinabi lalo ng nagitla si Anna ng marinig ‘yon. Maya-maya ng tumikhim ako umiwas ito ng tingin ngunit sandali lang. Dahil sa muli niyang pagharap sa akin ay masaya na itong nakangiti. Fvck ako pa ang nabigla sa sinabi nito. Para bang hindi ako masaya sa naging tugon niya sa akin. “Ano ka ba, Sir Callum. Hindi mo ako pinilit at ginusto nating dalawa ang nangyari. Kalma po bossing, okay lang. Uhmm uuwi na ako mag-halfday na lang ako ng pasok sa office," wika nito tipid pang ngumiti. Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang sinabi nito sa akin. “Sana walang magbago," tipid itong ngumiti bago ulit ipagpatuloy ang sinasabi niya sa akin. "Kalimutan na lang natin ang nangyari kagabi, sir Callum, dahil hindi mo naman ako pinilit. I'm ok. Ayos lang po ako...sir,” halos ayaw niyon lumabas sa bibig niya. Unti-unti itong bumangon ngunit bumalik ulit ng higa alam ko dahil masakit ang katawan nito. Nakamasid lang ako sa kaniya. Hindi kasi ito tumitingin sa akin. Napailing pa ako magtagumpay ito na bumangon at bumaba ng kama kahit nakabalatay sa mukha ang iniindang sakit. Nakahakbang na ito ng tumayo ako at nakatingin sa likuran nito. Bumuntong-hininga ako't pinulot ko ang boxer short ko at mabilis na sinuot. Nilapitan ko ito walang paalam na kinarga. Tatawa sana ako sa hindi makapaniwala reaction nito ngunit pinigilan ko. Nagulat kasi ito ng buhatin ko nagpapababa pa ngunit sinaway ko. “Sir ibaba mo na lang ako. Kaya ko naman eh," giit nito. I didn't listen to her, instead I continued walking. Muli itong komontra kaya sinamaan ko ito ng tingin upang ipakita manahimik na lang siya. “Bakit kasi kailangan mo akong buhatin kaya ko naman ang sarili ko,” “Ingay! Hindi ka na nga maayos lumakad lalaban ka pa,” “Kasi sir ayaw ko lang mahulog ako sa'yo. Hirap na hindi mo ako kayang saluhin,” Dahil sa sinabi nito bumaba ang tingin ko sa mukha niya. Inirapan ako nito kumunot ang noo ko. “Bakit ang sungit mo?” “Sungit na ba 'yon sa 'yo? Arte mo naman Sir Callum. Wait bakit ka nga pala nag-inom ng bongga kabagi? Gano'n ka ba mag-celebrate kapag masaya?”— “Tinaggihan ni Jhenny ang alok kong kasal,” “Ha?” hindi makapaniwala na saad niya sa akin. “Wala pa raw sa isip niya ang kasal dahil pumirma na siya ng new contract,” “Kaya ka nagpakalunod sa alak,?" mahinang sabi ni Anna. “Because I love her,” sabi ko napansin kong nalukot ang mukha nito. “Halata naman sir. Pero sa tingin mo Sir Callum, mahal ka ba ni Jhenny?” “Of course mahal ako ng girlfriend ko,” “Sana sumagi sa isip ni Jhenny kung gaano mo siya kamahal. Ang swerte kaya niya sa'yo,” “Ako rin naman,” saad ko agad kay Anna. “Kaya pala,” bulong pa nito ngunit wala akong balak na komprontahin kung anong ibig n'yang sabihin. Dinala ko na sa CR. Ako na rin ang nagtimpla ng bathtub sa maligamgam na tubig at nilagay siya roon. “Tawagin mo lang ako kung tapos ka na,” wika ko seryoso. “Salamat,” tipid niyang sagot sa akin. Pagkagaling ko ng CR bumalik ako sa kama at nakatungo umupo muna sa gilid. Nang mainip nagpasya akong tumungo sa walk-in closet kumuha ng tuwalya at sa kabilang room na lang naisip maligo. Bago ako lumabas ng kwarto ko napalingon ako sa red stain naiwan sa kama ko. Sana after nito hindi magbago ang samahan namin ni Anna.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD