CHAPTER 04

1756 Words
Anna “Psst!” Kilala ko ang may-ari ng boses ng tumatawag sa akin. Walang iba kun'di ang kaibigan ko sa admin department. Si Reanna may bitbit itong folder sa kanan kamay I'm sure may kailangan ito sa akin. “Bakit?” tanong ko sa kaniya pansamantalang iniwan ko ang ginagawa upang humarap sa kaniya. “Pakibigay naman nito kay boss. Need ko kasi ang signature niya ng approval sa quotation ng bagong tayong project sa Taguig,” aniya inangat ang hawak na folder. “Narito ka na rin lang, bakit hindi ikaw ang magdala niyan kay Sir,” saad ko rito. “Sige na freny. Nakakatakot kasi si Sir Callum, akala mo may regla laging mainit ang ulo,” wika nito nakikiusap ang boses. Napansin ko rin naman ‘yon one week na ang nakaraan simula ng may mangyari sa amin, laging mainit ang ulo ni boss Callum. Dedma na lang lahat ng employee takot mabugahan ng galit nito. Minsan nga hindi rin ako nakaligtas. Ang kaibahan lang mas malala sa ibang employee kasi ako kapag mainit ang ulo ni Sir Callum, nagsusungit ako rito. “Anna, dalhin mo na kay sir Callum, please?" muli niyang paglalambing sa akin. “Ayaw ko nga! Makatikim pa ako ng bulyaw roon kasi kanina ang daming nasabon sa meeting. Nakita mo naman ‘yon diba?” katwiran ko sa kaibigan ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Sumandal naman ako sa swivel chair ko nakahalukipkip. “Nabulyawan ka ba? Parang mahinahon nga si boss kapag sa'yo,” saad ni Reanna. “Akala mo lang yan noh. Hindi mo lang nakikita s'yempre malayo ang office mo. Kaya kung ako sa ‘yo, pumasok ka na sa loob ikaw na ang magdala niyan,” “Anna, sige na pleet…,” pakiusap pa nito sa akin. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago ako pumayag. “Akina nga! Lakas mo maka-convince aba,” galit ko kunwari. Mahina pa napatili ang lukaret kong kaibigan with matching giggles. “Waah…thank you so much freny. Hulog ka talaga ng langit. Wait mamaya sama ka sa amin ha? Mag-unwind kami trait ni Dave. Sa KTV bar tayo iyon lang daw muna ang kaya niya,” wika ni Reanna. Si Dave ay kasama rin ni Reanna sa admin office. Kaya kilala ko rin ang lalaki at naging kaibigan, kasi noong intern ako rito sa Madrigal builders, bago rin ito hired sa admin office fresh graduate ang binata. Malayong pinsan ni Reanna at magkapitbahay pa ang dalawa. Nag-isip ako kung may gagawin mamaya pag-uwi sa boarding house ko. Tuwing Saturday lang naman ako nag lalaba maari rin siguro akong sumama. This past week bahay trabaho lang ako. “Sige na freny, hahatid ka na lang namin pag-uwi. Isa pa hindi naman tayo magpakalasing videoke lang tayo.” “Oo na alam ko naman hindi mo ako titigilan hangga't hindi ako pumayag.” ”Yes!” sagot ni Reanna napapitik pa ng daliri dahil natuwa. “Iwanan mo muna ito kapag napirmahan na I'll call you agad.” “Salamat. Natutuwa ako girl, kasi ngayon ka lang ulit makakasama after a week. Grabe kasi nag-focus ka kay Sir Callum,” I chuckled. Echosera talaga itong kaibigan ko. Hindi lang ako sa kanila nakikisabay umuwi kasi nga ayaw ko na mag lakwatsa. Mas gusto kong magmukmok sa boarding house. “May balak ka bang maki chismis? Ayaw mo pa kasi kumilos. Baka gusto mo ng lumayas? Kapag nakita tayo ni boss sa CCTV masasabon tayong pareho.” “Ito na lalayas na. Basta mamaya ‘wag mong kalilimutan ang usapan sinasabi ko sa 'yo Anna Fegi. Magtatampo ako sa ‘yo si Reanna,” paalala pa, bago umalis ng kaibigan ko. Nang mawala si Reanna sa aking paningin. Tumayo na ako sa working table ko pumunta sa pinto ng office ni Sir Callum. Mahina akong kumatok at tinawag na rin si boss. “Sir Callum, may dala po akong papers kailangan ng pirma mo,” Walang sumagot. Napairap ako anong ginagawa kaya nito ang tagal sumagot. Kumatok ulit ako and this time nilakasan ko. Kapag hindi pa ito sumagot ewan ko na lang sa amo ko. Diba? May tugon agad ngunit galit ang boses. “Ano ‘yan!?” malakas nitong sabi. Sinamaan ko ng tingin ang pinto. Para bang dito ko binunton ang inis kay sir Callum. Humugot ako ng hangin sa dibdib. “Papers nga po papimahan ko sa'yo.” “Come in,” wika ni sir Callum. Agad ko naman pinihit ang doorknob dahan-dahan ko pang binuksan dahil alanganin akong pumasok. Honestly as much as possible, ayaw ko ng pumasok sa office ni Sir Callum. Kasi nakaraang araw muntik pang may mangyari sa amin. Kung hindi pa noon sa ring ng cellphone nito for second time, nakuha ulit ako ni boss. “Ehem!” nag-alis ako ng bara sa aking lalamunan. Paano ba naman sa pinto talaga nakatitig si Callum. Halos manlambot ang dalawa kong tuhod sa lalim niyang makatingin. Animo inaabangan ang pagpasok ko. “Sir! Ito po,” itinaas ko ang hawak na folder upang ma-relax ako. Nimals! Anong problema ng boss kong suplado kung makatitig nakaka panginig ng tuhod. “Sir! Iiwan ko na lang po sa ‘yo. Kapag tapos na i-tawag mo na lang po para kunin ko,” Kumunot ang noo nito sa folder at mukha ko palipat lipat ng tingin. Ano bang problema ng boss ko nakakailang ha! Sumandal ito sa kanyang upuan tapos ginawang unan ang magkabilang kamay kaya napalunok ako ng dumako ang tingin ko sa magkabilang niyang braso. Nag-flex kasi ang muscle ni sir Callum. Nasa tamang p'westo ang muscle nito halata alaga sa exercise. Ang lapad ng balikat nito kayang-kaya akong buhatin. Nag-iwas ako ng tingin dahil uminit ang mukha ko ng may malisya ang isip ko 'sa kaya niya akong buhatin.' Pisti malala na isip mo Anna. Pinagmasdan ako sa mukha. Tss ayan na naman talaga nakaka b’wisit na ang boss kong ‘to magaling magpa-cute. Pinilit kong alisin ang kung anong iniisip at tipid itong ngitian. “Sir!” “Saan galing ‘yan?” wika pa nito sa akin. “Sa admin po nakisuyong ipasok ko upang pirmahan mo po,” Napangiwi ako dahil nagsalubong ang kilay nito at masama ang tingin sa folder. Anong nangyari sa boss ko daig p ang sinapian ng engkanto kakaiba ang kinikilos. Kahit folder inaaway. What the heck. “Inutusan ka niyan upang papirmahan sa akin?” He said. Malamig ang boses at hindi na nasundan iyon lang ang tinanong. “Opo,” “Ibalik mo ‘yan sa labas at tawagan mo kung sino ang nagdala niyan sa'yo. Please tell her siya ang magdala niyan dito sa office ko. H‘wag kang gawing utos-utusan,” malamig n'yang sabi. Lihim ko itong sinamaan ng tingin ngunit nabasa yata ang nasa isipan ko kasi tinaasan ako ng kilay at serious look ang boss ko. “Look, it's not your obligation. Inuutusan ka nila hindi sila ang amo mo,” wika pa ni sir Callum parang tinatamad pang makipag-usap sa akin Inirapan ko ito naiinis ako sa kayabagan nito. Dati naman hindi ganito ang ugali ng Madrigal na ito mukhang tandang paurong nagiging masama ang ugali. “Ms. Caluttong, you heard me right?” I glared at him. “Anong problema kung ako ang nagdala niyan sa'yo?! Sa pagkakaalam ko dati ko pa ‘yan ginagawa. Ano’t nag-iinarte ka ngayon Sir Callum,” inis kong saad sa kaniya. Kung hindi ko ito amo kanina ko pa ito niratrat ng todo kakairita promise lalo na tingin ko tinatamad ito pakinggan ang rant ko. “There is no problem, Ms. Caluttong; they are only ordering you from me, even though they are already capable of doing that,” “And so?” tumaas ang boses ko ngunit ng maalala ko ulit kung sino nga ba ako sa kaniya napayuko ako. Marahas ang naulinigan kong hininga ni sir Callum. Ramdam ko, pinagmamasdan niya ako but I didn't look at him. “Inuutos-utusan ka nila that's why I'm mad,” angil nito. Gusto ko sanang magdiwang dahil concern ito sa akin. Hindi ako makapaniwala sinabi ni sir Callum ‘yon. “Napaka simpleng bagay Sir Callum, ginagawa mong complicated. Bahala ka na nga kung ayaw mong pirmahan ‘yan napakasungit mo,” ani ko iniwan ko na sa table niya. “Anna!” Hindi ko pinansin. Lumabas ako ng office naiinis pa rin kay Callum. Kahit sa harapan ng desktop computer parang doon ko na ibuhos ang aking galit. Masama ang tingin ko sa screen wala naman kinalaman ang kawawang computer. After 30 minutes humupa ang pagkabuweset ko kay Callum. Nagulat pa ako ng lumabas ito ng office walang ka ngiti-ngiting lumapit sa akin. Tinaasan ko ‘to ng kilay dahil bitbit ang folder na iniwan ko sa table niya. “Itatawag ko na lang kay Reanna. Siya na ang magpapirma kasi may topak ka,” mahina kong sabi. Nag salubong ang kilay nito tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. Walang imik nakatayo lang sa harapan ng table. Bago umalis nagsalita. “Nasa iyo kong anong gagawin diyan.” sabi pa bago bumalik sa office niya. Tinawagan ko si Reanna. Bawal ko naman silipin ang laman ng folder si Reanna na lang ang mag-check kung pinirmahan ni Sir Callum. “Hello freny—” “Ikaw raw ang magdala ng kailangan mo kay Sir Callum. May topak ayaw pirmahan kung hindi raw ang may kailangan ang kumausap sa kaniya,” wika ko. “Alam mo iyang si Sir Callum, feeling ko tigang,” Nasamid ako sa sinabi nito kaya tumikhim ako. “Iyon talaga ang naisip mong dahilan?" natatawa kong tanong kay Reanna. “S'yempre nasa ibang bansa ang girlfriend. Edi, wala siyang kaldag ngayon, kaya palaging may sumpong,” sabi pa ni Reanna. “Ikaw talaga kung anong naiisip na kalokohan. Puntahan mo na rito bago pa tayo makapag-out at baka rin umalis si boss sige ka bukas mo pa mapapirmahan ‘yan,” “Okays pupunta na,” Mabilis makarating si Reanna sa office ko. Binigay ko ang folder sa kaniya at agad din niyang binuklat sabay nanlaki ang mata. “Oh, bakit?” takang tanong ko. “May pirma na girl,” natutuwa niyang sabi. Napairap ako. “Kitam talaga ang boss mo Reanna, sarap hambalusin nitong dala mong folder. Pagkatapos akong awayin pipirma rin pala,” Bungisngis ang kaibigan ko. “Salamat dito freny, alis na ako and don't forget mamaya.” “Oo na hindi ko makakalimutan.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD