CHAPTER 05

1522 Words
Anna Nagliligpit na ako ng gamit ko nag-text na rin ako kay Reanna, na sa labas nila ako antayin at papaalam pa ako kay sir Callum. Nagtataka rin ako sa boss ko. Mga ganitong oras wala na ito sa office niya. Almost 5:30 PM na. Pero ni anino hindi ko napansin na lumabas ng office si sir Callum. Hindi tuloy ako makaalis kasi pinauuna ko sana siya upang hindi na ako kakatok sa office nito para magpaalam, nagtataka ako ngayon kasi kanina pa ito loob, wala rin naman sinabi sa akin na mago-overtime kami. Inayos ko muna ang sarili ko at kinuha ang suklay sa loob ng bag ko at pinasadahan ang lampas balikat kong unat na buhok at pagkatapos basta ko lang sa ibabaw binalik sabay sinukbit ko ang shoulder bag sa balikat ko. Hindi naman ako papasok hanggang labas lang ako ng pinto baka matukso pa ako patulan ang kasungitan ni Callum, ma badtrip pa ako. Kakatukin ko na lang siya upang magsabing aalis na ako. “Sir Callum, mauna na akong mag-out sa 'yo,” malakas ko pang sabi sa kanya upang masigurong narinig niya ako. “Ms. Caluttong, please come in first,” “Ano raw? Bakit naman kung kailan pa-out ‘tsaka ito may iuutos?” salubong ang kilay na bubulong-bulong ko. Iyon ang nasa isip ko may kailangan ito sa akin kasi nga need ko pa pumasok sa loob. “Sir, may kailangan po ba kayo?” I ask him. “You say a lot, Anna, I'm just letting you in,” “Sir, limot mo ba? Oras na po ng uwian. Kung wala kang balak umuwi aba ‘wag mo po ako idamay—” “Anna!” He shouted so annoyedly that I looked at his office door. Dahil nababanas ako sa pagsigaw ni Callum, may lakas ko rin siya sinagot. “Bakit ba? Dapat kasi kanina mo pa sinabi sa akin kung may kailangan ka,” inis na laban ko sa kanya. “I said come in!” lumakas ang boses nito. Nagpapadyak akong binuksan ang pinto ng office nito at hinanda na ang disgusto sa mukha ko upang ipakita rito ba hindi ko gusto ang inaasta niya ngayon. Pagpasok ko parang isang hari si Sir Callum, nakapatong ang dalawang paa sa table nito at nakasandal naman sa leather swivel chair na animo si tamad na tamad sa buhay niya. Ginilid lang ang laptop tama lang hindi mahulog sa sahig. Pumasok ako ng pinto ngunit hindi ako umalis doon. Nanatili lang akong nakatayo at hindi ko rin gaano ‘yon ni-lock. “Lapit ka Ms. Caluttong,” “Dito na lang sa pinto nagmamadali ako—” “Saan ang lakad mo?!” malamig ang boses na nagtanong sa akin. Humalukipkip ako kaya lang nakalimutan ko hindi nga pala ako naka coat ngayon at mababa ang neckline ng suot kong body fit blouse nakikita ang cleavage ko kahit hindi gaano malaki ang boobs ko. Friday kasi p'wede na akong hindi mag-uniform kung gusto lang namin. Kaya body fit old rose, cotton fabric and high waist maong jeans sa baba. White rubber shoes naman ang sapin sa paa ko. Mabuti na lang din ito ang sinuot ko kasi aayain pala ako mag KTV bar nila Reanna. Madalas kasi naka dress ako kapag Friday, ngunit hindi ko nga lang nakakalimutan patungan ng blazer upang magmukhang formal. Napako ang tingin ni Sir Callum sa cleavage ko dali rin kumalat ang init ng mukha ko, lalo hindi nakaligtas sa aking mata ang pagtaas baba ng adams apple ni sir Callum, at nagtagal ang mata niya roon. “Bastos ka rin boss!” patuya kong bintang sa kaniya at sobrang masama ang tingin ko rito. Tinaasan lang niya ako ng kilay nakipag titigan sa akin pero ako talaga ang unang nagbaba ng tingin. Sumagot ito ngunit kinaiinisan ko mapagkunwari nitong alibi. “Me?” animo nang-aasar niyang sabi. “Alangan iyong table mo baka tumakbo pareho tayo sa labas kung ‘yan ang sumagot sa akin. Of course ikaw lang ang tao at ako diba? So ikaw nga boss topak,” “Bakit kasi nagsuot ka niyan dito sa office? Umpisa bukas ayaw ko na ng ganiyang damit—” “Anong masama rito sa damit ko? Kahit naman hindi kasing laki ng dibdib ko sa jowa mo may ipagmamalaki naman ako. Wait baka naman sir Callum nai-iinlove ka na sa akin aba dahan-dahan lang—” “That never happened. You know how I love Jhenny.” Letse! Slight na masakit ‘yon ha? Bulong ko sa sinabi ni Sir Callum. Nginisihan ko siya iyong tipong maasar siya sa akin. “Mallit ba ito, Sir? Feeling ko naman sakto lang kaya sa kamay mo. Enjoy ka nga ng hawakan mo ito,” lakas loob kung sabi at gusto kong magdiwang dahil naka puntos ako sa reaction ni boss Callum. Umigting kasi ang panga nito dumilim pa ang mukha. Lihim akong napangiwi ng maisip kong p'wede ma turn off si sir Callum sa walang filter kong bibig. “Sino ang kasama mo?” sa halip ‘yon ang sagot niya sa akin. “Ako lang,” tumingin pa ako sa magkabilang gilid ko kaya na stress si sir Callum, mabigat itong huminga. “Anna, I'm not joking with you; answer what I asked properly,” “Aba sir Callum, tinatanong mo ako kung sino ang kasama ko, diba? Sinagot ko naman kasi wala naman talaga akong kasama. I'm standing alone in front of you, boss,” “Please masakit ang ulo ko, Ms. Caluttong, don't start me,” “Ay hala! Saan po ulo sir?” Kaya lang napalunok ako kasi nagbabaga ang mata ni boss na pinagmasdan ako. Nag-peace sign ako sabay alanganin ngumiti. “Sir Callum, masyado kang hot. Alam ko naman na hot ka na pero hinay-hinay naman. Because I promised myself that I would forget your hotness—no matter what,” “Dami mong sinasabi,” “Nagtatanong ka boss. Kinausap mo ako natural na sasagutin kita. Kaya ligawan mo na ako, este, lalabas na ako kasi may lakad ako,” “Exactly! Kaya kita pinapasok kasi nakita kita kanina sa CCtV kausap si Reanna,” wika nito. Gusto kong asarin ang masungit kong amo kaya tinukso ko. “Oi...si sir Callum, pasimple pero lihim akong binabantayan—” “Get out!” malamig nitong sabi. “Ito naman si boss masyado pikon sige para hindi ka mahirapan mag-stalk sa akin. Bestfriend ko si Reanna ang kasama ko. Pati ba iyong si Dave kailangan ko rin report sa'yo ha, boss?” wika ko. Sinamaan ako ng tingin. Inalis nito ang paa sa lamesa tumayo at humakbang lumapit sa akin. Tumalikod ako upang iwanan na lang ito dahil kinabahan ako ng malapit na ito sa akin. “Stop!” “Nilingon ko siya malapit na sa akin,” “Why ba?! Off ko na kaya, sir Callum baka nakakalimutan mo,” “Hindi ka sasama kay Reanna!” malamig niyang sabi. Nanlaki ang mata ko. Dahil sinapian na naman siguro ng maligno itong boss ko ano-anong lumalabas sa bibig niya. “Sige ganito na lang boss Callum. First, tell me why I can't go with Reanna and Dave?” Tumayo ito sa harapan ko sakto lang may espasyo sa gitna namin. Malalim niya akong pinagmamasdan. Hinuhuli ang mata ko, ngunit wala akong pakialam. Upang hindi ako madala sa nang hihibo niyang titig hindi ako diretso tumingin sa mata niya. Patuya akong tumawa pinilit na tumingin ng deresto sa kaniya. “See, hindi ka makasagot sir Callum. Next time nga ‘wag kang masyadong makialam sa personal kong buhay—dahil ako, ako? I never once interfered with you. Yes, nag-se’x tayo pero hanggang doon na lang iyon. May narinig ka bang nag-demand ako sa'yo? Diba, wala? Kasi ayaw ko ng makasira sa relasyon n'yo ng pinakamamahal mong Jhenny. I don't want to beg you just to make you responsible for what happened to us. Love…pagmamahal mo ang gusto ko.” Sinamantala ko ang pagkatulala ni sir Callum, mabilis akong lumabas ng office niya. “Anna!” I didn't listen. Diretso ako sa elevator naramdaman ko na lang may mainit na likido pumatak sa mukha ko. Lentek, luha ko pala. Kumurap ako at mabilis niyon pinahid. Tumikhim ako upang kumalma ang mabigat kong dibdib. Baka kasi mapansin pa ni Reanna umiyak ako. Pagdating ko sa lobby naroon pala ang dalawa nakaabang sa akin. Pinilit kong ngumiti ng masaya. “Bakit ang tagal mo freny? H’wag mong sabihin na may topak pa rin si boss?” “May pahabol kasi pina-encode,” pagsisinungaling ko sa kanila kaya lang lihim akong humiling sana 'wag nito mapansin ang pamumula ng mata ko. Seryoso kasi ako tinitigan ni Reanna animo hindi ito kumbinsido sa aking alibi. Tuluyan lang naginhawaan ang dibdib ko ng ngumiti na si Reanna. “Hay salamat naman akala ko may sapak pa si boss,” hindi ako sumagot kun'di nginitian ko lang sila pareho ni Dave at tinalikuran ko na sila. “Let's go guys,” ani ko nalang at nauna pang humakbang sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD