CHAPTER 06

2333 Words
Anna Iisang taxi ang sinakyan namin patungo sa sinasabi ni Reanna na KTV bar. Gusto raw kasi bumalik ng kaibigan ko sa ipinagmamalaki niyang MetroPark KTV bar. Galing daw kasi si Reanna rito dati kasama ng mga pinsan nito. Nagustuhan ng kaibigan ko at binalak na babalik ulit kasi noong una raw nabitin siya kasi may pasok sa office. Ngayon kasi kahit abutin kami ng hating-gabi ayos lang kasi sabado bukas rest day namin. Kaya rito ang napagkasunduan namin na puntahan. Totoo rin naman na maganda ang MetroPark KTV bar, budget pinoy pa sa katulad namin mga office employee. Tig-iisa lang muna ang order ni Dave, na San Mig light. Tinanong naman kami ng binata kung dagdagan pa, tumanggi kami pareho ni Reanna, o-order na lang ulit kung maubos na. Mas marami pang pulutan kaysa inumin namin. Nilibot ko ang mata ko sa paligid karamihan nga ang nag-ha-happy-happy rito ay mga magbabarkada. Kung nagtitipid kasi sa budget maganda rito at malinis naman ang paligid. Nasa pang-apat pang lamesa ang songbook inaantay namin. Nagsabi na agad si Reanna kami ang sunod. “Reanna ikaw ba, wala pang balak mag boyfriend?” Nag-umpisa kaming magkwentuhan na magkaibigan. Si Dave tahimik sa tabi ko. Pang-apatan ang table namin pero dito ko pina-upo si Dave, sa tabi ko. “Bakit ako ang tinatanong mo freny ikaw nga hindi rin nagbo-boyfriend ako pa kaya?” aniya nangalumbaba sa akin tumingin. Ginaya ko rin si Reanna. Inaantay pa namin ang songbook gusto ni Reanna mag walwal. Kung sabagay may boses naman itong kaibigan ko may ipagmamalaki kaysa sa kabilang table namin kanina pa masakit ang tainga ko sa kakabirit sintunado naman. Napangiwi ako nakita ni Dave kaya tumawa. “Parang mali ang pinuntahan natin insan kasi masisira ang eardrum natin pare-pareho,” mahina saad nito kay Reanna, pero bumaling din ng tingin sa akin. Insan ang tawag ni Dave kay Reanna kasi second cousin ang dalawa. “Enjoy lang sila, Dave, no worries okays lang ako,” tugon kong nginitian ko pa siya. “Are you sure? P'wede tayong lumapit kung hindi ka komportable,” may concern sa boses niya habang tinitigan ako sa mukha. “Oo naman kere lang,” wika ko sa kaniya. Kapagkuwan naisip kong itanong bakit ito hindi nagka-girlfriend. “Ikaw Dave, bakit nga hanggang ngayon wala pa akong nabalitaan na naging kasintahan mo?” “Paano ako magkaka girlfriend kung hindi mo ako pinapansin?” pabiro niyang sagot sa akin. Mahina akong tumawa humarap sa kaniya. “Seryoso ‘yan?” natatawa kong sakay sa biro niyang iyon sa akin. Nakakamot ito sa buhok tila pa nahihiya. Pabiro ko naman pinalo sa balikat. “Matagal na kitang crush intern ka pa lang sa Madrigal Builders, kaya lang parang may crush ka ng iba napapansin ko,” hiyang-hiya na sagot niya sa akin nagba-blush pa. “So, binabantayan n'yo pala ako?” bumungisngis pa ako kasi napakamot ito sa batok. “Magpinsan nga kayo ni Reanna ako ang palaging inaabangan,” “Manhid kasi ‘yang kaibigan natin, Insan. Kung sino pa ang hindi p'wede gustuhin ay siyang pilit inaabot,” sumingit si Reanna. Pinaningkitan ko siya ng mata. Sanay ako sa biro nitong kaibigan ko kaya hindi na big deal sa akin ang madalas n'yang pagre-real talk niya sa ‘kin. “Hindi ah, ang harsh mo naman sa akin freny. Kahit naman siya ang gusto ko never akong nagpaawa at naghabol kay boss,” Tumitig si Dave sa akin. Alanganin akong ngumiti bakit kasi dere-diretso akong dumadal. “Swerte ni boss sa'yo. Kung ibang babae siguro sa katulad n'yo malapit sa isa't isa, inakit na si sir Callum,” “Wala eh. Ayaw ko naman ipilit ang sarili sa taong hindi ako mahal,” Biniro ako ni Dave. “G’wapo naman ako bakit hindi na lang tayo?” birong tukso ni Dave. “Oo naman wala naman duda roon,” wika ko. “Nah, paano si boss Callum lang ang nakikita mo kaya hindi mo mabaling ang tingin sa paligid. Alam mo girl, try mo ibaling ang iyong pagtingin kay boss sa iba. Jusko Anna, malabo pa sa tubig kanal na magustuhan ka ni boss.” “Awts grabe ka Reanna akala mo hindi masakit iyon,” “Maganda mga ng matauhan ka. Kumukulot ang bangs ko sa'yo babae ka! Naku day! Two years ka ng martir tigilan na ‘yan. Hindi na uso ‘yan ngayon, baka matalo mo si Jose Rizal na binaril sa Luneta,” “Bakit martir ba ako?” “Ay hindi, hindi ka nagkakamali,” umiling pa n tugon ni Reanna. Sira-ulo ‘tong kaibigan ko sapol na sapol ako. “Itong si Dave g'wapo rin naman my abs din ‘yan kahit double i-check mo pa,” “Gaga, anong akala mo sa akin sa abs lang naghahabol?” “Edi sige sa sa espada ni boss,” sabay malakas na tumawa. Si Dave rin pinanonood kami ni Reanna, humahalakhak. “Walanghiya ka Reanna, mahaba kaya iyang espada,” hagikhik ko. “Oh, ano bang maganda itawag?” aniya. “Aba inosente ako hindi ko alam iyan. Try to ask Dave, I'm sure alam niya,” bungisngis ko. Humalakhak ako dahil nga tinutuo ni Reanna, “Insan walang halong malisya ito ha? Bestfriend ko si Anna. Kaibigan ka rin namin wala itong masamang kahulugan. Ano ba ang tamang tawag sa espada n'yo. Iba naririnig ko ay ‘manoy’—” Hindi ko pinatapos si Reanna, kasi masakit na tiyan ko sa katatawa. “Reanna, seryoso? ‘yan talaga ang topic natin? Tama na nga iyan. Kanta na lang tayo tapos na sa kabila,” ani ko. Pinilit kong maging seryoso buti naging seryoso na rin ang dalawa. Nakapangalumbaba ako nakamaang lang kay Reanna. “Basta friendly advice freny hanap ka na lang ng iba. Or dito sa pinsan ko rest assured na mamahalin ka pa ng todo,” Oo totoo ang sinasabi ni Reanna. Guwapo rin si Dave. Kung p'wede nga lang turuan ang puso ginawa ko na. Boyfriend material din naman si Dave. May magandang trabaho. Kaya lang tropa lang talaga ang tingin sa binata. Walang spark kapag sa kaniya. “Sa kakaantay mong mahalin ka ng sir Callum mo, hindi ka na magkakaasawa—aray ko naman besh,” sabi ni Reanna. Paano hinila ko siya sa buhok masyadong echosera. “Alam mo ikaw madaldal ka. Anong problema kung hindi ako makapag-asawa? Hindi na ba ako tanggap ng Pinas kapag forever na akong maging single? Hindi naman diba? Tsaka ito ang tandaan mo, freny. Kung hindi ako mag-aasawa it's my choice. Walang kinalaman dito ang amo mo,” “Blah, blah! Amo mo rin na bugnutin. Kanta na lang tayo, girl,” wika ni Reanna. Maganda naman ang boses ko hindi nga lang pang-singer. At least hindi masakit sa tainga sabi ni Ate ko p'wede ng pagtiyagaan. Hiniram namin ang songbook sa waiter. Nilapit din niya ang mic sa min. “Kuya, p'wede po isa pang mic?” wika ko para tig-isa kami ni Reanna. Tumingin ako kay Dave. “Ikaw Dave, gusto mong kumanta?” “Iyan ang hindi ko kaya. Isa sa weakness ko baka umulan kapag pinilit,” ani Dave. “Girl anong kakantahin natin?” “Kung ako na lang sana,” wala sa sarili nabigkas ko. Parang temang si Reanna pinagmasdan pa ako. “Bakit? Bawal bang kantahin ‘yon?” ani ko pinanindigan na lang. “Martir!” saad niya sa akin. Natawa ako. Paano pa kaya kung malaman nito pinunit na ni sir Callum ang pukaykay ko maghisterya ang kaibigan ko. H'wag na nga lang ibabaon ko na lang ‘yon sa limot. Natahimik ang mga naroon nanood ng umpisa akong kumanta. Kung ako na lang sana.... Ewan ko, bakit ba hindi ka pa nadadala? Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya? At ewan ko nga sa'yo, parang balewala ang puso ko A-anno nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo m-makita?.... Tumigil ako saglit dahil nag-stammer ang boses ko. Iyon nga hindi ko mapigilan namula ang mata ko ngunit hindi ko pinakita kay Reanna. “Freny, okay ka lang?” aniya. “O-oo naman,” sagot ko at muling kumanta. Kung ako na lang sana ang 'yong minahal 'Di ka na muling mag-iisa Kung ako na lang sana ang 'yong minahal 'Di ka na muling luluha pa 'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba Narito ang puso ko, na-naghi-hintay la-lamang sa 'yo.... “Hoi! Anong nangyari sa'yo?” nag-aalala tanong ni Reanna kasi tuluyan akong umiyak. Lumapit pa si Reanna sa tabi ko at hinaplos ako sa buhok at likuran ko. “Sabi ko naman sa'yo maaga pa lang kalimutan mo na si boss.” “Reanna, pangit ba ako?” “Hindi!” “Eh, kung gano'n bakit hindi siya nagagandahan sa akin?” “Hindi ka pangit, Anna. Maganda at mabait ka. Iisa lang naman ang problema sa 'yo, alam mo kung ano ‘yon? Manhid at bulag ka. Nakikita mo na noon pa, mahal ni sir Callum ang girlfriend niya, pero patuloy mo pa rin siyang minahal. Dapat magtira ka sa sarili mo upang ‘di gano'n kasakit,” Dahil narisa na ang mood ko nag-aya na ako sa dalawa umuwi. Masunurin sila at may-isang salita si Reanna. Hinatid nila ako sa boarding house ko. “Paano fren, aalis na kami,” paalam ni Reanna sa akin. Nauna itong humakbang kay Dave, ngunit mabagal lang. Sakto lang na hindi niya maiiwan si Dave. “Dave pasensya ka na ha? Pati Ikaw nadamay sa bigla kong pag-uwi. Next time babawi ako promise,” “Payagan mo lang akong ligawan kita, bawing- bawi ka na,” Nangingiti ako. “Hwag Dave. Magiging unfair ako sa'yo kung tatangapin ko ang panliligaw mo pero iba ang mahal ko. Alam ko kasi ang pakiramdam ng hindi kayang mahalin. You're a good man dapat sa'yo ay mabuting babae,” “Mabuting babae ka, Anna,” laban niya. “Salamat Dave. Pero hindi talaga ako tatanggap ng manliligaw,” “Naiintindihan ko. Siya paano? Tuloy na kami.” “Ingat kayo,” habol kong sabi sa kanya. Inantay kong magkasakay sila ng taxi bago ko ipasyang pumasok sa gate ng boarding house. Tabi kasi ng national road itong boarding house ko kaya hindi mahirap humanap ng sasakyan. Binuksan ko ang gate ng boarding house ko nang malungkot. Pagpasok sa loob ng k'warto ko mabilis akong nagpalit ng pantulog at binagsak ang katawan sa single bed ko. Mabilis akong pumikit. Kumulog tapos umulan ng malakas. Hinila ako ng antok. Hanggang magising ako sa malakas na katok sa labas ng pinto ko. Kilala ko ang boses na tumawag sa pangalan ko. “Si Callum ang aga-aga naman umakyat ng ligaw bakit walang pasabi?” biro ko pa sa aking sarili. “Anna,” tawag sa akin ni sir Callum. Tss rush masyado makakatok wagas. “Ms. Caluttong!” ulit nito. “Wait lang ito na!” sagot kong pasigaw. Binuksan ko ang pinto masama ang tingin kay Callum. Madilim ang mukha nito pinagmasdan ako. “Ano naman ba sir? Haller it's Saturday today baka nakakalimutan mo?” “Yeah I know,” “Alam mo pala bakit ka pumarito? Uhm, ikaw sir ha? Kunwari ka—” “Tsk, immature.” He said. Ang kanina magaan ang pakiramdam ko biglang sinilaban ng pagka bugnot dito sa amo ko. “Sabihin mo na ang gusto mong sabihin wala akong pake sa 'yo. Lumayas ka na nga rito kung wala kang ibang sasabihin sa akin,” "Are you really that way? Does not wear a bra kapag haharap sa bisita? Tingnan mo nga 'yang dibdib mo nakadungaw na," galit nitong pagsita sa akin. Uminit ang mukha ko. Shitty nakalimutan ko nga pala silk spaghetti dress nighties ang sinuot ko kagabi. Naiinitan kasi ako kaya ito sinuot ko. Masyado nga ito daring kaso nawala sa isip ko humarap agad sa kaniya. “Nevermind, marami naman na akong nakita niyan hindi na bago sa akin,” parinig nito. Pisti talaga ang Callum na ito nakaka dami na ito aba. Tamad akong humarap sa kaniya at pinilit naging seryoso. “Why? I mean bakit pati ba ito ay problema mo?” Dumilim ang mukha nito pinagmasdan ako. Hindi ako nagpatinag sinamaan ko rin siya ng tingin. “I've been calling you for a while, but you're not answering,” “Bakit? Sa pagkakaalam ko off na ako sa trabaho, “Dumaan ako rito kasi aalis ako. Baka hanggang Monday,” Ako naman ang nataranta dahil bago ito. Nagpapaalam si boss Madrigal, sa akin. Ngunit ng naisip kong sekretarya lang niya ako, pinatay ko agad ang kilig na naisip. “Saan ka pupunta sir?” “Sa Caticlan,” sagot nito sa akin panay iwas ng tingin. Magtiis ka ngayon kakaiwas sa ka sexy-han ko. Lihim akong napangiti kasi panay nitong lunok at iwas na iwas dumako ang mata sa boobs ko. “Ehem! Is there something funny, Anna, because I noticed you smiling a while ago?” Bungisngis ako kaya lang si Callum, sobrang OA. Malamig ang mata tiningnan ako. “Ito talaga si boss masyado masungit,” “Iyon lang ang ipinunta ko rito. Tuesday or Monday ako makakapasok,” “Ayieee ang sweet mo naman sir Callum—” “You're dreaming, Ms. Caluttong,” “Baka nga sir Callum, noh? Kasi kakagising ko lang,” “Bestfriend ko ang nawawala. Kung pupunta ka ng Bulacan, text me—” “Si sir Tristan?” bigla akong nag-alala. He nodded. “I'm leaving." Callum said goodbye. Nag-antay akong ito ay tumalikod ngunit hindi kumikilos tila ba meron pang sasabihin sa 'kin. "May nakalimutan ka ba, sir Callum?" Kaswal lang niya akong tinitigan. "Ok isarado ko na itong pinto—" “Next time kapag humarap ka sa bisita magsuot ka naman ng maayos na t-shirt,” wika nito tapos nilayasan agad ako. Nasundan ko na lang siya ng tingin na malungkot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD