Anna
Nagmamadali akong pumunta ng Bulacan. Hindi ko naisip na magpaalam kay Callum kahit binilin nito mag-text ako kung patungo akong Bulacan.
Nawala kasi sa isip ko dahil nag-aalala ako sa kaibigan kong si Russell. Mabuti hindi ako na traffic.
Calling…
‘Sir Callum Madrigal’
“H-hello s-sir,” taranta kong sagot kasi kabababa ko lang ng bus naglalakad na ako patungo sa bahay namin ni Ate.
“Where are you?!” malamig niyang sabi sa kabilang linya.
“Bakit po? Did you miss me, sir Callum?” lakas ng loob kong sabi.
“Tasked ang lakas ng loob mo, Ms. Caluttong,”
Nimals talaga itong si boss halata na nga pilit pa tumanggi pektusan ko kaya ‘to ng mahimasmasan.
“Anna, are you still there?"
"Opo patungo na ako sa bahay," tugon ko kaya lang nakakaurat nag sagot ni sir sa akin.
"If I were you, Ms. Caluttong, please give up on imagining me, nag-aaksaya ka lang ng oras."
“Hindi ka sure boss. Minsan kung sino pa ang inaayawan mo siya pala ang soon mamahalin mo,” saad kong gano'n sa kaniya kahit masakit ‘yon para sa akin.
Pero kung kaharap ko si sir Callum, hindi ko masasabi ito sa kaniya. Sinamantala ko lang ngayon kasi cellphone ko lang naman siya kausap. Hindi iniisip na kailangan kong itago ang emosyon sa ‘king dibdib, kasi takot akong makita siyang pinagtatawanan ako sa pinagsasabi ko.
Kapag kasi personal nangangatog ang tuhod ko sa titig ng malamlam niyang mata.
Dumaan ang katahimikan. Wala ng gustong magsalita. Inantay ko rin na may sabihan pa ito sa ‘kin subalit malakas na buntong hininga lang nito ang naririnig ko.
“Sandali sir Callum, ano po ba talaga ang sadya n'yo kung hindi mo pala ako na miss?”
“I just want to make sure kung makakapasok ka sa lunes,”
Napairap ako. Daming alam nitong Madrigal na ‘to. Hindi naman babae pero pabebe. Halata na nga hindi pa umamin. Tss pangit ka-bonding stress lang beauty ko mabuti pa ‘wag ko na lang ito kausapin.
“Yes sir, papasok po ako ‘wag po kayo mag-alala, ok na po ba?” wika ko tinawag niya ako ngunit ni na-cancel ko na ang tawag niya.
“Anna!”
Letse siya sakit sa puso lang aabutin ko.
Ni-off ko ang phone ko kasi panay vibrate at ring. I'm sure si Callum ‘yon bahala siya.
Pagdating ko sa bahay wala si Ate Sirena kaya nagtungo agad ako sa bahay nila Russell, tama nga naroon ito kalong si Isaiah ang anak ng bestfriend kong si Russell.
Kinawayan pa ako ng inaanak ko nilapitan ko naman hinalikan sa buhok niya.
Naawa ako sa bestfriend ko namumugto ang mata nito sa kakaiyak
“Anna… si Tristan,” hagulgol nito.
Umupo ako sa tabi nito at niyakap sabay hinahaplos ko ang likuran niya pinapalakas ang loob. “Ligtas ‘yon, best. Si Tristan pa.”
“Patungo ka ba ngayon sa Caticlan?”
“Oo best, si Isaiah kay ate Sirena maiiwan kasi baka matagalan kami roon, kasama ko kasi sila Nanay.”
“Kung hindi nga lang naroon din si sir Callum, sasamahan kita,”
“Ayos lang, Anna, salamat.”
“Basta ‘wag mag-isip ng nega. Makakauwi si Tristan, tiwala lang,” wika ko pa sa kaibigan kong si Russell.
Nang sumapit ang lunes. Hindi nga pumasok si sir Callum. Kaya hindi ako magkandaugaga sa dami kong sinasagot na tawag kabila-kabilaan dahil hinahanap si sir Callum.
Nasa Caticlan pa kasi ito simula noong Saturday ng hapon. Napangiti ako kasi kahit na malabo si sir Callum sa akin. Kahit na pinaasa lang ako nito pero maypagka sweet sa akin ang boss kong malabo ang mata.
Nagte-text kasi ito sa akin, nang paalis na sila kasama ng mga kaibigan nito pa Caticlan, nagpaalam ang Callum n'yo. Dahil sa ginawang search and rescue operation sa pagsadsad ng TXB Cessna Citation XLS.
Hiniram kasi ng bestfriend nitong si Tristan ang private pilot ng Madrigal Builders, kasama pa ang piloto ng mga Madrigal ang nawawala. May dadaluhan yatang business ang kaibigan ni sir Callum, at need ng mabilisan na transportation. Gano'n sila ka lapit na magkakaibigan.
‘Yun nga lang maulan kasi ng biyernes ng gabi kaya nga masarap ang tulog ko pagkagaling namin nila Reanna sa KTV bar. At pagka-umaga bumuhos din daw ang malakas na ulan tulog pa ako ng oras na iyon kaya hindi ko namalayan.
Naawa ako sa bestfriend kong si Russell. Kasi mahirap at masakit mawalan ng minamahal danas namin iyon ni Ate Sirena ng parehong yumao ang Nanay at Tatay namin.
Break time nasa canteen kami ni Reanna. Kanina pa malalim ang aking iniisip kasi hindi tumawag si boss.
“Hoi anong problema mo?”
“Wala pang tawag si Sir Callum,”
“Ayan naman Anna Fegi, parang may label ano?” aniya naningkit pa ang mata.
“Sira hindi ganoon sa iniisip mo. Gusto ko kasi makibalit tungkol sa asawa ng kaibigan kong si Russell, kung may progress na ang searching."
“Ay oo nga no freny. Balita kanina hindi pa nga raw nakikita,”
“Wala akong nabalitaan, freny,”
“Minsan kasi sindihan mo naman ang TV mo sa boarding house mo. Aba masira ‘yan kung laging patay.”
“Tamad kaya manood,” balewala kong sagot.
“Kawawa talaga ang piloto nila boss Callum,” aniya ni Reanna.
“Oo nga Reanna. Hindi raw nakaligtas. Pero mas naawa ako sa asawa ng kaibigan ko,”
“Kaya pala hindi pa bumalik si boss,” sabi nito.
“Magkakaroon daw ng masusing imbestigasyon kapag bumalik si boss e. Kasi bago pa kaya ang plane ng friend ni boss Callum, plus ang pilot most trusted ‘yon ng mga Madrigal,” dugtong pa ni Reanna.
“Sana all daming nakalap na news,” biro ko sa kaniya.
“Gaga naririnig ko lang ‘yon ng kusa alangan takpan ko ang tainga ko,” kunwari galit na sagot nito sa akin.
“Sabagay. Tara na balik na tayo sa office,” wika ko tumayo pa kami ng sabay.
Nakakapagod ang maghapon dahil daming trabaho. Pagdating sa boarding house. Tumatawag ako sa Bulacan gano'n din sa kaibigan hindi pa bumalik ng Maynila ayaw umalis hangga't hindi nakikita ang asawang si Tristan.
Nangangati na ang dila ko itanong si boss Callum kung nakauwi na ba nahihiya naman ako sa kaibigan ko lalo na panay iyak kapag kausap ko.
Pagkalipas ng tatlong araw.
Wednesday hindi pa rin pumasok si boss. Sa office naman kapag need ito itinatawag ko at kung kailangan siya kausapin pinakakausap ko.
Uwian sumama ako kila Reanna mag mall. Hindi kasi ako nag overtime wala gaanong rush. Pinaalam ko rin kay sir Callum okay lang daw magpahinga na lang ako.
Inabot kami ng gabi sa MOA. Window shopping lang ako si Reaanna may binili ako raw masyado kiripot dalaga naman.
Hindi kami magkasabay sa taxi kasi mapapalayo si Reanna. Tig-isa kami sasakyan.
Matutulog na lang agad ako kasi kumain na rin kami sa mall bago umuwi pareho.
“Kuya para na po,” saad ko sa taxi driver. Pagkatapos ko iabot ang bayad nakangiti pa akong bumaba para lang magulat sa aking nakita.
“Sir Callum? Hey anong ginagawa mo rito?” I asked him.
“Wala idinaan ko lang ito kararating ko lang,”
“Ano ‘to?” tanong ko pa.
“See it for your self. Ikaw na nga ang binigyan ng gift tatanungin mo pa kung anong laman,”
“Suplado mo talaga sir. Parang nagtanong lang,”
“Sige aalis na ako. Papasok na ako bukas,”
“Talaga sir? Pasok po muna sa loob. Kape gusto mo?” wika ko.
Tila nag-isip ito. Napanguso ako kasi mukha ng alanganin. Okay lang naman kung tatanggi ito ngayon. Akin lang naman ay bakasakali.
“Ok,” He said.
Halos nag tatalon ako sa tuwa ngunit hindi ko pinakita.
“Pasok po. Uhm maliit lang talaga ang k'warto ko,” ani ko.
Studio type ang boarding house ko nasa loob na lahat ang kailangan. CR, kitchen. Walang k'warto nilagyan ko lang ng kurtina harang sa gilid doon ko nilagay ang single bed ko kaya nagmukha silid.
Hindi p'wede ng limang katao ang titira kasi masikip na. Ngayon nga lang na dalawa kami ni sir Callum, parang ang skip na. Ang tangkad kasi ni boss at malapad pa katawan.
Palihim nito nilibot ang mata sa loob.
“Upo ka sir,” wika ko.
Kaso nga lang plastic ang upuan ko baka bumigay dito kapag ito uupo. Ang ginawa ko, hinawi ko ang kurtina sa bed ko roon ko siya pinaupo.
“Sir dito ka po,” wika ko nginuso ang gilid ng single bed ko.
Humakbang naman ito kaya lang hindi agad ako umalis sa gilid ng kama ko at pag-upo ni Sir Callum, sa kama ko hinawakan niya ako sa magkabila kong baywang at hinila paupo sa hita niya.
“Ay….s-sir,” nanlaki ang mata ko lalo na nahawakan ko sa gitna niya halos sumabog ang mukha ko sa init. Mabilis kong binawi ang kamay ko.
Pisti nahawakan ko ang ano ni sir Callum, kumislot pa iyon at super tigas.
Umigting ang panga ni sir Callum. At matiim ang titig sa akin. Para bang gusto akong patawan ng parusa sa mga oras na iyon.
Iniwas ko agad ang mata ko kay sir Callum, dahil sa haplos ng titig ni sir Callum sa akin. Nanghihibo. My God! Bakit ako nakikiliti sa isipin pinapasadahan niya ako ng mapungay niyang mata.
Mabuti na lang at patagilid pa ang upo ko. Kasi nakabukas ang magkabila hita nito nasa gitna naman niya ako. Steady lang ang upo ko takot na masagi ang gitna niya at alam ko gaano iyon katigas.
Uminit ang mukha ko kasi nakikiliti ako sa palad niyang nanatili sa baywang ko tila walang balak na alisin doon. Taas baba pa nga nagtayuan ang balahibo ko sa katawan.
“S-sir…b-bitiwan mo na ako,” nanghihina kong pakiusap.
“Anna,” He whispered. Malalim niya akong pinagmamasdan at unti-unti niyang tinatawid ang pagitan ng mukha namin. Napamulagat ako bakit hindi agad ako naka-react parang…. inaantay ko pa ang halik niya.
“Sir Callum…” bulong ko at tinanggap ang labi niyang inangkin ang labi ko.