CHAPTER 17 "PLAY-OFFS" "Galit ka pa ba saakin mahal?" Tanong ni Noah nang makasakay kami sa kotse. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang aircon. Kanina ko pa siya hindi pinapansin. I'm still pissed not just to him but to our families. Hindi 'man lang pinaalam saamin na ia-announce nila ang engagement namin. Ni hindi 'man lang nag-propose ang loko na 'to para 'man lang kahit papaano ay hindi ako nagmukhang tanga na walang alam sa nangyayari. Akmang hahawakan niya ang kamay ko nang iniwas ko 'to. "Huwag mo 'kong pinagkakausap, Noah." Galit kong pagbabanta at hinawi ang buhok ko bago dumungaw sa bintana ng kotse. Siya pa 'tong may ganang magsalita na huwag ako gagawa ng eksena. Kasalanan ko pa talaga na nagulat ako? "Claui..." Malambing niyang pagtawag saakin habang nagda-drive. "I'