CHAPTER 16 "ANNOUNCEMENT" "And...100." Napabuga ako ng isang malalim na hininga nang matapos ko ang squats ko. Napasalampak ako sa lapag dahil sa pagod. Dalawang linggo akong hindi nakapag-gym dahil wala rin akong kasama. Mabuti na lang at naaya ko si Jules dahil siya naman ang ka-gym buddy ko. "Noah tang—-ayoko na! Naglolokohan lang tayo!" Sigaw ni Jules at binagsak ang weights. Tumawa naman ng malakas si Noah dahil mukhang nahihirapan na si Jules sa pinaggagawa niya. Pati ako ay hindi ko na napigilang matawa dahil pulang-pula na ang mukha nito. "Akala ko ba gusto mo ilabas sama ng loob mo ha?!" Tanong ko bago uminom ng tubig. Napailing na lamang ito at nagpunas ng pawis gamit ang t-shirt niya. "Pero hindi sa ganitong paraan! Bakit mo ba 'to sinama?! Akala ko ba tayong dalawa lang?"