CHAPTER 14 FIRST GAME "Hoy baka gusto mong i-chika yung tukaang naganap kanina?!" Pagbungad ni Jules nang makaupo kami sa seat. Napahawak ako sa aking labi at hindi pa rin makapag-move on sa nangyari. Hindi ko akalain na hahalikan ako ni Noah sa harap ng tao. Hndi ko rin alam bakit hindi ako nagalit sa ginawa niya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. "H-hindi ko rin alam bakit niya ginawa 'yun," Utal at wala sa sarili kong sabi. Nakatulala pa rin ako sa kawalan at pilit inaalis sa isip ko ang halik. Hindi naman na virgin labi ko pero bakit iba ang epekto saakin ng halik? "Lakas maka-girlfriend of the year." Kumento naman ni Kelsey habang nagpo-phone. "Halikan pa more." Pangaasar niya pa. "Sinong naghalikan?" Napalingon kami nang dumating si Charles na may dalang p