CHAPTER 13 "MR. ROULETTE" "Ang taray ng hair!" Bungad ni Kelsey nang magkita kami sa lounge area ng school namin. Wala kasi kaming klase kaninang umaga dahil may kailangang daluhang meeting ang professor namin kaya maraming oras ang nalaan ko sa pag-aayos. Hanggang ngayon ay feel na feel ko pa rin ang sarili ko. Mukhang gagawin ko ng routine 'to. At least kahit papaano ay may ginagawa naman ako para sa sarili ko. Napairap naman ako habang tumatawa ng bahagya si Jules. "Gandara naman! anong peg mo?" Tanong niya at kumibit-balikat. "Crush ng bayan kuno." Pagbibiro ko at napailing lang ito. I realized lately that I should take care and love myself. Hangga't wala pa akong masyadong responsibilidad ay mahalagang maglaan na ako ng oras para sa sarili ko dahil panigurado'y, pagkatapos ng ko