Isang banggaan ang nangyari sa tapat namin. Isang black toyota at bigbike ang nagkabanggaan at nasa ilalim ngayon ng toyota ang kawawang motor. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa nakita na namang dugo at isinandal na lang ang ulo sa headrest.
"Umalis na tayo rito bago pa tayo matraffic pagdating ng mga pulis at ambulansya." sambit ko habang nakapikit pa rin. Maya maya lang din ay naramdaman ko na lang na umaandar na ang kotse.
"that was frightening." rinig kong sabi ni Diana.
"kaya nga eh. Grabe! Siguradong dead on arrival na yung sakay ng motor!" suhestiyon naman ni Jackie at doon na rin ako nagbukas ng mata.
Hindi ko alam kung bakit, pero sa tuwing nakakakita ako ng dugo ay may kakaiba akong nararamdaman at para bang may ibang bagay akong nakikita. Para akong nananaginip ng gising. And the thought is totally infuriating bothering me.
Pagkarating sa mall ay doon lamang gumaan ang aking pakiramdam habang nilalanghap ang nakaka-addict na amoy ng mga libro sa 'national book store', napagdesisyunan kasi naming dito muna magsimula bago sa department store.
"what are you buying today?" silip ng ulo ni Diana mula sa kabilang shelf. Ngumiti naman ako bago ipakita ang hawak kong libro. The Iron Knight by Julie Kagawa. Tumango naman siya at ipinakita rin sa akin ang hawak niyang bagong libro ni Mary Higgins Clarks.
"Nasa'n si Jackie?" habol kong tanong at itinuro niya naman yung kabilang shelf. Lumipat naman ako doon at nakita si Jackie na tumitingin ng mga w*****d books.
"Nakasimangot ka diyan?" tanong ko.
"wala talaga ditong libro ni Sir Robbert Thier..." nguso niya. Kinuha ko naman yung librong Apostle thirteen by altheadelarama at hinarap sa kaniya.
"Iyan na lang. Maganda yan, promise. Nabasa ko na yan." ngiti ko naman at mabilis niya namang kinuha yung libro sa akin.
Matapos mamili ng mga libro ay dumiretso na kami sa department store upang magsukat at bumili ng mga damit. Kinuha ko naman yung black long sleeve dress para sukatin sa dressing room. Umabot ito hanggang sa taas ng aking tuhod at hapit na hapit sa aking katawan ang itaas na bahagi.
"Ready?" malakas kong tanong.
"on three!" sigaw naman ni Jackie at sabay sabay kaming tatlong lumabas ng dressing room matapos magbilang.
Kulay asul na cocktail dress ang suot ni Diana na bumagay sa blonde niyang buhok, samantalang si Jackie naman ay pink simple dress kung saan ito ay backless.
"Gorgeous!" komento ko sa kanilang dalawa.
"You look beautiful in that dress." ngiti naman ni Diana sa akin. Ngumiti rin ako pabalik bago bumalik sa dressing room. The first time I saw this black dress I immediately fell in love with it, and I don't know why. Maybe because black is cool and the dress looks demure but alluring.
Matapos magbayad sa counter ay sabay sabay rin kaming lumabas ng department store upang humanap ng makakainan nang may mahagip ang aking mga mata. Nabato ako sa aking kinatatayuan at kinakabahang napalingon kila Jackie na nagtataka na akong tinitigan.
"bakit?" hawak ni Jackie sa aking balikat. Lumingon naman ako upang siguraduhin ang aking nakita, at hindi nga ako nagkakamali. Di kalayuan sa amin ay dalawang men in black na kunwari'y nakatingin sa mga stuff toy section pero namumukaan ko sila. Sila yung kasama ni Alfieri na humabol sa akin nung gabing iyon.
"M-may pupuntahan pa nga pala ako." pagsisinungaling ko.
"ha? Importante ba yan?" tanong ni jackie at mabilis akong tumango.
"oo," sambit ko. "Mauna na ako sa inyo."
"hatid ka na namin"
"wag na!" mabilis kong sabi na ikinagulat nila. "I mean... Okay na ako, just enjoy this day dahil sabado naman bukas. I'll just take the train station."
"are you sure?" tanong ni Diana.
"yes! Bibili na rin ako ng phone pauwi at itetext ko kayo kapag nakauwi na ako." paninugurado ko pa habang tinitignan sa aking peripheral vision yung dalawang lalaki.
"Sige na. Bye, guys!" paalam ko bago mabilis na tumalikod at naglakad papunta sa area kung saan marami akong kasabay na naglalakad. Siguradong madali nila akong matuntunton dahil sa uniporme kong suot kaya kailangan kong humalo sa maraming tao para matago ang aking pigura.
Ligtas naman akong nakalabas ng mall ngunit hindi ko akalaing kahit roon ay may mga naghihintay na men in black. Natural naman akong naglakad at lumiko upang sumabay sa ibang tao na papunta sa train station. Ramdam ko naman ang mabilis na pagtibok ng aking puso at ang pagsunod sa akin ng mga lalaki, pero kailangan kong magpakatatag... Kailangan kong takasan sila para sa aking buhay.
"Sorry, miss." paumanhin ng lalaking nakabangga sa akin. Hindi ko na siya pinansin at mabilis akong pumasok sa train station at bumili ng ticket.
Nilingon ko naman ang aking likuran at mabilis na napayuko dahil naghahanap sa paligid yung apat na lalaking humahabol sa akin. Pagkarating naman ng tren ay mabilis akong nakipagsiksikan at pumasok sa loob nito ngunit sa kasamaang palad ay namataan ako nung isa at mabilis ring pumasok sa kabilang side ng train. Lalong bumilis ang t***k ng aking puso dahilan para humigpit ang hawak ko sa dalang paperbag. Paano kung barilin nila ako paglabas ko pa lang ng train na ito? Paano kung dito mismo ay patayin ako... I swallowed the lump rising in my throat and as much as possible I tried to calm myself.
'anong gagawin ko?' nilipat ko ang aking tingin sa bintana ng tren kung saan kita ang madilim na langit. Mabilis na nagdilim ang paligid ngayong araw dahil na rin siguro sa makulimlim ang langit.
"excuse me." mula sa peripheral vision ay nakita ko yung lalaki na naglalakad papunta sa aking pwesto. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa paperbag at doony nakaisip ako ng paraan kung papaano ako tatakas.
Sinilip ko muli ang labas at malapit na kami sa susunod na station kaya agad rin akong naglakad papunta sa pinto ng tren. Pagkabukas na pagkabukas nito ay inunahan ko na ang maraming tao upang agad na makalabas. Nilingon ko ulit yung lalaki na ngayon ay hirap na sa pakikipagsiksikan sa mga tao, umangat naman ang kaniyang ulo dahilan para magtama abg aming tingin kaya binigyan ko lang siya ng malawak at mapang asar ng ngisi.
'the hell with him!'
Dumilim ang kaniyang mukha at marahas na itinulak ang mga tao sa paligid dahilan para manlaki ang aking mga mata.
Lagot na!
Agad naman akong tumalikod at tumakbo palabas ng train station upang humanap ng matataguan, ngunit panibagong mga men in black na naman ang nakita kong bumaba mula sa itim na kotse. Bumilis ang aking lakad hanggang sa mamataan ko ang bagong bukas na bar. Nakikipagusap naman yung bouncer sa isang babae kaya kahit nakasuot ng uniporme ay walang pakundangan akong pumasok sa loob at nakipagsiksikan sa mga nagwawala sa dance floor.
Sinundan pa rin ako ng mga lalaki hanggang sa loob kaya yumuko ako hanggang sa makarating ng comfort room. I need to think real quick before they find me and kill me on the spot. Napakagat naman ako sa aking kuko bago ipatong ang paper bag sa lababo nang may ideyang pumasok sa isip ko.
'talino mo talaga, Amber!'
***
Wearing a black long sleeve dress ang silver high heeled shoes, with my hair tied in a messy bun and light make up I walked confidently at the dance floor to mixed up with the wild intoxicated people. Mula naman sa di kalayuan ay nakita ko yung lalaking humahabol sa akin kanina na tumitingin sa paligid at isang malawak na ngiti ang sumilay sa aking bibig. Hindi na nila ako mamumukhaan.
"Looking good, babe!" singit ng isang lalaki sa aking gilid. Napangiwi naman ako dahil sa amoy na amoy na ang alcohol sa kaniya.
"Leave me alone." ismid ko na mukhang hindi niya naintindihan dahil hinapit nito ang aking bewang palapit sa kaniya.
Tinanggal ko naman ang kaniyang kamay at malakas siyang itinulak ngunit ako yata ang natulak dahil naramdaman ko na lang ang sarili ko na tutumba. Hinintay ko naman ang paglanding ng aking pwetan sa sahig ng dance floor ngunit hindi iyon nangyari dahil sa malakas na bisig na humapit sa aking bewang. Bahagya naman akong napalunok at akmang magpapasalamat sana nang unahan ko ni Mr. Savior sa pagsasalita.
"Hi, Gorgeous." bulong nito sa tenga ko sa malamig at mababaw na boses. I froze.
***