"Hi, Gorgeous."
Nabato ako sa aking kinatatayuan. Bahagya namang tumaas ang mga balahibo ko sa labis na kaba nang marinig ang malamig na boses na iyon. Ilang beses pa akong napalunok habang kinakalma ang aking paghinga dahil pakiramdam ko ay anumang oras hihimatayin ako rito.
"Cat got your tounge?" muli akong lumunok nang magsalita siya mula sa aking likuran. Kahit napakalakas ng music sa dance floor ay rinig na rinig ko ang mapagbanta niyang boses.
Sinubukan ko namang umalis mula sa pagkakahawak niya upang harapin siya. Hindi naman gumalaw si Alfieri at hinayaan akong makita ang kaniyang mukha. Even on the dance floor he is wearing a suit and a tie, but behind those luxurious suit a gun is waiting to kill. Tumaas ang tingin ko sa mukha ni Alfieri na seryosong nakatitig rin pala sa akin, malamig ang mga titig na ibinibigay nito na mas nagpadagdag ng aking kaba.
"A-anong kailangan mo sa akin?" bulong. Isang mahinang bulong lang ang kinaya ng nanginginig kong boses.
"Shall we dance?" napatanga ako sa tanong niya. Mabilis naman lumipad ang tingin ko sa paligid at doon kong napagtanto na slow music na ang itinutugtog ng Dj, lahat rin ng mga tao sa dance floor ay nakikisabay na sa slow and romantic music pwera lang sa aming dalawa na nakatayo sa gitna ng dance floor.
Muling bumalik ang tingin ko kay Alfieri. Hindi nagbabago ang seryoso niyang ekspresyon habang nakalahad sa harapan ko ang isa niyang kamay. Paano kung bigla niya akong barilin habang sumasayaw kami? O kaya bigla niya akong hilahin palabas...
"I hate waiting, Anderson." Nanlaki ang aking mga mata nang banggitin niya ang aking apelyido. Nagdadalawang isip ko namang inilagay ang isa kong kamay sa kaniyang palad.
Itinaas niya naman iyon sa kaniyang balikat bago hinapit ang aking bewang palapit sa kaniya. Hindi ako makahinga. Sa sobrang kaba ay rinig na rinig ko ang malakas na t***k ng puso ko, at sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay amoy na amoy ko ang kaniyang pabango. We sway with the slow music like two romantic couple in the eye of unsuspecting people, but on the other side, he is a predator and I am a prey waiting for a chance to escape.
Habang sumasabay sa mabagal na musika ay mukhang ngayon lang nahalata ni Alfieri na nakababa ang kaliwa kong braso. Eto kasi yung parteng nabaril ng tauhan niya kagabi at gustuhin ko mang tumakas ngayon ay mukhang wala na akong kawala sa kamay ng lider nila. Napatigil ako ng hawakan niya ang kaliwang kong kamay.
"aww!" ngiwi ko nang itaas niya iyon sa kaniyang balikat. Hindi naman nagbago ang kaniyang ekspresyon, kahit sa mga mga mata nito ay wala akong ibang makitang emosyon.
"why?" malamig niyang tanong at napa 'tss.' naman ako bilang sagot.
Nakakainsulto dahil kailangan niya pang tanungin ang bagay na iyon samantalang siya ang may kasalanan kung bakit ako nabaril sa kaliwang braso. Sinamaan ko ng tingin si Alfieri at bigla na lang dumilim ang mukha nito, agad naman akong umiwas ng tingin. Unti unti na ring umiikot ang aking paligid kahit hindi naman ako uminom ng alak.
"why?" tanong ulit ni Alfieri sa mas mababaw na boses bago niya marahas na higitin ang braso ko.
"aww..." daing ko ulit dahil sa sakit ng sugat ko na kanina pang umagang nadadali. Lumuwag ang kaniyang hawak at pareho kaming napatingin sa kamay niyang kulay pula na.
'blast!' ilang beses pa akong napamura sa aking isip nang malaman na nagdurugo na naman ang sugat ko. Mahigpit naman akong napahawak sa damit ni Alfieri nang makaramdam ng matinding hilo.
"Come with me." hila niya sa akin sa kanang kamay ngunit agad akong nagpumiglas.
"Ayoko." matigas kong sabi at kasabay nun ay ang muling pagbabalik ng wild music sa dance floor.
Napaabante naman ako ng may bumangga sa aking likuran at kinakabahang napatingin kay Alfieri na ngayon ay tiim bagang nang nakatitig sa akin.
"Uuwi na ako." pagpupumulit ko ulit at akmang aalis na ng lumipad ang kaniyang kamao sa aking tiyan.
Napasinghap ako dahil para bang bumaligtad ang aking sikmura sa lakas ng pagkakasuntok. Muli naman akong napahawak sa damit ni Alfieri habang nanlalabong tingin akong humanap ng mahihingan ng tulong.
"Sleep." huli kong narinig hanggang sa tuluyan ng binalot ng dilim ang aking paligid.
***
"She's having a fever due to the bullet wound. Right now, she needs to rest until she recovers completely."
Mariin akong napapikit dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking ulo, para itong paulit ulit na inuumpog sa matigas na pader at binibiyak. Ano bang nangyari at pakiramdam ko napakabigat ng aking pakiramdam?
'tss.'
Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at bumungad naman sa akin ang napakataas na kisame na may nakasabit na napakalaking chandelier. Bigla naman akong napaupo sabay sapo sa aking ulo nang kumirot ito.
'nasa'n ako?!' kahit nakakaramdam ng matinding hilo ay bumaba ako sa napakalaking kama at pinilit na maglakad palabas ng kwarto.
Walang tao sa hallway ng hotel, mansyon, bahay, palasyo, o kung ano man ang tawag sa lugar na ito. Tinahak ko naman ang pinakadulo ng napakahabang hallway na may mga nakasabit ring chandeliers at iba't ibang abstract paintings at landscapes. Sa dulo naman ay ang grand staircase kaya maingat ngunit mabilis ko itong binagtas pababa.
'nasa'n ba kasi ako?! Bakit ako nandito at nasaan ba yung sapatos na su-'
Napatigil ako sa pagtakbo nang maalala ko yung nangyari kagabi.
Alfieri! I'm in the devil's lair!
Muli akong tumakbo pababa ng hagdan at saglit na napatigil nang makarinig ng ilang pagkalampag. Nilibot ko naman ng tingin ang paligid bago namataan yung double door sa likod ng staircase na bahagyang nakabukas.
"What is my order?!" rinig kong boses ni Alfieri at dahil sa kuryosidad ay napili kong sumilip sa loob.
Sa sahig ay nakita ko ang isa sa mga tauhan niya na nakahandusay sa sahig, sa likod naman ni Alfieri ay dalawa pang men in black na parang walang pakielam sa nangyayari. Muling bumalik ang tingin ko sa lalaking bugbog sarado, agad namang nag init ang aking dugo nang maalaa kung sino ito. Siya yung bumaril sa akin nung gabing iyon. Yung tauhan na humabol sa akin bago pa ako makasakay ng taxi.
"S-sorry, boss!" luhod nito sa harapan ni Alfieri.
"What is the exact word that I told you, idiot!" sigaw ni Alfieri at nakaramdam ako ng matinding takot. "I told you to get her not shoot her!"
Napaatras ako nang higitin niya ang damit ng kaniyang tauhan at malakas itong sinuntok sa mukha. Paano kung gawin niya rin sa akin yun matapos niyang malaman na gising na ako?
Muli akong napaatras dahil sa takot. Hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa akin, marahil ay dahil sa nasaksihan ko ang pagpatay niya kay Mendez sa madilim na eskinitang iyon. And now he is making sure that I will shut up and would never utter a single word, ever.
Tinakbo ko ang daan papunta sa mataas at malaking double door na sa tingin ko ay daan palabas. Hinila ko ang hawakan nito at buong lakas na binuksan. Lumikha ng maliit na ingay ang mabigat na pinto ngunit ni isa ay walang lumabas na men in black sa aking likod o sa flower vase.
'I'm free!' napangisi ako ng tuluyan kong nabuksan ang pinto. Wala ng pagdadalawang isip ay lumabas ako ng pinto bumungad naman sa akin ang napakaliwanag na labas dahil sa sikat ng araw, ngunit hindi iyon ang pumukaw ng aking atensyon. Hindi rin ang magandang tanawin at malaking fountain ang nagpahinto sa akin, kundi ang napakaraming bantay na may hawak na mga baril at nakatayo sa iba't ibang bahagi at sulok ng labas.
"You're awake, Anderson."