Before you see the light,
First you have to deal with darkness.
Tinakbo ko ang direksyon palabas ng eskinita. Sa ngayon, hindi ko ramdam o pansin ang matinding sakit sa aking ulo dahil iisa lang ang isinisigaw ng aking isipan sa mga oras na ito. TAKBO! RUN OR DIE!
Lumiko ako sa kabilang eskinita at mabilis na napahawak sa dingding nito nang muntikan na akong madulas. I flinched when the hard wall scrapes my palm dangerously. Ikinuyom ko ang aking kamao upang pigilan ang pagdurugo nito at mas itinulak pa ang sarili na tumakbo ng mabilis. Kapag hindi ako nakatakas panigurado ay ang ulo ko ang pasasabugin nila.
"sa kaliwa!" rinig kong matigas na sigaw ng isang lalaki pero hindi ko na ito nagawang lingunin pa.
Tumigil ako sa pagtakbo nang makarating sa kalsada, mabilis akong nagpalinga linga upang humanap ng taxi ngunit walang dumadaan ni kahit na anong sasakyan.
'sisikatan ka pa ng araw, Amber! Wag kang mawawalan ng p-'
"Ack!" mabilis akong napahawak sa aking braso nang makaramdam ng p*******t rito.
Lumingon ako sa aking pinanggalingan at nakita ang isang lalaking may hawak na baril. Mabilis naman akong tumakbo ulit paalis upang tumakas habang hawak hawak ang namamanhid kong braso.
'mabubuhay ka pa. Mabubuhay ka pa!' paulit ulit kong sabi sa sarili habang naghahanap ng matataguan.
Napatigil ako sa pagtakbo ng may dumaan na taxi, agad ko itong pinara at pumasok sa likod nito. Nagtataka naman akong tinignan ng driver pero sinabi ko na lang ang address sa kaniya.
"manong, pakibilisan po ah." sambit ko bago sumandal sa headrest ng upuan. Inayos ko naman ang lukot lukot kong palda at maingat na hinawakan ang nagdurugo kong braso. Mabuti na lang at kulay itim ang hoodie jacket ko para hindi mahalata ang nabaril kong braso.
"okay ka lang ba, iha? Namumutla ka. Saan ka ba galing at ganitong oras ka na umuwi?" tanong ni manong driver sa akin.
"naholdap ho kasi ako ng unang taksing nasakyan ko, manong." sabi ko na lang.
"naku! Marami na talagang mga manloloko ngayon." sagot naman ni manong, sa sobrang pagod ay di ko na nagawang sumagot at tumango na lang sa kaniya. Nanghihina na rin ako at parang hinihila na pababa ang aking katawan sa sobrang bigat nito.
"iha, nandito na tayo." nanghihina akong napadilat sa malamig na kamay na tumapik sa aking mukha. Tinanguan ko naman si manong driver bago kapain sa aking palda ang wallet ko. Mabilis pa sa kidlat ay nagising ang aking diwa bago lumipad ang isa kong kamay sa bulsa ng aking hoodie. Wala rin...
"Y-yung wallet at cellphone ko..." mahina kong sabi sa sarili.
"ah... Di mo ba naaalala na naholdap ka?" nilingon ko si manong at kita ko ang kunot noo nitong ekspresyon.
"oo nga pala..." nahihiya kong sabi. "hintayin niyo po ako dito, manong. Kukuha lang ako ng pangbayad sa taas." sabi ko at akmang bababa na ng magsalita siya.
"hindi na, iha. Okay lang sa akin basta magpahinga ka na lang. Siguradong pagod na pagod ka na." bahagya akong ngumiti bago bumaba ng taxi, nagpasalamat naman ako sa kabutihang loob ng driver at dumiretso na papasok ng aking condo.
Nasa gitna na ako ng lobby nang mapatigil ako sa paglalakad dahil sa kakaibang titig nung guard. Nilingon ko siya at bahagyang tinaasan ng kilay.
"bakit ho?" tanong ko.
"o-okay lang ba kayo, Ms. Anderson? Nagdudugo ata ang kamay niyo." nag aalala niyang tanong at mabilis na dumako ang tingin ko sa sahig.
Nagkalat ang mga patak ng dugo rito mula sa aking braso. I mentally slapped my face for being so careless and obvious.
"Please, don't tell my parents." seryoso kong sabi bago nagmamadaling pumunta ng elevator.
***
Pagkatapos kong linisan ang aking sugat at alisin ang bumaong bala rito ay nilagyan ko ito ng gauze pad. Sinuot ko rin ang itim na blazer ng school uniform namin para hindi mahalata ang benda bago ako pumasok.
"Amber!" napangiwi na lang ako nang marinig ang boses ni Jackie. Isa sa mga kaibigan kong daig pa ang megaphone sa lakas ng boses.
"good morning rin." matabang kong sabi dahilan para humagikhik siya.
"ahaha. Good morning." ngiti niya at kasabay nun ay biglaang pagsersyoso ng kaniyang mukha. "alam mo may kasalanan ka sa amin."
"ano yun?" taka kong tanong ngunit nagkibit balikat lang siya.
"hintayin mong dumating ang dragon at malalaman mo kung ano." simangot niya. "dalawang minuto." dagdag pa niya.
Dumako naman ang tingin ko sa entrance kung saan dumaan ang pulang ferrari. Mabilis itong nagpark at mabilis ring lumabas ang isang blonde na babae na hapit na hapit amg school uniform sa katawan, kahit ang kaniyang black skirt ay altered rin dahilan para mas maexposed ang mahaba nitong legs. Diana...
Tinanggal ko ang kamay ni Jackie sa aking balikat at nginisian ang papalapit na pigura ni Diana. Hindi siya ngumiti na ipinagtaka ko at bagkus ay sumimangot rin ito katulad ng aking katabi.
"And what is the problem with you, little girl?" pigil na inis na tanong ni Diana na labis kong ipinagtaka.
"Now bear the presence of the dragon." bulong naman ni Jackie.
"anong ibig mong sabihin?" di ko mapigilang tanong at nakatanggap ako ng isang malakas na batok mula kay blondie . "Aww!"
"I've called you for a hundred times last night and you didn't even dare answer even a just one f*cking phone call!"
'oh-ow!'
"I'm sorry." mahina kong sabi at sabay pa ang dalawa kong kaibigan na nagtaas ng kilay. "Naholdap ako kagabi. I lost my money and phone."
Tinignan ko silang dalawa at kita ko ang panlalambot ng kanilang ekspresyon. Bigla naman akong yinakap ni Diana at si Jackie naman na mukhang ngayon lang nagprocess sa utak niya ang aking sinabi ay bigla na lang sumigaw.
"naholdap ka! Ghad! Sabi ko na nga ba dapat hinatid ka na namin! Sorry, Am! Sorry talaga!" hysterical niyang sabi at nagkatinginan naman kami ni Diana bago humagalpak ng tawa.
"ang saya niyo ah!" palo ni Jackie sa braso ko at bahagya naman akong napangiwi.
Hindi ako makapagsulat. Sa buong klase namin ay di ako nakasulat dahil ngayon ko lang napansin ang namamaga kong kamay na nasugatan kahapon sa pagtakbo. Buong klase rin tuloy ay lutang ako habang iniisip ang nangyari sa akin kagabi. Paano kung hanapin ako ng mga lalaki kagabi? Paano kung namukhaan nila ako? Paano kung nasundan pala nila ako kagabi?
Mariin akong napapikit at umubob na lang sa aking table upang ipahinga ang aking isip, pero sa di malaman na dahilan ay patuloy pa rin sa pag pop out sa aking isip ang mukha ni Alfieri. Alfieri...
"Hoy, Amber! Okay ka lang?!" muli akong napangiwi sa sakit nang iyugyog ang aking balikat, pakiramdam ko tuloy ay muling bumuka ang sugat sa braso ko.
"ugh! Jackie?! Kailangan ba talagang gawin yon?" reklamo ko at nag peace sign lang siya.
"You seem distress, are you fine?" singit naman ni Diana. Sa aming tatlo siya lang ang madalas na mas may sense kausap. Siya rin kasi ang mas mature sa amin mag isip at parang ate sa grupo.
"nah... Gusto kong mag unwind." bahagya kong ngiti at lumiwanag naman ang mukha nilang dalawa.
"so that means..."
"SHOPPING!" sabay sabay naming sigaw bago kami naghagikgikan.
Hindi ko lang sila basta mga kaibigan sa kalokohan at kung ano ano pa, may isang bagay rin kasi kaming tatlong pinagkakasunduan at yun ay ang 'shopping'. We all came from a rich family where we can buy everything we want. Kumbaga sunod sa luho kaming tatlo, gayunpaman ay hindi naman kami mga spoiled brats dahil lang sa rich kids kami. We know how to be humble and such.
"We'll use my ferrari." sabi ni Diana at sumunod naman kami kung saan nakapark ang kotse. Katabi naman nun ay ang isa pang black ferrari at yun naman ay ang akin, pink motorbike naman ang madalas gamiting sasakyan ni Jackie.
At dahil napagkasunduan naming gumamit ng isang sasakyan ay kay Diana ang ginamit namin, isa pa ay hindi ko maaaring sabihin sa kanila na di ko kayang magdrive dahil nabaril ako kagabi. Siguradong mas malala pa sila sa magulang ko kung magpanic.
"Kamusta pala yung party kagabi?" pag uumpisa ko.
"I don't know. I fell asleep. Ask the wild girl." ngisi ni Diana at taas kilay kong nilingon si Jackie na ngayon ay umiiwas ng tingin.
"may dapat ba akong malaman, Jackie?" pang uuyam ko at doon ko napansin ang pamumula ng kaniyang mukha.
"S-sinayaw ako ni D-daniel..." mahina niyang sabi at napahagalpak ako ng tawa. Si Daniel ang may party kahapon dahil kaarawan niya. Siya rin ang nag iisang big time crush ni Jackie eversince na magtransfer ito sa school.
"kyaaaah! So? Anong feeling?" pagpupumilit ko pa at kung may ipupula pa ang mukha ni Jackie ay mas pumula pa ito.
"come on, Amber. Stop torturing her. She's dying inside." singit naman ni Diana at muli akong tumawa.
Ngunit mabilis na natigil ang aking pagtawa kasabay nang marahas na paghinto ng sasakyan sa kalsada. Mahigpit naman akong napahawak sa aking seatbelt bago kinakabahang nag angat ng tingin.
"What the hell?"
****