Chapter 1: Robotics For Life

1120 Words
Kasalukuyan. Taong 2026. Ilohi, Yasavi. Ito ang taon kung saan ang paghahanap ng makakapareha ay hindi na personal kundi sa mismong mga online sites at dating app nagagagawa ng karamihan sa mga babae at lalaki sa Central Yasavi, sa Ilohi. Ito rin ang taon kung saan, mga robots na ang halos nagpapatakbo sa lahat ng mga estabilisiyimento ng Yasavi, maging sa ZonLu, at Danawin. Hayahay na ang halos buhay ng mga tao. Uupo at gigising na lamang sila. Maging ang paliligo ay iniaasa na rin sa mga robots. Ngayong taon ay abala ang Robotics for Life sa napipintong pagla-launch ng isang dating app, na magiging available na rin online hindi lamang sa Yasavi, kundi sa buong bansa ng Perlas. Ito ay inilunsad ni Luzio Batumbakal, ang may-ari ng RFL o Robotics For Life Company na kilala bilang isa sa sikat na Technological Company sa buong bansa. Layunin nito na magbigay pa ng kaginhawaan sa mamamayan, hindi lamang ng buong Yasavi, kundi pati na rin sa buong bansa ng Perlas, kasama na roon ang ZonLu at Danawin. Isa rin ito sa sagot niya sa mga requests ng mga tao na gumawa ng isang kakaibang dating sites na tutulong sa paghahanap o magma-match ng kapareha o ng mga puso ng taong naghahanap ng makaka-partner for life. Si Severo Ilusyunado naman ang master behind the app, na aprubado naman ni Luzio Batumbakal. Kaya naman kaliwa at kanang pinaghahandaan ng buong staff ang pagla-launch nito sa buong bansa virtually. Ginawa nila ito basi na rin sa hiling ng karamihan online na sana ay magkaroon ng isang dating app o matchmaking sites na tutulong sa kanila upang matagpuan ang kanilang Ms. and Mr. Right. Isa naman sa in-charge sa mga chips at access cards ng buong RFL ay si Emmanuel Ayala. Hindi siya katulad ng ibang empleyado na hayahay lang ang buhay dahil lahat ng sites na pagmamay-ari ni Luzio Batumbakal ay ginagawan niya ng mga access cards. Kaya, halos wala na siyang oras para makibalita sa nangyayari sa loob at labas ng kumpanyang pinagtatrabahuhan. "Calling all Robotics For Life employees, please proceed to the conference room. Mr. Luzio Batumbakal would like to have a quick meeting. He needs us all to be there in fifteen minutes. You know what will happen if anyone of you will be late arriving in the conference room. That is all for now. Thank you." Naputol ang pagtatrabaho ng lahat ng mga empleyado nang magsalita mula sa command center na nasa thirtieth floor ng building ang empleyado upang ipatawag silang lahat sa fifteenth floor para sa isang mahalagang anunsyo ng may-ari ng kumpanya. At hindi puwedeng hindi alam iyon ni Emmanuel dahil nasa kabilang room lang siya, sa thirtieth floor ng command center ng building. Alam na alam niya ang mangyayari kapag may isang empleyado ang hindi sumipot or ma-late sa pagpasok sa conference room bago ang itinakda na pagdating ni Luzio. Kung hindi termination of contract, automatic dismissal sa kumpanya ang sasapitin ng mga ito. "Emman, bilisan mo. We only have ten minutes. Hindi puwede ma-late ang nasa command center. Malalagot tayo kay superior," natataranta nang sabi ng isa sa kasamahan niya. "Oo na. Heto na nga o. Binibilisan ko na." Agad na sumunod si Emmanuel sa ka-opisina niya at tinungo ang elevator. Saktong bumukas ito at kaunti pa lamang ang nasa loob. Lahat ay kabadong-kabado at tensyonado, maliban kay Emmanuel na napakakalmado at relaks lang nang mga oras na iyon. Marahil pagod lamang siya kaya wala siya sa mood para kabahan. "Alam ko na ang itatanong mo. Kaya huwag ka nang magtangkang banggitin pa ito. Alam mo na rin ang isasagot ko." Tinitigan na naman kasi siya ng officemate niya at napansin ang kaniyang kalmadong mukha. Ilang beses na kasi siyang napapansin sa ganoong awra. Halos lahat yata na nakakakilala sa kaniya sa command center ay ganoon ang malimit na itanong sa kaniya. Kaya naman naumay na siya. Alam na alam na rin ng mga ito ang isasagot niya. 15th floor. Lahat ay isa-isang lumabas sa elevator upang pumasok sa conference room. Okupad ang buong fifteenth floor. Ibig sabihin ay isang buong conference room lang ang nasa 15th floor upang gawing bulwagan ng mga mahahalagang meeting ng kumpanya. Kaysa ang halos limangdaang empleyado ng RFL or Robotics For Life Ilohi Branch sa buong bulwagan na iyon sa 15th floor ng buiding. Isa-isang umuupo ang bawat empleyado sa loob habang hinihintay ang pagdating ng Presidente at Chief Executive Officer ng RFL Company. Nang bumukas ang kaliwang bahagi ng conference room ay bumulaga sa kanila ang matapang na mukha ng nasa tatlumpu at anim na taong gulang na si Luzio Batumbakal. Lahat ay tumayo mula sa kanilang kinauupuan at nagbigay pugay o respeto sa kaniya, sa pamamagitan ng pagyuko. Nang nasa sentro na ito ng entablado ay agad na umupo ang lahat. "Ipinatawag ko kayong lahat dito para sa isang mahalagang anunsiyo. Ito ay tungkol sa nalalapit na paglulunsad ng ating Robotics For Life app na dinisenyo ni Severo Ilusyunado," pagsisumula nito. Lahat ay nakikinig sa kaniyang mala-talumpating pambungad habang ang lalaking si Severo Ilusyunado ay nakatayo sa kaniyang tabi na nakangiti pagkatapos banggitin ang kaniyang pangalan. "Isang linggo na lamang ang ating hinihintay at nais gusto kong maging successful ito. Bakit? Dahil nakasalalay dito sa app na ito ang buhay ng kumpanya at ng mga trabaho ninyo. Hindi ko gustong pumalpak ito pagkata malaking pera na ang inilabas ko sa proyektong ito. Alam kong hindi ako bibiguin ni Severo. kaya kinakailangan ko ang pang-unawa at kooperasyon ninyo." Kung kanina ay mukha pa lamang ay katatakutan mo na, ngayon naman ay boses naman ni Luzio Batumbakal ang magpapatindig-balahibo sa nakikinig. Lalo pa at talagang desido itong magtagumpay ang proyekto. Magiging abala ang lahat at alam na alam na Emmanuel na karagdagang oras na naman ang igugugol ng lahat ng empleyado ng RFL. Mangingibabaw na naman ang No Eating, No Lunch or Breaks, at No Going Home policies sa kumpanya sa nalalapit na paglulunsad ng FIND THE RIGHT ONE FOR ME app. "Gusto kong nasa number one spot pa rin ang kumpanya natin. Hindi tayo puwedeng bumaba sa puwesto. Marami ang tumitingala sa kakayahan ng kumpanyang ito at dadami pa ang mga investors natin sa loob at labas ng Yasavi, maging sa ibang bansa. Naintindihan ba ninyong lahat ang mga sinabi ko?" "Yes, Sir." Sabay-sabay na sagot ng mga empleyado nito at nang marinig ang mga sagot nila ay bumaba na ito sa entablado at lumabas sa kaliwang bahagi ng conference room. Senyales na rin iyon na tapos na ang meeting pero nagsisimula pa lamang ang kalbaryo ng buong empleyado ng kumpanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD