Chapter 4 - Misty

1702 Words
MAYA'T maya ang pagsulyap ko ng tingin sa kanilang tatlo na ngayon ay nagkakaroon ng pagpupulong sa kusina. Hindi ko man naririnig ang pinag-uusapan nila ay pakiramdam ko ay tungkol 'yon sa akin at sa pagtira ko rito. Hindi ko alam kung hahadlang ba roon ang matandang lalaki at ang apo nito sa desisyong ginawa ni Miranda. Gusto ko sanang nasa harapan nila ako habang nag-uusap sila, pero alam kong ayaw nilang mangyari 'yon kaya nga nagtungo pa sila ng kusina para mag-usap at iniwan akong mag-isa rito sa salas. Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko at naniningkit ang mga matang iginala ang paningin sa paligid. Malinis naman ang bahay ng pamilyang napuntahan ko, ang ayaw ko lang ay parang masyado itong maliit para sa akin. Bukod dito, ni walang masyadong disenyo ang bahay. Kung meron man ay nakalagay ito sa altar at sa santong naroroon. Naging blangko ang mukha ko habang pinag-aaralan pa rin ang bahay na pansamantala ko munang titirhan. Sa totoo lang, kung may choice ako ay hinding-hindi ko hahayaan ang sarili na tumira sa simpleng bahay na ito. But again, I have no other choice than this. As of now, I have nothing. I don't have money to rent an apartment. I don't have money to feed myself. Ni ang pambili ng mga gusto ko ay wala ako. Kung hindi lang ako naholdap ay sana nasa sa akin pa ang mga ID's at ATM card ko, kung nagkataon ay babayaran ko pa ang pamilyang ito na tumulong sa akin. It was harsh, but that's the reality that I can't accept. Paanong ang isang tulad ko na laki sa mayaman, nagmula sa respetado at kilalang pamilya ay mapupunta sa ganitong sitwasyon? Kasalanan ito ng mga pangit na holdaper na 'yon! Mabilis akong dumeretso at umayos ng upo nang marinig ko ang pagtunog ng paghawi sa kurtina. Tanging iyon lang ang tumatakip sa doorway patungong kusina na naghahati naman sa salas. Sumeryoso ang mukha ko nang mula roon ay isa-isang lumabas ang mga taong hindi ko naman talaga kilala. Nauna sa paglabas ang mag-asawa at ang nahuli ay ang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. Tumuon sa mga bakanteng sofa na naririto ang tingin ko nang sa mahabang sofa ay naupo ang mag-asawa. Sa isang bakanteng single sofa naman ang apo nila. "Uhm," panimula ni Miranda, mukhang hindi alam ang sasabihin. "Talaga bang wala kang maalala na kahit ano?" Pasimple akong sumulyap ng tingin sa apo nila nang maramdaman ko ang paninitig nito sa akin. Pakiramdam ko, sa kanilang tatlo ay sa kanya ako mahihirapan. Lumunok ako nang isang beses bago muling nagtuon ng atensiyon kay Miranda. "Wala po talaga," marahan kong sabi. Hindi nakatakas sa paningin ko ang paglipat ng tingin niya sa asawa at sa apo. "Even your name?" sabat ng apo ng dalawang matanda. Pinigilan ko ang sariling ngumisi ng inis sa tanong niya. "Obviously, wala nga akong maalala, 'di ba?" sabi ko at hindi na napigilan ang sarili. That's a stupid question, moron! Nang marinig ang tugon ko sa sinabi niya ay seryoso siyang naglipat ng tingin sa lola niya na mabilis ko namang sinundan din ng tingin. Nakita ko ang pagsama ng tingin ni Miranda sa apo na tila pinapagalitan ito dahil sa ginawa. "Kung talagang wala siyang maalala, sige, hayaan nyong dito muna siya manatili," biglang sabi ni Fernando na kumuha ng atensiyon ng asawa't apo niya. Ang apo niya ay hindi mababakasan ng ekspresiyon sa mukha sa sinabi ng kanyang lolo. Tumango naman si Miranda bilang pagsang-ayon sa asawa. "Mabuti pa nga." "Pero ano ang itatawag natin sa kanya?" Natuon ang atensiyon nilang tatlo sa akin dahil sa tanong na iyon ni Fernando. "Misty," suhestiyon ni Miranda. Hindi na ako umalma dahil sa totoo lang ay wala akong paki kung ano man ang itawag nila sa akin. Ang mahalaga ay may pansamantala akong matitirhan habang hindi pa maayos ang sitwasyon ko. "Saan naman siya kakwarto?" "E 'di sa kwarto mo." Natigilan ang apo dahil sa sinabi ng lola niya. "Kung ganoon, saan naman ako matutulog, Lola?" "Dito sa salas." "Lola, naman." "Anong gusto mo, aber? Ano, si Misty ang matutulog dito sa sofa?" Saglit na nawalan ng imik ang apo ng mag-asawang matanda. Nakita ko pa ang pagsulyap ng tingin nito sa akin bago tugunin ang lola niya. "Hindi po." Matapos noon ay nagkaroon pa muli ng pag-uusap tungkol sa akin at sa pagtira ko rito sa bahay nila. Nang matapos, inutusan ng mag-asawa ang apo nila na ihatid ako sa kwarto nito na pansamantala ay magiging kwarto ko muna. Nangunguna sa aming dalawa ang apo ng mag-asawang matanda na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan. Hindi ko malaman kung ano ang itatawag sa kanya. Tahimik kaming pumasok sa kwartong pinanggalingan ko kanina. Doon ko lang natantong kwarto niya pala 'yon. "Uhm..." sabi ko, ngunit hindi naituloy dahil hindi ko alam ang itatawag sa kanya. "Yohann Dela Gracia," pagpapakilala niya ng sarili nang siguro ay maramdam niya 'yon. Tumango ako. "May iba ka pa bang bedsheet, Yohann?" Isinenyas ko ang kama niya. "Medyo makati kasi ang tela nito." Napansin ko 'yon kanina nang nakahiga pa ako rito sa kama. Kumunot ang noo ko nang titigan na naman ako ng apo ng mag-asawang matanda—na Yohann pala ang pangalan. Hindi ko rin tuloy mapigilan ang sariling titigan din siya. Mas matangkad siya sa akin ng halos isang dangkal. Ang katawan naman niya ay hindi masyadong kalakihan ngunit masasabi ko pa rin na siksik dahil sa pagiging matipuno nito. At sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang edad naming dalawa. Matapos ng ilang segundong pagtitig sa akin ay bahagya siyang umiling at nagtungo sa cabinet. May kinuha siyang kung ano roon. Nang bumalik ay may dala-dala na siyang bedsheet. "Here," aniya at inabot sa akin 'yon dahilan para titigan ko ito. "Anong gagawin ko riyan?" naguguluhan kong tanong. Pero mas mukhang naguluhan siya sa tanong ko na 'yon. Pinagkunootan niya ako ng noo. "Malamang ay ilalagay mo ito sa kama para mapalitan ang lumang bedsheet." "But I don't know how to do it." Pareho kaming nagkatitigan dahil sa sinabi ko, pero kinalaunan ay malalim siyang bumuntong hininga at umalis sa harapan ko. Tinungo niya ang kama at parang labag sa loob niyang tinanggal ang lumang bedsheet saka pinalitan ito ng bago. Nang bumalik siya sa harapan ko ay bitbit-bitbit na niya ang maruming bedsheet. "Ayos na?" Hindi ko alam kung pasarkastiko ba ang tanong niyang 'yon o ganoon lang talaga ang pananalita niya. "Okay, you can leave now," kaswal na sambit ko. Pero nang matanto ang sinabi ay bahagya akong natigilan lalo na nang mapansin na naman ang paninitig sa akin ni Yohann. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay may laman ang bawat titig niya sa akin. Tila sinusuri ako ng mga mata niya. "Sigurado kang wala kang maalala?" tanong niya, parang nagdududa. Naging seryoso ang mukha ko. "Oo." "Parang 'di ka simpleng tao." "Paano mo naman nasabi 'yan?" tanging nasabi ko. Bahagya siyang ngumisi at umalis sa harapan ko. Tinungo niya ang cabinet at may kinuhang kung ano roon. Nang bumalik siya at makita ko kung anong hawak niya ay bahagya akong natigilan. Nang makarating siya sa harapan ko ay inilahad niya sa akin ang hawak niyang kwintas. Wala sa sariling napahawak ako sa leeg ko at ngayon lang natantong wala na nga ang paborito kong kwitas sa leeg ko. "It's a serpent necklace from a well-known brand," aniya at saglit na pinasadahan ng tingin ang kwintas na ahas. Kapag sinuot ito sa leeg ng tao ay parang pinupulutan ng ahas ang leeg. "Do you know much it costs?" Kahit alam ko ang sagot sa tanong na 'yon ay umiling ako. Napangisi naman siya na bahagyang nagbigay sa akin ng kaba. "Hindi ko rin alam kung magkano 'yan. That's why I'm asking you." Bahagyang umawang ang bibig ko, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Napaigtad naman ako nang kunin niya ang kamay ko para ilagay sa palad ko ang hawak niyang kwintas. "Magpahinga ka na." Huling sinabi niya bago tuluyang lumabas ng kwarto at iniwan akong mag-isa na nakatanga dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo roon habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang nangyaring pag-uusap sa pagitan naming dalawa. He looks innocent, but the truth is he's weird. And I don't like it. Pakiramdam ko ay siya ang sisira sa pagpapanggap ko na sisiguraduhin ko namang hindi mangyayari. Naibalik ako sa sarili nang makarinig ng pagkatok sa pintuan at kinalaunan ay bumukas ito. Tumambad sa aking harapan si Miranda na may bitbit-bitbit na malaking plastic bag. Walang sabi siyang pumasok ng kwarto at inilapag sa ibabaw ng kama ang plastic bag na 'yon saka ako sinenyasang lumapit sa kanya. Kahit na naguguluhan ay lumapit na lang ako sa kanya. Mula sa plastic bag ay inilabas niya ang mga damit. Kumuha ako ng isa roon at ibinuka ito sa harapan ko dahilan para tumambad sa aking harapan ang isang simpleng bestida. Nagbaba ako ng tingin sa iba pa at napansing lahat ng 'yon ay puro bestida. "Ito ang mga lumang damit ng anak ko na puwede kong ipagamit sa 'yo," aniya na muntik nang ikataas ng kilay ko. Is she freaking serious about this? Ipapagamit niya sa akin ang mga damit na gamit na ng iba? No way! It will cause rashes to my skin! "Huwag kang mag-alala, malinis ang mga 'to," dagdag niya. I forced a smile. "Salamat po, Lola." Nakaroon ng ngiti ang labi niya dahil sa sinabi ko na ikinatigil ko naman. Parang kakaiba ang ngiti niya. Hindi ko lang matukoy kung ano ito. "Mamaya naman, sasamahan kitang pumunta sa palengke para bilhan ka ng iba pang bagay na kakailanganin mo." Gusto kong maghisterikal sa narinig. Palengke? I heard that place before. Ang alam ko ay maingay, magulo at marumi ang lugar na 'yon. And she's going to bring me there! "Sige po," napipilitan kong sabi, todo ang pagpipigil sa sarili na magreklamo sa mga gusto niyang ipagawa sa akin. Ngayon ay nagdadalawang-isip na ako kung tama ba ang desisyon kong manatili sa pamilyang ito. Sana lang talaga ay hindi ko pagsisihan ang ginagawa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD