Chapter 5 - Water

1708 Words
NAGING tahimik ang mga sumunod na araw ko habang nasa puder ako ng pamilyang Dela Gracia, ang pamilyang kumupkop sa akin. Kahit papaano ay masasabi kong mabait ang trato nila sa akin dahil alagang-alaga nila ako. Kahit sa pagkain ay sila ang naghahanda ng pagkain ko. Sa lumipas naman na dalawang araw ay nakakulong lang ako sa kwarto. Lalabas lang kapag oras na para kumain. Ang alam kasi nila ay hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko kaya hinayaan na muna nila akong makapagpahinga nang ilang araw. Pero iba ang ganap ngayong araw. Sinabihan nila akong maghanda ng sarili dahil lalabas kami. I let out a sigh and looked in the mirror in front of me. I saw a woman with an innocent face. Mahaba ang kanyang buhok at tila napakaamo ng mukha. Nakakaagaw naman ng pansin ang maputi at makinis niyang balat. At kahit na isang simpleng puting bestida lang ang kanyang suot ay sapat na ito upang mangibabaw ang taglay niyang ganda. The woman in front of me is not me. Hindi ganito manamit ang isang Chloe Montealegre. Ang kilala kong Chloe, maarte sa damit at hindi magsusuot ng pipityugin lang. Mas lalong hindi inosente ang mukha niya dahil ang kilala kong Chloe ay may matapang na aura na nagdadala ng kaba sa lahat. The woman in front of me is Misty—ang katauhang binuo para itago at kalimutan ang dati kong katauhan. Magmula ngayon ay ito na ang katauhan ko at pansamantala munang kakalimutan ang totoong ako. Kinagat ko ang ibabang labi at nag-iwas na ng tingin sa salamin. Pinasadahan ko pa ng palad ang suot na bestida para mawala ang konting gusot nito bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nang makarating ako ng salas ay naabutan kong handa na ang mag-asawa pati na rin ang apo nito. Mukhang ako na lang ang hinihintay. "Tara na?" nakangiting anyaya sa akin ni Miranda. Tanging marahan na tango lang ang itinugon ko sa kanya. Nang makita kong lumabas na sila ng bahay ay naglakad na rin ako palabas. Ini-lock muna nila ang pinto ng bahay bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Nakaramdam ako ng inis at pagkailang nang mapansing halos ang lahat ng mga taong nandito sa labas na nadadaanan namin ay nakatingin sa akin na tila sinusuri ako. Ang iba naman sa kanilang mga matatanda ay nagkakaroon pa ng bulungan. Mukhang maayos naman ang lugar na ito. Patag na sementado ang daanan at hindi masyadong dikit-dikit ang bahay. Ang pangit lang dito ay ang mga tsismosong tao tulad na lang ng mga taong nakatingin sa akin ngayon. "Miranda." Napatigil kami sa paglalakad nang may babaeng matanda ang humarang sa amin. Malapad pa itong nakangiti nang lapitan si Miranda. "O! Bakit, Beth?" Kumunot ang noo ko nang bumaling sa akin ang atensiyon ng matandang babae na tinawag na Beth ni Miranda bago nagsalita. "Sino 'yang kasama nyong babae? Girlfriend ba ni Yohann?" Tumabang ang timpla ng mukha ko. Hinarang niya kami para lang itanong 'yon? Mahinang natawa si Miranda bago sunod-sunod na umiling. "Hindi." Umikot ang mga mata ko nang mapunta na naman sa akin ang tingin ng matandang babae. "Kung wala na po ikaw mahalagang sasabihin, mauuna na po kami." Nalipat kay Yohann ang atensiyon ko nang magsalita siya. Dahil sa sinabi niyang 'yon ay napipilitang umalis sa harapan namin ang matandang babae na sa tingin ko ay nagunguna sa pagiging tsismosa sa lugar na ito. Siguradong papasa siya bilang paparazzi! Nagpatuloy na kami sa paglalakad, pero bago tuluyang makalayo ay binalikan ko ng tingin ang matandang babae at pinukol siya ng matalim na tingin. I don't like her mouth! Ilang minuto pa kami naglakad bago nakarating sa kanto ng lugar nila. Huminto ang mag-asawa sa isang puwesto na nakasara pa. Napag-alaman kong dito ang tungo namin nang maglabas ng susi si Miranda at binuksan ang pinto. Nang tuluyang mabuksan ay isa-isa kaming pumasok sa loob. Awtomatiko namang gumala ang tingin ko sa paligd at kaagad na nagkaroon ng ideya kung ano ang lugar na ito. It's like a restaurant, but smaller than that. Nagkalat sa paligid ang iilang set ng lamesa at bangko. Sa pader naman ay may malaking tarpaulin at nakalagay rito ang menu. "Is this a restaurant?" tanong ko at naglipat ng tingin sa kanila. Bahagyang nangunot ang noo ko nang mapansing napatitig muna sila sa akin nang ilang segundo bago tinugon ang tanong ko. "Karinderya," pagtatama sa akin ni Yohann. Nagkibit-balikat na lang ako at muling iginala ang mga mata sa paligid, pero kaagad din nawala ang atensiyon ko sa mga 'yon nang mapansin silang tatlo na nagtungo kung saan-saan. Doon ko natanto kung bakit kami nandito—para maglinis. Pinanood ko lang sila sa ginagawa. Nang makaramdam naman ng ngawit sa katatayo ay humugot ako ng isang bangko at naupo habang pinagmamasdan pa rin ang ginagawa nila. Ganoon ang sitwasyon nila nang magpaalam ang mag-asawa na pupunta ng palengke. Inaya pa nila ako kung gusto kong sumama na kaagad ko namang tinanggihan. Hindi ko makakalimutan ang trauma na idinulot sa akin nang dalhin ako ni Miranda sa palengke. Hindi naman 'yon masyadong marumi tulad ng inaasahan ko, pero ang ingay at magulong paligid ay hindi ko matitiis. Idagdag pa ang init dahil sa tirik ng araw, hindi katulad ng mall na may aircon. "Misty." Nabaling kay Yohann ang atensiyon ko nang tawagin niya ako. "What?" matipid kong tanong. "Can you bring me a glass of water?" tanong niya nang may pawis pa sa noo. Katatapos niya lang magwalis at mag-mop ng sahig. Nagkaroon ng siwang ang bibig ko at idinuro ang sarili, naninigurado kung ako ba ang inuutusan niya. Mabilis naman siyang tumango bilang tugon sa tanong ko. Sarkastiko akong natawa, hindi makapaniwala sa inuutos niya sa akin. It was the first time that someone did this to me. No one ever dared to do this to me! I bit my lower lip when I noticed him staring at me. Napipilitan tuloy akong tumango at ngumiti pa ng peke sa harapan niya. "Sige, ikukuha kita." Ngumiti siya at tumango. "Thanks." Isinenyas niya sa akin ang daan na dapat kong puntahan. Ngumiti pa muli ako sa kanya bago siya talikuran. Nang hindi na kami magkaharap ay kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko at nabahiran ng inis ang mukha ko. Sa nagdaang dalawang araw ay napapansin kong parang pinapanood ni Yohann ang bawat galaw ko. Kaya naman nagiging todo ang pag-iingat ko. Hindi ko alam kung anong balak niya at ginagawa niya 'yon, pero sa tingin ko ay sa kanilang tatlo ay si Yohann lang ang hindi kumbinsido sa pagkakaroon ko ng amnesia. That's why I'm doing this. Kung makikita niya na ganito lang ako at simple ay baka sakaling mawala ang pagdududa niya sa akin. Nang makapasok ako sa loob ng daan na itinuro sa akin ni Yohann ay natagpuan ko ang kusina. Matapos kumuha ng baso at lagyan ito ng tubig ay bumalik ako sa labas at inabot 'yon kay Yohann na titig na titg naman sa akin. "Marunong ka pala kumuha ng tubig," aniya na parang namamangha at nagulat. Umikot ang mga mata ko. "Hindi naman kasi ako tanga, kaya malamang ay alam kong gawin 'yan." "Pero ang magpalit ng bedsheet ng kama ay hindi mo kaya?" Natahimik ako at kinalaunan ay tuluyang hindi na nakapagsalita. "Alam mo, para kang anak-mayaman. Hindi marunong sa mga gawaing bahay," sabi niya pa. Bahagyang naningkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan pa rin siya. Hindi ko alam kung hinuhuli niya lang ba ko o nagkataon lang ang tanong niya. "Paano mo nasabi? Hindi ba puwedeng dahil lang sa amnesia ko kaya hindi ko alam gawin ang ibang bagay?" balik kong tanong. Iyon na naman ang ngisi niyang punong-puno ng laman, tumambay na naman sa labi niya habang pinagmamasdan ako. "Para sa isang tao na may amnesia, masyado kang matalino at maraming nalalaman." Tumigil siya sa pagsasalita at umaktong nag-iisip. "O baka naman wala ka talagang amnesia?" Nabato ako sa kinatatayuan dahil sa huli niyang sinabi. Mas lalo kong nakumpirma ang hinala kong hindi siya kumbinsido sa palabas na ginawa ko. Mas lalong lumawak ang ngisi sa labi niya dahil sa pananahimik ko na nagdulot naman sa akin ng inis. I tried to hold back myself, but it was already too late. I'm glaring at him now. And when I was about to open my mouth to threat him to stay quiet about the things he knows, we heard a voice. Nawala ang tingin niya sa akin at nalipat sa babaeng kapapasok lang ng karinderya. Kaagad na ngumiti ito nang malapad nang makita si Yohann. "Hello, Yohann! Bakit hindi kayo nagbukas ngayon?" "Masama kasi pakiramdam ni Lola kahapon," tugon ni Yohann sa babaeng nagtanong at sinenyasan itong lumapit. Base sa nakikita ko sa kanila ay mukhang close sila sa isa't isa. Tumuon ang mga mata sa akin ng babaeng bagong dating nang mapansin niya ako. "Hello, ako si Thania. Kaibigan ni Yohann," pagpapakilala niya sa sarili. "Ikaw ba 'yong bagong waitress nila?" Parang biglang nagdilim ang paningin ko sa narinig. Do I look like a f*****g waitress? "Hindi," tugon ko sa mababang boses. I should know how to control my temper now. Muntik ko nang ibuko ang sarili kanina. Mabuti na lang ay dumating ang babaeng ito. Awkward siyang ngumiti. "Ay, sorry!" Tumango lang ako nang hindi na humaba pa ang usapan, pero muli na naman siyang nagsalita. "Ano pangalan mo?" "She's Misty, malayong pinsan ko," sabat ni Yohann. Hindi na ako umalma pa sa sinabi niyang malayong pinsan niya ako. Maganda na rin at siya na ang sumagot sa tanong ng babaeng ito na hindi ko gusto ang tabas ng dila. Dahil sa ginawang pagsabat ni Yohann ay sila nang dalawa ang nag-usap. Kaya naman ay pasimple akong umalis sa harapan nila at bumalik sa puwesto ko kanina. At dahil wala akong magawa ay nagmatiyag na lang ako sa paligid. Tumuon ang mga mata ko nang mapansin ko ang paninitig sa akin ni Yohann kahit na nasa tabi niya pa rin ang babaeng nagpakilalang kaibigan niya. Kumunot ang noo ko dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Kahit ang bawat sinasabi niya ay ramdam mong may laman. May ipinaparating na iba. May tinutumbok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD