"OUCH!" tili ko nang matalsikan ng mainit na sabaw ang kamay ko. Nagdulot iyon ng pamumula sa kamay ko.
Dahil sa naging pagtili ko ay nakakuha ako atensiyon ng taong kasama ko sa kusina. Kaagad na lumapit sa akin si Yohann para tingnan ang nangyari sa akin.
Bahagya siyang natigilan at namilog ang mga mata nang makita ang pamumula ng kamay ko. Dahil sa puti ng balat ko ay nangingibabaw roon ang pula na kagagawan ng mainit na sabaw.
Nabigla ako nang hawakan ako ni Yohann sa kamay at hinila patungo kung saan. Dinala niya ako sa sink. Binuksan niya ang gripo at inilagay niya sa ilalim ng tubig ang kamay kong namumula.
Napatitig ako sa kanya dahil sa ginawa niyang 'yon dahilan naman para makita ko kung gaano siya kaseryoso sa ginagawa.
"Ano ba ang ginawa mo at nangyari 'to sa 'yo?" tanong niya habang nakabukas pa rin ang gripo at dumadaloy pa rin sa kamay ko ang tubig nito.
"Hinahalo ko lang ang sabaw, pero bigla na lang tumalsik sa akin."
Dahil wala akong magawa sa bahay nila ay mas pinili ko na lang na rito sa karinderya nila magpalipas ng oras. Kanina naman habang nagluluto si Miranda ay nagpaalam itong saglit na aalis dahil pupunta ng banyo at iniwan sa akin ang niluluto niya. Binilinan niya akong haluhin ang niluluto niya dahilan para mangyari sa akin 'to.
Matunog na bumuntong hininga si Yohann.
"Wala ka talagang ibang alam na gawin kundi ang kumuha ng tubig." Umiling-iling pa siya nang sabihin iyon.
Hindi ko alam kung mai-insulto ba ako sa sinabi niya. Gusto kong ipaliwanag sa kanya na hindi ako sanay sa ganitong gawain. I worked in our company. Kaya naman ay mas sanay akong nasa harapan ng laptop ko at nagpipindot ng keyboard, o kaya ay nakikipag-deal sa mga kliyente. Hindi ang maghalo ng pagkain!
Pinatay na ni Yohann ang gripo at hinila na naman ako kung saan. Pinaupo niya ako sa bangko at iniwan ako. Nang bumalik ay may hawak na siyang maliit na bote.
Nakatitg lang ako kay Yohann nang lumuhod siya sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko at binuksan ang maliit na bote na hawak niya. Nilagyan niya ng ointment ang kamay kong natalsikan ng mainit na sabaw.
Parang biglang uminit ang paligid dahilan para mag-init din ang pisngi ko. At sa 'di malamang dahilan ay bigla kong naiwas ang tingin sa kanya.
"'Yong niluluto... baka masunog..." nauutal kong sabi. Kahit ang paanalita ko ay apektado ng pag-iinit ng pisngi ko.
"Hayaan mo 'yon, 'di naman kaagad 'yon masusunog." Sinabi niya 'yon nang tila walang pakialam sa ulam na nakasalang ngayon sa stove.
Nagbaba na lang ako ng tingin nang hindi na malaman ang gagawin. Siya naman, nang matapos sa paglalagay ng ointment sa kamay ko ay tumayo na siya nang tuwid sa harapan ko.
"Tutal hindi mo alam ang mga gawain dito sa kusina, lumabas ka na lang at maupo roon. O 'di kaya ay umuwi ka na lang sa bahay."
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya at umiling. "Ayaw kong umuwi. Sa labas na lang ako at mauupo."
Ilang segundo siyang napatitig sa akin bago tumango.
Napalunok ako at nagtagal pa ang mga mata sa kanya bago ko napagpasyahang tumayo na sa kianuupuan ko. Nagsulyap pa muli ako ng tingin sa kanya bago tuluyang lumabas ng kusina.
Bumuntong hininga ako nang makaupo na sa bangko rito sa labas. May ilang tao na sa paligid ang kumakain, ang iba naman na costumer ay nagte-take out lang ng ulam.
Wala naman talaga akong planong tumulong sa karinderya nila. Ang kaso nga lang ay hindi ako sanay na walang ginagawa. Para sa akin ay 'time is gold'. Bawat minuto ko ay nagkakahalaga ng libu-libong piso. But that was before. Noong namumuhay pa ako bilang si Chloe Montealgere.
Iba na ang sitwasyon ko ngayon. Ayaw ko man ay kailangan kong mamuhay nang ganito—simple lang. Kaya naman ay naisipan kong pumunta rito sa karinderya para naman ang simple at nakakabagot kong buhay bilang si Misty ay magkaroon kahit papaano ng kulay. Pero iba ang nangyari. Nasaktan ko pa ang sarili.
Dahil sa mga nararanasan ko ay bumabalik sa akin ang dating buhay ko, ang buhay na hindi ko alam kung mababalikan ko pa ba.
Dapat ngayon ay nagbabayad ako sa kasalanang ginawa ko sa kapatid, pero imbes na harapin iyon ay nandito ako sa hindi pamilyar na lugar at pilit na namumuhay nang simple, malayo sa kinalakihan kong magarang na buhay.
"Hi, Miss."
Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng boses. Nang ibaling ko ang ulo sa pinanggalingan ng boses ay tumambad sa harapan ko ang isang lalaki.
"What?" naguguluhan kong tanong.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla nang humugot siya ng bangko at bahagyang itinabi sa akin saka siya naupo. Nai-urong ko ang sariling bangko dahil sa ginawa niya.
"Puwede ba akong makipagkilala sa 'yo?" tanong niya habang may palakaibigan na ngiti sa labi.
Mabilis akong umiling, ipinapikitang wala ako interes sa kanya.
"Puwede ka nang umalis sa tabi ko, wala akong interes na kilalanin ka."
Buong akala ko ay sa sinabi ko ay aalis na siya, pero hindi iyon ang ginawa niya.
"Sige na, Miss. Gusto lang naman kita kilalanin, o 'di kaya ay ibigay mo na lang sa akin ang phone number mo."
Mariin akong umiling sa kanya. Nang mapansin ko naman na mukhang wala talaga siyang balak na umalis sa tabi ko ay napagpasyahan kong tumayo na sa kinauupuan ko. Ako na lang ang aalis sa tabi na.
Maglalakad na sana ako palayo sa kanya nang hulihin niya ang palapulsuhan ko na ikinatigil ko. Kaagad na sumama ang tingin ko sa kanya. Magbubuka pa lang ang bibig niya para magsalita nang magsalita ako dahilan para matigilan siya.
"How dare you to touch me, moron? Get off your filthy hand on me!"
I think that made him pissed. Mas nakumpirma ko naman 'yon nang sumama ang tingin niya sa akin.
"Kung magsalita ka ay feeling mo sobrang ganda mo," sabi niya at mahihimigan ang inis sa boses niya.
Puno ng sarkasmo akong ngumiti. "Maganda talaga ako, kaya nga gusto mo akong makilala, 'di ba?"
Sa ngiti niya pa lang kanina ay alam ko na kung ano ang pakay niya sa kin. He wants to hit on me. Ilang lalaki na ba ang gumawa nito sa akin, kaya alam na alam ko na ang mga ganoong istilo. At tulad ng iba, hindi gagana sa akin ang ganitong istilo.
"Ang hambog mo naman. Kaya ka lang naman maganda ay dahil maputi ka, pero kung 'di ganyan ang kutis mo ay siguradong pangit ka."
Hindi ako makapaniwalang natawa dahil sa mindset ng taong ito. He's stupid, as I thought. Mas malala pa nga kaysa sa inaasahan ko.
"You know what, just get off your hand on me. Kumakalat na ang germs ng kamay mo sa balat kong maputi at makinis." Sinadya kong bigyan ng diin ang mga huling salitang sinabi ko.
Nagkasalubong ang kilay niya at naging matalim ang tingin sa akin. Sinubukan kong bawiin sa kanya ang palapulsuhan ko pero hindi niya ako hinayaan na gawin 'yon. Mas humigpit pa ang hawak niya sa akin na nagdulot ng kaunting sakit.
"Ano ba! Let me go!" asik ko. Now, I'm totally pissed because of him.
"Bakit, sobra ka na bang nandidiri sa akin?" sarkastiko niyang tanong.
Sa halip na matakot sa kanya ay nadagdagan lang ang ins ko sa kanya. Pero bigla akong natigilan nang maramdaman na may isa pang kamay ang humawak sa palapulsuhan ko, at sa pagkakataong ito ay hindi na iyon galing sa germs na nasa harapan ko.
Bahagyang namilog ang mga mata ko nang makita ko sa tabi ko si Yohann. Siya ang nagmamay-ari ng isa pang kamay na humawak sa akin.
Dahil sa naging pagdating ni Yohann ay binitiwan na ng lalaking germs ang kamay ko. Hinila naman ako ni Yohann patungo sa likuran niya para itago ako roon at nang maharap niya ang lalaking nanggulo sa akin na ngayon ay tahimik na.
"Umalis ka na bago pa kita dalhin sa barangay dahil sa ginawa mong pangha-harass sa babae," nagbabantang sabi ni Yohann. Ngayon ko lang din napansin ang seryso at malamig niyang aura, malayo sa nakikita kong Yohann sa mga lumipas na araw.
Marahas na bumuntong hininga ang lalaki at pinukol pa ako ng masamang tingin bago tuluyang umalis sa harapan mamin ni Yohann.
Nang tuluyan maglaho sa paningin namin ang lalaking nanggulo sa akin ay saka pa lang ni Yohann binitiwan ang palapulsuhan ko. Kaagad na tumuon ang tingin niya sa palapulsuhan ko na namumula na rin dahil sa ginawang paghawak sa akin ng lalaki kanina.
"Ano bang klaseng balat ang mayroon ka? Masyado kang nakakatakot na hawakan. Parang bawat hawak sa 'yo ay magdudulot sa 'yo ng pamumula," komento niya sa nakita at bumuntong hininga pa.
Mahina na lang akong sumingal. "Mahigpit kasi 'yong pagkakahawak niya sa akin kaya namula."
"Pati ang pag-upo rito sa labas ay hindi mo rin kayang gawin," dagdag niya, binabalewala ang sinabi ko kanina.
Sumama ang tingin ko sa kanya. "I'm not stupid, kaya ko ang umupo! Epal lang ang lalaking germs na 'yon! Kaya lang naman siya lumapit sa akin dahil nagandahan siya sa akin, pero nang ipakita ko sa kanya na wala akong interes sa kanya ay sinabihan niya akong kaya lang maganda ay dahil maputi ako."
Natigilan ako nang marinig ko ang pagtawa ni Yohann. Naglaho na rin sa mukha niya ang pagiging seryoso at lamig nito.
Naging blangko ang mukha ko habang pinagmamasdan siya sa harapan ko. Ito ang unang beses na makita ko siyang tumawa.
"You know what, ikuha mo na lang ako ng tubig. Sa bagay na 'yon ikaw lang magaling," natatawa niya pa rin na sabi.
Sa halip na makipagtalo sa kanya ay mabibigat ang mga paa kong naglakad palayo sa kanya. Nakagawa pa ng ingay ang bawat hakbang na nagagawa ko.
Ikukuha ko siya ng tubig, lalagyan ko na rin ng lason!
Nang makarating ng kusina ay kumuha ako ng babasaging baso. Natigilan ako sa akmang pagkuha ko ng tubig nang mapansin kong nakasunod pala siya sa akin.
"Huwag ka nang tumulong o lumabas pa roon," biglang sambit nya.
Pinagkunootan ko siya ng noo. "E 'di ano ang gagawin ko nito?"
Humakbang siya palapit sa akin habang seryso ang eskpresiyon sa mukha.
"All you have to do is to stay at my side."
I felt something wrong. Kaya naman ay hindi ko namalayan at nabitiwan ko na pala ang basong hawak ko dahilan para bumagsak ito sa sahig. Nakagawa ito ng ingay at kumalat pa sa paligid ang mga piraso ng basag na baso.
Hindi makapaniwalang pinagmasdan ni Yohann ang kalat sa sahig. Ganoon pa rin ang ekspresiyon sa mukha niya nang magtuon ng tingin sa akin.
Bahagya na lang akong napangiwi nang walang masabing kahit ano sa kanya. Problemado naman siyang umiling na tila sinisisi ako sa nangyari bago ako sinuri ng tingin kung may nakuha ba akong sugat sa mga bubog.
This is your fault, moron!