BAHAGYA akong nabigla nang magtungo ako ng kusina ay naabutan ko rito ang mag-asawang sina Miranda at Fernando. Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. "Good morning, Misty. Halika na at mag-almusal ka na," nakangiting bati sa akin ni Miranda nang maramdaman nila ng asawa ang presensiya ko rito sa kusina. "Hindi po kayo magbubukas ng karinderya ngayon?" tanong ko at naglakad palapit sa kanila saka naupo sa bakanteng bangko. Isang linggo na rin simula nang manatili ako sa pamamahay nila kaya nakakabisado ko na ang ganap sa bahay na ito. Sa tuwing madaling araw ay aalis ang mag-asawa para magbukas na ng karinderya dahil pati almusal ay nagtitinda sila. Kapag magigising naman ako ay maabutan ko rito sa bahay si Yohann saka sabay na kami magtutungo ng karinderya nila. Kaya masasabi kong ib