KUMUNOT ang noo ko nang makapasok ng karinderya ay napansin kong tila may kaguluhang nagaganap dito. Ang lahat ng mga costumer na nandito ay may tinitingnan na dalawang taong nag-uusap. Mas lalong nangunot ang noo ko nang mapansing si Miranda ang isa sa mga tao na 'yon. Kaharap naman niya ang isang babae na tila kaunti lang ang agwat sa edad ko. "Look at what you did to me! Nadumihan mo ang damit ko!" "Hija, pasensiya na. Bigla mo kasi akong nabangga. Mukhang hindi mo ako napansin dahil abala ka sa phone mo." Sarkastikong natawa ang babae. "So, ako pa ang may kasalanan? Ikaw na nga 'tong nakatapon sa akin ng ulam, ako pa ang sisisihin mo?" Awtomatikong tumaas ang kilay ko nang maintindihan ang nangyayaring gulo sa loob ng karinderya. Doon ko lang din napansin ang nakakalat na ulam sa