Chapter 10 - Lola

2013 Words

"AYOS ka lang ba, Misty?" Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa kama nang pumasok si Miranda. Naupo ako sa ibabaw ng kama at tumango bilang tugon sa tanong niya. Isinara niya ang pinto at naglakad palapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama habang puno ng pag-aalala ang mukhang pinagmamasdan ako. Napatitig ako sa kanya nang bumuntong hininga siya. "Pagpasensyahan mo na ako. Dahil sa akin ay nangyari ito sa 'yo," tila nakokonsensiya niyang sabi. Nang matapos kanina ang gulo sa karinderya ay hinatid kami ni Yohann pauwi rito sa bahay. Kaya ngayon ay siya na ang nag-aasikaso sa karinderya at sinabing maaga na lang siyang magsasara kahit hindi maubos ang mga paninda. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi naman ikaw ang may kasalanan. Kasalanan 'to no'ng babae," tutol ko sa sinabi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD