"PUT it there," utos ko kay Yohann at itinuro ang bintana rito sa salas. Tumango siya sa sinabi ko at nilapitan ang bintana. Kahit na matangkad naman na siya ay kinailangan niya pa rin ang sumampa sa bangko para maabot ang pako na pagsasabitan ng bagong kurtina. Nang matapos siya sa ginagawa ay ang mga punda naman ng sofa ang pinalitan niya ng bagong punda. Kanina habang namimili kami ng damit ko ay nakakita ako ng mga punda na may mga cartoons na design. Nagustuhan ko ang disenyo nito pati na rin ang combinations ng kulay na banayad lang sa mga mata. Kaya naman kumuha na rin ako ng ilang piraso nito. Wala namang nagawa si Yohann kundi ang magbayad na lang. I also bought a flower base and fake flowers. Balak kong ilagay 'yon sa gitna ng center table. Pati ang ibang palamuti sa bahay ay