"ISASAMA ko si Misty." Natigil ako sa akmang pagsimsim sa kape na hawak ko at naguguluhang binalingan ng atensiyon si Yohann na nakatingin na pala sa akin. Dahil linggo muli ng umaga ay sarado ang karinderya, pero kahit na ganoon ay maaga pa rin nagising ang mga tao sa bahay. And I'm one of them. Kanina lang ay abala sina Yohann at Lola Miranda sa paglilista ng mga bibilhin sa palengke habang kasalukuyan kaming nag-aalmusal dito sa hapag. "Ano?" tanong ko, hindi malaman kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Pero mukhang hindi ako nabingi lang. Inulit niya pa ang sinabi! "Isasama kita sa palengke." Sunod-sunod ang naging pag-iling ko. "I don't want to go there! Maingay! Magulo!" Sa pagkakataong ito, siya naman ang umiling. "Wala kang magagawa, isasama pa rin kita sa sina