MALAPAD ang ngiting nasa labi ko habang pinagmamasdan si Yohann na napapailing na lang habang patuloy ako sa pagtuturo ng kung ano-ano rito sa mall. Ang pinasukan naming store ay hindi kasing mamahal ng mga binibili kong branded na damit, pero mas okay na ito kaysa sa palengke. Para sa akin ay mas maganda ang kalidad nito. Kaya naman umaandar na naman ang mga kamay ko, nagtuturo ng kung anong makita kong sa tingin ko ay babagay sa akin. Si Yohann naman na nagpasama lang sa akin, walang nagawa sa pagtuturo ko. Sa nangyari ay parang ako ang nagpasama sa kanya. "Anong sa tingin mo ang regalong magugustuhan ng isang babae?" biglang tanong ni Yohann nang tumabi sa akin habang abala ako sa pagpili ng damit sa isang rack. Tinigil ko ang ginagawa para lingunin siya. "May pagreregaluhan ka?" H