MAINGAT ang bawat paggalaw ko habang nagsasalin ng mainit na tubig sa tasa. Nang makita kong malapit na mapuno ito ng tubig ay agad kong itinigil ang pagbubuhos ng mainit na tubig. Ang isang tasa naman ang nilagyan ko. Nang matapos, hinalo ko na ang tasa para tuluyan nang matunaw ang kape. Nang sa tingin ko ay handa na ito ay binitbit ko na ang dalawang tasa ng kape sa magkabilaang kamay ko. Nang makarating ng salas ay naabutan ko si Lola Miranda na nag-aayos ng estante ng telebisyon. Pero nang maramdaman niya ang presensiya ko ay nakuha ko ang atensiyon niya. "Kape tayo, Lola," sambit ko at ngumiti. May ngiti rin ang sumilay sa labi niya at sunod-sunod na tumango. Dinala ko ang dalawang tasa ng kape sa center table at naupo sa sofa. Tinigilan naman na ni Lola Miranda ang ginagawa niy