Chapter 19 - Confession

2407 Words

"MORNING," matabang na bati sa akin ni Yohann nang makapasok ako ng kusina. Kumunot ang noo ko sa pagkagulo nang makita ang pagmumukha niya, mukhang wala sa mood. Ang aga-aga ay ganoon na kaagad ang mukha niya—hindi maitimpla. "Nasaan sina Lola Miranda at Lolo Fernando?" tanong ko at naupo sa bangkong nasa harapan niya. "Namalengke, pero baka hapunin na sila ng uwi dahil may iba pa silang dadaanan." Napatango na lang ako at hindi na inimik si Yohann na hanggang ngayon ay hindi pa rin maitimpla ang pagmumukha. Tumayo ako mula sa kinauupuan at kumuha ng tasa para magtimpla ng kape. Saktong tapos na ako sa pagtitimpla at nakabalik na sa bangko ko nang muling magsalita si Yohann. "Nga pala." "Hmm?" "May pinapasabi si Jude." Nakuha niya ang atensiyon ko dahil sa binanggit niyang pangal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD