BAHAGYA pa akong inaantok nang lumabas ako ng kwarto ko habang bitbit-bitbit ang bagong damit na gagamitin ko at ang tuwalya. Kagigising ko lang at tanging pag-aayos pa lang ng buhok ang nagagawa ko. Nang makababa sa salas ay saktong paghikab ko, pero nang mapansin kong may tao rito sa salas ay kaagad kong isinara ang bibig. Bigla akong nakaramdam ng matinding hiya nang matantong si Yohann ang taong nasa harapan ko. Sa sobrang hiya ay inangat ko ang isang kamay at ginawa itong pangharang para hindi niya makita ang mukha ko. "Don't look at me," mabilis kong sabi. May narinig akong ingay sa harapan ko. Namilog ang mga mata ko nang matantong tumayo siya sa sofa at nilapitan ako. "What's wrong with you?" nag-aalala niyang tanong. "I'm fine," tugon ko habang nakatakip pa rin ang palad ko