Zenon
I am fvcking screaming inside! Hindi ko alam kung paanong nangyari na nawalan kami ni Leydell ng atensiyon at oras sa isa’t isa. Hindi ko akalain na mapupunta sa ganito ang relasyon namin na inabot ng pitong taon.
I was fvcked up with my life in Manila! Natatakot ako sa magiging reaksiyon sa akin ni Leydell. She was the only one I have. Siguro ang lumayo na nga muna sa relasyon namin ang pinakamagandang maireregalo ko sa kanya. Ayokong madamay siya sa kung ano ang bigat na dinadala ko sa dibdib ko.
God! She was my first ever love. Ganoon din ako sa kanya. Kaya nga noong nakaraang taon ay hindi ako nagdalawang-isip na ayain siya na magpakasal. Gusto ko siyang makasama. Gusto kong nariyan lang sa tabi ko si Leydell. Pero ang pangarap naming dalawa ay parang binago ng panahon habang lumilipas.
Sa loob ng pitong taon ay sabay kaming nangarap. Hindi nga ba’t kabilang itong resort sa pangarap namin?
Matapos akong bigyan ng bakasyon ni Rocket dahil hindi ko magampanan nang maayos ang trabaho ko sa opisina, inaasahan ko na maiintindihan ako ni Leydell. I missed her so much at kailangan ko rin ng atensiyon. Ngunit bago ko pa masabi iyon sa kanya ay isang malaking hiwalayan ang ibinigay niya sa akin. Hindi niya naintindihan na pinaalis ako ni Rocket sa posisyon. She judged me without knowing the real reasons why.
Buong magdamag kong inisip ang tinahak ng pag-uusap namin. Aminado ako na nagkamali ako. I asked her once again if she wanted to continue the breakup. She was determined. Napapagod na daw siya.
I was so fvcking hurt! I saw it in her eyes. Seryoso siya na makipaghiwalay. Siguro nga ay nabuwisit siya sa akin dahil madalas akong nasa labas para ibuhos ang atensiyon ko sa water sports habang nagpapakaabala siya sa trabaho. Siguro nga ay kasalanan ko na nakipag-inuman na lang ako sa mga Koreanong guest noong gabi na iyon dahil hindi niya ako sinipot sa usapan namin.
I want. Her. Time.
Masisisi niya ba ako? I was crying deep inside! Gusto kong sumigaw! Gusto kong umiyak! Gusto kong ibahagi kay Leydell ang rason kung bakit ako narito sa resort namin at wala sa Maynila para magtrabaho na tulad ng gusto niya.
Gusto kong sabihin niya sa akin na “Z, let’s bond together. Mag-date tayo. Manood ng sine. Let’s enjoy our relationship like a sweet couples do.”
But… None. Isang malaking hiwalayan ang isinagot niya sa akin. Worst part, para bang parehas kaming walang naramdaman sa bagay na iyon makalipas ang isang araw.
Don’t get me wrong. I love Leydell. I will continue to love Leydell even if it’s end of the world. It’s just that… maybe the relationship exhausts us.
Testing the water, I want to give her what she wants. Posibleng napagod na talaga siya dahil sa dami ng ginawa niya sa mga nakalipas na araw.
“Boss Zenon, bakit parang problemado ka yata?” tanong sa akin ng bangkero. Naabutan niya ako na tumutungga sa bote ng beer nang mag-isa habang nakaupo sa buhanginan, iniisip ang mga bagay tungkol sa amin ni Leydell.
“Manong Dong, upo ho tayo. Meron pa akong alak dito.” Inabutan ko siya ng isang bote.
Ngising-ngisi naman siya na tinabihan ako matapos niyang abutin ang alak. “Parang problemado ka yata, Boss Zenon?”
Nagkibit-balikat lang ako. Kung may dapat na makarinig sa hinaing ko, sigurado na hindi iyon si Manong Dong. Dinaan ko na lang iyon sa mga tanong na posibleng makuhanan ko ng aral. “Naranasan n’yo po ba ang makipaghiwalay sa inyong asawa dati?”
“Aba’y oo! Binato pa nga ako ng tsinelas noon, eh. Naghiwalay na ba kayo ni Ma’am Leydell?”
Sapul! Ang gago lang ‘di ba?
“Nakipaghiwalay siya sa akin. Napapagod na daw siya.” Tinungga ko ang alak para iwasan ko ang pumiyok. What can I do? It hurt me, deep inside my chest.
“Nakow! Ganoon naman talaga ang mga babae, boss! Madalas may sapi!”
Hindi ko tuloy maiwasan na humalakhak sa kanyang sinabi. May punto siya roon. “At saka pabago-bago ng isip! Tama ka, manong. Baka nga kaya ko pang i-analisa kung sino ang susunod na maging presidente kaysa sa i-analisa ang gusto ni Leydell. Geez!”
“Kung mayroong mahirap intindihin sa mundo, iyon ang mga babae!” dugtong nito habang natatawa.
Sa oras na iyon ay napalitan ng saya ang dibdib ko. Ito ang rason kung bakit gusto ko ng mayroon akong kausap na hindi ko nakukuha kay Leydell.
“Hayaan mo lang siya, boss! Sa guwapo mong iyan, ay nakow, siguradong bibigay yoon! Kung ako sa ‘yo, inakit ko na lang siya… Kung hindi mo naitatanong, ganyan din ang asawa ko noon. Aba’y, laglag din ang panga matapos kong ipakita ang kakisigan ko, eh.”
Natawa ako sa sinabi niya. Bigla kong naisip na hindi nga napalagay si Leydell noong nakaraan habang nagbibihis ako sa kanyang harapan. Tama si Mang Dong, dadanin ko na lang sa pang-aakit kay Leydell ang lumbay ko kung gusto kong makaiskor sa kanya.
***
AKO ba ang mang-aakit kay Leydell o siya itong umaakit sa akin? Iyan ang tanong ko nang makita ko siyang bagong gising at nagluluto sa kusina ng pagkain. Kasalukuyan siyang nakatalikod. Umungol si Raf habang tamad na tamad itong nakahiga sa sahig.
Suot ang maiksing shorts, sumisilip ang gilid ng kanyang puwitan sa dulong bahagi ng tela niyon. Hindi ko maiwasan na mapalunok lalo na’t habang naiisip ko na matagal-tagal na rin noong nagtalik kaming dalawa. Pucha! It was last month. Noong huling bumisita ako rito sa resort.
Nilingon ako ni Leydell. “It’s good that you’re back! Sabay na tayong mag-dinner.”
Humarap siya sa akin. Nakahubog sa kanyang katawan ang kanyang puting sando. Sumisigaw ng saklolo ang kanyang nip*le na sumisilip sa manipis na tela. Fvck! I want to eat her rather than the dish she prepared for tonight. I wanted to suck those n*****s and bit them hard until I could hear her cries out. Pinch her thighs while plunging my d**k inside her until she asked for forgiveness. There are many things in my thoughts that I wanted to do for Leydell.
Tumikhim ako pagkatapos ay ipinilig ko ang aking ulo. Damn it! Living with her was hard. “Anong niluto mo?”
“Tinola.” Dumukot siya ng kutsara pagkatapos ay humigop siya ng sabaw sa maliit na mangkok.
“Hot!” usal ko. I wanted to taste her lips too.
“Hmm?” nagtatakang tanong niya sa akin.
“I mean, was it hot?”
Umikot ang kanyang mata. “Z, kaluluto lang ng tinola, at saka hindi mo ba nakikitang may usok-usok pa? Okay ka lang ba? Bakit nga pala parang namumula ka d’yan? Wait! Huwag mong sabihin na uminom ka na naman ng alak?”
Kita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha.
“I’m just enjoying. Isa pa, hindi ba’t wala na tayo? Bakit kung makaasta ka d’yan para kang girlfriend na nagger?”
“Yeah. I forgot. I’m sorry!” inis niyang sagot sa akin. Binigyan niya ng pagkain si Raf.
Sumandok na lang din ako ng pagkain para samahan siya. Kahit naman ramdam ko ang galit at paninikip ng surfing shorts na suot ko, hindi maikakailang gusto ko ang luto ni Leydell para sa akin. Hindi niya ako nakalimutan kahit pa nga nagsalita ako ng hindi maganda sa kanya noong magtalo kami. Even if we are living inside this resort, we have a private life inside this cabin. Para na namin itong tirahan na may sarili kaming buhay. Nagluluto si Leydell, siya rin ang naglalaba minsan ng mga damit namin at madalas na siya rin ang naglilinis.
“How was your day?” tanong ko sa kanya. Gusto kong itanong kung may gusto siyang ipagawa sa akin. I want to lessen her burdens.
“Naghahanap ako ng lugar kung saan pwedeng mag-prenup ‘yong bagong kliyente ng Blushing Brides sa susunod na Sabado. Ayos lang sana kung walang masyadong tao. Kaya lang dahil summer, nasabi ko na rin kay Rachel na gagawan ko ng paraan. Can you help me on that?”
“Sure! Bukas tutulungan kita.” Hindi ko akalain na magkakaroon kami ni Leydell ng matiwasay na usapan. It was so smooth. Kahit pa nga panay ang tingin ko sa kanyang dibdib habang sumusubo ng pagkain. Imagining things inside my head while eating her tinola.
“Why do you keep looking at my chest?”
“Hmm… baby.”
“What?” asar niyang tanong. “Don’t baby me.”
“Bakit parang affected ka?” agad kong buwelta matapos kong tumikhim. Women! Dadaan na lang talaga ang hanggang world war ten, hindi ko pa rin sila maiintindihan! At si Leydell ang rason kung bakit hindi ko sila maintindihan.
“Just don’t! I-its… distracting!”
“Geez, Leydell! Kung ayaw mong tumingin ako sa dibdib mo, pwede bang huwag kang magsuot ng super nipis na sando? Kita na ang nip*les mo, and it’s also distracting! Buti sana kung malaki ang boobs mo!”
Kita ang pamumula ng kanyang pisngi dahil sa galit. “Z, inaano ka ba ng damit ko? Kung naiinis ka sa suot ko, lagyan mo ng piring ‘yang mata mo! Ako ba ang mag-a-adjust para sa ‘yo? Kung gusto mo ng malaking boobs, maghanap ka sa labas since summer ngayon at maraming kakalat-kalat na babae sa beach!”
Kumahol ang aso naming si Raf na para bang pinipigilan na kaming magtalo. Hinilot ko na lang ang noo ko. Parang walang araw na hindi kami nagbabangayan na dalawa. Alam ko na may mali rin ako kaya naman humingi na ako ng pasensiya.
“I’m sorry, love. Sumobra ako sa bagay na iyon. Ako na ang maghuhugas ng plato. After mong kumain, pwede ka nang maggayak para sa shift mo tonight.”
Naglabas ng mabigat na hangin si Leydell. “Thank you! Oh, by the way, Z, sa tingin ko ay kailangan kong pumunta sa Canada for training. Mga two months akong mawawala. Next Monday pupunta ako sa Manila para asikasuhin ang visa ko. Ayos lang ba na ikaw na muna ang bahala rito sa Lunes?”
Kita ko ang pagsusumamo sa mata ni Leydell. Aalis siya ng two months? Ibig sabihin ay mas mapapalayo pa siya sa akin. Hindi ko alam kung dapat kong ikatuwa ang bagay na iyon. I am missing her already. I wanted both of her body and her time, ngunit nasa trabaho ang atensiyon niya. Sana ay masabi ko sa kanya ang laman ng dibdib ko bago siya umalis.
Kaunti na lang kasi ay baka sumabog na ako…