CHAPTER 3

1304 Words
Leydell       IT’S another day for Zenon and me inside this cabin house with an invisible ex-relationship tagged upon us. Hindi ko akalain na matutuloy ang hiwalayan namin. Bigla kong naisip kung paano ang kasal namin dapat sa susunod na taon. Naisip ko na hayaan ko na lang sa kanya ang tungkol doon. Iniiwasan ko sa lahat ay ang magkasakitan kaming dalawa.   Nasaktan ba ako sa hiwalayan namin? No. Hindi ko nga alam kung bakit wala lang ito sa akin. Ganito nga talaga siguro ang pakiramdam ng napagod sa relasyon.   Tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Rachel sa screen.   “Oh, God…” Hindi ko napigilan na mapaungol.   Kanina lang kasi ay iniisip ko ang tungkol sa nakatakdang kasal namin ni Zenon. Gayunman, alam ko rin naman na posibleng business ang pag-uusapan namin.  “Hey, Rachel!” bati ko sa kanya.   “Hey, Ley! Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil alam ko na busy ka. Itatanong ko sana kung mayroong bakante sa resort n’yo sa susunod na Sabado. May booking kasi ako na isang bride na nakatakda para sa prenup next week. Wala silang time sa ibang araw kaya nagpahanap sila agad sa ‘kin.”  Napangiwi ako. Kilalang-kilala na talaga ako ni Rachel dahil may ilang taon na rin kaming mag-partner sa business. “I’ll check. Alam mo naman na summer ngayon at super dami talaga ng tao kapag weekend. Hindi ba pwedeng sa ibang araw? Sa tingin ko, mas available at kaunti ang tao rito sa resort kapag weekdays.”  “Hindi mo ba ito magagawan ng paraan? They are workaholics like you, Ley. Alam mo naman kung paano mag-isip ang mga taong katulad mo. Pupunta sa Korea ‘yong groom ‘tapos sa Davao ‘yong bride ko. Wala silang time sa ibang araw at parehas silang pumapasok kapag weekdays.”  Napangiwi akong lalo sa sinabi niya. Bakit parang kasalanan ko? Para bang trabaho ko na rin na intindihin ang kliyente niya dahil lang madalas kong ikatwiran sa kanya sa wala akong oras sa ibang bagay.   “`Di ba nga’t sinabi ko nang titingnan ko?”  “Pero sana meron.” Bumungisngis siya sa kabilang linya kaya naaliw ako. “Balitaan mo ako agad. I know you can help me. Love you!”  “Rachel!” Tinawag ko ang pangalan niya bago niya putulin ang koneksiyon.  “Yes?”  Sasabihin ko sana na ikakansela ko na ang naka-book na kasal namin ni Zenon next year, ngunit nagdalawang-isip ako. Sa bagay na iyon, mas magandang makausap ko ang hudyo. “Uhm, wala. Luv you too, girl!”  Nakikinita ko na napangiti siya. “Bye!”  Ibinagsak kong muli ang katawan ko sa higaan at saka tiningnan ang kisame.   Gosh! Hindi ko alam kung kailan ko huling nagawa ang ganito. ‘Yong tumingin sa kisame at magmuni-muni. Mahalaga sa akin ang bawat minuto. Masyado akong naging busy sa loob ng… ilang taon na nga ba? Four years?  Nakarinig ako ng kaluskos sa labas ng silid. Naisip ko na siguradong si Zenon ‘yon. Diretsong naglandas ang paningin ko sa wall clock. Alas-sais na ng hapon. Mga katok sa pintuan ang sumunod na gumambala sa akin.   Nakasimangot akong bumangon sa higaan at saka tinungo ang pintuan. “What is it?”  Kung gaano ko siya kabilis na tinanong ay ganoon din kabilis na nagrolyo ang lalamunan ko. Tanging tapis ng tuwalya lang kasi ang tumatabing sa loko. Basa ang kanyang buhok na tumutulo sa nakalahad niyang makinis na balat na bumabalot sa maskulado niyang katawan.   “Kukuha ako ng damit,” aniya.   Hindi ko napigilang sumimangot. Binuksan ko nang mas malaki ang pintuan para siya tumuloy. Iisa lang kasi ang cabinet namin dito sa cabin. Ako mismo ang may kagustuhan na huwag na niyang ilabas ang mga gamit niya dahil ayokong makita na kakalat-kalat ang mga iyon sa living room.   Dinampot ko ang cellphone ko ulit para maiwasan na tumingin sa kanya. Umupo ako sa tokador na naroon sa kabilang gilid. Panay ang sulyap ko sa salamin kung saan nahahagod siya nito. I keep myself distracted on other things, but God! Halatang bagong ligo ang loko at umiikot ang amoy ng kanyang pinaliguang katawan sa silid namin.   “Pwedeng pakibilis?” reklamo ko sa kanya.  “Stop peeping,” aniya na iniisa-isa ang mga damit sa cabinet.   “Peeping, my ass! I am busy with my phone.”  “Then, keep looking at your phone! Bakit ba kailangan mo akong pansinin d’yan?”  He has a point! Why do I have to bother myself with him? I could pretend that he wasn’t around.  Ngunit tila nananadya talaga ang loko. Lumapit siya sa akin at may inabot ang kanyang kamay sa aking likuran. Diretsong nanuot sa aking ilong ang amoy ng kanyang dibdib dahil ilang sentimetro lang ang layo ko roon. Napalunok na lang ako at saka binasa ko ang aking labi. Right at that moment, I want to glide my tongue on his broad shoulder.   Tumayo rin naman siya at saka nagpahid ng roll-on sa kanyang kili-kili. Pagkatapos ay ibinalik niyang muli iyon kaya muli na namang halos dumikit sa aking labi ang kanyang dibdib. I continued pretending that I am still looking at something on my phone.   Ngumisi siya. “Kailan mo pa naging pass time ang tumingin sa wallpaper?”  Doon lang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nothing! Nothing was showing on my phone, and he knows about it. Posibleng nasulyapan niya ito noong may kinuha siya sa aking likuran.   “Simula nang maghiwalay tayo,” sagot ko sa kanya.   “Kaya ba naninigas ang n****e mo ngayon?” tudyo niya sa akin.   Nanlaki ang mata ko na tumingin sa aking dibdib. Nakasuot lang ako ng manipis na Kentucky sando. Kita roon ang tinutukoy niya. Agad kong iniharang ang magkabila kong braso ng pa-ekis sa aking dibdib. “You, perv!”  “Go on, Leydell. You can touch me. Lick me,” nanunudyo niyang sabi.   “Shut up! Licking you was the last thing that I wanted to do right now. Get out of my room.” There was no way I would accept defeat! Sigurado ako na ginagawa niya ang akitin ako kanina para inisin din ako sa bandang huli. Tila nag-e-echo ang sinabi niya sa akin na flat ang dibdib ko kaya naglaho nang parang bula ang lahat ng gusto kong gawin sa kanya kanina.   “Sigurado ka?” tanong niya sa akin.   “Z, kung ayaw mong paalisin kita dito mismo sa cabin, labas na. Kunin mo ang T-shirt—”   Napatili na lang ako at agad kong iniharang ang aking palad sa aking mata nang bigla niyang hilahin ang tuwalya na nakaikot sa kanyang baywang. Bakit nga ba ako mahihiya? Eh, ilang beses ko nang nakita iyon. Ganoon na lang din kabilis na namula ang pisngi ko nang makita na nakasuot siya ng boxer shorts.   Malakas na humalakhak si Zenon. “Were you expecting something?”  Yeah, he was right! I thought he was naked underneath his towel, and my silly me was expecting! Binato ko sa kanya ang bote ng lotion na naroon sa tokador dahil sa sobra kong hiya. Agad naman niya itong sinalo. Gosh! The master of teasing, iyan ang tawag ko sa kanya at sa palagay ko ay hindi pa siya retired sa bagay na iyon.   “Shut up, and leave my room right now!”  Natatawa niyang isinuot ang t-shirt. Bago lumabas ay ninakawan pa ako ng smack sa labi ng siraulo. “Tawagin mo lang ako kapag may plano kang gawin sa akin.”  Marahas kong isinara ang pintuan bilang sagot. Alam ko kung ano ang umiikot sa kanyang isipan. s**t! No damn way! Lalo na at sigurado ako na may plano talaga siyang asarin ako.   Mukhang magtutuos kami ng siraulo sa maraming bagay simula ngayon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD