Leydell
“NAGHIWALAY na kayo ni Zenon?” tanong sa akin ni mommy. Dinalaw ko siya rito sa condominium na nasa Maynila kung saan siya nakatira. Kasama niya ang Australian niyang boyfriend na kasalukuyang natutulog pa raw sa loob ng silid ng mga ito. Naroon kami sa living room. Umiinom ako ng kape habang siya naman ay umiinom ng tsaa.
Nakasuot siya ng satin na nighties. My mom was forty-one now. She was seventeen noong ipinanganak niya ako, ngunit hindi halata ang kanyang tunay na edad sa kanyang pisikal na anyo. She looks young as if she was my elder sister. She’s different: she was bold and free, like a “cool mom” and not your-so-ordinary-mom.
“Opo. Naghiwalay kami dahil parehas na kaming nagkasawaan sa isa’t isa,” wika ko sa kanya. I felt something block my throat as if I am telling her lies. Hindi naman kasi ako sawa kay Zenon.
“You didn’t feel anything at all?” tanong niya sa akin. Siguro ay inaasahan niya na iiyak ako habang nagkukuwento na normal sa isang babae na nakipaghiwalay.
Umiling ako. “Siguro, hindi pa lang po nagsi-sink in sa akin ang bagay na iyon na naghiwalay na kami. We saw each other every day as if nothing had changed between us. Magkasama pa rin kami sa cabin.”
Naningkit ang kanyang mata bago humigop ng tsaa. “Bukod sa wala kayong label?”
“Yes.” Tumango ako.
“Are you still fvcking?”
“`Ma!” Halos maibuga ko ang kape na kasalukuyan kong iniinom. Gosh! Her big mouth!
“What?” She looked at me as if there was nothing wrong with what she had said. “Hindi ba’t may naganap naman na talaga sa inyo? Don’t tell me you are fvck buddies now instead of the soon-to-be-married couple?”
“`Ma, no! H-hindi kami s*x buddies ni Zenon! Walang nagaganap sa amin.” Gusto kong itago ang mukha ko sa kanya. Goodness! Nahihiya pa rin ako na mag-open sa kanya ng tungkol sa bagay na iyon kahit pa nga alam ko na ayos lang sa kanya. Well, my mom was enjoying her life and she wanted me to do the same.
“Ley, hindi na ako magtataka kung tumabang kayong dalawa sa relasyon. Hindi n’yo naranasan ang makipagrelasyon sa iba. You started dating when you were sixteen, and Zenon was also young back then. For seven years, you were inseparable. You believed in love, in destiny. At ‘yon din ang dahilan kung bakit tumabang kayo sa isa’t isa. Hindi n’yo naranasan ang magkaroon ng challenge. Kumbaga, boring ang relasyon n’yong dalawa.”
“`Ma, you know that his mom was also a challenge for me, it’s not boring at all!”
“Well, you’re right!” Humigop muli siya ng tsaa matapos sumimangot nang maalala ang ina ng nobyo ko, ex-fiancé to be exact.
Zenon’s mom was different and she was my biggest challenge in our relationship. Hindi niya ako gusto para sa kanyang anak at hindi siya natatakot na ipakita ang bagay na iyon sa akin. Siya ang dahilan kung bakit nagpapakapagod ako sa trabaho. Gusto kong makita niya ang effort na ginagawa ko para sa relasyon namin ng kanyang anak. Ngayon tuloy ay para akong nakahinga nang maluwag na hindi ko na rin siya iisipin pa.
“Pero papa’no kung nagkaroon ng karelasyon si Zenon sa ibang babae ngayon na naghiwalay na kayo?” tanong sa akin ni mommy.
I paused. Hindi ko naitanong ang bagay na iyon sa nakalipas na araw. Paano nga ba kung sakali na magkaroon ng bagong karelasyon si Zenon? A part of me says, “he would not.”
I don’t know. Mataas ang tiwala ko kay Zenon na hindi siya basta-basta maghahanap ng ipapalit sa akin. Naniniwala pa rin kasi ako na mahal namin ang isa’t isa.
Siguro plastik lang talaga ako na tumatanggi na ayos lang na naghiwalay kami dahil napagod ako, pero ano nga ba talaga ang nararamdaman ko?
Mahal ko si Zenon, iyon ang totoo. Ang sabihin na mahal ko siya ay kulang pa nga, pero hindi ko maintindihan kung bakit masaya ako na wala na kaming label na tulad ng sinabi ni mommy. Ano nga ba talaga ang gusto namin?
***
DUMIRETSO ako sa bus station matapos kong ipasa ang requirements para sa application ko ng visa papuntang Canada. I would be away in two months for the training. Pagkatapos niyon mataas din ang tiyansa na kunin nila ako at doon na ako magtrabaho sa mismong opisina.
I love my job, but I don’t want to leave Zenon alone. Speaking of him, I saw his car. He was leaning his back against his car door. Ngumunguya ng bubble gum habang palinga-linga. Narito ba siya para sunduin ako? He was so handsome with his bright yellow shirt. I wanted to admire him for a second. Kinikilig pa rin ako kapag nakikita ko siyang ganito.
“Z? What are you doing here?” iyon ang tanong at bungad ko sa kanya.
“Thank goodness! Kanina pa ako tumatawag sa ‘yo. May pasok ka ba ngayon?”
“Wala. Alam ng kliyente ko na wala akong duty ngayong gabi.”
“Good! Nag-imbita si Anthony dahil malapit na silang ikasal ng nobya niya. Engagement niya ngayon sa isang hotel,” paliwanag niya sa akin. Iginiya niya ako sa passenger’s seat at saka pinasakay. Tinutukoy niya ay ang schoolmate namin noong high school na nagkataong pinsan niya rin.
“Hindi ko alam na magseseryoso siya sa relasyon. Hindi ba’t playboy ang pinsan mo na ‘yon?” wika ko sa kanya matapos niyang pumasok at i-lock ang sariling seatbelt.
“Yeah. Ang guess what? The chosen fiancée is different. She’s pretty and simple. Kasama niya sa trabaho ang babae. Ang sabi niya sa pamilya, limang buwan na daw silang naghiwalay ng dati niyang girlfriend,” tugon niya sa akin habang sinimulan nang paandarin ang sasakyan.
“Wait! You mean hindi ‘yong dati niyang nobya ang pakakasalan niya? ‘Yong girlfriend niya ng apat na taon?”
“Yap!” sagot niya sa akin habang tumatango. “Apat na buwan pa lang niyang girlfriend itong babae pero hindi ko alam kung bakit ito ang napili niyang maging asawa,” natatawa niyang dagdag.
Hindi ko maiwasan na ikumpara ang relasyon namin sa pinsan niya. Kaming dalawa ay pitong taon na nagkarelasyon. Paano kung biglang ma-fall ang isa sa amin sa iba? Ipinasok niya sa isang five-star hotel ang kotse. Noon ko lang napansin na hindi nababagay ang kasuotan namin sa pupuntahan namin.
“Wait! Hindi ba formal ang okasyon ngayon? Para tayong pupunta lang sa fiesta-han sa baranggay?” nanlalaki ang mata na tanong ko sa kanya.
“Don’t worry, love. Nagpahanda na ako ng susuotin natin sa pinsan ko. I booked a room for the two of us. Lahat ng kailangan natin ay naroon na sa kuwarto. Tara na!”
Iniabot niya ang susi sa chauffeur at saka ako inalalayan na pumasok sa loob ng gusali. Soon, we were inside the suite. Naroon ang susuotin naming dalawa tulad ng sabi niya kanina. Sa ordinaryong pagkakataon, ayoko ng ganito na may biglaang lakad. Nasisira kasi ang mga plano ko sa kalendaryo. Strange, hindi ko iyon maramdaman sa ngayon.
Bigla ko kasing naisip na parang kulang na ako sa social life. Bigla ko rin naisip na kailan nga ba kami huling nag-date ni Zenon?
Simpleng makeup lang ang ipinahid ko sa mukha ko. Inayos ko lang din nang bahagya ang buhok ko.
Humarap ako sa kanya at noon ko nakitang ikakabit na niya ang kanyang necktie.
“Let me do it for you.” Lumapit ako sa kanya at saka inayos ang kanyang necktie. His hands slipped on my waist while I was doing the job for him.
“You look hot, baby,” he said in a crisp and low voice.
“I’m always hot,” natatawa kong tugon.
Inalapit niya ang kanyang labi sa aking tainga, bumulong. “Something going on in my head, Ley, and it’s not funny.”
His hot breath sent shivers from my ears to all over my body. Oh, God! I just realized I miss him. Like him, covering his body against mine, or his mouth ravaging every part of me. Palihim akong lumunok at saka siya pinalo sa dibdib.
“Naughty. We came here for the engagement,” paalala ko.
Umikot ang kanyang braso sa aking baywang para ikulong ako nang mas malapit sa kanyang katawan. Napalunok na lang ako nang maramdaman ko ang kanyang matigas na kahandaan sa aking puson. “This is your fault. You’re such a bad girl for flaunting your body earlier. Sigurado ako na tinutukso mo ako.”
“Natukso ka ba?”
“So much…” His mouth landed on my lips. My heart responded. He swept his tongue inside.
Mabilis kong nakalimutan ang lahat ng sama ng loob ko sa kanya. Binigyan niya akong muli ng kakaibang halik na kayang magpawala sa aking katinuan. Halik na para bang inaangat ako mula sa lupa. Halik kung saan magwawala ang lahat ng parte sa aking katawan. Wala nakatatak na label sa relasyon namin, gayunman ay alam ng damdamin namin kung ano ang kinalalagyan namin sa isa’t isa.
I unintentionally swayed my hips over him, to feel him even more.
“Yes, baby...” he moaned inside my mouth.
Ganoon na lang din ang bigla namin nang may mga katok sa pintuan ang nagpatigil sa aming dalawa.
“Oh, s**t!” naaasar niyang usal.
Humagikgik na lang ako. “Let’s go to the party. After that, we can continue.” The naughty side of me removed my underwear right under his gaze. I put that thin fabric inside his pocket. “Here. Para hindi mo makalimutan.”
“Oh, fvck!” narinig ko na lang na mura niya, ngunit wala siyang magawa.
Napapangiti ako na tinungo na ang pintuan para buksan iyon. Sobrang saya ko na nagawa ko siyang muling tudyuin sa ganoong paraan. My mom was right. I should enjoy. Sa oras na ito, hindi ko muna iisipin ang trabaho kahit pa nga busy ang resort namin.