Leydell
NAGKAKASIYAHAN ang ilang turista. Kasalukuyan na may team building sa resort.
Nagkaroon ng maraming problema at ulit ang trabaho dahil nagkaroon ng technical error ang tools na gamit namin sa opisina na nakabase sa Canada. Wala akong choice kung hindi ang ulitin ang trabaho. Nagtatrabaho ako sa kumpanyang Ztech na nakabase sa Canada sa loob ng ilang taon. Kahit noong panahon pa na wala pa kaming resort ni Zenon.
Sumabay pa ang computer system na gamit namin sa resort kaya pala noong nagdaang linggo ay walang nakitang bakanteng silid si Jackie. Kinailangan ko pang itawag iyon sa developer para lang masulusyunan. Hindi ko mabitiwan ang trabaho dahil sa isang rason—kailangan kong makaipon ng maraming pera. Ayokong masabihan muli ng ina ni Zenon na hindi ako karapat-dapat sa kanyang anak dahil nagmula ako sa mahirap na pamilya.
Napabuga ako ng hangin. Ramdam ko na ang pagod. Sinilip ko ang cellphone ko at nakita ko ang mensahe ni Zenon.
“Shoot!” Nakalimutan ko na inaya nga pala niya akong kumain ng dinner kagabi.
Babe, where are you? I prepared something for us here in cabin. Did you forget our date? Mensahe niya kagabi pa ng alas diyes ng gabi. Naka-set sa silent mode ang cellphone ko para hindi ako ma-distract sa trabaho kaya hindi ko napansin iyon.
Naghikab ako saka nag-inat. Tinungo ang daan palabas ng silid, kailangan kong makausap si Zenon.
Alas-otso ng umaga ang kasalukuyang oras. May kataasan na ang sikat ng araw. Sinalubong ako ng pamilyar na init ngayong buwan ng Marso. The thick leaves of the trees dance every time the wind blows. The sun's rays reflect on the ocean, and its sparkle looks like diamonds whenever the sunlight kissed the water, along with the waves.
Antok na antok na ako at napapagod na rin ngunit tila guminhawa ang pakiramdam ko sa tanawin habang papauwi sa cabin kung saan kami tumitira ni Zenon sa kasalukuyan.
“Ma’am Leydell!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Humahangos na papalapit sa akin si Hilari na isa pa sa manager sa resort na iyon. She’s thirty, medium built na babae, morena, single parent siya at kasalukuyan na nasa elementary ang kanyang anak. Mahilig siyang magsuot ng jeans at shirts.
“What is it?”
“Nagkaproblema tayo sa stock ng pagkain,” paliwanag niya. Bahid sa mukha ang pag-aalala.
“Bakit?”
“Ayos lang po ba na sumama kayo sa akin?”
“Nasaan ba si Zenon?” tukoy ko sa nobyo ko.
Dalawa kami ang namamahala roon at halos dalawang linggo na rin siyang narito sa resort na ipinagtataka ko. Ang sabi niya sa akin ay pinagbakasyon siya sa opisina. Masaya ako noong unang mabalitaan ko iyon dahil may makakatulong ako sa mga problema sa resort lalo na at summer na ngayon—mas maraming gawain.
Napakamot siya sa ulo. “Hindi ko pa siya nakita ngayong araw, Miss Leydell. Inumaga yata sa inuman.”
Hinilot ko ang sentido ko. Zenon has been partying almost every night and I’m not happy about it. Sa loob ng ilang araw niya ng pananatili niya rito sa resort ay halos panay ang punta niya sa kung saan. Naroon na namangka sila sa dagat, sumama siya sa mga turista, nakipag-inuman sa mga bangkero o sa mga staff. Kung hindi naman ay sa basketball o beach volleyball niya inilalaan ang oras niya sa maghapon.
Sa una ay ayos lang, ngunit kailangan ko na yata siyang kausapin ngayon na napapadalas ang paggawa niya ng kung ano-ano. I couldn’t find him whenever I needed his help. Wala akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Hilari. Naroon ang chef ng restaurant.
“What is it again this time?” tanong ko sa chef.
“Hindi nakarating ang order nating stocks, Miss Leydell. Sa kasawiang palad, nasira ang mga gulay na nauna na nating order sa palengke. Hindi ko rin inaasahan, eh. May buffet tayo ngayong gabi.”
“Nakita n’yo na ba si Zenon? Uutusan ko na lang siya na magmaneho para samahan ang staff sa palengke.”
“Naku! Ma’am Leydell, huwag na si Sir Zenon. Puyat ‘yon tiyak!”
“Bakit?”
“Nakipag-inuman ‘yon kagabi sa mga Koreanong bisita natin. Doon sa cabin n’yo nag-aya, eh. Baka mapahamak pa sila, ako na lang ang aalis. Hahanap na lang ako ng drayber.”
Nabigla ako sa sinabing iyon ni Chef Boom. Ngayon pa lang ay iniisip ko na kung ano ang hitsura ng cabin namin ng nobyo ko.
“Sige, balitaan mo ako. Tawagan mo ang cellphone ko kung may problema.”
Umuwi ako sa cabin namin ni Zenon nang mainit ang ulo. Problema sa opisina at problema sa resort ang hinarap ko. Hindi ko naman akalain na prolema muli sa tirahan namin ang haharapin ko. Mga damit sa sahig ang bumungad sa akin pagbukas pa lang ng pinto. Pinagkainan ng kung anong mga pagkain ang nasa mesa, mga plato sa lababo, games console na kakalat-kalat sa sahig, mga bote ng alak na pinag-inuman at kung ano pa na kailangan ko pang linisin at asikasuhin bago ako matulog.
Alam mo ‘yung puyat ka, ‘tapos ganito pa ang madadatnan mo sa iyong tinutuluyan? Ang pinakanakakainis sa lahat, hindi naman bata ang kasama ko sa bahay!
Umakyat yata ang lahat ng init sa ulo ko. Masyado na akong napapagod nitong mga huling araw dahil tila dumadagdag si Zenon sa mga kailangan kong gawin. Noong una ay ayos pa ako, pero nitong mga nagdaang araw ay sumosobra na siya!
“Zenon! Gumising ka!” galit na singhal ko sa kanya sa silid namin. Naaamoy ko pa ang alak sa kanyang katawan. “Zenon!”
“Hmm…” Umungol lang siya bilang protesta.
“Zenon, gumising ka!” galit na saad ko. Binato ko siya ng unan dahil sa pagkainis ko.
“Ang ingay mo naman! Para kang manok na talak ka ng talak!” galit na rin na wika niya sa akin. Umupo siya at inis na sinabunutan ang buhok. Halatang iritable.
“Hindi ako mag-iingay kung naglilinis ka rito sa tirahan natin! Napapagod na akong mag-ayos ng kalat mo! At ngayon ay lasing ka?”
“Leydell, I need peace of mind, please. Ilang oras pa lang akong natutulog!” Tumayo siya mula sa kama at saka nagtungo sa labas.
Lalo akong nainis sa kanyang inaakto. “Saan ka pupunta?”
“Sa labas kung saan walang ingay mula sa’yo! I want to sleep! Kahit saan ako mapunta basta wala ang boses mo!”
Nabigla ako sa kanyang sinabi. Ngayon pa lang na sa simpleng mga kalat ay nagkakaproblema na kami, paano pa sa mga susunod na araw? Paano pa kapag nakasal na kaming dalawa?
Sa inis ko ay ibinato ko sa pader ang PlayStation na kakalat-kalat sa sahig. Kita ko ang panlalaki ng kanyang mata matapos na mawarak iyon ay magkapira-piraso. Sa tingin ko ay tuluyan na siyang nagising dahil sa ginawa ko. Nabigla din naman ako at parang nais kong magsisi, ngunit nakalaan yata ang araw na ito para mag-away kami.
“You b—!” Nagpipigil siya na murahin ako. Sa halip ay pinagdiskitahan ng loko ang maliliit kong tanim ng herbs sa bintana at inihagis sa sahig. Kumalat din ang lupa nito sa sahig namin na lalong ikinagalit ko.
“Walanghiya ka! Pati ang mga halaman ko ay idinamay mo!” galit kong sita sa kanya.
“Halaman nga lang iyan! Alam mo ba kung ano itong sinira mo? Sinira mo lang naman ang pinaghirapan ko ng ilang taon!” tukoy niya sa kung ano na ang narating niya sa larong iyon. Kaunti na lang ay maiiyak na siya.
“Ha! Talaga?! Wala kang ginawa kung hindi ang pahirapan ako dito sa gawaing-bahay! Kailan ka ba babalik sa opisina, ha?” Sa oras na ito ay parang mas gugustuhin ko nang magtrabaho si Zenon sa opisina kahit malayo sa akin kaysa naman narito siya at dinadagdagan ang problema ko.
“Rocket fired me,” bulong niya, bagsak ang balikat.
“Ano?!” Hindi ako makapaniwalang wala na siyang trabaho. Paano namin mababayaran ang mommy niya sa hiniram naming pera kung wala na siyang trabaho?
“Kaya nga kung maari lang sana. H’wag mo muna akong guluhin!” Tinalikuran ako ng loko.
“Hindi pa tayo tapos mag-usap! Alam mo bang napapagod na ako?!”
Sa inis ko ay naibato ko ang isang bagay na nadampot ko. Hindi ko naman akalain na madadamay ang telebisyon na isa sa pinakamamahal niya sa bahay namin. Dahil manipis na LED iyon, gumewang-gewang iyon at saka bumagsak. Nanlaki rin ang aking mata. Sa tingin ko ay hindi na ako nag-iisip ng tama dahil sa puyat at init ng ulo.
“Napapagod ka dahil masyado mong inaabala ang sarili mo! Hindi nga kita halos makausap sa loob ng ilang araw! Naghanda ako kagabi at inaasahan ko na makakasama kita pero wala man lang akong natanggap kahit isang text mula sa’yo?” Galit na rin na binasag niya ang nahablot na tasa sa sahig.
“Kung tinutulungan mo ako sa problema, hindi akong kasing abala ng nasa isip mo!” Sinipa ko pa ang telebisyon na natumba sa sahig. Ganito yata kapag umakyat na sa ulo mo ang galit at pagod. Kung ano-ano ang binasag naming parehas habang nagsusumbatan sa mga pagkukulang namin.
“You have to stop this instant, woman!” Ngunit ginantihan ako ng loko na inihagis din ang frame ng prenup namin sa sahig. Nabasag ang salamin niyon kung saan parehas kaming natigilan. Nagkaroon ng c***k ang salamin na para bang hinati ang mga larawan namin.
Nanginginig ang aking mga labi at nagsimula nang maglandas ang luha ko sa pisngi.
“Mag-break na tayo!” matigas kong sabi.
Natigilan siya sa sinabi ko, ngunit itindig niya ang kanyang katawan bago tinanggap ang aking hamon. “Ha! Mag-break? At akala mo ay susuyuin kita? Break kung break! Dito ako sa cabin, maghanap ka ng tutuluyan!”
Nanlaki ang mata ko. Alam ko na wala nang espasyo sa kasalukuyan dahil puno ng guest ang resort namin.
Agad akong nagtungo sa silid namin. “No! Dito ako sa cabin! Dito ako sa kuwarto! Linisin mo ‘yang mga kalat mo!”
Nakipag-unahan naman siya sa akin na makapasok sa loob ng nag-iisang silid. Nagtutulakan kaming dalawa sa pintuan. Siguro, ayaw niya akong masaktan kaya nagpaubaya na lang siya.
“Fine! I’m going out!”
Lumabas na siya ng cabin namin.
Naiiyak na lang ako nang mapag-isa. Lumapit ang aso naming si Raf at dinilaan ang braso ko. Para bang sasamahan niya ako kahit ano pa ang mangyari. Pinunasan ko rin naman ang mga luha ko.
“Hmp! Hindi ako iiyak sa kumag na iyon, Raf! Maglinis na lang tayo!” Magaan kong hinaplos ang balahibo ng aso namin.
Naglinis ako ng tirahan namin. Habang inaayos ko ang mga kalat, mas tumataas ang determinasyon ko na makipaghiwalay. Maganda nga iyon para hindi na ako makarinig pa ng patutsada mula sa kanyang ina. Bigla akong nakaramdam ng pagod sa relasyon namin. Para bang naiisip ko na may pupuntahan ba ang lahat ng pagod kong ito? Para kasing hindi sapat. Kaya ako nagpapakahirap sa trabaho ay para maabutan si Zenon. Ngunit hindi ko akalain na dadating sa puntong ganito.
Parang gusto ko na ako naman!
Kailan ba ako huling nakaranas ng spa? ng manicure at pedicure? ng walong oras na tulog? I did all of this because I want to reach Zenon. Ngunit sapat ba? Ayokong dumating ang araw na mag-asawa na kami at pinag-aawayan pa rin namin ang paglalaro niya ng PlayStation. O kaya naman ang paghihilata niya sa sofa.
Bumalik si Zenon nang sumapit ang hapon. Mas malinaw na ang isip naming parehas. Mas kalmado na rin ako… at determinado.
Hinarangan ko siya na pumasok. “Why are you here?”
“Una, may karapatan ako dito sa tirahan natin? Baka nakakalimutan mo na ang kalahati ng resort na ito ay nakapangalan sa ‘kin? Titira ako sa kung saan ko gusto, okay? Pangalawa, walang bakanteng silid kaya kailangan kong tumuloy dito.”
Nagtaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Fine! Pero maghanap ka ng tutulugan dahil sa ‘kin ang kuwarto! Hindi ka na pwedeng pumasok doon dahil break na tayo!”
Pinakatitigan ako ni Zenon. Matagal siyang natahimik bago ako tinanong. “Seryoso ka ba talaga na makipaghiwalay sa ‘kin?”
Naging seryoso ako sa tanong niya. “Zenon, wala na tayong ginawa sa loob ng dalawang lingo na magkasama tayo kung hindi mag-away. Kapag mag-isa ako rito, mas ramdam ko ang kapayapaan. Kapag nasa trabaho ka sa Maynila, mas panatag ang loob ko. I want my time, Zenon. Napapagod na ako…”
Hindi ko nakita ang sakit na bumahid sa kanyang mukha. “Well, walang bakante rito sa resort kaya wala akong choice kung hindi tumira rito. Dahil bawal na ako d’yan sa kuwarto, akin itong sala! Huwag kang dadaan dito, ha?”
“At saan mo ako pararaanin?” agad na buwelta ko.
Nagkikiskis ang mga ngipin niya sa pagkainis sa akin.
“Fine!” Kinuha niya ang walis at ginamit ang yantok para gumuhit ng imaginary line sa sahig. “Dito ka lang pwedeng dumaan! Gets? Akin itong living room!”
“Paano ako gagamit ng CR?” tukoy ko sa nag-iisang palikuran na kailangan daanan ko ang kanyang lugar.
“Sa labas ka mag-CR!”
“Nahihibang ka na!”
“Leydell, hindi ako nahihibang. Ikaw ang nahihibang at ‘yang flat mong dibdib!”
“Kung flat ang dibdib ko, ‘yang dibdib mo ay parang… parang yantok!” Naka one-point yata siya roon. Bakit naman kasi yantok ang naisip ko?
“Heh! Negra!”
Kaya lang naman ako naging negra ay dahil dito ako sa tabing dagat nakatira. Ngunit hindi naman iyon pangit sa akin. Gayunman ay napuntusan ako ng kumag sa pang-aasar niyang iyon.
“Assh*le!” Wala na akong maisip kaya minura ko na lang ang hudyo.
“Bungangera!”
Nagsimulang maglandas ang luha ko sa pinaghalong galit at inis. “I hate you, Z! Ayokong makita ka rito mamaya!”
“Well, ayoko rin makita ka! Akala mo ba ay susuyuin kita? Mabuti nga ‘yon at wala na akong girlfriend na malakas humilik!”
“I hate you!” Isinara ko ang pintuan dahil sa sobrang galit. Mas nagwawagi ang pagkainis ko kay Zenon kaya naman desidido ako na huwag na siyang pansinin.
Pero punyemas na lalaking iyon! Naiisip ko pa rin kung paano na ang kanyang mahabang katawan sa sofa. Siguradong hindi siya kasya roon.