Zenon
MY SWEET little angel continued teasing me. Nakaangkla ang kanyang braso sa akin sa kabuuan ng oras ng egagement party. Wala man lang siyang ideya na naiwan na ang imahinasyon ko sa kanyang kahubdan sa ilalim ng mahaba niyang kasuotan. Oh, fvck!
This wicked woman! If no one was around, I might probably have drilled my d*ck inside her. Ilang araw na niya akong pinag-iisip sa bagay na iyon at heto nga at nagawa pa akong i-torture.
“Mabuti at nakapunta kayong dalawa rito,” wika ng pinsan ko. “Nandyan nga pala ang mommy mo.” Itinuro niya ang grupo ng aking ina sa isang mesa na kasama ang ilang miyembro sa pamilya.
“Should we go to your mom?” tanong ni Leydell kahit pa ramdam ko na hindi siya napalagay.
Tumango ako bilang sagot.
Nilapitan namin ang grupo ni mommy at saka siya hinalikan sa pisngi, ganoon din si Leydell. “‘Ma, hindi ko alam na pupunta ka rito. Si daddy?”
“Your dad said he’s busy at the office.” Nagkibit siya ng balikat. Kumuyom ang mga kamao ko.
Ha! Busy my ass!
Tiningnan niya si Leydell. “Kumusta ang resort ninyo? I can ask Jenna to help with your resort. She was good at managing business, son.”
Naramdaman kong humigpit ang kapit ni Leydell sa aking braso. I am affirmative that she was uncomfortable. “The resort was good po, Tita. Summer ngayon kaya marami kaming guest, but it was manageable.”
“I’m just helping,” simpleng sagot ni mommy.
“Iikot na muna kami, ‘Ma.” Hinila ko na si Leydell bago pa sumagot si mommy. Ang ilayo siya roon ang tangi kong magagawa. Tinungo namin ang wine bar at saka ako humingi ng dalawang kopita ng red wine para pakalmahin si Leydell.
“I’m sorry about that, love,” pagpapaumanhin ko sa kanya kasabay ng pag-abot ko ng alak.
Mabilis niya itong tinungga. “I’m fine. Don’t worry.”
“But she also has a point, right? Pwede tayong mag-hire ng general manager para lumuwag ang schedule mo.”
“No, Z!” mariin niyang tanggi. “Alam mong sa atin ang resort. Iyon ang bagay na mayroon tayo at ayokong makialam ang mommy mo ro’n. I can handle everything. Nakikita mo naman siguro na kinakaya ko. Sasabihin ko sa ‘yo kung talagang kailangan ko na ng tulong.”
“I’m sorry.” Inilapit ko siya sa aking bisig. Unintentionally, my hand touched her bum. It suddenly reminded me of her nakedness underneath. I caressed it in my most seductive way. Holy! Inilapit ko ang aking labi sa kanyang tainga. “Should we go out and play?”
Bumungisngis siya na halatang nakalimutan niya na si mommy. “Hindi pa tayo nag-i-stay ng thirty minutes, Z. Come! Let’s go dance!”
Wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa dance floor at humalo sa mga nagsasaya naming mga kakilala. Naroon ang mga pinsan ko, ang ibang mga kaibigan ng dalawang ikakasal. Panandalian ko munang kinalimutan ang pagtaas ng libido ko para samahan siya. Pero punyemas! Sa sobrang lapit naming dalawa, ramdam ko ang init ng kanyang katawan kaya naman para siyang pagkain na nakahanda pero bawal pang kainin.
I held her one hand. My other hand was pinching her waist while swaying together with her.
“I like your sent, love.” Waves caressed over my chest as I whispered those things in her left ear. “Could we please leave now? I really wanted to— you know—”
Hindi nakaligtas sa akin ang pagrolyo ng kanyang lalamunan kaya naman ginalingan ko pa ang paglalandi sa kanya. “I miss you so damned much! I wanted to taste what's underneath this blue dress, particularly the taste between your thighs.”
Lihim akong napangiti dahil naramdaman ko ang pagkapit niya sa aking kasuotan na para bang nanghina ang kanyang tuhod sa mga salita ko. Umangat ang kanyang paningin. Agad kong sinalubong ng halik ang kanyang labi. Wala na akong pakialam pa kung ano ang iisipin ng iba naming kaibigan. This is to show everyone that she was mine. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na pinagsaluhan namin.
“Hijo!”
Sabay kaming nagulat ni Leydell nang marinig namin ang tinig ni mommy. Mabilis kaming naghiwalay.
Naniningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming dalawa. Hindi niya pinigil ang kanyang sarili na pagalitan kami kahit naroon ang iba pa naming kakilala.
“Hindi na kayo nahiyang dalawa na maghalikan dito sa party. Party ito ng pinsan mo pero kayong dalawa ang kumukuha ng atensiyon.” Mahina lang ang kanyang boses pero rinig pa rin namin at ilan na naroon sa malapit. Tiningnan niya nang pailalim si Leydell. “Hindi na ako magtataka. Nagmana ka talaga sa iyong ina.”
Naikuyom ko ang kamao ko sa patutsada niyang iyon kay Leydell. “‘Ma!”
I love my mom so much, but what she said about Leydell was too much. Tulad ng inaasahan ay tumakbo si Leydell palayo.
“Leydell!” Hinarap ko si mommy. “‘Ma, akala ko ba ay nag-usap na tayo tungkol dito?”
“Bakit? Pinagagalitan ko lang kayong dalawa dahil masyado kayong PDA! Masama ba ‘yon?”
Inis na akong tinalikuran si mommy at lumabas na rin ng hall para hanapin si Leydell. s**t! Saan kaya siya nagpunta? Para siyang si Cinderella na tinakasan ang kanyang prinsipe. Iyon nga lang, panty ang iniwan niya sa akin at hindi sapatos. Naiiling na iwinaksi ko iyon sa aking isipan.
“May nakita po ba kayong babae na lumabas? Nakaasul na bestida?” tanong ko sa hotel staff na nakasalubong ko.
“‘Yong bagong labas? Doon siya nagtungo.”
“Salamat!”
Halos takbuhin ko ang daan na tinutukoy niya. Malayo iyon sa elevator kung saan paakyat sa suite namin kaya naman nag-alala akong lalo. Nagmadali ako para mapuntahan si Leydell. Nakita ko ang garden na sa palagay kong pinuntahan niya. Hindi nga ako nabigo nang makita ko siya roon na humihikbi habang nakatalikod sa akin.
“Love? I’m sorry…”
Nilingon niya ako nang bahagya. Oh, s**t! Her face was wet with tears. “Z, kung sasabihin ko ba na isa ang mommy mo sa dahilan kung bakit gusto kong makipaghiwalay sa ‘yo, magagalit ka ba sa ‘kin?”
My heart broke for her. Hindi ko siya masisisi. Pitong taon siyang nagtiis sa mga patutsada ni mommy, ngunit hindi ko naman pwedeng pagalitan ang aking ina. I am the only person she has. Especially now that my sister died last year, and dad was having an affair with another woman. Damn it! At least Leydell still has her mom.
“I’m really sorry, babe.” Ikinulong ko siya sa aking mga bisig at saka hinalikan ang kanyang sentido. Ramdam ko ang kapaguran sa kanyang mukha sa relasyon namin at isa ako sa mga dahilan nito. Maybe the breakup was right after all.
“Hindi na ako masaya, Z.” Humagulgol siya. “Sa loob ng ilang taon, wala na akong ginawa kung hindi ang abutin ka. Ginawa ko ang lahat para habulin ka. Nagpapakapagod ako sa trabaho para walang masabi sa akin ang mommy mo. Ngunit bakit pakiramdam ko, kulang pa rin? Gano’n ka ba kahirap abutin?” Alam ko na nasabi niya ang mga bagay na iyon dahil sa sobrang sama ng kanyang loob.
“Babe, hindi mo naman kailangang habulin ako. I am a nobody. Wala nga akong trabaho ngayon. Your cries don’t deserve me.” Mas lalong bumigat ang aking loob. Kung sana ay pwede kong sabihin kay Leydell ang lahat ng dinadala ko, kaya lang, hindi niya ito deserve.
“We will enjoy our time together from this day onward without thinking about the real score of our relationship. How’s that? Kung iyon ang makakakapagpasaya sa ‘yo para lang hindi mo maisip na kailangan mo akong intindihin at ang pamilya ko. I will help you in the resort. Leydell, subukan mong huwag intindihin ang ibang bagay. Hindi mo kailangan ng kabi-kabilang trabaho dahil lang sa mayaman ang pamilya ko.”
Alam ko ang tungkol sa bagay na iyon. Alam kong ginagawa ni Leydell ang lahat dahil malaking lamat sa pagkatao niya ang mga bagay na mayroon ako. That’s her biggest insecurity, ang magkabilaang sitwasyon ng estado namin.
I could eat, could buy things anything I want even if I’m jobless, but Leydell was different.
Nakapag-aral siya sa pribadong eskuwelahan dahil matalino siya. Nakapagtapos siya ng kolehiyo dahil scholar siya mula elementary. Iyon ang regalo niya sa kanyang ina na maagang nagbuntis. Hindi niya nakilala ang kanyang tunay na ama dahil ayon sa kanyang ina ay bunga siya ng one-night stand.
Ang kanyang ina naman ay tipikal na babaeng mahilig sa mga lalaking mapera.
Hindi ko masisisi si Angelica, iyon ang pinatatawag sa akin ng mama ni Leydell. Ayaw nitong tawagin ko siyang tita or auntie. She wanted me to call her Angelica.
Angelica was typically the woman who used her beauty to get what she wanted. Materialistic. Pero sino ba ako para punahin iyon kung nag-e-enjoy lang naman siya sa buhay? She deserved it! Ngunit hindi iyon nakaligtas kay mommy. Kinukutya nito si Leydell at si Angelica. Minsan na rin nitong pinagbintangan si Leydell na ginagamit lang din ako dahil anak ako ng mayamang pamilya.
We fought our relationship for years. Walang magawa ang mommy ko. At the end, kabi-kabilang trabaho ang isinagot ni Leydell sa kanya para lang patunayan na hindi siya mukhang pera o nahihibang sa relasyon namin.
Ang maisip na ginagawa niya ang mga bagay na iyon ay mainit na humahaplos sa aking dibdib, ngunit ngayon, naiisip ko rin na hindi iyon tama.
Dinukot ko ang tela sa aking bulsa. “Don't cry, baby. My heart is bleeding for you…” Pinunasan ko ang kanyang mga luha.
“What’s that?” tanong niya sa akin na ang tukoy ay ang bagay na ipinamumunas ko sa kanyang pisngi. “Z, that’s my panty!”