Kabanata 5

1860 Words
VLADIMIR'S POV "And that ends my presentation. Thank you gentlemen!" Nagpalakpakan ang lahat sa loob ng conference room. "That was good, son!" "Thank you, Mr. Chairman." Sagot ko at tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa akin. "Why so cold? Dad will do." Tuwang tuwa ito. "That's so unprofessional on your side, Mr. Ymperial." Sagot ko at nag-umpisang iligpit ang mga files na ginamit ko. "I'll do it, Sir." My secretary immediately took over. "My point is, you did great. Congratulations!" He tapped my back and whispered contentedly. "Looking forward to working with you, Mr. Tanyag." Inilahad ko ang kamay ko sa bagong investor walking our way. "Same here, Mr. Vladimir. That was really good." Sagot nito at masayang tinanggap ang kamay ko. "Your son is amazing, Mr. Ymperial." Baling nito sa ama ko at nakipagkamay rin dito. Bumati at nakipag kamay ako sa iba pa hanggang sa nakalabas na lahat ng investors at staff nalang ang natira at inaayos ang mga dapat ayusin. "See, everyone was satisfied. Good job, son." Muling ulit nito. "Then congratulate Kaiser instead. It's his business plan. I just presented it on his behalf." Nilibot ko ng tingin ang paligid to see who else is still in the room at nagtama ang mga tingin namin ni Lukov. Agad naman niyang binawi ang tingin sa akin at sumunod sa head niya na lumabas na ng silid. "Come on. Take the compliment. I'll congratulate your brother later." "What's your plan for Lukov?" Pag-iiba ko sa usapan. "That kid still has lots of things to learn." Sagot niya. "He is not growing in the planning department. Maybe it's time to give him something more challenging." Para tigilan na rin niya ang pangungulit sa akin. "If he doesn't grow there, then he won't kahit san mo pa siya ilagay." Madiing sagot nito. "But-" "You and Kaiser started there as well, and you all turned out fine." Pagputol niya sa akin. Hindi na ako sumagot. "Make sure to treat the staff that was present here today." He cleared his throat, at nilibot ng tingin ang paligid. "Oh, and your new secretary did great. The presentation went smoothly thanks to her attentiveness and efforts as well. You two were in sync." Napatingin ako sa kanya na tapos na sa ginagawa. She did great indeed. I thought this would be her last day when I saw how disoriented she looked this morning. "And welcome back, son." He patted my back again at lumabas na ng conference room. I wanted to tell him that I'm only staying for two months, that I'm not back for good. Pero ayokong humaba pa ang usapan. I started to walk out of the room too when Ms. Madrigala stood behind me. "Make a reservation for all the staff present this afternoon." I instructed as we walked back to my office. "Ikaw na ang bahalang pumuli sa restaurant na pupuntahan." "Sasama po ba kayo, Sir?" She asked. "No. But tell them they did a good job." Sagot ko. "Make me a coffee." Pahabol kong sabi bago pumasok sa loob ng opisina ko. "Yes, Sir." Since nothing more is scheduled for me, umupo ako sa couch, rested my head at napapikit. Buti nalang at naging maayos ang resulta. Or else masasayang ang pinaghirapan ni Kaiser sa project na to. Siguro dahil sa stress kanina ay nakatulog ako sa couch. It's been years since the last time I did a presentation like that in front of the Chairman, other members of the board, and the investors. Napatingin ako sa orasan. It's almost 8pm. Damn it, that was a good nap. The cup of coffee that I asked for earlier is on the table and has already turned cold. A few more minutes at lumabas ako ng opisina only to find out that my secretary is still there. Mukhang nagulat din ito ng makita ako. "Good evening, Sir." She greeted. "What are you doing here? Bakit wala ka sa dinner para sa mga staff?" Iniabot ko sa kanya ang baso ng malamig na kape. "Baka po kasi may kailangan pa kayo, kaya nagpaiwan po ako. But everything is settled, at naireserve ko silang lahat sa isang restaurant as you ordered. Kakaalis lang nila 30 minutes ago. Maraming salamat daw po, Sir Vladimir." She took the cup and cleaned it. Muli akong napatingin sa orasan. It's now 8:15pm. And I'm hungry. "Do you have anything scheduled after work?" Tanong ko ng bumalik siya sa reception area. "Nothing, Sir. May ipapagawa po ba kayo?" She asked. "Come with me." Lumapit ako sa elevator. "P-Po?" She panicked and grabbed her bag. Bumukas na kasi ang elevator and I'm holding it open for her. YVAINE'S POV Oh my goodness! Sinama ako ng boss ko for dinner. I'm so hungry. Simula ng matapos ang project presentation kanina ay puro kape lang ang laman ng tiyan ko. "You don't like the food?" He started a conversation. "Hindi po, ang sarap po ng pagkain." Gusto ko na nga isubo lahat sa bibig ko pero kailangan kong maging presentable. Mahinhin kunwari sa pagsubo ng pagkain kahit gutom na gutom na. At medyo naiilang din ako na kumain na kasama siya, at sa isang mamahaling restaurant pa. He said it's because I did a good job earlier. When he said that I did a good job, sapat na sa akin yun. The dinner is just a bonus. Ang saya ko. Habang sumusubo ng pagkain ay pasimple kong nilibot ng tingin ang paligid for the nth time. Sobrang gara talaga ng restaurant na ito, at maging ang mga kumakain din, halatang mayayaman. Niyaya din ni Sir Vladimir ang driver niya na sumama sa loob, pero tumanggi ito kasi kakain daw sya ng balut sa labas. Nagbiro pa ito na baka masanay na daw siya sa mamahaling pagkain dahil parati itong sinasama ng boss ko. Pasimple akong tumingin kay Sir Vladimir. Is he really the terror boss everyone talks about? The devil incarnate? Well, he does have an attitude, but he doesn't seem that bad like what everyone says. Syempre, magagalit ka talaga if palpak ang trabaho ng sinasahuran mo, tulad nung nasermonan nya ng husto ang CFO sa meeting, but other than that, yung exaggeration ng mga tao kapag pinag-uusapan siya, parang hindi naman siya ganun. No, wait! Hindi ako dapat maging kampante at baka masamplolan ako ni Sir. Matapos kumain ay nagpaalam muna akong magbabanyo, tutal hinihintay pa naman namin yung take out para sa driver niya. "Hoy, Yvaine!" Nagulat ako ng biglang may tumawag sa akin. Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. "Mica?" She walked towards me. "What are you doing here? At bakit kasama mo si Sir Vladimir?" Agad na usyoso nito na akala mo ay nasa interrogation room. "I don't think I have to answer that." Papasok na sana ako sa banyo, but she grabbed my arm. "Ang yabang naman nito!" Nagtaas siya ng boses. Mayabang? Pano naging mayabang yun? Tama naman na hindi ko siya kailangang sagutin for that. Isa pa hindi kami close. Nung una ay akala ko magiging magkaibigan kami dahil magkasing edad kami at halos sabay lang natanggap, nauna lang siya ng tatlong araw. I've been working with her for 6 months in my previous department, but she's the person that made my office life terrible. She's also the reason why I almost lost my job. She was the one responsible for that files, pero mali ang ipinasa niya, which affected the work of two other departments, and then the blame was put on me. Pero ayaw maniwala ng department head namin. "Babe, there you are." Bigla nalang may lalaking humagit sa bewang ni Mica, na bahagya kong ikinagulat. The person that called her babe is a late middle aged man, at kung huhulaan ko ay parang nasa 50's na ang edad nito. I saw how Mica's face turned pale. "Ah ano kasi, cr lang ako. Hintayin mo nalang ako sa labas." Natatarantang sagot ni Mica sa lalaki. Whatever, I don't care about her personal life. "Anong tinitingin tingin mo!" Baling agad niya sa akin ng nakaalis ang kasama niya. "Alangan namang sa kisame ako tumingin, malamang nakaharap ako sayo!" Inis kong sagot. Sasabog na pantog ko ano ba! "Wag mong ipagkakalat ang nakita mo ha!" Banta niya at humarang sa pinto ng banyo. "I don't even care, Mica!" Jusko nasa kadulo duluhan na yung ano ko, lalabas na. "Sabagay, look at you, pinopormahan ang boss natin. Nagbabakasakali ka siguro na patulan nya." She crossed her arms. "Mica, jusko hindi ako pumapatol sa gurang! Hindi ako katulad mo!" I don't want to say it, pero naiinis na ako sa ginagawa niya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Her jaws dropped, but a weird smirk followed, pero wala na akong paki. Hindi na talaga kaya. At masyado na akong matagal, baka magalit na si Sir Vladimir. I pushed her out of the way at pumasok na sa loob ng banyo. Oh gosh, buti nalang at may suot akong panty liner. Pagnagkataon ay may mapa na ng Pilipinas ang panty ko. At buti nalang din ng lumabas ako ay wala na si Mica. Pero ng bumalik ako sa table namin ay wala na si Sir Vladimir. Hala, eto na nga ba ang sinasabi ko eh! Nilibot ko ng tingin ang paligid, and I saw him standing at the entrance door. Kumaway siya ng makitang nakatingin ako sa kanya. Nang makalapit ay ibinigay niya ang bag ko. "S-Sorry, Sir. Medyo mahaba ang pila." Pagpapalusot ko kahit ang totoo ako lang ata ang nasa loob ng cr kanina. Hindi siya umimik, pero mukha namang hindi siya galit. For the second time ay pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. "Sir, magcocommute nalang po ako. Gabi na, I'm sure pagod na po kayo." "What kind of man would let a woman go on her own, as you said, gabi na." He tilted his head in the direction of the open car door. Sa hiya na mas lalo kaming nagtatagal dahil sa akin ay pumasok na ako. "Manong, food for you and your family." Inabot niya sa driver ang paper bag ng takeouts. "Naku, Sir! Nag-abala pa kayo! Salamat po!" Sagot nito na abot tainga ang ngiti. Matapos sabihin ang address ko ay umalis na kami. Almost 30 minutes din bago namin marating ang village kung san ako nakatira. I insisted na sa kanto lang ako bababa para hindi na sila mahirapang magbacking, pero hinatid nila ako hanggang sa tapat ng inuupahan ko. Agad kong naalala si Austin. Napalingon ako to check for a red Chevrolet, pero walang ibang nakapark na sasakyan sa labas. I was so relieved. Muntik ko pang makalimutan ang tungkol sa kanya. "Thank you so much for the dinner, Sir Vladimir." Pagkababa ay agad akong nagpasalamat. "Did you enjoy it?" He asked through the half opened window of his car. "Yes, I did." Tumango ako ng maraming beses at nakangiti ng sobra. "That's good. I'm glad you enjoyed eating with this gurang." And the last thing I saw before the window rolls up is his smirk. Napanganga ako sa gulat. He heard me? I gasped. Oh my god, narinig nyang tinawag ko syang gurang?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD